Ineexpect na sa Mayo 12, 2020, ang pinaka aantay na pangyayari ay mangyayari sa bitcoin. Ito ay ang Bitcoin Halving, na nangyayari sa loob ng bawat apat na taon. Kailangan na lamang natin mag antay ng 100 araw simula ngayon, bago tuluyang mangyari ang pinak aantay ng lahat at maraming tao ang nag eexpect na ang market value ng bitcoin ay aangat dahil sa kakalahatiin ang mining reward para sa mga bitcoin miners.
Ngunit bakit nga ba marami ang nag eexpect sa ganitong paraan?
- Una, ang rason kung bakit tumataas ang presyo ng bitcoin ay dahil ito ay nakabatay sa basic na prinsipyo ng demand at supply. Dahil ang reward ng mga miner ay kakalahatiin, malamang sa malamang na ibenta nila ang kanilang mga bitcoins sa mas mataas na presyo, ito ang mag didikta sa daigdig para umangat ang presyo ng bitcoin.
- Ang isa pang rason ay dahil sa volatility ng bitcoin na madaling maapektuhan dahil sa pangyayaring ito. Ang bitcoin ay kilala na maaaring maging bullish sa kahit na anong oras, gamit lamang ang pag aanalisa sa market graph nito kung overbought naba or oversold. And presyo ng bitcoin ay madaling maididikta dahil sa rason an ito, paano pa kaya kung ang pinakaantay na bitcoin halving ay magiging malapit nang mangyari.
May mga spekulasyon din na ang bitconi ay maaaring umangat sa $400,000 dahil sa potensyal na pag angat ng demand dito
Sa aking opinyon, sa ngayon, ang bitcoin ay maaaring bilhin dahil mura pa ang presyo nito, hindi ko iniisip na rason ang $9,000 market price nito para hindi tayo bumili. Sa tingin ko ay maaari parin natin ikonsider na tayo ay mga
early adopters ng bitcoin".
Isiping maigi ang systema ng bitcoin sa ngayon:
- Konsistent parin ang Protocol
- Nananatiling Desentralisado
- Nananatiling Volatile
- Limited padin sa 21 million na supply nito
Walang duda, binigyan tayo ng sampung taong serbisyo ng bitcoin sa mga characteristics nito, ngunit hindi natin magawang ibigay ang tiwala natin ng buo sa BTC. Kung talagang naniniwala tayo sa Bitcoin, ang isang daang taon ay balewala lamang bilang numero para tayo ay mag simulang bumili simula ngayon, at pangunahan ang pag lelead sa mga cryptocurrency enthusiast at gawing pinaka mahalagang currency ang bitcoin sa buong mundo.
Link