I'm not sure if someone has already posted this here since 2018 pa itong movie na ito. Para sa mga hindi pa naka panood or naka alam ang title ng movie na ito ay "AMO". isa itong series sa Netflix patungkol sa war on drugs at extra judicial killings noong termino ni former Pres. Duterte.
Sobrang na enjoy ko naman tong movie na to, until nakarating ako sa Episode 9 at ito nga yung bumongad sa umpisa ng palabas (see photo above). Nagulat ako at na isip din ng direktor na gamitin ang Bitcoin bilang isang currency para maka bili ng drugs discreetly.
Na banggit din sa movie yung bansang Netherlands ay nag iimport ng drugs using bitcoin as payment. Talagang ginamit nila yung isa mga crypto friendly na bansa sa Europe. Siguro alam din ng direktor na hindi strictly regulated ang bitcoin sa Netherlands LOL.
I want to hear your feedbacks tungkol dito mga kabayan! Negative publicity is still publicity parin ba?
Ganyan naman yung mga walang alam talaga sa Bitcoin, saka hindi na bago sa atin yung ganyang bagay na may malawak na pang-unawa sa Bitcoin. International figure kasi ang Bitcoin. And para sa akin ang mali lang sa ginawa nila ay parang pinapalabas nila na masama ang Bitcoin. Pero hindi binigyan diin na pwedeng gamitin sa masama at mabuti ang Bitcoin depende sa may hawak nito.
Kasi sasabihin lang na ginamit na pambayad sa illegal drugs yung Bitcoin, lalabas sa paningin ng ibang mga viewers walang malawak na kaalaman na masama ang Bitcoin, pero kung lalawakan natin yung ating pang-unawa, yung peso ba o dollars hindi nagagamit na pambayad sa illegal drugs? Di-ba nagagamit din, wala siyang pinagkaiba sa Bitcoin.