Author

Topic: Liquid Network (Read 217 times)

legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
March 14, 2020, 04:23:12 PM
#7
Interesting to OP, ngayon ko lang nalaman na pwede pala ito, siguro in the future kung medyo congested na ang network, pwede na rin itong gamitin para mas mapadala na ang transaction, pero for me, yung option ko now is altcoins lang pag congested btc network.

ano palang pagkakaiba nito sa lightning network?

Magandang katanungan,

Ang Sidechain ay may sariling blockchain at ang may kontrol nito ay ang tinatawag na consortium. Ito rin ang karamihan na magandang gamitin sa mga exchanges lalo na kung sila ay miyembro ng Liquid Network.

And off-chain naman na Lightning Network (LN), so wala silang blockchain. Kaya lang may limitasyon ang mga transactions dito. Kaya mas maganda itong gamitin bilang pag bayad ng maliitang bitcoin lamang, Katulad ng pag bili ng kape na makikita natin sa mga European countries.

Maganda rin kung ideya mo na gamitin ang altcoins, kaya lang bitcoin parin ang madalas na gamitin sa ganang akin.

Salamat sa paliwanag mo OP, mukhang maganda rin itong Liquid Network dahil may sarili silang blockchain, so siguro pwede ring masubukan ito balang araw. Pero matanong ko lang, bakit hindi kasama ang Binance sa mga exchanges na liquid members, doon kasi ako nag ti trade eh.

Hindi ko masagot kung bakit hindi kasama ang Binance, ako rin nga nagtataka bakit hindi sila miembro o kasama dun sa consortium, hinala ko lang (1)  isang bitcoin maximalist si CZ baka ang gusto nya talaga eh ang lahat ng transaction ng mga exchanges kasama ng Binance at dadaan lahat sa main blockchain (2) baka maapektuhan ang business model nila (3) meron syang native token, kung gusto ng mga traders na mapabilis ito ang recommended nya kesa mag L-BTC. Haka-haka ko lang to, hindi natin alam baka sa susunod at maging successful ang Liquid sa mga susunod na taon eh sumama na rin sya.

@akopjpuge - salamat, titingnan ko ring tong BTSE token na to.
jr. member
Activity: 236
Merit: 4
March 13, 2020, 05:09:00 AM
#6
Sa pagkakaalam ko ang unang token na naissue sa liquid Network ay BTSE token ng Btse.com nagkaroon ito nito lamang nakaraang linggo ng initial exchange offering Kaso kaunti lamang ang nakakaalam at mababa ang presyo ngayon
hero member
Activity: 2940
Merit: 613
Winding down.
March 13, 2020, 05:02:25 AM
#5
Interesting to OP, ngayon ko lang nalaman na pwede pala ito, siguro in the future kung medyo congested na ang network, pwede na rin itong gamitin para mas mapadala na ang transaction, pero for me, yung option ko now is altcoins lang pag congested btc network.

ano palang pagkakaiba nito sa lightning network?

Magandang katanungan,

Ang Sidechain ay may sariling blockchain at ang may kontrol nito ay ang tinatawag na consortium. Ito rin ang karamihan na magandang gamitin sa mga exchanges lalo na kung sila ay miyembro ng Liquid Network.

And off-chain naman na Lightning Network (LN), so wala silang blockchain. Kaya lang may limitasyon ang mga transactions dito. Kaya mas maganda itong gamitin bilang pag bayad ng maliitang bitcoin lamang, Katulad ng pag bili ng kape na makikita natin sa mga European countries.

Maganda rin kung ideya mo na gamitin ang altcoins, kaya lang bitcoin parin ang madalas na gamitin sa ganang akin.

Salamat sa paliwanag mo OP, mukhang maganda rin itong Liquid Network dahil may sarili silang blockchain, so siguro pwede ring masubukan ito balang araw. Pero matanong ko lang, bakit hindi kasama ang Binance sa mga exchanges na liquid members, doon kasi ako nag ti trade eh.
legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
March 13, 2020, 04:51:23 AM
#4
Interesting to OP, ngayon ko lang nalaman na pwede pala ito, siguro in the future kung medyo congested na ang network, pwede na rin itong gamitin para mas mapadala na ang transaction, pero for me, yung option ko now is altcoins lang pag congested btc network.

ano palang pagkakaiba nito sa lightning network?

Magandang katanungan,

Ang Sidechain ay may sariling blockchain at ang may kontrol nito ay ang tinatawag na consortium. Ito rin ang karamihan na magandang gamitin sa mga exchanges lalo na kung sila ay miyembro ng Liquid Network.

And off-chain naman na Lightning Network (LN), so wala silang blockchain. Kaya lang may limitasyon ang mga transactions dito. Kaya mas maganda itong gamitin bilang pag bayad ng maliitang bitcoin lamang, Katulad ng pag bili ng kape na makikita natin sa mga European countries.

Maganda rin kung ideya mo na gamitin ang altcoins, kaya lang bitcoin parin ang madalas na gamitin sa ganang akin.
hero member
Activity: 2940
Merit: 613
Winding down.
March 12, 2020, 05:14:16 AM
#3
Interesting to OP, ngayon ko lang nalaman na pwede pala ito, siguro in the future kung medyo congested na ang network, pwede na rin itong gamitin para mas mapadala na ang transaction, pero for me, yung option ko now is altcoins lang pag congested btc network.

ano palang pagkakaiba nito sa lightning network?
legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
March 12, 2020, 12:29:25 AM
#2
Reserved.
legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
March 12, 2020, 12:29:08 AM
#1
Ano ang Liquid Network?

Ang Liquid network ay isang "sidechain-based" settlement network para as mga traders at exchanges, para lalong mapabilis ang bitcoin transactions.

Alam naman natin na ang network ng bitcoin ay laging congested, laging may bottle-neck, sigurado ako karamihan dito ay matatandaan kung gaano kasikip ang network nung peaked ng bitcoin nung 2017, kailangan mo magbayad ng mataas ng fee, at hindi rin ung kasiguraduhan na papasok agad ang mga transactions nyo, personal ko itong na experience.


Ano ang benipisyo ng Liquid Network?

1. Rapid transfer - o mabilis na paglipat o pagsalin at hindi mo na kailangan mag antay pa ng confirmations dahil sa 2 minuto pasok na ang transaction mo.

2. Secure Trading - Ang iyong mga asset sa Liquid ay maisasalin mo sa ibang asset gamit ang open source Liquid Swaps Tool, so ibig sabihin pwede kang mag transaction ng confidential sa mga ibang ibang trading partners.

3. Confidential transactions - Katulad ng binanggit ko, ang mga transaction ay hidden by default, so nakatago ang mga sensitive information natin from third parties.

4. Issue New Assets - Kahit sino sa atin ay pwedeng mag issue ng bagong assets katulad ng  stablecoins and security tokens. At pwede natin itong i-trade sa network .


Ano nga ba ang Sidechain?

Ang Sidechain ay unang na introduce ng mga sumusunod:

  • Adam Back
  • Matt Corallo
  • Luke Dashjr
  • Mark Friedenbach
  • Gregory Maxwell
  • Andrew Miller
  • Andrew Poelstra
  • Jorge Timón
  • Pieter Wuille

Sila ay nag proposed ng bagong technology, ang pegged sidechains, - na magbibigay daan sa bitcoin at iba pang ledger assets na malipat sa pagitan ng ibang blockchain.

So ang mga transactions ay wala mismo sa pinaka main blockchain, kaya mabilis ang paglipat ng mga bitcoin dahil hindi ito makaka dagdag sa bottleneck ng main blockchain.

Meron bang explorer ito katulad ng main bitcoin blockchain na kung saan nakikita natin ang atin transaction?

Oo meron, https://blockstream.info/liquid/

Sino-sinong mga exchanges ang miembro ng Liquid Network?

Sa ngayon mayroong 34 na miembro katulad ng Bitfinex, Huobi,, Bitmax, BitMEX, OKCoin, BTCTrader, BtcTurk, Bitbank, BTSE, Cobo, Coinone, Coinut, DGroup, DMM Japan, FRNT Financial, Gate.io, at marami pa.


Paano ba gumagana ang Liquid?


1. Two way pegged - Lahat ng Liquid Bitcoin (L-BTC) ay napatunayan na 1-to-1 na sinusuportahan ng bitcoin. Kahit sino ay maaaring ilipat ang bitcoin sa sidechain sa pamamagitan ng isang peg-in gamit ang isang buong node ng Liquid, habang ang peg-outs ay dapat isagawa sa pamamagitan ng isang Member ng Liquid.


2. Asset Issuance - Ang mga asset na inisyu sa Liquid ay 'native' sa sidechain, na nagbibigay ng mabilis at pribadong mga transaksyon na saklaw kahit sa mga oras ng mataas na trapiko. Para sa mga palitan ng pagdaragdag ng suporta para sa mga asset ng Liquid tulad ng USDt, ang mga pagsasama ay napadali salamat sa pamilyar na codebase na nakabase sa Bitcoin.


3. Open Network - Ang lahat ng kinakailangan upang lumahok sa Liquid Network ay isang (a) Liquid wallet o buong node. Bilang isang gumagamit ng wallet, malaya mo ipadala at matanggap ang lahat ng mga asset ng Liquid, habang ang isang buong node ay nagbibigay-daan sa iyo upang mag-peg-in bitcoin, mag-isyu ng mga bagong pag-aari, at ganap na i-verify ang mga block sa sidechain.


Liquid source code at wallet / full node binaries: https://github.com/Blockstream/liquid/releases

References: https://blockstream.com/liquid/
https://hackernoon.com/getting-started-with-the-liquid-network-c87e2cb5996b
https://blockstream.com/sidechains.pdf

Paalala: Hindi ako expert sa subject matter na ito, gusto ko lang ibahagi sa lahat. Baka sa mga susunod na taon ito na ang gagamitin ng mga exchanges at iba pang wallet para mapabilis ang lahat. Kaya mas maaga, mas maganda na sabay sabay nating aralin.
Jump to: