Kung mahilig ka magpalit or magupgrade ng disk drive mo, iwasan mong itapon nalang or ibigay sa iba or magbenta ng drive na ginamit mo na,
ito ay dahil maari itong marecover , ng taong pinagbigyan mo, gamit ang ibat ibang uri ng recovery software, kaya importanting burahin mo din ito gamit ang software din, isa din ito sa dahilan kung bakit ang iba ay binabaklas ang mga hard drive bago e-dispose.
Pero ang isang suggestion ko sa inyo lalo na sa mga iba na mahilig mamigay ng pinaglumaan iwasan nyo nalang itong ipamigay, dahil hindi natin alam ang isip ng iba baka mamaya, since alam nya nasa crypto ka, subukan nyang erecover ang mga files at may makuha siyang importanting data duon.
bakit ko ito sinasabi at pinapaalala, dahil isang pagkakataon lang at meron tayong inilagay na seed duon at iyon ang may laman, wala na tapos na agad ang boxing.
Ito naman ay suggestion ko lang, pero isa din itong babala dahil di natin alam ang maaring mangyare, dahil nga sa nagiimprove ang technolohiya nagkakaroon din ng paraan na marecover and mga nasa drive kahit ito pa ay binura mo na, although ang alam ko pwede mo din itong eencrypt, pero meron nading pangdecrypt ng files sa pagkakaalam ko.
sana makatulong ito sa iba na hindi pa aware.
Ako naka change drive din dati for upgrading purposes aside from RAM, graphics card, etc. Pero never in my life nabigay ko sa iba yung drive ko.
Until now andito pa rin sa akin at hindi ko ito itapon pero itago ko lang sa archives. Aware din kasi ako about recover software or such if gamitin ng mga bad actors without knowing na andun pala iba mo na important confidential files.
Kaya super yes agree ako dito.