Picture courtesy of KMJS
Last month I made a topic about Maharlika Money kung saan isang organization/group ang mayroong sariling pera na nafeature sa kmjs. At ngayon habang nanonood, isang episode na naman ng panibagong organization na nagcaclaim na may sariling currency sa may Iligan. Pero compare to Maharlika Money, masasabi kong isang malaking scam ang pinaglalaban ng Kingdom of Filipina Hacienda which is sinasabing monarchy type of system dito sa Pilipinas na isang democratic country.
Ayon dito, mayroon silang sariling Queen na si Salvacion Legaspi Y Espiritu kung saan angkan nya daw si Lapu-Lapu. Nakakatawa lang na mayroon din silang sariling pera na pinapaikot sa loob at labas ng organization nila. Ang kanilang currency kung saan ang 1AU na may picture ng kanilang "queen" ay katumbas ng PHP1,000 na backed up daw ng gold reserve. Ayon sa BSP, kung sa organization lang nila ito ay okay lang pero kung ipinambayad nila sa ibang tao, pwede itong masabing scam.
Picture courtesy of KMJS
Itong kanilang queen ay isa sa malaking scammer na nakilala ko. Bago ka maging member ng organization nila, kailangan mo magbayad ng membership fee na nagkakahalagang P5,000 at mahilig 10,000 members na ang meron sila. How ironic na nagpapakalat sila ng sarili nilang currency pero nagpapabayad muna sila ng PHP.
Bukod sa pang i-iscam ng pera, pati ang papers nila na pinasa sa BSP ay purged ang pirma, pati plate number nila according sa LTO, at yung mga IDs.
Hindi ko alam bakit mayroong mga tao ang nagpapaniwala at nahuhulog sa ganito. Sa ganitong pinaglalaban ng kanilang organization, ang kawawa ay ang kanilang mga miyembro. Nag-aasam sila na yumaman dahil dito pero kung tutuusin, sila lang ang naloloko dahil sa binibigay nilang pera kapalit ng pera na walang halaga sa labas ng kanilang grupo. Nakakalungkot isipin na tinetake advantage nila yung weakness ng mga mahihirap, at sila lang din ang nakikinabang sa fee na sinisingil nila at ginagamit pa nila yung maling paniniwala nila para lang makapang scam ng ibang tao.