Ang post na ito at pagsasalin ng ginawang topic ni
fillippone patungkol sa btc futures.
Everything you wanted to know about BTC Futures but were afraid to ask! salamat sa atin kaibigan sa pagbabahagi ng isang napakagandang topicat sana ay inyo din magustuhan ang aking pagpapaliwanag.
Nang mailunsad na ang Bakkt Futures, napansin ko na karamihan sa mga users dito sa forum ay nagtatanong or naguguluhan kung ano nga ba talaga ang futures at ang konsepto nito na talaga naman ikinalilito ng marami. Gagawin ko sa abot ng aking mamakaya upang ipaliwanag o bigyan ng solusyon ang mga bagay na hindi malinaw patungkol dito sa pinaka simpleng pageexplika. Magbibigay din ako ng mga halimabawa na ginagamit ito sa reyaledad na sitwasyon gamit ang Bakkt at CME bitcoin futures.
DEPINISYON NG FUTURES
Ang futures ay binubuo ng mga kontratang pinansyal na inuobliga ang mga mamimili (mga nagbebenta) na bumili (magbenta) ng mga propyedad o bagay na may halaga (na pinagbabatayan kung may halaga) , katulad ng isang pisikal na kalakal o isang pinansyal na instrumento at mga posibilidad na hinaharap na petsya at presyo.
Tignan ang halimbawa sa baba:
Kung ako ay bibili ng BAKKT future sa halagang 7,942.5, at ang pagtatapos ng kontrata nito ay sa Oktubre 17, 2019. Mayroon akong obligasyon na bilhin ang isang buong
BTC mula sa Bakkt Warehouse sa presyong naka Dolyar 7942.5. Ang aktwal paghahatid ng future ay maisasagawa sa sumunod na araw ng Oktubre 18, 2019. Ibig sabihin maari ko itong ikalakal hanggang Oktubre 16, 2019 lamang.
Katulad ng pagbili, ay ganun din kung ako ay magbebenta ng BAKKT future sa halagang 7,942.5, at ang pagtatapos ng kontrata nito ay sa Oktubre 17, 2019. Malinaw na ako ay obligado na magbenta ng isang buong bitcoin mula sa Bakkt Warehouse hanggang Oktubre 16, 2019.
Ang sumusunod na imahe ay ang mga detalye nf lahat nh importanteng petsa para sa future.
FTD (First Trade Date): paunang petsa na maaaring ikalakal ang mga kontrata ng future.
LTD (Last Trade Date): huling petsa na maaaring ikalakal ang mga kontrata ng future.
FND (
First Notice Day): unang petsa kung saan ang merkado ay maaari ng ipaalam sa isang holder kung ito ay puwede ng pumwesto para sa long(pagbili) future ng mga propyedad or mahahalagang bagay (bitcoin sa kasong ito), ito rin ang unang petsa kung saan ang merkado ay pinagbibigay alam sa mga short (pagbenta) holder na maaari na nilang ipadala ang kanilang propyedad sa puntong iyon.
LND (Last Notice Date): ito ang huling petsa kung saan ang merkado ay maaaring iorder or isagawa ang mga detalyeng nabanggit sa itaas.
FDD (
First Delivery Date): unang petsa kung saan ang merkado ay maaari ng ilipat sa posisyon ng future long(pagbili) ang mga kabuuang propyedad sa naturang lugar.( sa kasong ito, ay ang bitcoin sa Bakht warehouse).
LDD (
Last Delivery Date): katulad rin ng FDD, ito naman ang kahulihang petsa kung saan ang merkado ay maaari ng ilipat ang future long(pagbili) posisyon ang mga kabuuang propyedad sa naturang lugar.( sa kasong ito, ay ang bitcoin sa Bakht warehouse). Aking uulitin, sa kasong ito ng FDD AT LDD ay parehas silang nagtutugma.
FSD (
Final Settlement Date): ito ang panghuling petsa kung kailan ang mga naibayad sa pagitan ng future na posisyon ng mga holder at ng merkado ay naisaproseso.
Ang mga kontrata ng futures ay dinedetalye ang kalidad at kabuuan at ang mga importansya ng mga propyedad; ito ay kinakailangan na alinsunod sa pamantayan sapagkat ang mga ito at kinakalakal sa merkado. Mahalaga na ang mga propyedad na pisikal sa katapusan ng future ay nabibigyan ng kalidad at kabuuan. Maaaring ito ay madali para sa pinansyal na instrumento ngunit maaari din maging malaking perwisyo para sa pisikal na kasangkapan o pangangailangan. Isipin na ang AAPL shares ay maaaring maging magkapareho habang ang isang bariles ng langis ay maging magkaiba depende sa kalidad nito.
Halimbawa, ang WTI future ng CME ay dinedetalye ang mga propyedad sa mga sumusunod na depinisyon na matatagpuan sa
contract specification:
I am a strong believer in the utility of local boards.
I am lucky enough to be able to express myself in at least a couple of languages, but I know this is not the case for everyone.
A lot of users post only in the local boards because of a variety of reasons either language or cultural barriers, lack of interest or whatever other reason.
I personally know a lot of very good users (from the italian sections mainly, for obvious reason) who doesn't post in the international sections.
I think all those users they are missing a lot of good contents posted on the international (english) section or on other boards.
Maraming salamat sa iyo fillippone sa permisong maibahagi ko sa mga kababayan ang iyong ideya tungkol sa Bakkt btc futures.
Note: Ang topic ay napaka ganda at talaga naman helpful. Kung mayroon man akong mga naisalin na terms na medyo taliwas sa base sa pagkakaintindi ninyo ay maaari ninyo sa akin ipaalam para mas maayos ko pa ang post na ito. Salamat sa lahat ng makababasa maapreciate ko ang inyong response lalo na ang mga may experience na sa future tradings.