Author

Topic: [Kaunting kaalaman] Assets and Liabilities (Read 183 times)

newbie
Activity: 112
Merit: 0
July 17, 2018, 05:28:54 AM
#7
Yes dapat matuto tayo ng basic acounting para sa finances natin at lalo na sa ilalabas at ipapasok nating pera sa pagccrypto. Masasabi kong assets ang pagccrypto lalo na ang pag bounty campaign since delayed reward lang sya. Yun nga lang may konting small expenses sa simula pero panigurado bawing bawi mo sya pag nakuha mo ang iyong bounty reward.
full member
Activity: 700
Merit: 100
Hi. Accountancy grad here. Smiley We can consider cryptocurrency as Asset pero sa definition kasi ng asset para maconsider as asset, may ilalabas ka. Ang macconsider na cash outflow mo lang sa bounties e ung ginamit mo panginternet to do campaigns. Pero kung tutuusin sa definition nya sa Accountancy (via Balance Sheet, FS Records) kelangan may igive up ka e. Anyways, mayroon tayong macconsider na altcoins sa crypto na magkacount as 'liability'. Yung nag invest ka pero ang laki ng lugi mo.
member
Activity: 350
Merit: 47
Okey po topic ninyo may natutunan ako medyo tricky pagtinatanong ngayon alam ko sasagot ko
Ez diba?
Assets - nag papasok ng pera
Liabilities - nag lalabas ng pera

Asset din ang mga receivables, asset kapag sure ka sa tatanggapin mong profit or bounty token. Paano pala kapag scam ang ICO, I consider it as liabilities sabi nga nila pakawalan mo ang pera na kaya mong ipalugi.  Kaya kung gusto natin ng more asset make it sure na legit ang ICO na sasalihan at promising ang altcoin na bibilhin. Smiley
Scam icos padin kasi ang bearing, kung di lang naman scam ang mga ito Asset talaga ang crypto pero dahil dumadami na nga, nagiging greedy nalang ang mga tao. Asset padin siya kabayan.

maaaring asset nga ang  pag  sali sa mga campaigns pero nag lalabas din ito ng pera dahil sa puhunan mo dito gaya ng  internet expences at pag coconsume ng oras mo na maaaring malugi dahil sa hindi  naman 100% ang payout.
yung puhunan mo naman is considered na sa bahay mo (which is liability nga) pwede mong iset aside yun at nakahiwalay na entity si crypto. Since kahit wala naman si crypto, mag babayad ka padin.
newbie
Activity: 266
Merit: 0
maaaring asset nga ang  pag  sali sa mga campaigns pero nag lalabas din ito ng pera dahil sa puhunan mo dito gaya ng  internet expences at pag coconsume ng oras mo na maaaring malugi dahil sa hindi  naman 100% ang payout.
jr. member
Activity: 518
Merit: 1
Asset din ang mga receivables, asset kapag sure ka sa tatanggapin mong profit or bounty token. Paano pala kapag scam ang ICO, I consider it as liabilities sabi nga nila pakawalan mo ang pera na kaya mong ipalugi.  Kaya kung gusto natin ng more asset make it sure na legit ang ICO na sasalihan at promising ang altcoin na bibilhin. Smiley
jr. member
Activity: 155
Merit: 1
Okey po topic ninyo may natutunan ako medyo tricky pagtinatanong ngayon alam ko sasagot ko
member
Activity: 350
Merit: 47
Introduction:
Magandang araw mga kabayan! Nandito nanaman ako para magbigay ng konting kaalaman patungkol sa Assets and Liabilities as suggested ulit ni AdoboCandies:
  • Assets vs. Liabilities
Kung titignan niyo sa dictionary ang salitang "assets" o "liabilities" malamang sa malamang malilito ka lang (halos lahat naman kaya wag ka mangamba), ganon din naman ako at kahit sinong alam ko na wala pang muwang sa pagiging Financially literate. Sa thread na to, sisikapin kong maiexplain ang assets at liabilities as simple as possible para maintindihan ng lahat at lalo na ng mga baguhan.

Bukod sa pinaka main idea para malaman kung ano ang asset at ano ang liability nagdagdag ako ng isa pang tanong:

I. Ano ang Assets at Liabilities? At pano malaman kung assets o liabilities?
II. Cryptocurrency, asset ba o liability?

DISCLAIMER: lahat ng mababasa niyo dito ay ang pagkakaintindi ko sa mga sources ko, maaaring may mga mali o kulang kaya kung pwede paki inform nalang ako para maayos natin agad.


I. Ano ang Assets at Liabilities? At pano malalaman kung assets o liabilities?

Simpleng simple lang, Ang assets ay yung mga ari-arian mong nagpapasok ng perasayo at ang liabilities naman ang mga ari-arian mong naglalabas ng pera.

Para mas maintindihan mo, eto ang cash-flow pattern ng isang asset at ng isang liability:



Kung mapapansin niyo may dalawang part yung figure, yung nasa taas yung Income statement or Profit-and-Loss statement. At yung nasa baba is yung Balance sheet.

Yung Income statement, makikita natin diyan at nilalagay diyan ang mga pumapasok at lumalabas na pera sayo. Usually sa income diba ang mga work, and sa expenses naman is yung mga groceries, etc.

Ang Balance sheet naman, diyan mo lang makikita yung mga assets mo and liabilities, and by the word itself ang ideal para sa balance sheet mo is balance yung assets and liabilities mo or mas maganda pa doon mas marami ang assets mo at konti lang ang liabilities mo.

Bakit? Siyempre kung balanced o mas marami ang assets mo kaysa sa liabilities mo, hindi ka mamromroblema kahit gano pa kalaki ng expenses mo. Since kapag mataas ang Assets mo, mataas din ang income mo.

Kung mapapansin niyo din may arrow na nag iindicate ng dadaanan ng pera niyo, so kung sa asset siya, directly counted as income at kung liability, since ang liability nga ang mag ppwersa sayo maglabas ng pera counted as expenses o gastos (isipin niyo parang wallet yung box at palabas talaga yung pera kase gastos ng gastos).

Example ng cash-flow pattern ng mga katamtaman sa mayayaman:



Ang mga nakalista ay yung mga halimbawa ng income at expenses pati na rin ang assets at liabilities.

Sa ngayon, yan lang naman ang dapat mong malaman at i-take note.
Na ang asset ang mag bibigay sayo ng pera at ang liability ang maglalabas ng mga ito. At ideal para satin (sa mga gusto yumaman) ang balanced ang assets at liabilities or higit pa ang assets.

Ang dali lang intindihin pero bakit parang marami paring tao ang nalilito sa mga ito?

Ang problema kasi is hindi natin alam na ang mga inaakala nating assets gaya ng Bahay at Kotse ay liabilities pala. Pero kung lupa ang usapan, then macoconsider siya as asset, since ang presyo ng lupa ay gradually increasing. At mabebenta mo yon ng mas mahal pagdating ng panahon.

BABALA: Nga pala, hindi porket tumaas na ang assets mo ay ibigsabihin non goods ka na, kasi ang kadalasang nangyayari, kahit na may malaki kang income, kung sobra sobra padin ang gastos mo at di mo alam kung pano i-handle ang pera mo, ekis padin. Example dito ay yung mga nananalo sa lotto. Mayaman ngayon pero mahirap na bukas. Kasi ang Rule #1 sa pagpapayaman ay: You must know the difference between an asset and a liability, and buy assets.

II. Cryptocurrency, asset ba o liability?

Well, kung pano mo gagamitin yung crypto madedetermine kung asset mo ba siya or liability. Kase para sakin, nacoconsider ko siya as asset. Since signature campaign lang namang ang ginagawa ko at konting twitter. Hindi ako naglalabas ng pera pero may pumapasok sakin, therefore asset.

Kung ang paggamit mo ng crypto is investment. Long-term man or short-term ang pag invest mo, considered padin siyang asset. Pero investments on crypto currency, in general is a short-term current asset. Since di din naman natin alam kung gano ito katagal mag lalast and currently pasok parin siya sa mga short-term. Also, crypto ang mag papasok sayo ng pera in the near future therefore asset.

Bakit asset? Eh gagastos ka naman sa pag bili, edi mag lalabas ka padin ng pera, hindi ba dapat liabilities?

Although gagastos ka padin at first, meaning mag lalabas ka ng pera, babalik parin naman yung ginastos mo at di lang basta balik minsan dumodoble pa, so more profit.

SUMMARY:
  • Asset - Ari-arian mong magbibigay/mag gegenerate sayo ng pera.
  • Liability - Ari-arian mong pwepwersahin ka maglabas ng pera.
  • Rule #1: You must know the difference between an asset and a liability, and buy assets.
  • Cryptocurrency - In general, is a short-term current asset.
Yun lamang at maraming salamat! Sana nakatulong to maintindihan ang assets and liabilities. Sinubukan kong ikliian pero humahaba talaga pag nag eexplain ako. Muli, maraming salamat!

Sources:
https://www.quora.com/Are-Bitcoins-an-investment-or-an-asset
Kiyosaki, R. T. (2011) Rich Dad Poor Dad. Scottsdale, AZ: Plata Publishing, LLC.

EDIT:
PS: Nabura yung dati kong post without any message from the forum, di ko alam nangyari so kung binura talaga to ng mod pasabihan nalang po ako, ako na po magbubura hehe thank you po!
Jump to: