Ngayong araw kung saan blocked na sa browsers ng Pinas si Binance ay umarangkada naman si bitcoin sa 70k. Akala ko talaga mga drop na si bitcoin pero puro slight corrections na lang nangyari. So saan kaya next stop ni bitcoin? Kaya na kaya nito 80k before another correction?
Mukhang magsideway muna siya, and then maaring muling magfull blast after ng halving kaya sa tingin ko ang $80k per Bitcoin ay mararanasan natin pagkatapos na ng Bitcoin halving event.
Sa ngayon around half ng portfolio ko kung saan around 70% naka bitcoin ay nasa Binance pa. Mukhang mapipilitan akong ibenta na lang sila into USDT then lipat Bybit or OKX. Taas ng oportunidad magtrade ngayon kay bitcoin kaya sa exchange pa din balak ko lipatan.
It is better to be safe than sorry, kaya dapat maghanap ka na ng malilipatang exchange if you intend na exchange pa rin ang paglagakan ng funds mo for trading purposes. Medyo nakakalangan talagang mag iwan ng fund sa Binance baka dumating ang time na iyong DNS bypass trick ay hindi na gumana at tuluyan na talagang hindi tayo makaaccess sa Binance platform.
Nakalipat na ako kahapon kabayan. Nasa Bybit na ako pero balak ko rin magpaverify sa OKX dahil mas prefer ko mataas volume sa p2p para maganda rates. Napilitan ako at baka masali sa pagblock ang mismong app at maging hassle pa later on. Binenta ko na lang talaga lahat into BNB dahil mura ang fee. At hanggang ngayon puro BNB parin.
Good to hear na wala ka ng fund sa Binance, convertiong iyong fund mo to BNB is a wise decision, IMO. Malaki ang potential ng BNB na umangat ang presyo this bull run baka nga taasan pa nito ang percentage nag pag increase ng price ni BTC dahil nga mas mababa ang presyo nito at mas madaling pataasin ang multiplier ng pagtaas ng presyo.