Hindi naman talaga natin mapipigilan yan due to technological advancements. Ang sa atin lang ay doble ingat talaga sa mga transactions natin online maging na rin sa mga social media posts natin dahil mga nakaabang lang yan sila at naghahanap ng tyempo para makapangbiktima. Mas dumadami kasi ngayon ang nabibiktima sa hacking lalo na sa social media accounts at e-wallets dahil sa pagkiclick lamang ng mga malicious links na pinapadala ng mga attackers through socmed, emails at iba pa.
ang talagang ginagawa kong pag iingat ay hindi ako nag click ng mga links na galing sa random people lalo na sa mga newbie accounts at sa mga matagal natulog na mga accounts dito sa forum , or minsan hinihintay ko muna may mga mag click at mag confirm bago ko pasukin.
pero kung badly needed talagang pasukin yong site? gumagamit ako ng separate gadget and Mobile data and separate accounts para lang mag check ng sa ganon eh less opportunity sa mga hackers na ma hack ang important account and files ko.
Kahit anong ingat natin kung talagang gagawin tayong target eh tingin ko wala tayong kalaban laban dahil sadyang nasa kanila ang kaalaman at kakayahan , and ang masakit eh walang konsensya ang mga taong ito , mga taong nabuhay para manira at mang abala ng kapwa , mga taong hindi ginagamit sa kabutihan ang kanilang kaalaman at kakayahan instead para manlamang lang ng kapwa.
nakakatakot at nakaka alarma pero sa paglawak ng internet eh ganon din lalawak ang kasamaan .
I disagree na wala tayong kalaban laban sa kanila, mayroong mga dapat gawin para hindi tayo mabiktima ng mga ransomwares, mostly kasi ang ransomware via emails with links, or from pornsites kung saan may popups na pagnclick natin ay magrrun or magaactivate, anung ibig kung sabihin dito, iwasan nating magopen ng pornsites or unknown emails and magclick ng links ng basta basta, updated antivirus and operating systems, iwasan ang mga weak passwords, at paggamit ng personal na email sa hindi secure na websites and dahil maari netong nakawin ang ating credentials at maari na duong magsimula ang lahat iwasan basta ipagamit ang computer or laptop mo sa iba, totoong magagaling sila, pero once na ginagawa mo ang mga precautions na nasabi ko, tumataas din ang chance na hindi ka nila mabiktima kung hindi man 100%.
Karaniwan naman sa ibang hackers na nahuli ay nglilingkod nadin sa government sila naman ay ang mga whitehackers kung saan gumagawa sila ng mga test upang makita kung gaanu kasafe ang isang infrastructure or network ng ibang organization lalo na ang sa gobyerno, sadly di dito sa pinas kundi sa ibang bansa.
tama ka dyan , may magagawa tayong pag iingat dahil kailangan namang meron tayong ma click muna bago mabiktima meaning "Think and Check first Before Clicking" dyan kahit paano eh makakaiwas tayo kung hindi man 100% completely eh less ang hassle.