Author

Topic: Kaugnay na pag-aaral tungkol sa cryptocurrency (Read 243 times)

hero member
Activity: 1792
Merit: 536
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
Layunin:
       Ang pananaliksik na ito ay may layon na alamin ang kahalagahan at kalagayan ng cryptocurrency sa bansang Pilipinas.
1. Alamin ang kahalagahan ng cryptocurrency?
2. Ano ang dulot ng cryptocurrency sa mga tao sa Pilipinas?
I don't think you could get the condition ng crypto dito sa Pilipinas if you merely surveyed around the city of Valenzuela, I guess sa layunin palang at pwede ng ipaiba Yan, just raising an opinion. Have you ever got an adviser regarding sa baby thesis na ginawa niyo?

I totally agree with Theb and besides all of crypto users in the Philippines even worldwide transact online kaya it's better you conducted the survey via Google forms and regarding din sa thesis niyo though that will be hard to get participants if you don't know people from other regions. But I guess it's better kung isang case study na lang ginawa niyo and prefer it online because case study doesn't involved that much participants, correct me if I'm wrong.

Alam ko kasi pag gagawa ka ng thesis at magiinterview ka na ang purpose is to learn the sentiments of the whole country kailangan mo rin gamitan ng statistics. Bale ang statistics ang magsasabi kung ilang tao sa kada probinsiya o rehiyon sa Pilipinas ang kailangan mo para magkaroon ka ng tamang estimate ng percentage. Pero anyway ang post na ito ay ginawa ilang taon na rin so sa tingin ko nakakuha na kayo ng tamang information sa thesis ninyo.
sr. member
Activity: 644
Merit: 252
Gusto ko lamang ishare sa inyo ang nagawa naming baby thesis ng aking mga kaklase taong 2018, ito ay tungkol sa tingin ng mga tao sa Pilipinas sa cryptocurrency at base sa output ng aming research sa 50 respondents na na interview namin.

2. Saan mo nalaman ang cryptocurrency?

4. Ano ang naging dulot sa iyo ng pag-gamit ng cryptocurrency?

Pinupuri ko ang naging baby thesis mo . Nawa ay may natutunan ang mga nakabasa nito at naging o maging maganda ang naidulot nito.

Mayroon akong kaibigan. Highschool pa lamang kami magkakilala na kami. Alam kong magaling talaga siya. Pagtungtung ng college, pareho kami ng kinuhang kurso kaya lagi ko pa din siyang kasama. Third year college kami noon, napakahirap ng subjects, nagsisimula na pala siya na kumita ng crypto noon habang ako subsob sa pag-aaral. 2015 ata o 2016 ng magsimula siya. December 2016 kumakalat na sa section namin na malaki ang kinikita nya sa crypto. Hindi agad ako naging interesado kaya hindi ko ito inalam pero 2017 ng tumataas na ang price, doon na ako simulang nagtanong sa kanya kung ano ba talaga ang crypto.

Malaki ang naidulot nito sa aking pinansyal na panggastos at lalo na ng ako ay nagte-thesis. Alam naman nating kapag sinabing thesis napakagastos hindi ba ? Nagkaroon na ng time noon na hindi na ako humihinge sa magulang ko ng pera, bagkus ay nakakapagbigay na din sa kanila kahit kaunti.
sr. member
Activity: 644
Merit: 364
In Code We Trust
Maganda yan, I'm in as a respondent.

Quote
1. Ano ang cryptocurrency?

 - Ang Cryptocurrency ay makabagong klase ng pera na para sa akin ay maikokonsiderang pinaka safe, at maasahan dahil bawat transaction ay nakabroadcast sa buong mundo at hindi kailanman maaaring mabago.

Quote
2. Saan mo nalaman ang cryptocurrency?

 - Sa aking mga kaibigan, pero nakikita ko na ang cryptocurrency sa coins.ph noon.

Quote
3. Payag ka ba na isakatuparan ang cryptocurrency sa bansang Pilipinas?

 - Bilang isang cryptocurrency-enthusiast, syempre naman, pero hindi ito nangangahulugan na crypto na ang magiging main currency ng pinas. As alternative oo but as main no.

Quote
4. Ano ang naging dulot sa iyo ng pag-gamit ng cryptocurrency?

 -  Nagkaroon ako ng produktibong mapaglilibangan, makabagong kaalaman na natututunan araw araw at nag improve din financial life ko ng kaunti.

Quote
5. Sa iyong palagay ano ang mga dahilan kung bakit hindi lubos na kilala ang cryptocurrency sa bansang Pilipinas?

 - Siguro take ko na yung mga opinyon ng kamaganak kong matatanda, ayaw nila ng komplikado, ayaw nila ng digital (dahil hindi daw safe), at mas mabilis daw magbayad kung cash.
legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
1. Ano ang cryptocurrency?
2. Saan mo nalaman ang cryptocurrency?
3. Payag ka ba na isakatuparan ang cryptocurrency sa bansang Pilipinas?
4. Ano ang naging dulot sa iyo ng pag-gamit ng cryptocurrency?
5. Sa iyong palagay ano ang mga dahilan kung bakit hindi lubos na kilala ang cryptocurrency sa bansang Pilipinas?[/b]

Magiging malaking tulong ang inyong mga sagot sa naiisip kong darating na research ngayong taon kung sakaling matapos na itong pandemic virus.

Mas maganda nga kung Google form ginamit mo kabayan, https://docs.google.com/forms/u/0/?tgif=d

Anyhow, sasagutin ko na rin para makatulong sa inyong research, wala naman mali at tamang sagot dito.

1. Isang digital asset or virtual currency.

2. Sa internet, madalas ko sya makita lalo na nung nagreresearch pa ako ng mga online jobs o paraang kung paano kumita thru internet. At may nag introduce sakin nung early 2017.

3. Oo

4. Kumita, nagkaroon ng pera dahil sa trading at bitcoin paying campaign

5. Marami pa rin nagdududa sa cryptocurrency, malamang scam ang tingin ng mga karamihan dito.
full member
Activity: 840
Merit: 105
★Bitvest.io★ Play Plinko or Invest!
Layunin:
       Ang pananaliksik na ito ay may layon na alamin ang kahalagahan at kalagayan ng cryptocurrency sa bansang Pilipinas.
1. Alamin ang kahalagahan ng cryptocurrency?
2. Ano ang dulot ng cryptocurrency sa mga tao sa Pilipinas?
I don't think you could get the condition ng crypto dito sa Pilipinas if you merely surveyed around the city of Valenzuela, I guess sa layunin palang at pwede ng ipaiba Yan, just raising an opinion. Have you ever got an adviser regarding sa baby thesis na ginawa niyo?

I agree. Masyadong broad yung topic na condition ng buong Pilipinas regarding crypto ang gustong maachieve ng study while sumasakop lang siya sa respondents around Valenzuela. Somehow ironic pero suggest lang na why not cryptocurrency awareness in valenzuela nalang muna dahil if you would conduct a study to know the current condition of crypto in the Philippines, the OP should ask for a much bigger statistical data.

I agree din with Theb na mag google forms nalang kasi somehow hindi naman valid yung anonymity ng forum alone at walang proper process of gathering information na magagamit as a valid resource sa research.
hero member
Activity: 2030
Merit: 578
No God or Kings, only BITCOIN.
Layunin:
       Ang pananaliksik na ito ay may layon na alamin ang kahalagahan at kalagayan ng cryptocurrency sa bansang Pilipinas.
1. Alamin ang kahalagahan ng cryptocurrency?
2. Ano ang dulot ng cryptocurrency sa mga tao sa Pilipinas?
I don't think you could get the condition ng crypto dito sa Pilipinas if you merely surveyed around the city of Valenzuela, I guess sa layunin palang at pwede ng ipaiba Yan, just raising an opinion. Have you ever got an adviser regarding sa baby thesis na ginawa niyo?

I totally agree with Theb and besides all of crypto users in the Philippines even worldwide transact online kaya it's better you conducted the survey via Google forms and regarding din sa thesis niyo though that will be hard to get participants if you don't know people from other regions. But I guess it's better kung isang case study na lang ginawa niyo and prefer it online because case study doesn't involved that much participants, correct me if I'm wrong.
legendary
Activity: 3542
Merit: 1352
Hindi ko alam kung tugma ba sa quantitative research ang iyong tanong, pero for the sake of helping, eto ang mga sagot ko:

1. Ano ang cryptocurrency?
2. Saan mo nalaman ang cryptocurrency?
3. Payag ka ba na isakatuparan ang cryptocurrency sa bansang Pilipinas?
4. Ano ang naging dulot sa iyo ng pag-gamit ng cryptocurrency?
5. Sa iyong palagay ano ang mga dahilan kung bakit hindi lubos na kilala ang cryptocurrency sa bansang Pilipinas?

1. Ang cryptocurrency ay isang uri ng pera/asset na nakabase sa cryptography sa seguridad at nangangailangan ng internet bilang medium para ito ay magamit.
2. Sa isang mailing list nung 2010, at muling nabuhay ng interes sa isang meme nung 2014.
3. Hindi, sapagkat marami pa rin sa ating mga kababayan ang kabilang sa marginalized sector na kulang sa panggastos at hindi kayang bumili ng device upang magamit ang cryptocurrency.
4. Nagkaroon ako ng isang negosyo, nakakilala ng maraming tao at umunlad ang pananaw ukol sa pera, investment at maging sa inobasyong dulot ng cryptocurrency.
5. Kakulangan sa mga instructional materials, at masyadong busy ang mga Pilipino sa social media pati na rin ang mag-survive sa araw-araw.
jr. member
Activity: 46
Merit: 3
Kung inyong mararapatin nais ko lang malaman ang inyong mga opinyon sa aming mga katanungan sa research na nagawa namin, gusto ko lang malaman kung ano na ba ang opinyon ng ibang tao about sa cryptocurrency ngayong taong 2020. Maari ba kayong maging respondate at sagutin ang mga iilang katanungan na ito?
1. Ano ang cryptocurrency?
2. Saan mo nalaman ang cryptocurrency?
3. Payag ka ba na isakatuparan ang cryptocurrency sa bansang Pilipinas?
4. Ano ang naging dulot sa iyo ng pag-gamit ng cryptocurrency?
5. Sa iyong palagay ano ang mga dahilan kung bakit hindi lubos na kilala ang cryptocurrency sa bansang Pilipinas?

Magiging malaking tulong ang inyong mga sagot sa naiisip kong darating na research ngayong taon kung sakaling matapos na itong pandemic virus.

1. For me ang cryptocurrency ay isang digital na pera na gumagamit ng blockchain para maging secure at desentralisado. Ito ay isa ring kasangkapan para sa maiscam ang mga walang alam na bandwagon tapos mag iinvest kuno HAHAHAHA
2. Google lang. Lumabas, type of investment daw.
3. Payag syempre. Isang malaking bagay iyon kung ang ating bansa ay tatangkilikin ang crypto, ang nais ko lang sana ay ipatupad at iregulate ito ng maayos, hindi para mawala ang Peso/Fiat pero kundi magamit ang teknolohiya at mabawasan ng bahagya ang korapsyon.
4. Hindi ko naman nagagamit ang crypto. Maaari syang investment pero hindi ko pa talaga sya nagagamit ever since.
5. Ayon sa post ni Theb dito. Ang Pilipinas ay isa sa mga nangunguna sa pag angkin ng crypto, siguro sa iilang mga pinoy pero hindi ito lubos na kilala sa kadahilanang konti lang ang may access at literate sa computer at sa internet mismo. Mahal na aparato at mahal na internet sa isang third world na bansa, siguro hindi prayoridad ang ganitong mga bagay kung ikukumpara sa agrikultura.
hero member
Activity: 1680
Merit: 655
Kung inyong mararapatin nais ko lang malaman ang inyong mga opinyon sa aming mga katanungan sa research na nagawa namin, gusto ko lang malaman kung ano na ba ang opinyon ng ibang tao about sa cryptocurrency ngayong taong 2020. Maari ba kayong maging respondate at sagutin ang mga iilang katanungan na ito?
1. Ano ang cryptocurrency?
2. Saan mo nalaman ang cryptocurrency?
3. Payag ka ba na isakatuparan ang cryptocurrency sa bansang Pilipinas?
4. Ano ang naging dulot sa iyo ng pag-gamit ng cryptocurrency?
5. Sa iyong palagay ano ang mga dahilan kung bakit hindi lubos na kilala ang cryptocurrency sa bansang Pilipinas?

Magiging malaking tulong ang inyong mga sagot sa naiisip kong darating na research ngayong taon kung sakaling matapos na itong pandemic virus.

@OP mas maganda siguro kung Google Forms nalang sana ang gagamitin dito para sa mga ka-sagutan nila? Bukod sa pag-save ng oras mo sa pag-likom ng kanilang mga sagot mas magiging organisado ka pa, recently lang din ako grumaduate and to be honest this is not how you collect online surveys with, plus ang thread dapat ay tungkol sa usapan para sa topic me which I would like to discuss (dahil 7 out of 15 groups sa klase namin ay cryptocurrency based yung topic nila) at hindi para gawing survey form mo. Maybe edit your OP after you come up with a Google Form survey link trust me mas mabilis ka makakakuha ng sagot sa isang survey form and ma-kolekta yung kanilang mga kasagutan sa ganitong paraan, isa na ako sa sasagot ng survey mo.

About naman sa topic na cryptocurrency sa mga thesis medyo nagulat ako nung 7 out of 15 groups samin ay may topic na cryptocurrency and dapat on a legal point of view yung study, nakaka-surpresa kasi na way back 2018 pala may mga gumagawa na ng topic ng cryptocurrency, kayo ba ilan kayo sa class/batch niyo na may similar topic? As a result parang mas naging mahirap yung panel defense nila dahil handang handa yung mga panel gawa na din na na-discuss yung topic sakanila ng mga unang grupo. It was really a wrong move to pick a common topic dahil mas nagiging handa mga professor pag-alam na nila yung mga sasabihin mo.
jr. member
Activity: 37
Merit: 7
1. Ano ang cryptocurrency?
Para sa akin, ang cryptocurrency ay kadagdagang mode of payment aside sa fiat na ating ginagamit na may kaniya-kaniyang convenient uses depende sa sitwasyon bilang halimbawa nalang ng international transaction na walang duda na mas mabilis sa pamamagitan ng cryptocurrencies kaysa sa traditional remittance centers.
2. Saan mo nalaman ang cryptocurrency?
Kaibigan.
3. Payag ka ba na isakatuparan ang cryptocurrency sa bansang Pilipinas?
Kung ang tinutukoy mo ay legalization, oo sapagkat ito'y nakakatulong ng higit lalo na sa mga naghahanap ng extrang pagkakakitaan.
4. Ano ang naging dulot sa iyo ng pag-gamit ng cryptocurrency?
Bilang isang estudyante, mas malaya at responsable nako sa mga finances ko.
5. Sa iyong palagay ano ang mga dahilan kung bakit hindi lubos na kilala ang cryptocurrency sa bansang Pilipinas?[/b]
Dahil karamihan sa atin ay skeptical sa makabagong teknolihiya na ito lalo na't wala itong pisikal na anyo katulad ng kinagisnan nating salapi.

Wish you luck sa research na gagawin mo. Nawa'y nasagot ko ng naaayon ang iyong mga katanungan. Interesado akong makita ang kahihinatnan ng iyong research kapag ito'y natapos na.
legendary
Activity: 3346
Merit: 1134
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
2. Saan mo nalaman ang cryptocurrency?
 -Mayroong 39 ang sumagot na nalaman nila ang cryptocurrency ng dahil sa kanilang mga kaibigan at 11 naman ang sumagot na nalaman nila ito dahil sa sariling pagsusuri o pag reresearch.
Same din sa akin. Sa kaibigan din.
Mukhang mas effective talaga ang pagkwento sa mga kaibigan dahil mas madaling i-stretch. Madami na din ang sadyang wala ng gana magbasa.
Either makinig na lang or manood.
3. Payag ka ba na isakatuparan ang cryptocurrency sa bansang Pilipinas?
 - Lahat ng respondente ay sumagot ng oo, gusto nila ito sa bansang Pilipinas dahil naniniwala ang mga respondante na ang cryptocurrency ay sagot para tumaas ang ating ekonomiya. Malaking tulong ang nagagawa ng cryptocurrency sa bansang pilipinas kaya nararapat itong ipatupad sa Pilipinas.
Medyo nakakagulat ito sa akin dahil perfect score. Malamang ay kulang pa sa kaalaman ang iba. 
Handa na ba talaga ang bansang Pilipinas sa gantong pagbabago?
4. Ano ang naging dulot sa iyo ng pag-gamit ng cryptocurrency?
 - 43 respondente ay sumagot na ang pag-gamit ng cryptocurrency ay nakakatulong sa kanila para sa kanilang pangangailangan sa buhay.
Teka, wala bang tanong na sa paanong paraan?
5. Sa iyong palagay ano ang mga dahilan kung bakit hindi lubos na kilala ang cryptocurrency sa bansang Pilipinas?
 - 30 respondente ang sumagot na dahil karamihan sa mga tao sa Pilipinas ay takot dahil sa pag kakaalam na ito ay isang scam, 20 sumagot na dahil hindi bukas ang isipan ng mga Pilipino sa mabuting epekto nito.
Medyo may tama ito.
Para sa akin naman ay masyado tayong nastuck sa traditional na pamamaraan.
Yun ang base sa nakikita ko. Lalo na kapag umuwi ka ng probinsya.
sr. member
Activity: 763
Merit: 252
1. Ano ang cryptocurrency?
Quote
Ang isang cryptocurrency  ay isang digital asset na idinisenyo upang gumana bilang isang daluyan ng palitan na gumagamit ng malakas na kriptograpiya upang ma-secure ang mga transaksyon sa pananalapi, kontrolin ang paglikha ng mga karagdagang yunit, at i-verify ang paglilipat ng mga assets.

2. Saan mo nalaman ang cryptocurrency?
Quote
katulad din nang iba nalaman ko din ito sa pag sariling pananaliksik sa kadahilanang gusto kumita nang extra sa pamamagitan nang internet

3. Payag ka ba na isakatuparan ang cryptocurrency sa bansang Pilipinas?
Quote
sa aking opinyon oo payag ako dito
dahil sa pamamagitan nito bukod sa nakakatulong sa ekonomiya nang bansa nagagamit ko din yung ibang pera ko sa pag bili nang ibat ibang token or coin para sa karagdagang kita para sa savings ko

4. Ano ang naging dulot sa iyo ng pag-gamit ng cryptocurrency?
Quote
nang dahil dito na babawasan ko ang pag kaltas ko sa regular ko na income at yung iba nakukuha ko sa kinita ko sa pamamagitan nang cryptocurrency.

5. Sa iyong palagay ano ang mga dahilan kung bakit hindi lubos na kilala ang cryptocurrency sa bansang Pilipinas?
Quote
karamihan kasi dito sa atin ay nakatotok sa mga social media at hindi nila nakikita ang kahalagahan nang cryptocurrency sa atin at kawalan nang pananaliksik

sana nasagot ko nang tama at makakatulong sayo ang mga opinyon ko ts.
member
Activity: 127
Merit: 28
Gusto ko lamang ishare sa inyo ang nagawa naming baby thesis ng aking mga kaklase taong 2018, ito ay tungkol sa tingin ng mga tao sa Pilipinas sa cryptocurrency at base sa output ng aming research sa 50 respondents na na interview namin.

Narito ang mga iilang mahalagang bahagi ng pananaliksik:

Abstrak:
       Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa kalagayang ng cryptocurrency sa bansang Pilipinas, ang pananaliksik na ito ay gumamit ng quantitative method at ginamitan ng nonrandom convenient sampling, kung saan ang mga respondente ay pinili ng mga mananaliksik base sa "convenience". Ang bilang ng respondente ay limangpo(50) na may edad na labing-walo hanggan tatlompo na naninirahan sa Valenzuela City. Lumabas sa pananaliksik ang kahiligan ng mga repondente sa pag-gamit ng cryptocurrency dahil sa kakayahan nitong sustentuhan nag kanilang pangangailangan.

Layunin:
       Ang pananaliksik na ito ay may layon na alamin ang kahalagahan at kalagayan ng cryptocurrency sa bansang Pilipinas.
1. Alamin ang kahalagahan ng cryptocurrency?
2. Ano ang dulot ng cryptocurrency sa mga tao sa Pilipinas?

Pangkalahatang Problema:
1. Ano-ano ang mga epekto ng pag gamit ng cryptocurrency?
2. Ano ang mga salik na nakakaapekto kung bakit hindi kilala ang cryptocurrency sa ating bansa?

Sa 50 na respondent na iyon ay naghanda kami ng mga iilang katunangan para sa kanila:
1. Ano ang cryptocurrency?
 -Karamihan sa mga sagot ng respondent ay sinasabing ito ay tungkol sa pera sa online o kaya masasabing pera ng internet, nasabi rin nila na ang cryptocurrency ay decentralized kung saan ito ay hindi hawak ng asensya ng gobyerno.

Jump to: