I am planning to buy this device ngayong 2020 kaya naman I decided to post a simple guide and what's to expect from this newest hardware product of Ledger. One of my bucket list na dapat talaga matupad this year. Especially I'm after security cause having a hardware wallet lessen the risk of hacked and breached of our asset.
I have some cases of attempting of accessing my accounts and to avoid being a victim is go for this. As I always read and favorite line of @mk4
"Not your keys, Not your coins"Madami namang ibang choice katulad ng Trezor at Keepkey pero based sa mga nabasa ko online sa reviews and feedback na din the best daw talaga ang Nano X ledger. Tumambay na din ako sa Hardware wallet board para magbasa basa and ayun I'm finally decided to get one of this ngayong taon.
I am using some images and some thoughts from this reference review by one of the best reviewer ng mga products and anything about bitcoin and cryptocurrency.
Review of Ledger Nano X by Jordan TuwinerAno ano ba ang mga nasa package pag nag avail ka ng Nano X LedgerIto ang mga kasama sa product:
- Ledger Nano X1
- USB C cable
- Keychain for device
- 3 recovery sheets
- Ledger stickers
Sidenote: Good thing is type C na siya dahil kalimitan mg latest phone ito na ang ginagamit at pag ito ang inyong binili siguradong hindi kayo malulumaan since ang mga new phone na lalabas mostly ay using type C cable na.
Kamusta naman ang design neto?Kung ikukumpara sa dating Ledger Nano S ay talagang mas malaki ito at pati ang screen niya ay mas pinalaki para na rin sa ating mas magandang paggamit. Nakikita ko palang siya sa picture pero sa palagay ko sa mga mayroon na masasabi nilang sulit ang pag avail. As far as I know madami na din ang meron na ng product na ito dito. Tulad ni @crwth which is nakita ko sa mga confirmation ng post about availing mg product na ito.
Magkano ba ang presyo nito?Kung bibisitahin natin ang website ng Ledger ay makikita mong $119 ang akmang presyo nito. Sa Php is umaabot ito ng P5,950 pero dahil ipapaship natin ito mula sa ibang bansa expect na natin ang mga karagdagang fees which is shipping fee, custom tax duties at iba pa. Kung susumahin siguro aabot din ng mga P9k to P10k ang magastos.
Pag Set up ng Nano XAng kagandahan ng bagong Nano X is compatible na siya with iOS device. At mayroon na siyang Bluetooth para mas mapadali ang pagset up. Mayroon din ang Ledger na App na Ledger Live kung san maaari ma connect ang Nano X sa app para mas madali natin magamit at mas convenient lalo na sa mga mobile users na tulad ko. Hindi ko sinasabing mas powerful siya sa mga famous wallet like bitcoin core, electrum pero siguro mas madali talaga kapag hardware wallet na madali natin mabitbit anywhere ang mas trip ko as a crypto enthusiast. Ang guide na ito ay binase ko sa post ni
Jordan Tuwiner gamit ang kanyang Iphone pero siguro same lang ito kung sa android na device ang gagamitin.
Ito ang mga
Steps kung paano ninyo maissync ang inyong Nano X device sa Ledger Live AppIdownload lamag ang Ledger Live na app at iclick lamang ang
Get Started
Kapag naopen na ninyo, piliin lamang ang device na gusto ninyong isetup. Sa halimbawa na ito ay ang pinili ay ang Nano X. Pero lahat ito ay gumagana sa lahat ng Ledger's device.
Kapag ang inyong device ay bagong bili, Piliin lamang ang
Initialize as a new device
Ngayon, ay kailangan na ninyong pumili ng pin code para sa inyong device. Ang app ay gabay lamang para maiset up ninyo ng maayos ang inyong device.
Ang Ledger app ay may mga security features na rekomendasyon. Sundin lamang ang lahat ng ito para na din sa inyong kapakanan.
Ngayon, Isulat at gumawa ng back up para sa 24 na salita na makikita sa inyong screen. Itabi ninyo ito at ingatan mabuti.
Dahil masyadong delikado ang paggamit ng crypto. Ang Ledger ay mayroon mga tips para mapanatiling ligtas ang inyong paggamit nito. Sundin lamang ang mga suggestion.
Ang Ledger ay kokonpirmahin na sinunod ninyo ang kanilang mga advice para sa ligtas na pag set up.
Dagdag na konpirmasyon:
Ngayon ay maaari na ninyong ipares ang inyong Nano X device sa inyong telepono.
Siguraduhin na naka bukas ang inyong bluetooth sa inyong telepono. Tapos ay makikita ninyo ang pop up sa inyong screen at ang verification code sa inyong Ledger Nano X device:
Magaling ngayon, ay konektado na and inyong wallet at telepono!
Makikita ninyo na ang pag pares ay matagumpay na nagawa:
Ngayong pares na ang inyong device, Piliin ito sa menu para maproseso:
Pagkatapos ay mag prompt ang Ledger sa inyo para iset ang inyong password lock. Ito ay isa na ring babala kung sakaling may mag access ng inyong phone ay hindi nila makikita ang anuman impormasyon sa mga coins at tokens na inyong hawak sa inyong device.
Itype lamang ang inyong gustong password para sa inyong wallet:
Ang Ledger ay may mga suggestions o babala tungkol sa inyong password makakabuting sundin ito:
Pagkatapos ay pumili kung anong impormasyon ang nais ninyong ibahagi sa Ledger:
Bravo! Ngayon ang inyong device ay maaari ng gamitin. Maaaring kumplikado para sa mga baguhan ang proseso pero hindi ito kakain ng mahabang oras para iset up.
Ang huling babala ng Ledger bago ninyo tuluyan gamitin:
Ang Ledger Nano X ay sinusuportahan ang karamihan sa mga coins sa merkado. Para magdagdag ng coins sa inyong device ay pumunta lamang sa
Manage Doon ay itap lamang ang blue install button sa anumang coins na nais ninyong idagdag sa inyong Nano X:
Ito ang paraan para magdagdag ng coins sa inyong device. Kada oras, na gustl ninyong magdagdag, kailangan iinstall ang bawat app ng bawat coin. Ito ang halimbawa sa pagdagdag ng bitcoin sa inyong Nano X:
Pagkatapos niyan, ay kailangan ninyong iopen ang Bitcoin app na nainstall sa inyong device.
At makagawa or makaimport ng account para makapagumpisa magtanggap at magpadala ng coins:
Tagumpay!
Ngayon ay maaari ka ng magpadala at tumanggap ng bitcoin:
May lalabas na QR code sa inyong device para matanggap ang ipapadalang coins:
Ngayon, kayo ay kailangan ikompirma ang mga address na nasa inyong Nano X para maasegurado na hindi kayo na hack:
Maraming salamat sana ay maayos ang guide na ito para sa Nano Ledger. Maapreciate ko dun sa may mga gamit na device kung may kulang or maidadagdag kayo na impormasyon para dito. Salamat.