Ipinapakita lang nito na walang pinipili ang mga cyber attacks, maliit man o malaking organisasyon. Para sa akin, mahalaga talagang mag-invest sa tamang cybersecurity measures at palaging mag-backup ng mga critical na files.
Dapat maging requirement ng gobyerno lahat ng companies na magkaroon ng cybersecurity measures para kahit papano safe ang data ng mga customers nila. Kaso maging ang gobyerno, walang measures sa cybersecurity kaya walang standards na susundan ang mga companies kaya sariling sikap nalang sila.
Ako naman, mas naging maingat ako sa pag-handle ng aking digital data. Regular akong nagbabackup, gumagamit ng strong passwords, at sinisiguro kong updated ang lahat ng aking devices at software laban sa mga bagong banta. Pero, aminin natin, minsan kahit anong pag-iingat ay maaaring hindi sapat. Kaya't malaking bagay na rin ang awareness at preparedness.
Kapag maingat ka, wala ka dapat ikabahala. Ang kaso nga lang kapag yung mga providers or companies na merong data natin ang hindi naging maingat, wala din tayong lusot.