Author

Topic: Kung may BTC wallet meron bang BTC bank? (Read 200 times)

jr. member
Activity: 34
Merit: 2
March 11, 2020, 12:55:02 AM
#8
Yes, worrying talaga ung mababang insurance sa mga banko, pero take into consideration rin ung the fact na malayong malayong mas mahirap bawiin ung pera kung ung bitcoin lending platform ung nahack(dahil hindi na-rereverse ang bitcoin transactions obviously). But along with that, personally hindi rin ako fan ng nag iiwan ng malaking pera sa banko.  Cheesy So in the end manage your risks lang talaga.

Tama ka sa lahat, alam naman natin na mas tangible ang pera sa bangko or cash pero ang bitcoins na sabi mo nga na mas mahirap mabawi dahil digital ito at prone to hacking pag walang sense of securities di tulad na kung mahack ang bangko may insurance pa rin pero ang bitcoin wala talagang insurance sa kahit anong paraan. Alagaan nalang mga plano sa resources natin para hindi magkawalaan.
mk4
legendary
Activity: 2870
Merit: 3873
📟 t3rminal.xyz
March 11, 2020, 12:11:47 AM
#7
Salamat sa mga karagdagang mga links makakatulong ito sakin. Ako kasi hindi ako fan na pinagkakatiwalaan mga bangko sa pinas kasi kahit alam ko na kahit matagal na o parang tenure kung sa tao at kilala ang mga bangko sa atin hindi nawawala sa isipan ko yung posibility na mabankrupt at baka masayang ang sobrang pera sa bangko dahil 500,000 pesos lang ang insured na maibabalik sayo tapos yung sobra wala na dahil ang bankrupcy ay kadalasang biglaan pero kayang maiwasan depende kung anong factors ang gaganap.

Yes, worrying talaga ung mababang insurance sa mga banko, pero take into consideration rin ung the fact na malayong malayong mas mahirap bawiin ung pera kung ung bitcoin lending platform ung nahack(dahil hindi na-rereverse ang bitcoin transactions obviously). But along with that, personally hindi rin ako fan ng nag iiwan ng malaking pera sa banko.  Cheesy So in the end manage your risks lang talaga.
sr. member
Activity: 700
Merit: 254
March 10, 2020, 11:48:35 PM
#6
Kung balak mo mag invest wag mo masiyado lakihan remember na laging merong risk pag nag invest even sa mga gambling websites.

Remember ang laging paalala ng mga pro . Dont put all your eggs in one basket , para incase na magkaroon ng problema magkaroon ka pa ng chance na bumawi sa iba.

Ung mga ganyan may annually interest marami naman klase yan meron pa nga mga lending websites.

Para sakin opinyon ko lang masiyadong malaki ung risk compare doon sa earnings na mkukuha mo. Kaya hindi ko gawain ung ganyang klase ng investment.
Tama boss wag ilagay lahat sa iisang investment ang pera para kung nagkabulilyaso may pera parin para mag invest sa legit at dun babawi. Karamihan kasi ngayon medyo tagilid na puro scam kaya need double check at wag papasilo din sa malaking kita.
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
March 10, 2020, 11:18:39 PM
#5
A good article for you to read - https://cryptomaniaks.com/best-bitcoin-lending-sites
Blockfi and Celsius were mentioned among the top three lending platforms at meron din pros and cons dun. The article also mentioned platforms to avoid.

Pagkakaalam ko pati mga top centralized exchanges ngayon ay nag-offer na din ng mga lending services kagaya na lamang ng Binance, Kucoin, Huobi, at iba pa.

Kung may problema ka naman sa mga centralized lending platforms, you can check out these decentralized lending platforms - https://defiprime.com/decentralized-lending



Please note that I am only giving you as many options to choose from. The first article I shared mentioned Salt lending as one platform to avoid pero kasama naman siya sa listahan ng decentralized lending platform. It is up to you kung alin ang pipiliin mo.
jr. member
Activity: 34
Merit: 2
March 10, 2020, 11:00:09 PM
#4
Kung balak mo mag invest wag mo masiyado lakihan remember na laging merong risk pag nag invest even sa mga gambling websites.

Remember ang laging paalala ng mga pro . Dont put all your eggs in one basket , para incase na magkaroon ng problema magkaroon ka pa ng chance na bumawi sa iba.

Ung mga ganyan may annually interest marami naman klase yan meron pa nga mga lending websites.

Para sakin opinyon ko lang masiyadong malaki ung risk compare doon sa earnings na mkukuha mo. Kaya hindi ko gawain ung ganyang klase ng investment.
Mas maliit ang makukuha na earnings dahil interest lang makukuha ko pero tama din naman na hindi lahat ilalagay ko para lang sa investment. Sapagkat extra income naman ito o pwedeng sabihin na disposable income naman ang ilalagay ko kaya wala naman akong pag aalinlangan.


Kung interest ang hanap mo, BlockFi[1] at Celsius[2] siguro ung pinaka reputable na alam ko sa ngayon. Personally though, oo may interest, pero di ako fan ng humawak ng malalaking halaga ng bitcoin sa custodial entities. Pero nasa sayo naman yan.

https://bitcointalksearch.org/topic/security-iwasang-gumamit-ng-custodial-wallets-at-iba-pang-security-tips-5215182


[1] https://blockfi.com/
[2] https://celsius.network/
Salamat sa mga karagdagang mga links makakatulong ito sakin. Ako kasi hindi ako fan na pinagkakatiwalaan mga bangko sa pinas kasi kahit alam ko na kahit matagal na o parang tenure kung sa tao at kilala ang mga bangko sa atin hindi nawawala sa isipan ko yung posibility na mabankrupt at baka masayang ang sobrang pera sa bangko dahil 500,000 pesos lang ang insured na maibabalik sayo tapos yung sobra wala na dahil ang bankrupcy ay kadalasang biglaan pero kayang maiwasan depende kung anong factors ang gaganap.
mk4
legendary
Activity: 2870
Merit: 3873
📟 t3rminal.xyz
March 10, 2020, 10:48:17 PM
#3
Kung interest ang hanap mo, BlockFi[1] at Celsius[2] siguro ung pinaka reputable na alam ko sa ngayon. Personally though, oo may interest, pero di ako fan ng humawak ng malalaking halaga ng bitcoin sa custodial entities. Pero nasa sayo naman yan.

https://bitcointalksearch.org/topic/security-iwasang-gumamit-ng-custodial-wallets-at-iba-pang-security-tips-5215182


[1] https://blockfi.com/
[2] https://celsius.network/
full member
Activity: 896
Merit: 198
March 10, 2020, 10:46:49 PM
#2
Kung balak mo mag invest wag mo masiyado lakihan remember na laging merong risk pag nag invest even sa mga gambling websites.

Remember ang laging paalala ng mga pro . Dont put all your eggs in one basket , para incase na magkaroon ng problema magkaroon ka pa ng chance na bumawi sa iba.

Ung mga ganyan may annually interest marami naman klase yan meron pa nga mga lending websites.

Para sakin opinyon ko lang masiyadong malaki ung risk compare doon sa earnings na mkukuha mo. Kaya hindi ko gawain ung ganyang klase ng investment.
jr. member
Activity: 34
Merit: 2
March 10, 2020, 10:42:23 PM
#1
Kamusta mga kababayan baguhan palang ako sa mundo ng bitcoin at habang nag-aaral ako kung paano gamitin iba't ibang klase ng crypto. Salamat at napadpad ako dito sa forum dahil gusto ko matuto at kumita sa tamang panahon at kasi nung una puro nakikita ko sa internet lalong lalo na sa youtube puro paano kumita ng bitcoin at yumaman gamit ito.
Alam naman natin na mangyayari talaga yun pero naisip ko karamihan ng pinoy basta pag narinig ang bitcoin sa usapang pera gusto nila quick money kaya sila curious tapos pag tinuruan mo sila yung iba nakakagets pero yung iba hindi na pinapakinggan at habol lang talaga kumita. Tapos pag mabagal ang proseso o naiscam sila dahil sa hindi nila napag-aralan ikaw pa ang sisisihin o ang bitcoin ay i-lalabel na isang scam na currency.

Ngayon nakapagpakilala at nashare ko na ang aking unang karanasan, dahil sa topic na ginawa ko meron ba tayong bitcoin bank dito nakapagset up na ako ng coins.ph account? Kahit website na pwedeng ituring na bangko tulad ni freebitco.in? Sabi kasi ng karamihan legit naman daw si freebitco.in na nagbabayad o nagpapayout ng bitcoin base sa searches ko basta iiwasan ko lang gumamit ng bots or scripts at yung MULTIPLY BTC, BETTING, LOTTERY, at CONTEST na isa rin syang gambling site dahil dun sa mga feature na iyon pero ang habol ko lang talaga yung possible interest tulad sa mga bangko.

Balak ko kasi lagyan ng 1-5 BTC galing sa mga sidelines at extras from my income sa trabaho tapos si interest na ang bahala magparami. Tapos kung kailanganin ko bawiin yung bitcoins ko pwede ko naman iwithdraw sya ulit pero may takot kasi ako maglagay ng ganung kalaking bitcoins sa site na iyon kahit interests lang kaya ang tanong ko kung meron ba dito nakagamit na o gumagamit pa rin nito hanggang ngayon.
Maliban sa hodling at trading sana meron kahit false-bank o parang bangko.

EDIT: Meron kasi syang annual interest rate na 4.08% at ang calculation nya ay ganito:

Example:
Account Balance: 2 BTC
Daily Int.:     0.00021917 BTC
Monthly Int.: 0.00658579 BTC
Yearly Int.: 0.08161011 BTC





Jump to: