Gusto ko kayong interbyuhin para malaman pa ang inyong karanasan sa sports betting. Sa ganitong paraan, sa tingin ko, magagampanan natin ang pagtulong sa mga baguhan sa kanilang mga inaasahan at sa mga dapat gawin upang mapanatili ang kasiyahan sa sports betting. Pakisunod ang format ng tanong:
1 - Gaano katagal ka nang naglalaro ng sports betting?
Sagot:
2 - Ano ang pinakamasamang karanasan mo sa sports betting?
Sagot:
3 - Ano ang pinakamagandang karanasan mo sa sports betting?
Sagot:
4 - Ano ang maaari mong maipayo sa mga baguhang naglalaro at sa mga nahihirapan sa sports betting?
Sagot:
ito pala yung thread sa gambling discussion https://bitcointalksearch.org/topic/m.632962951. Halos mahigit 5 years nadin, hindi ko lang matandaan kailan ako exact nagsimula pero nag start ako sa pagtay ng ending lalo na alam naman natin gaano kasikat ang sport betting na iyon tuwing laban ng basketball.
2. Isa sa mga hindi ko malilimutan ay iyong itinaya ko halos lahat ng perang hawak ko sa iisang numero lamang, kumbaga nag fixed ako sa owned number ko habang tumaya sa iba't-ibang tao, ang ending ay hindi nanalo ang numero ko na yun.
3. Pinaka magandang naranasan ko ay yung nanalo ako ng almost 20k dahil sa ending, Kumbaga nag stick padin ako sa numero ko kasi malaki ang tiwala ko na iyon yung lalabas, medyo delikado pero pumabor sakin ang tadhana, malaki ang kinita ko dahil doon.
4. Para sa mga baguhan na naglalaro ng sport betting, ang maipapayo ko lang ay dapat alam niyo ang mga posibilidad na mangyayari kapag hindi niyo nacontrol ang sarili niyo lalo na't alam naman natin na malaki ang chance na maadik at malubog kayo once pumasok sa pagsusugal kaya dapat aware kayo sa mga kalakaran dito, Isa pa mas mabuti ng iallocate niyo ng maayos ang finances niyo at maglaan lang ng tamang budget sa pagsusugal para if ever na manalo o matalo, hindi masisimot lahat ng hawak niyong pera.