Author

Topic: [Kaunting Kaalaman] Ibat-ibang uri ng Consensus Algorithm (Read 285 times)

hero member
Activity: 2492
Merit: 542
Merong bago ngayon yung tinatawag nilang Proof of Online algorithm sa pamamagitan ng pag online gamit ang isang platform at makakapgkolekta ka ng token hindi na rin kilangan ng hardware dito bsta magonline ka lang via platform target users nito ay mga internet users at website operators.
newbie
Activity: 48
Merit: 0
member
Activity: 372
Merit: 12
Grabe talaga magbigay ng impormasyon ang mga kababayan nating pinoy masasabi ko na ang ganda ng pagkakagawa tungkol sa iba't-ibang uri ng consensus algorithm. Kaya sana ipagtuloy mo lang ito para mas marami ka pang matutulungang tao lalo na sa mga baguhan pa lang sa bitcoin.
jr. member
Activity: 155
Merit: 1
Ayos ang post na ito maganda at very informative dati binabalewala ko lang topic na ito mahalaga pala ito sa cryptocurrency. malaking tulong sa mga  baguhan gusto matuto sa crypto at blockchain
member
Activity: 364
Merit: 18
Bagamat hindi ko talaga maintindihan dati, kung ano ang mga ito salamat sa pag salin sa wikang pilipino. Sobrang dami kong natutunan bagamat hindi talaga ako o walang hilig sa tech ay atleast may natutunan ako at nadagdagan ang kaalaman ko sa mundo ng crypto. Siguro nga ay ang crypto tech madaling intindihin ng mga IT pero salamat sa post no ito ,bagamat kahit tagalog na lahat ay, medyo mahirap parin i analize kung paano talaga nang yayari ang mga ito ,siguro ay uulit ulitin ko nalanag basahin para bumaon sa utak ko. Salamat sa post mo kabayan kung may available merits lang ako ay binigyan na kita.
member
Activity: 231
Merit: 19
akala ko yung algorithm na mga sha-256 hahahaha yun
Ang (Secure Hash Algorithm) SHA-256 ay isang hashing algorithm , e.g sa transactions ng Bitcoin, in summarize itong hashing  algorithm na ito ay responsible sa pag authenticate ng bawat transaction para maging unique ito.
member
Activity: 335
Merit: 10
Salute you sir ganito dapat ang laging pinopost hindi yung kung ano ano , napakaraming natutunan at marami pang matututo dahil sa post na to
jr. member
Activity: 62
Merit: 2
akala ko yung algorithm na mga sha-256 hahahaha yun kasi madalas kong nakikita pero helpful to di ako familiar pero nakikita ko yung mga pow etc. saka ngayon alam ko na mga meaning at gamit two thumbs up sa thread mo sir
member
Activity: 231
Merit: 19
Marami-rami parin sa atin ang hindi alam kung ano-ano ang mga Consensus Algorithm / Protocol na ginagamit ng mga cryptocurrency para ma-verified ang mga transactions at mag generate ng mga bagong blocks sa network. Kaya ginawa kong itong thread na ito para malaman ng iba kung ano-ano nga ba ang mga Consensus Algorithm / Protocol. See you Cheesy


Quote


Ano nga ba ang Consensus Algorithm?

Ang Consensus Algorithms ay vital part ng Blockchain Technology , lalo na sa pag validate at authenticate ng transactions sa network para maiwasan ang mga atake sa network tulad ng double spending . May ibat-ibang uri ng Consensus Algorithm na ginagamit ng mga cryptocurrency , ang pinaka-karaniwang na ginagamit ay ang Proof of Work.



Proof of Work Consensus Algorithm

Ang Proof Of Work ay ang una at ang pinaka-karaniwang ginagamit na consensus algorithm ng mga cryptocurrency , pinakilala ito ng creator at founder na Bitcoin , Satoshi Nakamoto. Sa Proof of Work ang bawat transaction ay encrypted at naka-stored sa data block. Ang Blocks ay set ng mathematical equation na mahirap ito i-solved pero madali lang i-verify sa pamamagitan ng pag-generate o pagmina ng mga bagong Blocks. Ang mga miners sila ang responsable sa pag generate o pagmina ng bagong mga Blocks sa network , ang unang makapag mina o pag generate ng Blocks ay siyan makakakuha ng rewards (tulad ng reward ngayon sa Bitcoin 12.5BTC).



Proof of Stake Consensus Algorithm

Ang Proof of Stake ay isang alternatibong consensus algorithm sa Proof Of Work at naglalayong makamit ang distributed consensus. Ang kauna-unahang gumamit nito ay ang Peercoin . Sa Proof Of Stake sa pag-gegenerate na bagong Blocks gumagamit ito ng various combinations ng random selection at wealth o Age.

Blocks Selection Variants

  • Randomized Block Selection
      -Ang karaniwang gumagamit nito ay ang  NXT na gumagamit ng randomization sa pag predict ng susunod na Block sa network , gumagamit sila ng formula na hinahanap ang pinakamababang hash value na nakadepende sa size ng stake.
  • Coin age based Selection
      -Ang karaniwang gumagamit nito ay ang  Peercoin na nag rerefer sa transaction input
    Quote
    Coin age is equal to the number of coins sent times the average age on these coins. Age is measured in days. Age is reset to zero whenever a coin is sent AND whenever a coin provides a signature. Coin age could be used to calculate mandatory fees, block reward or proofhash target.
    Katulad sa Peercoin kailangang mong maghintay ng 30 days para makapagsimula kang mag staking.

Kaibihan ng proof of Stake sa Proof Work

  • Ang Proof of Stake ay mas efficient.
  • Mas maraming tao ang mas maeengganyo na magpatakbo ng kani-kanilang node ng dahil na rin sa   efficiency nito.
  • Ang Proof-of-stake ay hindi ideal para sa distributed consensus protocol.
  • Ang "Nothing At Stake" na problema  ay maiiwasan sa ibat-ibang paraan.

Iba pang variants ng Proof of Stake

  • Proof of Stake Anonymous (PoSA)
      - Pinakilala ito ng Cloakcoin , ang mga transactions sa network ng Cloakcoin ay sinasadyang tinatago ng ibang user para makakuha ng kanilang rewards , at ang transaction na iyon ay hindi makikita kung saan nanggaling at saan patungo ito.

  • Delegated Proof of Stake (DPoS)
      - Ang Delegated Proof of Stake ay unang pinakilala ng Bitshares Blockchain , at ang mga users nito ay pwede maging Forging Delegates sa pag set up ng full node sa network at pwede rin sila iboto ang kani-kanilang napupusuan ng Delegates. Ang mga Forging Delegates ay sila lang ang pwedeng mag-forge ng coins sa network.

  • Proof of Importance (POI)
      - Ang Proof of Importance ay expansion ng NEM Blockchain na nag propromote ng economic activity. Ang POI ay isang Algorithm na tumutukoy kung gaano kahalaga ang bawat account na may kakayahang makumpleto ang isang block at kitain ng lahat ng mga transaction fee na nakapaloob dito.

  • Proof of Storage
      - Ang Proof of Storage ay unang binuo noong 2013. Ang mga isa sa gumaganit nito ay ang Storj . Sa halip na gumamit ng isang blockchain, ang network ay gumagamit ng isang blocktree. Sa halip na makita ang bawat single transaction listed, makikita lamang ng gumagamit ang mga transaksyon na may kaugnayan sa kanila. Ang bawat node sa blocktree ay naglalaman ng isang blockchain.

  • Proof of Stake Time (PoST)
      - Unang pinakilala ng Vericoin . Proof of Stake Time gumagamit ng coin age, pero sa halip na gamitin ang amount ng coin para ma kalkula ang coin age , gunagamit nalang ng period of time ng coins na nahawak na isang specific address. Itong paraan na ito ay ginamit upang maiwasan ang mga may hawak ng mas maraming coin na mas dumami pa ang kanilang coin.

  • Proof of Stake Velocity (PoSV)
      - Unang pinakilala ng Reedcoin .Ang Proof of Stake Velocity ay binibigyan ng rewards ang bawat users nito naka depende kung ilan ang kanilang coin at kung ilan din ang  aktibong ginagamit nito.  .



Proof of Activity Consensus Algorithm

Ang Proof of Activity ay isang alternatibong consensus algorithm sa Proof of Stake at unang pinakilala noong 2012. Ang Proof of Activity ay pumipili ng isang random peer mula sa network upang mag-sign isang bagong block. Ang pamamaraang ito ay nangangailangan ng continuous data exchange. Upang mabawasan ang traffic, hindi sinasama sa block ang "template" ng listahan ng mga transaction at sa halip ay idinagdag ng huling signer nito.



Proof of Burn Consensus Algorithm

Ang Proof of Burn ay alternatibong consensus algorithm sa Proof of  Work at Proof of Stake , Ang mga miner ay dapat magpakita ng katibayan na sinunog nila ang ilang mga coin - iyon ay, ipinadala ang mga ito sa isang verifiably not shown address. Kung sino mang user ang makapag burn na mas madaming coin ay siyang makakakuha ng block rewards.




Proof of Capacity (PoC) Consensus Algorithm

Ang Proof of Capacity o mas kilala din sa tawag na Proof of Space ay gumagamit ng Hard drive mining para maka generate ng bagong blocks.Mas madaming space na meron ka mas malaking tiyansa na makapag generate ng bagong Block. Ang Burst Coin . Ang unang nagpakilala sa konseptong ito.




Proof of Checkpoint (PoC) Consensus Algorithm

Ang Proof of Checkpoint ay isang hybrid system na nag utilizes Proof of Stake system na may Proof Of Work System. Sa bawat block ng Proof of Stake system ay kailangan ma mina din sa Proof of Work System.Sa bawat blocks ng Proof of work ay walang laman na transaction sa loob nito at direktang magkakonekta ang dalawa ang Proof of Work network at Proof of Stake network.



Sana makatulong lalo na sa mga beginners sa crypto world
Jump to: