halos Flood na to sa wall ko for a week now , pero hindi ko pinapansin dahil wala pa din naman update ang Binance mismo since nabubuksan ko pa din naman ang site and also surely sa Email ko eh mag uupdate sila kaya tama ka na mag ingat tayo dahil sa ganda ng bitcoin movement now eh siguradong sumasabay ang mga masasamang elemento sa pag target sa possible victim .
isa pa is Holiday now and medyo lutang ang mga tao para makuha nila ang simpatya and maka kubra ng pera, Ingat mga kababayan and wag basta basta maniniwala sa walang assurance na pasabi .
Hindi kasi ako masyado nang Facebook nitong mga nakaraang linggo at ngayon ko lang nakita ko. Kaya naisipan ko na magbigay ng babala dito sa community natin. Alam mo naman yang mga scammer na yan, walang pinipili kung ano mang holiday yan.
Walang binibigay na anumang latest na announcement ang Binance regarding sa bagay na pwede na ulit silang makapag-operate sa bansa natin sa paparating na 2025. Sinubukan ko ngang magresearch sa google at walang binigay na anuman si google tungkol sa post na yan sa FB.
Kaya yan ay isang malaking Fake news, at mataas din ang chances na phishing link yan para manakaw nila ang mga inosenteng walang alam sa galawan ng mga hackers at scammers, so ibayong pag-iingat ang kailangan sa mga gaya nyan.
Tama kaya naghanap talaga ako kung meron news na galing sa Binance. Kung wala akong makita eh obvious na fake news at phishing site nga.
Nakita ko rin yang fake sponsored ads sa news feed ko nung nakaraang araw pero hindi ko naman pinansin dahil alam kong hindi naman totoo, nakalilumtan ko lang na i-report or block. Kung totoo man yan ay dapat yung official Binance Facebook page nila ang mag popost niyan. Dapat talaga na lagi tayong mapanuri sa mga nakikita natin sa socmed, alam naman nating maraming nagkakalat ng scams gamit ang mga kilalang pangalan sa paraan ng clickbait at phishing links.
Yun nga ang masakit, pinapayagan ng ganito na may makalusot sa kanila dahil nagbayad sa kanila. Kaya kailangan talaga maging mapag matyag tayo sa Facebook at parang gusto ko na namang mang hanting ng mga ganitong peke at mga phishing sites, hehhe.