Author

Topic: isang ATM machine sa laguna nanakawan ng CASH (Read 97 times)

full member
Activity: 305
Merit: 107
I'm going to eat your cookies
February 15, 2023, 09:38:21 AM
#8
Nagulat ako at huli na ako sa balita na 'to. Grabe, nakuhaan ng P300k agad yung ATM. Sobrang hirap na ng buhay dito sa Pilipinas.

Sa panahon ng paghihirap, talagang maraming magnanakaw para sa kanilaang kapakanan Mahalagang maging aware sa iyong paligid at obserbahan ang mga tamang seguridad. Mas maganda talaga maging aktibo sa pag gamit ng digital money para maiwasan yung mga problema sa cash. Minsan nga sa mga bahay mas okay na panatilihing naka-lock ang iyong mga pinto at bintana sa lahat ng oras, at tiyaking mag-install ng anumang technology pang protekta sa atin gaya ng mga security camera at motion sensor. (Meron mura sa shopee  Grin)

Mahalaga rin na manatiling alerto at magkaroon ng awareness sa anumang kahina-hinalang aktibidad sa iyong lugar. Makipag-ugnayan sa pulisya kung makakita ka ng anumang kakaibang pag-uugali o hindi inaasahang bisita. Bukod pa rito, panatilihin ang mga mahahalagang bagay at mahahalagang dokumento sa isang ligtas na lugar, at isaalang-alang ang pagpapanatili ng isang personal na sistema ng alarma para sa karagdagang seguridad.
legendary
Activity: 2576
Merit: 1183
Telegram: @julerz12
Sa ngayon wala tayong magagawa — kahit angdaming digital payment platforms na existing sa bansa natin, sobrang taas parin ng usage ng paper money dito sa bansa dahil sa karirapan at technological illiteracy ng karamihan.

Kung magiging cashless man ang Pinas, it will definitely take a while.
This is definitely true, especially sa provinces. You can barely see an ATM machine here let alone use your debit/credit card to pay for your groceries. Kung meron man, naku, madalas wala daw "internet" kaya useless din.
Para maging cashless ang Pilipinas, malaking gastos pa gagawin ng gobyerno natin to put up infrastructures to support it, ni power-outage nga dito sa province hindi masolusyonan.  Cheesy
So for now, I think would be best to divide your assets at ilaan ito kung saan ka kumportable. If you got so much money, invest (crypto/stocks/bonds/real estate) or put it in a bank (not all though). Physical assets like gold/silver are also a good store of value pero kinakailangan 'lang talaga maingat ka sa pagtatago nito. Lastly, minimize your swag on social media, 'cause the more na ipinagmamayabang mo mga yaman mo on those hot social media platforms, the more people with bad intentions might come and visit you.
full member
Activity: 2128
Merit: 180
December 31, 2022, 12:30:48 PM
#6
If you’re afraid to lose your physical assets, mas mabuti pa you invest sa ibang bagay like stocks, crypto or sa real estate business kase yang nga material na bagay like jewelries, prone talaga yan sa mga kawatan. Anyway, nakakapagtaka na nagawa nila ito knowing na meron naman nakabantay so malaki talaga ang chance na inside job or sadyang magaling lang talaga yung mga nagnakaw. Sa ngayon more on online den ang pera ko, so far secure pa naman and super convenient nya talaga instead of bringing too much cash on your wallet.
full member
Activity: 2086
Merit: 193
December 28, 2022, 04:53:09 PM
#5
That’s an ATM machine naman which is hinde naman affected ang marame aside doon sa nagnenegosyo for that Machine and sa tingin ko ay isa itong inside job since panigurado may mga night shift guard na nakaduty so imposible naman na hinde nila ito napansin especially with their cctv.

Anyway, ok naman talaga ma mayroon crypto pero syempre need mo paren isecure ang wallet mo at need mo paren pumili ng best crypto to hold.
legendary
Activity: 2968
Merit: 3406
Crypto Swap Exchange
December 27, 2022, 07:23:29 AM
#4
sa tingin ko maganda din ang pagkakaruon ng bitcoin or any digital asset para hindi manakaw ang pera kung saan transfer transfer lang
It's worth mentioning na lahat ng mga uri ng pera may kanya-kanyang risks yan and Bitcoin isn't an exception [e.g. $5 wrench attack, phishing attack, hacks and etc...]!

iwas din yan sa mga nagnanakaw sa bahay
Depende pa rin ito kung paano natin tinatago ang seed phrases natin.
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
20BET - Premium Casino & Sportsbook
December 27, 2022, 06:05:28 AM
#3
Malayo pa tayo sa part na magiging wholly cashless tayo. Understandable naman sa sitwasyon ng bansa natin kasi hindi pa naman talaga fully digitalized mga transactions. Lahat yan magkakasunod sunod pero dapat magsimula yan sa gobyerno, sa government processes, kapag yan nag initiate, I think susunod lahat. May mga companies naman na ahead at sumusunod sa yapak ng mga modern technology pero hindi lahat ay afford sumunod sa tech innovation.
mk4
legendary
Activity: 2940
Merit: 3883
📟 t3rminal.xyz
December 27, 2022, 12:56:48 AM
#2
Sa ngayon wala tayong magagawa — kahit angdaming digital payment platforms na existing sa bansa natin, sobrang taas parin ng usage ng paper money dito sa bansa dahil sa karirapan at technological illiteracy ng karamihan.

Kung magiging cashless man ang Pinas, it will definitely take a while.
full member
Activity: 728
Merit: 151
Defend Bitcoin and its PoW: bitcoincleanup.com
December 26, 2022, 11:51:22 PM
#1
Nangyare ito sa araw ng kapaskuhan mukhang sinamantala ng mga kawatan ang noche buena na busy ang mga tao para nga naman wala ng makapansin sa kanila, winasak nila ang ATM machine para makuha ang pera, sa tingin ko maganda din ang pagkakaruon ng bitcoin or any digital asset para hindi manakaw ang pera kung saan transfer transfer lang , kagaya ng mga Credit card, or bitcoin or eth card kung ggawa man for PH, iwas din yan sa mga nagnanakaw sa bahay diba kasi may mga pera tayo sa bahay, aside sa alahas natin so hindi lahat malilimas kung sa kasamaan palad at di natin dalangin
na mangyare,
ito ang link ng balita tungkol sa nanakawan na ATM:
https://www.philstar.com/nation/2022/12/26/2233342/atm-machine-laguna-supermarket-robbed
Jump to: