Author

Topic: Interesting Stats 24 Hours after Bitcoin has Halved (Read 382 times)

full member
Activity: 1028
Merit: 144
Diamond Hands 💎HODL
Sa tingin ko hindi naman longterm itong pag-taas ng network fees and dahil na rin siguro sa anticipating ng Halving kaya lumobo ito, hintayin lang natin mag-normalize ulit ang total hash rate ng Bitcoin as well as yung network activity para makita natin kung talagang na-apektuhan yung network fees ng halving.
Mukhang pabalik na nga tayo sa normal state bumababa na yung total unconfirmed transactions. Nakalimutan ko rin yung compensation galing sa difficulty change dahil sa pag baba nung hash rate. Isang difficulty change pa siguro ang kailangan natin para maging fully balance kasi nung isang araw ang mahal nung recommended transaction umabot ng .00035 . Baka malas ko lang talaga sa oras, pansin ko kasi ngayon pa burst yung pag litaw ng blocks minsan sampung block sa isang oras tapos aabutin ng halos dalawang oras yung kasunod.
Nitong nga nakaraan dahil sa pandemic lumalabas madalas ang pag burst at pahlitaw ng nga blocks, kadalasan mga ilang blocks lang sa isang oras pero nitong nakaraan mga sampu na sa looc lang ng isang oras. Gumaganda naman na ang mga unconfirmed transactions kaya naguging stable na ngayon, nalalapit naman na siguro ang pagbabalik ng lahat ng bagay sa normal. Alam ko naman na hindi magtatagal ang ganitong sitwasyon, kailangan lang talaga natin na maging mapagpasensya lalo na sa paghihintay. Minsan sa mga transactions nahihirapan rin ang marami, sa isang transactions may recommended amount, last time 0.00035 yung range nila.
legendary
Activity: 3374
Merit: 1922
Shuffle.com
Sa tingin ko hindi naman longterm itong pag-taas ng network fees and dahil na rin siguro sa anticipating ng Halving kaya lumobo ito, hintayin lang natin mag-normalize ulit ang total hash rate ng Bitcoin as well as yung network activity para makita natin kung talagang na-apektuhan yung network fees ng halving.
Mukhang pabalik na nga tayo sa normal state bumababa na yung total unconfirmed transactions. Nakalimutan ko rin yung compensation galing sa difficulty change dahil sa pag baba nung hash rate. Isang difficulty change pa siguro ang kailangan natin para maging fully balance kasi nung isang araw ang mahal nung recommended transaction umabot ng .00035 . Baka malas ko lang talaga sa oras, pansin ko kasi ngayon pa burst yung pag litaw ng blocks minsan sampung block sa isang oras tapos aabutin ng halos dalawang oras yung kasunod.
hero member
Activity: 1680
Merit: 655
Nagbabalak sana akong bumalik sa pag mimina ngayung wala na akong ibang  choice maliban  na lamang dito, no work no pay kasi and ang  hirap talagang umaasa sa gobyerno sa ayuda. Inaantay ko na lang ang iba pang gamit pang mina at try ko ulit since mababa lang naman ang koryenteng babayaran ko, halos zero nga kaya isususgal ko na sa mining ang konti ko pang savings. Sa ngayun naghahanap ako sa mga legit sellers na mag shuhutdonw ng kanilang rigs dahil sa halving, tityempohan ko na lang na bagsak presyo sila para mabawa agad ang ROI.

If titignan mo yung mga posts dito sa thread na ito makikita mo pinag-usapan na namin yung profitability ng Bitcoin mining para sa mga small players, ever since nangyari yung second halving which is nung 2016 pa nakita na ng mga miners na may small operations na hindi na ideal para ipag-patuloy yung kanilang mga operasyon keep in mind ito yung mga tao na nag-papatakbo ng mga GPU as miners as well as mga naka ASIC miners na mga nasa 10 or below yung kanilang mga rigs, hindi na nila nakita na kumikita sila ever since nangyari yung second halving paano pa kaya na 6.25 BTC nalang ang block rewards para sa mga miners natin. Sobrang laki ng kompetisyon para dun ang mga makakalaban mo ay mga big mining pools katulad ng Poolin, F2Pool, at Antpool sadyang as a single person hindi ka talaga kikita sa Bitcoin mining ngayon.

To give you a perspective gumamit ako ng calculator para makita mo kung magkano yung ilulugi mo sa mining.

Code:
Mining Rig : Bitmain Antminer S17+ 
Hashrate: 73 TH/s
kWH Charge: 10₱/kWH (Assuming your monthly bill is 9,964₱)
Kilowatt per hour charge is based on the latest rate of Meralco


Kung titignan mo yung daily running operations mo sa mining rig makikita mo na gagastos ka ng 363₱ at wala kang kikitain sa mamimina mong BTC, sa kabuuan nasa 6974₱ ang magiging luge mo sa isang buwan. Not unless if yung bahay mo gumagamit ng renewable energy wala ka talagang kikitain sa magiging balak mong mining operations, also electricity cost palang ito wala pang mga unforeseen cost para sa mga maintenance o breakage ng mining rig. Mas mabuti pang i-gastos mo nalang sa iba yung capital mo dahil wala kang kikitain dito.
full member
Activity: 1344
Merit: 110
SOL.BIOKRIPT.COM
Nagbabalak sana akong bumalik sa pag mimina ngayung wala na akong ibang  choice maliban  na lamang dito, no work no pay kasi and ang  hirap talagang umaasa sa gobyerno sa ayuda. Inaantay ko na lang ang iba pang gamit pang mina at try ko ulit since mababa lang naman ang koryenteng babayaran ko, halos zero nga kaya isususgal ko na sa mining ang konti ko pang savings. Sa ngayun naghahanap ako sa mga legit sellers na mag shuhutdonw ng kanilang rigs dahil sa halving, tityempohan ko na lang na bagsak presyo sila para mabawa agad ang ROI.
hero member
Activity: 1680
Merit: 655
~snip
Parang tatagal pa yung problema natin sa fees tuluyang bumaba yung hashrate according sa bitinfo nasa 86-103 exahash tapos sa btc.com 95 exahash yung average. Sobrang taas ng regular transaction fee kanina parang pumalo sa 50k satoshis yung huling transaction ko pero kahapon nasa 20k. Ngayong umaangat ng konti yung presyo parang senyales ito na aakyat yung unconfirmed transactions sa 100k.  

*May 16 Charts update 5 days after the Halving

Bitcoin Mining Total Hash Rate

Bitcoin Mining Total Hash Rate from May 11 to May 16
Code:
May 11 - 125.69 TH/s
May 12 - 116.884 TH/s
May 13 - 95.268 TH/s
May 14 - 91.265 TH/s
May 15 - 100.072 TH/s
May 16 - 100.872 TH/s

Average Transaction Fees in USD

Average Transaction Fees in USD from May 11 to May 16
Code:
May 11 - 2.547$/transaction
May 12 - 2.789$/transaction
May 13 - 3.305$/transaction
May 14 - 5.208$/transaction
May 15 - 4.955$/transaction
May 16 - 3.435$/transaction

Number of Confirmed Transactions per Day (in thousands)

Total Confirmed Transactions per Day from May 11 to May 16 (in thousands)
Code:
May 11 - 321.91k
May 12 - 319.015k
May 13 - 321.321k
May 14 - 316.093k
May 15 - 305.063k
May 16 - 303.776k

Tandaan na hindi lang total hashing power ang nag-dedetermine sa presyo ng network fees sa Blockchain, malaking factor din yung dami ng transactions kada araw at yung number ng users na willing to pay ng mas mataas ng transaction fee para mas ma-prioritize yung transaction nila. Kung titignan mo yung mga charts na binigay ko during May 11- May 14 kaya tumaas yung average transaction fee dito eh kasi sabay na bumaba yung total hash rate natin at the same time madami pa ding Bitcoin transactions na nangyayari, ang naging resulta nito tumaas yung network fees parang demand and supply ang nangyari. Demand (number of Users doing Bitcoin transactions) and Supply (Total Hash Rate) so pagka tumaas yung tao na may Bitcoin transaction habang bumababa yung total hash rate ay sure na magreresulta sa pagtaas ng network fees. Pero looking sa last two days ng chart (May 15 - 16) makikita naman natin na bumababa na ulit yung network fees gawa na din ng konti pag-taas ng total hash rate as well as ang pag-baba ng nangyayari na transactions sa Blockchain. Sa tingin ko hindi naman longterm itong pag-taas ng network fees and dahil na rin siguro sa anticipating ng Halving kaya lumobo ito, hintayin lang natin mag-normalize ulit ang total hash rate ng Bitcoin as well as yung network activity para makita natin kung talagang na-apektuhan yung network fees ng halving.

legendary
Activity: 3374
Merit: 1922
Shuffle.com
Malaking part yung hindi ko maintindihan, pero bukod doon panu yung mga sinasabi na small scale miners?
anu na gagawin nila do they still continue the business kahit medyo malaki ang mawawala?
 tama ba ako sa statement ko? kasi parang na curious ako.

at mali ba ako sa part na inaakala ko na nakakapag produce ng bitcoin through mining rigs?software? hardwares? sorry di ko alam mining  Grin Grin Grin
Unlikely na magpapatuloy yung mga miners dahil hirap na sila mag break even sa mga gastusin at nabawasan pa yung reward kada block meaning less efficient na yung mga mining rigs nila. Kailangan umakyat ng presyo para maka compensate sa halving pero alam naman natin unpredictable nung mga galaw ng presyo kaya mas mabuti na magsara sila kaysa makipagsapalaran.

Tama yung binanggit mo about sa bitcoin mining kailangan ng both hardware and software bago sila makapag mine ng bitcoin.
member
Activity: 505
Merit: 35
Malaking part yung hindi ko maintindihan, pero bukod doon panu yung mga sinasabi na small scale miners?
anu na gagawin nila do they still continue the business kahit medyo malaki ang mawawala?
 tama ba ako sa statement ko? kasi parang na curious ako.

at mali ba ako sa part na inaakala ko na nakakapag produce ng bitcoin through mining rigs?software? hardwares? sorry di ko alam mining  Grin Grin Grin
Nalulugi ang mga miners dahil bumaba ang btc na maaari nilang mamina. Since ang electric power consumption ng mga miners ay malaki at yung mga mining rigs na binili ay napakamamahal, probably mawawala sila ng profit. Kaya nagsisialisan ngayon ang mga small scale miners.

Actually, wala din akong idea jan dahil di ko binalak bumili ng mga rigs pero nagbabasa din ako ng info about mining kaya medyo relate kung bakit sila ngayon nagsisialisan at halos mawalan ng kita dahil sa bitcoin halving.
member
Activity: 486
Merit: 27
HIRE ME FOR SMALL TASK
Malaking part yung hindi ko maintindihan, pero bukod doon panu yung mga sinasabi na small scale miners?
anu na gagawin nila do they still continue the business kahit medyo malaki ang mawawala?
 tama ba ako sa statement ko? kasi parang na curious ako.

at mali ba ako sa part na inaakala ko na nakakapag produce ng bitcoin through mining rigs?software? hardwares? sorry di ko alam mining  Grin Grin Grin
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
~
It's a good thing that you brought this up dahil may natatandaan ang issue about dito. Politicians and environmentalist always point out that Bitcoin mining o crypto mining are "waste of enegy" o nakaka-dulot ng polusyon but they always fail to point out na madami ng crypto miners gumagamit ng renewable energy para sa kanilang mga operasyon. Also if ikukumpara natin yung mga ibang sources ng polusyon katulad ng mga factory, kotse, at food production di hamak na mas mataas yung nako-contribute nila sa polusyon ng mundo.
Yeah, kagaya nila, marami sa mga non-miners ang hindi na updated unfortunately. If we read mining related posts and comments across the forum, mostly sa kanila ay tungkol pa din sa mataas ang cost of mining dahil sa electricity consumption.   

~
Ewan ko ba baka nag-hahanap nalang sila ng rason to oppose Bitcoin o sadyang wala lang silang alam sa crypto industry kaya bato lang sila ng bato ng mga statement nila na walang basis.
Propaganda of course. Maraming tao pa din ang mga tamad sa research para ma-verify yung mga nababasa nila kaya it's always easy for these anti-bitcoin groups to sway public opinions.
legendary
Activity: 3374
Merit: 1922
Shuffle.com
Grabe naman yung hindi makatarungan hahaha, I just gave a chart showing kung gaano kataas yung fees last 3 years ago kaya hindi na din ako maka-reklamo sa tinaas nya ngayon. Like I said temporary lang ito and this might be due of the temporary lost in hash rate combined with a lot of users willing to pay a higher fee. Lahat ng ito magiging normal din in a short period of time. Sobrang baba pa din ng fees ng Bitcoin if ikukumpara mo talaga sya dati. If hindi kaya mag-bayad ng mataas na transaction fee I would suggest na gumamit nalang ng mga TX Accelerators, here is a guide from Zepher which I will always remember.
Parang tatagal pa yung problema natin sa fees tuluyang bumaba yung hashrate according sa bitinfo nasa 86-103 exahash tapos sa btc.com 95 exahash yung average. Sobrang taas ng regular transaction fee kanina parang pumalo sa 50k satoshis yung huling transaction ko pero kahapon nasa 20k. Ngayong umaangat ng konti yung presyo parang senyales ito na aakyat yung unconfirmed transactions sa 100k.  
hero member
Activity: 1680
Merit: 655
As expected, small miners will forcely to shutdown their rigs due to decreasing of their revenues. How I wish to set-up mining rigs pero as I see how it kills small miners from cost. Parang hindi ko na babalakin pumasok bilang miner ng BTC.



The days of GPU crypto mining are long over now ever since nangyari yung pangalawang halving ng Bitcoin hindi na nakita ng mga gpu crypto miners natin na profitable yung operations nila dahil na din kulang yung hashrate output ng mga GPU mining rigs nila kumpara sa cost na natatanggap nila. Senyales na yung pagbaba ng mga graphics card sa merkado na nagsasabi na din na may nawalang demand dahil sa crypto mining. The above price chart shows yung price trend ng Radeon RX 580 which is one of the popular choice when it comes to crypto mining from around 300$ nung 2018 naging 200$ nalang sya at present. Now ang tanging use nalang ng mga gpu natin is para makapaglaro ka nalang talaga at hindi mag-mine ng cryptocurrencies. Kaya tama yung desisyon mo na hindi na tumuloy mag-mine dahil hindi ka talaga kikita lalong lalo na naka-experience na ng pangatlong halving ang Bitcoin. If may pera kang na-ipon para mag-mine ng crypto I would suggest na mag-trade o invest ka nalang ng cryptocurrencies which is more ideal for us na late adopters.


Historically speaking, hindi nagkaroon ng major cause ang bitcoin halving back when 2016. But the ATH of bitcoin reached after a year. Yung 2017 bull run season. So, as we look at the DNA of bitcoin. During bitcoin halving, bitcoin price just going sideways. But a month or a year after, we will all see how the price becomes aggressive.

That is a positive insight to the value, but if we look at the interaction of miners and traders. Malaki na namang adjustments ang gagawin para maging stable ang transactions. Kung mawawala ang napakaraming small miners, assume that fees will increase and later on, price will follow the same.

Medyo conservative ako when it comes to predicting the price movement of Bitcoin, kasi never kong ginamit na basis ang historical price movement ng Bitcoin and treat it na mangyayari ulit ito, medyo wala kasing sense yung magiging assumption mo pag ganun ka mag-analyze. Tama ka na nangyari yung bull run after a year from halving pero hindi mo naman masisigurado na ganyan din mangyayari during this time kasi iba naman yung sitwasyon ngayon kumpara dati. Most safest way para hindi ka matalo sa trade mo is wag ka gumawa ng prediction ngayon and just monitor the situation closely, wag ka maging komfortable dahil may nangyaring bull-run a year after halving.

Dun talaga ako sa Fees na-aburido, damang dama ko yan eh... Hindi makatarungan tapos expect ko pump tayo kabaligtaran ngyari, mapanlinlang talaga sa crypto, di ko akalain na kabaligtaran pa ang mangyayari kung kailan makakalahati na ang mamimina after ng halving.
Tulad nga ng sabi ng iba parang kalimitan lang ang pangyayari parang walang ngyaring halving IMO, tanging Miners lang siguro ang makakadama nito ng husto.

Grabe naman yung hindi makatarungan hahaha, I just gave a chart showing kung gaano kataas yung fees last 3 years ago kaya hindi na din ako maka-reklamo sa tinaas nya ngayon. Like I said temporary lang ito and this might be due of the temporary lost in hash rate combined with a lot of users willing to pay a higher fee. Lahat ng ito magiging normal din in a short period of time. Sobrang baba pa din ng fees ng Bitcoin if ikukumpara mo talaga sya dati. If hindi kaya mag-bayad ng mataas na transaction fee I would suggest na gumamit nalang ng mga TX Accelerators, here is a guide from Zepher which I will always remember.

It would be interesting to see also kung ilan sa mga small miners ang nagsara this time pero given na hindi masyadong bumagsak ang hash rate, it is enough to say na insignificant na yun.

Lumalabas din na mas maraming minero ang mas nakapaghanda ngayon kaya hindi na nila kinailangan mag-shutdown. Kahit na bumaba pa ang reward, nakagawa naman sila ng paraan para bumaba ang cost of electricity na siyang pangunahing gastos sa pagmimina. Kumbaga nakahanap ng paraan at naging mas efficient na sila ngayon. Ewan ko kung ilang porsyento ng mga current miners ang gumagamit ng green energy ngayon pero papunta na siguro lahat dun. May report noong 2019 na 74% ang gumagamit ng renewable energy - Bitcoin Mining Is Shockingly Mostly Powered by Green Energy

Meron pang mga bago:

Atlas Holding LLC, the private-equity firm that runs the operation, has installed some 7,000 crypto mining machines at the Greenidge Generation plant in recent months that can mine about 5.5 Bitcoins per day. The 65,000-square-foot facility in Dresden, New York, was built in 1937 as a coal plant and later converted to natural gas.

The machines work off so-called “behind-the-meter” power, which makes it extremely low cost, the private-equity firm said.

It's a good thing that you brought this up dahil may natatandaan ang issue about dito. Politicians and environmentalist always point out that Bitcoin mining o crypto mining are "waste of enegy" o nakaka-dulot ng polusyon but they always fail to point out na madami ng crypto miners gumagamit ng renewable energy para sa kanilang mga operasyon. Also if ikukumpara natin yung mga ibang sources ng polusyon katulad ng mga factory, kotse, at food production di hamak na mas mataas yung nako-contribute nila sa polusyon ng mundo. Ewan ko ba baka nag-hahanap nalang sila ng rason to oppose Bitcoin o sadyang wala lang silang alam sa crypto industry kaya bato lang sila ng bato ng mga statement nila na walang basis.
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
It would be interesting to see also kung ilan sa mga small miners ang nagsara this time pero given na hindi masyadong bumagsak ang hash rate, it is enough to say na insignificant na yun.

Lumalabas din na mas maraming minero ang mas nakapaghanda ngayon kaya hindi na nila kinailangan mag-shutdown. Kahit na bumaba pa ang reward, nakagawa naman sila ng paraan para bumaba ang cost of electricity na siyang pangunahing gastos sa pagmimina. Kumbaga nakahanap ng paraan at naging mas efficient na sila ngayon. Ewan ko kung ilang porsyento ng mga current miners ang gumagamit ng green energy ngayon pero papunta na siguro lahat dun. May report noong 2019 na 74% ang gumagamit ng renewable energy - Bitcoin Mining Is Shockingly Mostly Powered by Green Energy

Meron pang mga bago:

Atlas Holding LLC, the private-equity firm that runs the operation, has installed some 7,000 crypto mining machines at the Greenidge Generation plant in recent months that can mine about 5.5 Bitcoins per day. The 65,000-square-foot facility in Dresden, New York, was built in 1937 as a coal plant and later converted to natural gas.

The machines work off so-called “behind-the-meter” power, which makes it extremely low cost, the private-equity firm said.
legendary
Activity: 1428
Merit: 1166
🤩Finally Married🤩
Dun talaga ako sa Fees na-aburido, damang dama ko yan eh... Hindi makatarungan tapos expect ko pump tayo kabaligtaran ngyari, mapanlinlang talaga sa crypto, di ko akalain na kabaligtaran pa ang mangyayari kung kailan makakalahati na ang mamimina after ng halving.
Tulad nga ng sabi ng iba parang kalimitan lang ang pangyayari parang walang ngyaring halving IMO, tanging Miners lang siguro ang makakadama nito ng husto.
full member
Activity: 868
Merit: 185
Roobet supporter and player!
Quote from: bL4nkcode
While maraming miners ang nag shutdown due sa liliit a ng total revenue nila, binance just open a bitcoin mining pool at sure they have lots of miners na mag o'operate amid the effect of halving.


As expected, small miners will forcely to shutdown their rigs due to decreasing of their revenues. How I wish to set-up mining rigs pero as I see how it kills small miners from cost. Parang hindi ko na babalakin pumasok bilang miner ng BTC.

Grats pala bro, for getting the highest rank. You deserve it.



Historically speaking, hindi nagkaroon ng major cause ang bitcoin halving back when 2016. But the ATH of bitcoin reached after a year. Yung 2017 bull run season. So, as we look at the DNA of bitcoin. During bitcoin halving, bitcoin price just going sideways. But a month or a year after, we will all see how the price becomes aggressive.

That is a positive insight to the value, but if we look at the interaction of miners and traders. Malaki na namang adjustments ang gagawin para maging stable ang transactions. Kung mawawala ang napakaraming small miners, assume that fees will increase and later on, price will follow the same.
hero member
Activity: 1680
Merit: 655
The first day after the halving usually e mixed pa ang reception ng miners and traders alike. Gaya na lamang ng sudden drops sa hashrate na nakikita natin ngayong araw matapos ang halving. It will take a week or so bago talagang magkaroon ng uniformity sa part ng mga miners at traders: kung may tuluyan bang mawawala sa game o kung may dadagdag bang bagong player. Dun naman sa mga mining farms na currently operating at a loss, they would have to run their rigs and just expect for the best in terms of pricing--which was the case for the past few years, as evidenced by farms getting larger and larger. At sa panahon ngayon ay hindi maganda kung magliquidate ng assets dahil lahat nga ng pera ay currently on the buy side of important things. Anyway, interesting stats to see 24 hrs after the said event, pero give it a week and see the number normalize or return back to its previous state.

I don't think we can say the same thing sa pangatlong halving event na nagyari sa Bitcoin. If you think about it after nung 2017 bull run nagkaroon tayo ng 18 month bearish period at may mga miners na nag-shutdown during that time and that is just because of the price of Bitcoin being to low na hindi nakakapag-cover ng cost sa pagpapatakbo ng mga rigs nila, what more pa kaya na mas lalong kumonti na yung block rewards and at the same time we hindi pa din tayo nakaka-akyat ng 10,000$ level. Either sumama sila sa isang pool at i-accept yung maliit na kita (if meron man) o di kaya i-benta nalang yung mining rigs nila hoping to break even, ito nalang talaga ang tanging paraan ng mga small player kumita. At tama ka para naman sa mga big mining farms di din sila immune sa pagbaba ng block rewards but they do have the advantage of absorbing the rigs of miners who have decided to shutdown their operations, but they also need to do some cost cutting like using renewable energy o di kaya more efficient ASIC miners para lang kumita sila.

While maraming miners ang nag shutdown due sa liliit ang total revenue nila, binance just open a bitcoin mining pool at sure they have lots of miners na mag o'operate amid the effect of halving.

Surely, miner ASICs will be upgraded sooner para mas profitable ang bitcoin mining and to boost computing power, and they should find ways sa mga lugar na mas cheaper ang electric charges para mag tagal sa industry.

Actually parang mild lang ang effect sa hash rate ang nakaraang halving at pag shut ng ibang miners if iko'compare still mas mataas pa ito sa mga nakaraang months at mas mababa pa ang na record ng hash rate this march, siguro dahil sa covid which miners is nag shut temporarily.

Kaya ko linagay yung 3 year chart ng total hash rate natin at makikita naman natin yung drop na ito kahopon ay hindi naman ganun ka significant if ikukumpara mo sa laki ng tinalon nya from 2019 to 2020. Baka yung nakita nating pag-baba ng hashrate ngayon is yung mga small miners accepting defeat at an early stage and like I said in my post ito palang yung resulta after 24 hours ng halving so hindi pa talaga natin alam kung saan talaga tutungo yung mga stats na ito, ang sure lang ako is yung pagbaba ng transaction fees pero hindi ako sure kung tataas ang total hash rate natin dahil may mga miners na sasali sa pool, hindi pa din kasi bumababa yung mining difficulty kaya kailangan din i-consider natin yun as a factor yun.
copper member
Activity: 2142
Merit: 1305
Limited in number. Limitless in potential.
While maraming miners ang nag shutdown due sa liliit ang total revenue nila, binance just open a bitcoin mining pool at sure they have lots of miners na mag o'operate amid the effect of halving.

Surely, miner ASICs will be upgraded sooner para mas profitable ang bitcoin mining and to boost computing power, and they should find ways sa mga lugar na mas cheaper ang electric charges para mag tagal sa industry.

Actually parang mild lang ang effect sa hash rate ang nakaraang halving at pag shut ng ibang miners if iko'compare still mas mataas pa ito sa mga nakaraang months at mas mababa pa ang na record ng hash rate this march, siguro dahil sa covid which miners is nag shut temporarily.

legendary
Activity: 3542
Merit: 1352
The first day after the halving usually e mixed pa ang reception ng miners and traders alike. Gaya na lamang ng sudden drops sa hashrate na nakikita natin ngayong araw matapos ang halving. It will take a week or so bago talagang magkaroon ng uniformity sa part ng mga miners at traders: kung may tuluyan bang mawawala sa game o kung may dadagdag bang bagong player. Dun naman sa mga mining farms na currently operating at a loss, they would have to run their rigs and just expect for the best in terms of pricing--which was the case for the past few years, as evidenced by farms getting larger and larger. At sa panahon ngayon ay hindi maganda kung magliquidate ng assets dahil lahat nga ng pera ay currently on the buy side of important things. Anyway, interesting stats to see 24 hrs after the said event, pero give it a week and see the number normalize or return back to its previous state.
hero member
Activity: 1680
Merit: 655
So mukhang hindi naging matunog sa forum natin yung Bitcoin Halving na nangyari last two days ago at natural lang yun dahil wala namang considerable price action na naganap hindi katulad ng mga nag-hype na mga crypto news media at influencers na nag-sasabi na baka magkaroon ng FOMO event dahil na din sa halving na ito and as it turns out parang it is just another day for Bitcoin. Gayunpaman kahit hindi naging exciting o eventful yung price movement ng Bitcoin may mga importanteng stats tayo dapat makita para talaga makita natin yung full effect ng Bitcoin Halving sa buong Bitcoin network. Here are some stats na naka-apekto sa Bitcoin Network in just a span of 24 hours (May 11 - 12). Pa-alala lang na yung pag-babago ng mga stats na ito in the last 24 hours might not be the same kung titignan natin yung long term effect ng pangatlong halving ng Bitcoin.

1. Bitcoin Mining's Total Hash Rate Dropped to 116.884 (TH/s)


Bitcoin Mining Total Hash Rate from May 11 to May 12
Code:
May 11 - 125.69 TH/s
May 12 - 116.884 TH/s
Difference: -8.806 (-7.01%)

Isa sa mga obvious na nangyari is yung pagbaba ng Hash Rate ng Bitcoin mining sa network gawa na din ng ilan na mga miners na nag-shutdown ng kanilang mga operations kasi hindi nila kayang sikmurain yung 12.5 BTC/block na bumaba sa 6.25 BTC/block as of May 11. Dito natin makikita na may mga miners na hindi na kayang mag-operate na kikita sila sa ganitong reward kaya nag-discontinue sila ng kanilang mga operation. Most likely yung mga miners na nag-shutdown ng kanilang operasyon is kakainin sila ng mga malalaking Mining Pools so maybe yung drop of total hash rate na ito ay on a temporary basis lang, let us expect din na may mga more powerful and efficient mining rigs na dadating so pwede natin makita na tumaas ulit yung total hash rate.

Bitcoin Mining's Total Hash Rate in the last 3 years

Also wag kayo mag-alala sa temporary drop na ito kasi if titignan natin yung total hash rate ng Bitcoin Mining during the last 3 years makikita naman natin na pataas pa din sya at considerable yung jump ng increase nya from May 12, 2019 (52.64 TH/s) to May 12, 2020 (116.884 TH/s) which is more than double the amount (222% increase in total hash rate) kumpara nung 2019 as of last year. Palagay ko nga kaya ito nag-increase ng mabilis in the span of 3 years ay dahil pinag-hahandaan na din ng mga mining pool yung halving for 2020 which is really a big possibility dahil na din considerable yung pag-baba ng block rewards.


2. Bitcoin Network Fees Soared even before the Halving Happened



Key prices during the last 30 days
Code:
May 8  - 3.175$/transaction (Highest during the last 30 days)
May 10 - 1.92$/transaction (A day before halving)
May 11 - 2.547$/transaction
May 12 - 2.789$/transaction

Siguro napansin naman natin na tumataas yung transaction cost/network fees ng Bitcoin lately? Wag na kayo magulat kasi kahit before nangyari pa yung halving tumaas na talaga yung network fees ng Bitcoin gawa na din siguro sa temporary na pag-shutdown ng ilang mga miners as well as yung pag-dami mga users na willing magbayad ng mas mahal na network fees para mas mabilis nilang mapadala yung bayad nila.

Bitcoin's Average Transaction Fees in the last 3 years

So how does it compare in BTC's last 3 years? Considering na nang-galing ang Bitcoin sa 54.638$/transaction na average during December 2017 sa tingin ko naman ang 2.789$/transaction natin ngayon ay pwede pa din masabi na mura. Para dun sa mga newbie na nagtataka bakit umabot ng almost 55$/transaction nuong 2017 it was caused by the 2017 bull run kasama na yung massive FOMO during that time, madaming newcomers na bumili nuong nag-hit si BTC sa All time high niya which is almost 20,000$. Paano bumaba yung network fees? Hindi ito dahil kumonti yung transaction sa Bitcoin network pero dahil na din malaki ang tinulong ng Segregated Witness (SegWit) at Lightning Network sa pag-scale ng Bitcoin transactions, isipin niyo nalang na hindi masyadong naging congested yung network nung tumolong yung dalawang ito. Overall yung increase ng network fees natin hindi dapat pangambahan dahil na din na tumaas lang naman yung demand ng mga tao na willing magbayad ng mas mataas na transaction baka na rin cause ng halving kaya ganito.

3. Miners' Revenue Drops by almost 50%

Estimated Revenue (in millions of USD) assuming the Miner's Sell their BTC at current market value
Code:
May 11 - 17.168$
May 12 - 8.951$
Difference: 8.217$ (-47.86%)

At dahil nga bumaba yung block rewards ng mga miner natin makikita natin na bababa na din yung revenue nila. Pa-alala lang na assumption lang ito ng magiging revenue nila pag binenta nila kaagad yung na-mine nilang Bitcoin hindi ito yung tunay nilang earnings nung araw na ito. I do think na merong mga miners na nag-hohodl din ng kanilang mga excess na BTC para na din ma-maximize nila yung earnings nila pag-tumaas ang Bitcoin. Also assuming na nag-hohodl nga sila, I have a strong feeling na ang mga miners natin ay hindi na din sasama sa mga panic selling o selling pressure na mangyayari, which means that we only have our whales and institutional investors triggering the market pressures sa kanilang mga trade.



Aside from the considerable drop in revenue ng mga miners natin masasabi ko na yung network ni Bitcoin is normal pa din at wala namang major na epekto ito sa transactions natin with Bitcoin. I would also like to point out na kahit bumaba yung total hash rate natin Bitcoin's mining difficulty remained unchanged which also means that yung drop ng total hash rate natin is not that significant para mag-adjust yung difficulty nya. Gayunpaman this are just the stats during the last 24 hours after nag halve yung block rewards, still pwede pang mag-iba yung mga value na ito in one to two weeks time. If mag-continue bumaba yung total hash rate baka lalong sumunod na bababa ang mining difficulty to compensate the lost in hash rate.
Jump to: