Author

Topic: interesado ba kayo sumali sa 🥧 1st edition - Bitcointalk Pie Baking Contest 🥧? (Read 147 times)

sr. member
Activity: 2618
Merit: 439
Hindi basta basta ang halaga ng mga baking equipment meaning kung hindi ka talaga baker at bibili ka lang para mag partake dito eh mukhang mabigat na task yon lol, tsaka sating mga Filipino eh medyo hindi pa ganon ka expose ang baking sa mga house hold , lumalabas na special skills pa din to or kailangan ng schooling para matutunan though ang totoo eh nasa YouTube university na ang lahat.
kung sana marunong lang kahit misis ko mag bake , surely sasali kami dito .
full member
Activity: 305
Merit: 107
I'm going to eat your cookies
Ano ba yung magandang gamitin na pang bake? Meron bang pie na parang Pillsburry lang tapos ibabake na lang siya directly? Tapos magbabase na lang siguro sa shape? Ang lapit na ng Pi day eh.

Maganda din siguro ipost niyo dito yung mga ginawa nyo? Para lang mainspire din yung mga tao dito?

Maybe a link na lang din and summarize it, pwede siguro.
legendary
Activity: 3052
Merit: 1281
Interesado sana kaso walang gamit.  Just for fun lang sana since wala naman akong skill for baking, ang gagawin ko lang ay sumunod sa tutorial sa youtube on how to bake a pie then do some modification according sa theme ng contest.

Kung may skills lang ako sa pagbabake why not, malay mo swertehin ka sa pagsali dito pero kung binigyan nila ng other option like crafting using other raw materials just like on a pumpkin contest, I think it can be more attractive.

Let’s just see nalang kung sino ang mananalo, pero hopefully makakita tayo ng maraming pinoy participants so they can cheer them and support them as well.

Ok lang yan kahit walang skill meron namang tutorial online eh basta meron kang gamit madali na lang ang mga susunod na proseso.  Sa mga participant so far, nagustuhan ko iyong design ni Agbe, pulido kasi pagkakadesign nya ng BTC.
full member
Activity: 2128
Merit: 180
Kung may skills lang ako sa pagbabake why not, malay mo swertehin ka sa pagsali dito pero kung binigyan nila ng other option like crafting using other raw materials just like on a pumpkin contest, I think it can be more attractive.

Let’s just see nalang kung sino ang mananalo, pero hopefully makakita tayo ng maraming pinoy participants so they can cheer them and support them as well.
legendary
Activity: 1904
Merit: 1563
Nung nakaraan Pizza[1] at Pumpkin[2] contest eh kaso yun nga hindi rin madalas magluto dito ng mga ganyang pagkain. Pero kung gugustuhin, there are plenty of "pie baking" tutorials sa youtube naman. Hindi rin naman basehan kung masarap o hindi, basta kapag maganda yung design mukha na ring masarap (kahit minsan hindi) LOL.

Pro tip: You can seach "pie designs" sa youtube para magka idea kung may sasali man.

[1] https://bitcointalksearch.org/topic/bitcointalk-halving-party-discord-server-5247383
[2] https://bitcointalksearch.org/topic/--5416347
jr. member
Activity: 85
Merit: 3
Okay sana sumali kahit participation lang pero wala e, walang skills at talent mang luto i mean mag bake, so a big pass na lang muna.

Same sakin pre, lalo na sa bitcoin talks to panigurado big time mga prizes dito. Nagbabalak nga ko since naturuan ako ng nanay ko mag baked ube pandesal nga lang alam ko kaso sa tingin ko more on design sa baking hahanapin nila diyan yung mas maganda tignan sa mata. Masarap pa naman gawa ko na ganon bentang benta. Pag more on designing kasi alam ko magastos kesa sa pandesal.
legendary
Activity: 1554
Merit: 880
Wallet transaction notifier @txnNotifierBot
Okay sana sumali kahit participation lang pero wala e, walang skills at talent mang luto i mean mag bake, so a big pass na lang muna.
Sa mga skilled bakers dyan di naman ata mahal mga ingredients pero yeah siguro. At advance congrats sa lahat ng sumali.  Smiley

PS. Sabihan ko si misis baka pwede makahingi ng tulong, kahit youtube isda key.
hero member
Activity: 2282
Merit: 795
I mean, why not diba? Kapag nanalo ka, meron kang BTC as prize dito tapos may mga merits din na potentially pwede mo makuha in the process. Ang problema nga lang, hindi ako marunong mag bake at wala akong background sa kahit anong culinary skill. Medyo tempted nga ako na ipagawa ito sa kaibigan ko na chef pero siguro hindi worth it na dayain ko yung ganito for the sake of money and glory.

Siguro in the future kung may mga similar na projects na ganito, sasali ako. Naalala ko dati may contest din dati sa pag carve naman ng pumpkin and kung ano-ano pa kaya siguro mag aabang na lang ulit ako for the meantime.

Kung may mga plan kayo sumali, sumali na kayo! BTC prize and may merits din na kasama guys!
copper member
Activity: 2800
Merit: 1179
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
Interesado sana ako dito kaso lang ay wala akong skills sa baking same sa asawa ko kahit na may oven kami na pang bake. Mostly ginagamit lang namin ang oven sa pag init ng pizza left over.

Ayos din yung ganitong contest na salihan dahil sa prize at merit na din kung gusto nyo magpa rank ng mabilis dahil generous ang merit source na magbigay ng merit sa mga ganitong event. Nagkataon lang na ang contest na ito ay hindi natural sa ating mga pinoy dahil puro rice ang niluluto natin unlike sa western country na pies ang kadalasan na dish.

Sana mayroon mga sumali na pinoy dito para di masayang yung opportunity na makagain ng merit.

BTW, ayos yung entry mo na egg pie. Super favorite ko yan bilhin sa local bakery dito samin or goldilocks. Solid! Sana manalo ka bro.
legendary
Activity: 2562
Merit: 1119
share ko lang baka may interesado sainyo na sumali sa contest(🥧 1st edition - Bitcointalk Pie Baking Contest 🥧) na ginawa ni RickDeckard, nakita ko lang kahapon, hanggang march 14 na lang ang submission ng entries para sa contest. maym ga premyo din check nyo na lang yung link if interesado kayo.




Welcome to the first edition of the Bitcointalk Pie Baking Contest!
See it in your local board: French | Romanian | Spanish | Turkish
Jump to: