Author

Topic: Latest Investment Scam (Read 555 times)

hero member
Activity: 910
Merit: 507
August 21, 2018, 06:58:40 PM
#50
Napakarami na ngayon ang lumalabas na scam kaya d na nakakapagtaka ang lalabas dahil marami ng tao ang ganid sa pera ginagamit nila ang crypto para makascam.
member
Activity: 308
Merit: 10
Revolution of Power
August 19, 2018, 07:10:01 PM
#47
May magagawa ba tayo sa ganyan dami nagugutom kaya dami scammer. Dapat umaksyon gobyerno sa roots qt hindi sa sanga e.
newbie
Activity: 98
Merit: 0
August 21, 2018, 05:23:06 PM
#46
Ang ganitong sistem nang pagdami nang mga scammer hindi na ata masulosyunan ito kasi patuloy itong dumadami,palibhasa kasi gusto nang madalian kita ayaw magbanat nang boto at sa subrang dami nyo kahit saan nalang andoon itong mga scammer na patuloy sa panluluko,sana maisip nang mga to ang pagbabago para hindi ma tokhang,kaya guys ang magagawa natin ingat nalang talaga lagi.
sr. member
Activity: 518
Merit: 264
August 20, 2018, 06:24:26 AM
#45
Matagal na kasing sistema ito sa ibat ibang bansa na mang scam kahit di kapwa ang masakit dito mismo sa bansa natin kapwa pinoy naglolokohan para lamang makalikom ng halaga,mapipigilan naman ito kung tayo mismo hindi pa kara karaka at nag iinbita din ng ibang tao na madadawit sa mga ganitong kalakaran kaya kung online extra income lang pwede tayo mag homebase job na sariling gawa at kumita.
newbie
Activity: 144
Merit: 0
August 18, 2018, 06:19:00 PM
#44
Napakaraming tao ang nahumaling dyan sa PlanProMatrix na yan a.k.a PPM, actually kasama ang Misis ko sa mga natangayan ng 1,800 pesos na magpahanggan sa ngaun walang man lang nakabalik sa investment na sabi may makukuha raw na dolyar sa bawal pag fifill up ng captcha codes ,tama lang talaga ang hinala ko na scam due to ponzi scheme and pyramiding kaso during that time kaya na-engganyo ang asawa ko na sumali dahilan ng kapatid nya ang nagpapasali sa kanya , halos buong pamilya ng asawa ko ang sumali dyan hanggan ngaun yun nasa upline lang ang nabuhay samantalang yung iba NGANGA pa rin magpasang hanggan ngaun. Anyway, Tagadito lang samin may ari nyan, napaka ganda ng mga sasakyan na naipundar at higit sa lahat pero galing lang pala sa scam yun naipundar, hays buhay nga naman.
copper member
Activity: 448
Merit: 110
August 18, 2018, 01:38:26 AM
#43
Eto rin nabasa ko sa facebook pero wala akong nakitang source of sec. Maraming mga company ang nakalista dito na dapat iwasan nating mga pilipino upang matigil ang kanilang ginagawang kadayaan sa ating kapwa.

dapat talaga iwasan natin ang mga ganito kailangan din natin ilaganap sa mga social media ang mga ganitong balita para maging aware ang ating mga kabayang pilipino.
newbie
Activity: 12
Merit: 0
August 16, 2018, 03:56:04 AM
#42
Mahirap na mag invest sa isang tao na hindi natin kakilala dahil marami ang scammer dito sa mundo ngaun dahil kapag nga yari sayo na nascam ang iyong account mahirap muna silang hanapin.
jr. member
Activity: 83
Merit: 3
August 16, 2018, 02:48:40 AM
#41
mas mabuti pa na sumali ka sa airdrop o bounty kaysa mag invest sa mga ganyan kadalasan sa una lang nagbabayad yan at kapag marami na ang mga nakapag invest ay bigla itong nawawala at ikaw pa ang masisisi at baka mademanda ng mga nahikayat mong sumali.
full member
Activity: 448
Merit: 102
August 13, 2018, 07:28:35 PM
#40
Mahirap ma trace ang mga scammed project o company hangga't walang lumalabas na mga tao na na-scam nila para mag reklamo at kung walang ebidensya hindi rin pwede masabing scam project ito kaya ang mabuting paraan pra hindi na mabiktima ng mga scam project lalo na sa investment ay wag ng sumali o pumasok sa ganitong uri ng kalakaran lalo na sa mga baguhan pa lamang dahil sila ang unang una nabibikitima dahil mabilis masilaw sa madaliang kita ng pera..
newbie
Activity: 154
Merit: 0
August 13, 2018, 06:23:15 PM
#39
saklap naman ng mga pera na invest sa ganyan mga scam project. sana ma determine yun team ng project na yan para makasuhan at maparusahan sa bilanguan. kung hindi yan mahuli, gagawa pa yan uli ng mga scam project para maka pangloko ng kanilang kapwa. Mas madali kasi kumita ng pera sa pangloloko. sana yun government ay magka roon ng seryosong kompanya labam sa mga ganyang scam.
member
Activity: 420
Merit: 10
August 13, 2018, 01:27:11 PM
#38
hindi talaga matatapos ang ganitong kalakaran saating bansa hanggat may nag papa loko parin sating mga kababayan. sana gawan ng aksyon ng ating gobyerno ang dumadaming mga investment scam saating bansa para hindi dumami ang mga nasisirang buhay dahil naibenta o nangutang para lang may pang invest dahil daw sa mabilis na kitaan pero sa huli sila ang pinag kaka kitaan. Sad
newbie
Activity: 140
Merit: 0
August 13, 2018, 12:17:40 PM
#37
Maraming pinoy ang tumatangkilik sa mga ganitong scamming investment online na sa una lang maganda then after ilang months bigla nalang nawawala naway magkaroon ng kaukulang parusa ang mga ganito dahil nasisira ang reputasyon ni bitcoin lalo na ang mga taong walang alam masyado sa crypto kaya pag sinabe mong bitcoin scam agad ang nasa isip or networking.
full member
Activity: 392
Merit: 100
August 12, 2018, 10:32:00 PM
#36
scam rin ba PPM Planpromatrix, tingin ko legit naman ito kasi marami akong mga kaibigan at kakilala na nag member dito at kung hindi ito legit dapat ipinatitigil na ito ng pamahalaan natin pero hindi, saka ang alam ko kumpleto naman sa documents ang mga ito kumbaga may authority sila na mag operate.
jr. member
Activity: 462
Merit: 1
August 12, 2018, 08:37:12 PM
#35
Sana yung mga ganyan scam mapigilan agad bago makapag simula eh dapat hindi ganun kadali mag gawa ng mga ganyan mga scam. Para naman wala ng mga taong sumali , umasa, at maloko pa sa mga ganyang bagay. Dati din na scam na ako ng mga ganyan maliit lang naman naipasok ko pero kahit ganun sayang parin ang pera. Kaya sana habang maaga maging aware tayong mga pilipino sa mga investment scam para rin magtigil na sila sa mga gawaing ganyan.
full member
Activity: 680
Merit: 173
Giggity
August 12, 2018, 02:07:21 PM
#34
Haaayyyss dami ng nagkakalat na scam sa pilipinas pero yung iba talaga nag papascam sa mga ganyan ehhh mabilis na paraan na pagkita kasi investment palang yan meron pang mga mining scam sites sa 500 mo may 1 giga hash ka na napaka sinungaling ng mga ganyan gagawin talaga lahat makapanloko lang btconline ba yun tapos cloudmining marami ng nascam dyan mag ingat ingat tayo dyan mga kabayan dyan invest konti tapos byebye sa website wala na pera ganyan yung modus nila ehh.
newbie
Activity: 35
Merit: 0
August 10, 2018, 06:50:51 AM
#33
Dapat mapag matyag tayo at pag aralan nating maigi yung mga pinaginvest natin ay hindi scam, ang mabuting gawin ay pag aralan at basahin lahat nang miyembro at ICO nang project nila para hindi matsugi..
newbie
Activity: 26
Merit: 0
August 10, 2018, 06:24:24 AM
#32

Grabe ! Ang dami talagang mga scam ngayon. Magagaling lang sila sa salita pero pag nagbayad kana wala na.Babasahin ko to isa isa para alam ko na yung mga scam na yan. Sayang lang yung oras nila sa panloloko nila sa kapwa nila.Sayang din yung oras at pagod ng mga naloloko nila.
sr. member
Activity: 602
Merit: 255
August 02, 2018, 01:09:49 AM
#31
sana mareport agad tong mga to para matimbrehan nadin mga taong gustong pasukin tong investments na to kasi kawawa naman ung mga katulad nating pinoy kaya tinatamad din ung mga tao na pasukin ang bitcoin kasi sa mga gantong tao.
member
Activity: 231
Merit: 10
August 01, 2018, 08:47:29 PM
#30
Okay itong pagbibigay ng babala sa mga tao para maging aware sila sa mga sasalihan na grupo o korporasyon. Pero mas mainam siguro na gawan din ng aksyon ng mga magaling at sabihin na nating makapangyarihan yung pagpapahuli sa mga taong sangkot sa mga nasabing Investment Scam group or community na yan. Hindi naman kasi titigil ang mga yan kung hindi nahuhuli gaya ng nangyari sa NEWG (nabalitaan ko lang) at nabalita din ito sa TV. Yung iba kasi dyan nagpapalit lang ng pangalan kaya patuloy pa din ang operation at pang scam sa mga walang muwang na tao. Hindi talaga madaling kumita ng pera ngayon kaya madaming na-eenganyo sa mga ganyan.
member
Activity: 106
Merit: 28
July 31, 2018, 12:01:43 PM
#29
Karamihan sa mga na nabangit na scam ay ang madalas kong nakikita sa mga facebook groups na pino promote. Ang nakaka lungkot lang ay marami parin ang na eenganyong sumali dahil sa pangakong high returns.
newbie
Activity: 66
Merit: 0
July 31, 2018, 06:40:39 AM
#28
meron pabang ibang scam site ngayun na bagong update? paki post naman dito...
Pag nakakita ako ng bagong  scam site papz, I will update it immediately, At kung may bagong scam site ka na nakita pwde mo rin i post dito para mas maraming mga kababayan natin ang makakakita.

Ito paps anu masasabi mo nito? "Vixcore" (VXCR)?
full member
Activity: 461
Merit: 101
July 31, 2018, 04:17:59 AM
#27
meron pabang ibang scam site ngayun na bagong update? paki post naman dito...
Pag nakakita ako ng bagong  scam site papz, I will update it immediately, At kung may bagong scam site ka na nakita pwde mo rin i post dito para mas maraming mga kababayan natin ang makakakita.
newbie
Activity: 65
Merit: 0
July 31, 2018, 02:15:21 AM
#26
grabi ang dami palang scam na pag invest sa pinas. yung mga kapatid ko pa nmn nag invest pero d ko lang alam kung saan sila nag invest. maraming salamat po sa pag share nato at pag post par maka iwas sa mga to. mahirap na pala ngayon mag invest sa pinas. kailangan may alam ka talga sa pag invest
newbie
Activity: 66
Merit: 0
July 30, 2018, 01:08:35 AM
#25
meron pabang ibang scam site ngayun na bagong update? paki post naman dito...
newbie
Activity: 9
Merit: 0
July 29, 2018, 05:18:35 PM
#24
Unfortunately, in this area now very often this happens, but with this opportunity to make money this is absolutely normal, especially for inexperienced players. This is especially common when I work with different methods of earning money with Bitcoin. Among them, the resource https://coinsgive.com/, which constantly buys Bitcoin at a price higher than the market price, but you need to use the invitation code for the registration, another one left unused is zxv4df32. But you first need to use coins.ph to buy crypto currency by means of a ready GCash wallet. Then sell on the target platform coinsgive.com. Payments are received within 12 hours on Paypal. Then again you can entry money for GCash (without any commision) and again use the same method in general.
sr. member
Activity: 518
Merit: 264
July 29, 2018, 03:25:18 PM
#23
napakadami talaga ng scam thru internet at marami nabibiktima sana may mga tao pang may investment na hindi nananamantala ng kahinaan ng mga investors pra lahat makinabang sa ganitong pamamaraan.
full member
Activity: 434
Merit: 100
July 29, 2018, 11:49:32 AM
#22
Sayang lang yong oras nila dito sa paggawa ng mga ganitong programa scam naman pag nahuli himas ng rehas bakit hindi nalang kasi gumawa ng hindi labag sa batas may mga utak naman biruin mu ikaw mag isip ng mga ganyang ideya kaso scam haha hindi biro gumawa ng mga ganyang gimik ha lalo na yung planpro matrix andaming naloloko jan iwan ko ba.

Malaki kasi ang kikitain nila sa ganyang paraan kung marami silang mauuto kaya mas delikado, mas maganda ang kita.  Mahirap na kasing kumita ngayon ng ganon kadali eh kaya pautakan nalang ang ginagawa nila.  Maswerte nalang sila kung di sila mahuhuli.  Lalo na kung may nakagat sa kanilang plano ay paniguradong uulit ulitin nila ang paggawa ng ganyan.  Nasa sa atin naman kung bakit tayo nasscam eh, dahil wala tayong sapat na kaalaman patungkol sa mga bagay bagay.
full member
Activity: 485
Merit: 105
July 29, 2018, 09:03:04 AM
#21
Grabe ang dami na palang mga bagong scam investment site dito sa atin, Pati din pala ang Plantrometrix scam din, marami pa naman akong kakilala na pumasok sa site na yan at may 600 pa for registration fees.
full member
Activity: 449
Merit: 100
July 29, 2018, 04:21:32 AM
#20
hero member
Activity: 952
Merit: 515
July 29, 2018, 02:51:54 AM
#19
Matagal ko na alam tong planpromatrix ay isang scam kasi may bayad pagnaka register ka sa kanila, typing captcha lang naman ibibigay sayo ng trabaho maliit lang kikitain mo dun at ewan ko ba kung magbabayad ba sila baka may fee pagnag-withdraw ka. Ang dami naman mga scammers ngayon.

nakasali rin ako dati sa planpromatrix at may bayad nga ang pagsali dun 600 kada account ang kailangan mo. kung gusto mo daw ng malaking kita mag multiple account ka para malaki rin ang kita mo. pero ako nag try muna ng isang account lang at katulad ng inaasahan nadismaya ako kasi sobrang laking oras at panahon ang iginugol ko sa pag captcha pero wala naman akong kinita
full member
Activity: 1358
Merit: 100
July 29, 2018, 02:05:32 AM
#18
Matagal ko na alam tong planpromatrix ay isang scam kasi may bayad pagnaka register ka sa kanila, typing captcha lang naman ibibigay sayo ng trabaho maliit lang kikitain mo dun at ewan ko ba kung magbabayad ba sila baka may fee pagnag-withdraw ka. Ang dami naman mga scammers ngayon.
full member
Activity: 602
Merit: 103
July 29, 2018, 12:17:58 AM
#17
Nababatid ko na may mga taong nagtitiwala sa ganitong uri ng mga proyekto, may kumikita, mayroon yumaman, pero ang tanong ay bakit ito naturingang scam ng SEC? Hindi ko din alam pero batid ko na may mga kadahilanan at siguro narararapat na nating iwasan.

EDIT :
SOURCE : SEC
https://www.sec.gov.ph/public-information-2/investors-education-and-information/advisories-and-notices/
newbie
Activity: 8
Merit: 1
July 28, 2018, 09:43:50 AM
#16
Di na ko masyado tiwala sa mga investment na ganyan kc kayang kaya naman natin kitain yan sa mga airdrops, bounties and trading. Sipag at tyaga lang talaga. Mas malaki pa kikitain mo kapag ikaw nag mamanage ng funds mo. Sa una lang din kasi yung mga ganyang investment scam tpos pag may marami na investors, tsaka tatakbo. Magandang reference ito para sa mga baguhan.
sr. member
Activity: 1008
Merit: 355
July 28, 2018, 09:28:17 AM
#15


Sa aking palagay, pag MLM ang business structure na ginagamit ng isang negosyo ay categorized kaagad na scam not unless that business can prove itself to be legitimate and has already track record of good performance. Mahirap din kasi mag-evaluate ng isang MLM business kasi nga meron talagang scam ang structure nya in the sense that it won't last because there is no emphasis on real sales and marketing but the product movement is solely within the very network being established...now this can also be debatable in the sense that the company is exactly establishing the network of people who are also consumers and not just marketers. This kind of debate is actually never ending because each of us have different views and preferences. Now, there are also many companies that are good in terms of structure and stayed afloat legally but one day they went bankrupt as there is no guarantee in the world of business and the wind of change can be blowing in their faces...should we then categorized them as scams? Amway for example has had been in existence for many decades and yet in USA they are always accused as just another scam.
sr. member
Activity: 980
Merit: 261
July 28, 2018, 08:51:09 AM
#14
Hirap talaga humanap ng income online. Lamang na lamang ang mga manloloko. Kaya kung magpapabola tayo sa mga mabubulaklak nilang salita naku yari. Mas maige maging hands-on sa investment. Mapapagod ka pero nakikita mo ang negosyo mo na umaander. Saka yung kikita ka dahil pinaghirapan mo hindi yung sa pera ng iba.
Halos lahat ng mga online investment ay scam, kaya mas mabuti nalang na dito sa bitcointalk mag tatambay kasi malaki ang potential na kikita ka talaga.

Halos lahat pero hindi lahat sapagkat ginagamit lang nila yung forum para makapag ads sila dahil tulad nga ng sinabi mo na malaki ang potential dto. Sa totoo lang ang kilala ko lang sa taas e yung planpromatrix ang dami ko kasing fb friends na nagseshare nyan kaya nakilala ko pero dito sa forum wala akong nakikitang ganyan.
full member
Activity: 461
Merit: 101
July 28, 2018, 07:35:43 AM
#13
Hirap talaga humanap ng income online. Lamang na lamang ang mga manloloko. Kaya kung magpapabola tayo sa mga mabubulaklak nilang salita naku yari. Mas maige maging hands-on sa investment. Mapapagod ka pero nakikita mo ang negosyo mo na umaander. Saka yung kikita ka dahil pinaghirapan mo hindi yung sa pera ng iba.
Halos lahat ng mga online investment ay scam, kaya mas mabuti nalang na dito sa bitcointalk mag tatambay kasi malaki ang potential na kikita ka talaga.
full member
Activity: 453
Merit: 100
July 28, 2018, 06:20:40 AM
#12
kaya wag na wag kayong paloloko sa mga investment dyan sa tabi tabi lalo na yung matatamis ang pangako na ang investment mo ay kaya nilang gawin doble sa maigsing panahon lamang naku dapat matuto na yung iba sa ganyan, siyasatin nyo munang mabuti ang investment na yan bago kayo sumali kasi hindi nyo na mababawi yan once na naibigay nyo na pera nyo
copper member
Activity: 896
Merit: 110
July 28, 2018, 05:11:24 AM
#11
Hirap talaga humanap ng income online. Lamang na lamang ang mga manloloko. Kaya kung magpapabola tayo sa mga mabubulaklak nilang salita naku yari. Mas maige maging hands-on sa investment. Mapapagod ka pero nakikita mo ang negosyo mo na umaander. Saka yung kikita ka dahil pinaghirapan mo hindi yung sa pera ng iba.
member
Activity: 280
Merit: 60
July 28, 2018, 04:05:33 AM
#10
Ang galing talaga ng mga Pinoy sa mga ganito. Kapag to good to be true na ang offer out na tayo jan. Kahit mga small scale na recruitment agency sa bansa natin nagkakaroon ng lokohan kaya mas lalong kawawa yung mga kababayan na mahirap na nga nababaon pa lalo.

Kung may pera ka na naman at mag iinvest ka pumasok ka nalang sa crypto.
copper member
Activity: 2940
Merit: 1280
https://linktr.ee/crwthopia
July 28, 2018, 03:51:23 AM
#9
They want easy money and just like that their life is also over if they are caught in anyway possible. There are only a few that I have heard that is listed here. There are definitely a lot of scams that are starting here in the Philippines. I hope people start getting smart with their investments especially using bitcoin as currency.
newbie
Activity: 121
Merit: 0
July 28, 2018, 03:40:28 AM
#8
Scam nadin ang PlanProMatrix? nakikita ko pa naman sa wall ko yung mga nagiinvite ng mga ganyan. bakit gumagawa pa sila ng mga ganyang programa para lang mang scam ng mga taong wala kaalam alam kawawa kasi yung mga naiiscam pinaghirapan nila yung pera nila tapos mapupunta lang sa iba yung pinaghirapan nila kaya wag napo sumali sa mga ganyang programa.
newbie
Activity: 41
Merit: 0
July 27, 2018, 10:41:40 PM
#7
Scam din pala ang PlanProMatrix? Muntik na akong sumali dyan at mag invest. Buti napunta ako sa thread na to. Nakakapagtaka din kasi yung malalaking kinikita nila na yun. Dami kasing post sa fb kaya kapani paniwala. Pero bago ko maglabas ng pera nagreresearch muna talaga ko at buti nabasa ko to.
jr. member
Activity: 560
Merit: 4
July 27, 2018, 01:33:39 PM
#6
Kaya mahirap talaga sumali ngayon sa mga ganyang investment dahil sa huli nauuwi lang sa scam ang mga ito. At ang mas malala pa dito ikaw ang masisi ng mga nabiktima ng scam investment na ito dahil ikaw ang nag refer sa kanila. Kaya naman hindi na ako sumasali sa mga ganito dahil minsan na rin ako na scam sa ganitong Investment.
sr. member
Activity: 1111
Merit: 255
July 27, 2018, 12:36:07 PM
#5
Lahat ito ay nakita ko na sa aking facebook wall, At meron din na nag iinvite sakin dito pero natatawa talaga ako kung bakit tinatangkilik parin natin ang mga ganitong program. Dahil alam naman natin na ang lahat ng ito ay scam lalo na yung mga pyramiding scheme at mga invite invite na kikita daw pag maraming invite oo totoo nga pero paano nalang yung mga nahuling sumali paano nalang kung bigla itong tumakbo siguradong tayo pa ang napahiya sa ating mga kaibigan na ininvite din.
full member
Activity: 418
Merit: 100
24/7 COMMUNITY MANAGER 💯
July 27, 2018, 10:01:27 AM
#4
Hala? Seryoso scam ang PlanPromatix? Isa pa naman yan sa mga gustong salihan ng kapatid ko kasi marami syang nakikita na friend nya sa Facebook na kumikita talaga tapos may pa post post pa na may hawak na maraming pera. Laganap na talaga yung scam sa ating bansa at dumadami na yung mga taong manloloko dapat talaga mahuli na yan para maparusahan na.
hero member
Activity: 2492
Merit: 542
July 27, 2018, 09:45:37 AM
#3
Sayang lang yong oras nila dito sa paggawa ng mga ganitong programa scam naman pag nahuli himas ng rehas bakit hindi nalang kasi gumawa ng hindi labag sa batas may mga utak naman biruin mu ikaw mag isip ng mga ganyang ideya kaso scam haha hindi biro gumawa ng mga ganyang gimik ha lalo na yung planpro matrix andaming naloloko jan iwan ko ba.
newbie
Activity: 48
Merit: 0
July 27, 2018, 08:59:25 AM
#2
Sana ma trice na yung mga scammer na yan at MAPARUSAN sa bilangoan, para hindi makapag sagawa ulit ng another scam ico. Hindi ba talaga makukulong yung mga ico scam? Parang wala pa akung na babasa sa news..
full member
Activity: 461
Merit: 101
July 27, 2018, 07:39:52 AM
#1
Narito ang ilan sa mga latest investment scams sa Pilipinas according to Securities and Exchange Commission!

















Source
Keep Moving Forward
Jump to: