Author

Topic: Mag-ingat sa mga Fake PYUSD stablecoins (Read 125 times)

hero member
Activity: 3136
Merit: 579
August 12, 2023, 10:33:36 AM
#15


At dahil sa paglabas nitong Paypal stablecoin, lumabas din ang pekeng PYUSD sa mga decentralized exchange, kaya mag-ingat tayo dahil pagkatapos ng announcement ng PayPal, humigit-kumulang 30 na pekeng PYUSD ang lumabas. kaya doble ingat mga kaibigan. Dahil lumalabas sila sa iba't ibang blockchain tulad ng BSC, ERC20 at coinbase layer2. Dahil kahit anong trending dito sa crypto ay siguradong may lalabas na token para mang-scam ng mga tao.


Kung user ka o dating user ka ng Paypal makareceive ng update tungkol sa Stable coin nila at lahat ng announcement tungkol sa mga product at services nila iaanounce nila ito sa kanilang email services kasi pag member ka automatically naka subscribe at bukod maganda ang support system ng Paypal, kasalanan mo kung hindi a magtanong sa Paypal tungkol sa Stable coin nila, sa experience ko sa Paypal wala pang 24 hours ang response nila.
Dahil sa pag launch nila ng version nila ng Stable coin magandang balita na rin habang patungo tayo sa sususnod na halving siguradong magiging prominent ang pangalan ng Paypal sa market sa mga susunod na mga araw.
hero member
Activity: 1554
Merit: 880
Notify wallet transaction @txnNotifierBot
August 11, 2023, 06:02:47 PM
#14
Iniisip ko lang kung pano magagamit ang Pyusd? Magagamit din ba ito sa pagpapadala ng fiat papunta sa Paypal din? O mula sa ibang bank account papunta sa Paypal ay maiswap ba ang fiat sa Pyusd?.
Di pa ako nakapag basa ng news or other articles stating these facts pero possible mga nabanggit mo since yan naman ang usual na gamit ng Paypal. Transfer from PP to banks or vice-versa. About sa trading side i don't think it will be possible kase diyan papasok magiging stricto ang SEC and other governing bodies sa finance sector baka matulad pa sila sa mga current stablecoins pero lets see parin.
full member
Activity: 2086
Merit: 193
August 11, 2023, 04:35:10 PM
#13
Nabasa ko na ang stablecoins na inissue ng paypal ay pweding ifreeze o kontrolin ng developer.  Medyo nakakatakot ito, dahil mismong ang original na PYUSD ay possibleng iskamin tyo ng ating pondo sa pamamagitan ng pagfreeze sa ating account balance.  As much as possible maisasuggest ko lang na iwasan natin itong stablecoins na gawa ng paypal.

https://www.newsbtc.com/stablecoin/can-pyusd-be-frozen-in-your-wallet/
Kung ganito nga ito, mas ok nalang na gumamit ng other stablecoin since marame naman option kaya if hinde ka sigurado sa isa, better not to use it. Big companies are creating their own stablecoins, di ko sure kung ito ba ang trend ngayon pero dapat talaga tayong magingat kase hinde lahat ay ok and hinde porke malaking company ang nagrelease nito ay safe na ito, again mas ok paren maginvest kung saan ikaw ang may control.
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
20BET - Premium Casino & Sportsbook
August 11, 2023, 11:52:47 AM
#12
Dati akong user ng Paypal at gusto talaga nila sila ay full control sa lahat ng mga product na ilalabas nila kaya di malayong mangyari na lock o i freeze nilan ang ibang mga holder katulad ng iyong opinyon, pero sigurado dahil sa laki ng kanilang assets at kanilang reputation marami ang magtitiwala sa kanilang Stable coin sila kasi ang isa a mga pinalamatandang payment processor yung mga kakumpitenya nila tulad ng Solidtrustpay, Payza at iba pa ay di maka ungos sa kanila
Posible talaga nila ma lock o freeze yung funds ng user nila dahil sila mismo ang may control sa PYUSD nila. Ganyan na ganyan ang Tether kaya alam natin ang attributes na meron yun, ganun din ang meron sa kanila.

at tungkol naman sa mga naglabasang pekeng PYUSD i verify munanatin ito sa mismong Paypal.
Meron naman sila sariling forum kaya drop lan gtayo dito para sa kanilang mga latest update

https://www.paypal-community.com/t5/PayPal-Community/ct-p/en
Merong mga taong nae-excite at hindi na nagve-verify kung saan galing yung project. Kapag ganito at masyadong hype, hindi na yan binibigyan ng oras ng ibang mga tao basta mabasa nila na galing sa PayPal o di kaya sa kilalang company, pati smart contract di na nila i-checheck. Doon madaming naloloko.
hero member
Activity: 1218
Merit: 563
🇵🇭
August 11, 2023, 09:39:44 AM
#11
pero sigurado dahil sa laki ng kanilang assets at kanilang reputation marami ang magtitiwala sa kanilang Stable coin sila kasi ang isa a mga pinalamatandang payment processor yung mga kakumpitenya nila tulad ng Solidtrustpay, Payza at iba pa ay di maka ungos sa kanila at tungkol naman sa mga naglabasang pekeng PYUSD i verify munanatin ito sa mismong Paypal.

Sigurado ito. Sikat na sikat ang Paypal kahit na sonrang daming incident na account freeze dahil isa sila sa pioneer ng online money globally. Trusted din pati yung issuer nula ng stablecoin kaya guaranteed yan na 1:1 backed yung stable coin nila ng USD.

Mas ok n dn yung stablecoin nila kesa usdt at busd since sobrang tagal na nila as online payment processor at established na ang reputation. Pikit mata lng talaga tayo kung gaano ka centralize ang service nila dahil fully regulated sila.
legendary
Activity: 3416
Merit: 1225
Enjoy 500% bonus + 70 FS
August 11, 2023, 09:31:22 AM
#10
Nabasa ko na ang stablecoins na inissue ng paypal ay pweding ifreeze o kontrolin ng developer.  Medyo nakakatakot ito, dahil mismong ang original na PYUSD ay possibleng iskamin tyo ng ating pondo sa pamamagitan ng pagfreeze sa ating account balance.  As much as possible maisasuggest ko lang na iwasan natin itong stablecoins na gawa ng paypal.

https://www.newsbtc.com/stablecoin/can-pyusd-be-frozen-in-your-wallet/

Dati akong user ng Paypal at gusto talaga nila sila ay full control sa lahat ng mga product na ilalabas nila kaya di malayong mangyari na lock o i freeze nilan ang ibang mga holder katulad ng iyong opinyon, pero sigurado dahil sa laki ng kanilang assets at kanilang reputation marami ang magtitiwala sa kanilang Stable coin sila kasi ang isa a mga pinalamatandang payment processor yung mga kakumpitenya nila tulad ng Solidtrustpay, Payza at iba pa ay di maka ungos sa kanila at tungkol naman sa mga naglabasang pekeng PYUSD i verify munanatin ito sa mismong Paypal.
Meron naman sila sariling forum kaya drop lan gtayo dito para sa kanilang mga latest update

https://www.paypal-community.com/t5/PayPal-Community/ct-p/en
sr. member
Activity: 1498
Merit: 271
DGbet.fun - Crypto Sportsbook
August 11, 2023, 03:29:12 AM
#9
Nabasa ko na ang stablecoins na inissue ng paypal ay pweding ifreeze o kontrolin ng developer.  Medyo nakakatakot ito, dahil mismong ang original na PYUSD ay possibleng iskamin tyo ng ating pondo sa pamamagitan ng pagfreeze sa ating account balance.  As much as possible maisasuggest ko lang na iwasan natin itong stablecoins na gawa ng paypal.

https://www.newsbtc.com/stablecoin/can-pyusd-be-frozen-in-your-wallet/

Naku po medyo nakakabahala nga yan, may account ako ng paypal pero isang beses ko palang naman ito nagamit dahil nung time na nagsignup ako ay nakareceive ako ng rewards amounting 2.5$ sa ibang platform nanggaling at nung nareceive ko añyang 2.5$ ay from paypal ay nilink ko ito sa gcash para maconvert sa peso.

Pero ung gànyan naman pala ang pwedeng mangyari  iiwasan ko nalang na gamitin yan at idisconect ko narin siguro yung yung pagkalink ng gcash ko sa paypal.
legendary
Activity: 3052
Merit: 1281
Get $2100 deposit bonuses & 60 FS
August 10, 2023, 06:16:50 PM
#8
Nabasa ko na ang stablecoins na inissue ng paypal ay pweding ifreeze o kontrolin ng developer.  Medyo nakakatakot ito, dahil mismong ang original na PYUSD ay possibleng iskamin tyo ng ating pondo sa pamamagitan ng pagfreeze sa ating account balance.  As much as possible maisasuggest ko lang na iwasan natin itong stablecoins na gawa ng paypal.

https://www.newsbtc.com/stablecoin/can-pyusd-be-frozen-in-your-wallet/
sr. member
Activity: 1316
Merit: 356
August 10, 2023, 05:20:32 PM
#7
Additional information lang, dahil marami ang fake PYUSD na inilabas sa crypto kailangang mag-ingat tayo sa mga private messages, baka may mag-offer sa atin ng malaking PYUSD sa maliit na halaga. Ayun nga sa report, nasa 66 fake PYUSD ang ginawa ng mga scammers. Upang maiwasan ito, dahil nakabuilt ito sa Ethereum Blockchain suriin ng mabuti ang contract address kung sakaling magtitrade sa decentralized exchanges kung ito ba ay tunay o hindi.


https://www.coindesk.com/tech/2023/08/08/fake-paypal-usd-tokens-pop-up-on-several-blockchains/
hero member
Activity: 2030
Merit: 578
No God or Kings, only BITCOIN.
August 10, 2023, 03:38:14 PM
#6
At isa sa mga panuntunan nito ay ang "Pag-alis ng panganib sa pagkabangkarote" sabi nila Protektado ang mga asset ng customer, kasama na kung malugi ang Paxos.
Ang Paxos ang mag-iisyu nitong stablecoin, dahil kung matatandaan si Paxos din ang issuer ng BUSD sa pagkakaalam ko.
Kaya pala hindi na sila nag issue ng BUSD na pinahinto rin ng mga New York regulators kasi may bago na pala silang stablecoin na susuportahan. Ganito talaga mag FUD ang mga institusyon, pinahinto ang Isa kasi magbubukas ng isa at sa tingin ko wala namang pinagkaiba at mas centralized pa nga ang Paypal kesa sa Binance. Just part ng mga scammy plan ng gobyerno.
legendary
Activity: 2492
Merit: 1145
Enterapp Pre-Sale Live - bit.ly/3UrMCWI
August 10, 2023, 02:09:08 PM
#5
Iniisip ko lang kung pano magagamit ang Pyusd? Magagamit din ba ito sa pagpapadala ng fiat papunta sa Paypal din? O mula sa ibang bank account papunta sa Paypal ay maiswap ba ang fiat sa Pyusd? Or pwede lang ito matrade sa Ethereum at Binance pair bukod sa coinbase layer2? Medyo nalilito ako lang ako ng konti eh.

Since crypto version ito ng Paypal USD. I think kagaya ito ng mga typical na stable na malilist sa mga exchange at pwedeng istore sa mga external wallet since ERC20 tokens ito na iissue ng Paxos Trust para sa 1:1 conversion sa USD.

Ito yung feature na pwede mong gawin sa PYUSD:

Transfer PayPal USD between PayPal and compatible external wallets 
Send person-to-person payments using PYUSD
Fund purchases with PayPal USD by selecting it at checkout2
Convert any of PayPal's supported cryptocurrencies to and from PayPal USD 

Source: https://newsroom.paypal-corp.com/2023-08-07-PayPal-Launches-U-S-Dollar-Stablecoin

Hindi ako user ng paypal but I think mapapakinabangan ko yung ibang features nito espwcially na nasa crypto na. Essentially magagamit ko na ang crypto ko para makapagpurchase ng items or services na nag aaccept ng paypal. Usdt then Pyusd to paypal usd and checkout na, no need na dumaan sa bank para magamit ito as a payment. Yoohoo hindi nako mahahassle sa pag gamit ng paypal for my international purchases. Hassle kasi minsan sa banks at yung fees ng paypal ang taas. Sana mag ka promo sila like less service fee and better convertion rate if gagamit ng stable coin nila.
hero member
Activity: 2646
Merit: 584
Payment Gateway Allows Recurring Payments
August 10, 2023, 12:15:44 PM
#4
Hindi naman ako masyadong gumagamit ng PayPal at hindi rin ako nagte-trade dun, maliban nalang kapag may nagsend sakin ng pera thru PayPal. Yung mga ganitong issue na merong pekeng token din na lumalabas, parang naging common na ito sa community. Basta merong kilalang project, may mga developers na magte-take advantage tapos gagawan din nila ng token at sa kasamaang palad, may mga nabibiktima.

Iniisip ko lang kung pano magagamit ang Pyusd? Magagamit din ba ito sa pagpapadala ng fiat papunta sa Paypal din? O mula sa ibang bank account papunta sa Paypal ay maiswap ba ang fiat sa Pyusd? Or pwede lang ito matrade sa Ethereum at Binance pair bukod sa coinbase layer2? Medyo nalilito ako lang ako ng konti eh.
Halos lahat yan puwede basta within sa platform din mismo ni Paypal. Maliban nalang kung iadopt din yan ng ibang exchanges tulad ng BUSD.
hero member
Activity: 1400
Merit: 623
August 10, 2023, 09:48:52 AM
#3
Iniisip ko lang kung pano magagamit ang Pyusd? Magagamit din ba ito sa pagpapadala ng fiat papunta sa Paypal din? O mula sa ibang bank account papunta sa Paypal ay maiswap ba ang fiat sa Pyusd? Or pwede lang ito matrade sa Ethereum at Binance pair bukod sa coinbase layer2? Medyo nalilito ako lang ako ng konti eh.

Since crypto version ito ng Paypal USD. I think kagaya ito ng mga typical na stable na malilist sa mga exchange at pwedeng istore sa mga external wallet since ERC20 tokens ito na iissue ng Paxos Trust para sa 1:1 conversion sa USD.

Ito yung feature na pwede mong gawin sa PYUSD:

Transfer PayPal USD between PayPal and compatible external wallets 
Send person-to-person payments using PYUSD
Fund purchases with PayPal USD by selecting it at checkout2
Convert any of PayPal's supported cryptocurrencies to and from PayPal USD 

Source: https://newsroom.paypal-corp.com/2023-08-07-PayPal-Launches-U-S-Dollar-Stablecoin
full member
Activity: 896
Merit: 117
PredX - AI-Powered Prediction Market
August 10, 2023, 09:43:42 AM
#2
Iniisip ko lang kung pano magagamit ang Pyusd? Magagamit din ba ito sa pagpapadala ng fiat papunta sa Paypal din? O mula sa ibang bank account papunta sa Paypal ay maiswap ba ang fiat sa Pyusd? Or pwede lang ito matrade sa Ethereum at Binance pair bukod sa coinbase layer2? Medyo nalilito ako lang ako ng konti eh.
sr. member
Activity: 952
Merit: 303
August 10, 2023, 05:04:13 AM
#1
Isa pang magandang balita para sa merkado upang maging bullish muli sa industriya ng crypto. 3 araw ang nakalipas Ang Paypal ay naglunsad ng sarili nilang mga stablecoin na PYUSD. At nabanggit na ito ang unang stablecoin coin na kinokontrol mula sa pandaigdigang kumpanya ng pagbabayad. Dahil alam natin na pagdating sa mga ganitong bagay, ang malaking stablecoin ay ang USDT ng Tether. Gayunpaman, alam namin na ang usdt na ito ay maraming mga isyu na hindi mawalawala. Kung paanong hindi sila transparent, hindi nila kinukumpleto kung paano nila bina-back up ang kanilang usdt.

Medyo nagkaroon din ng problema ang USDC noong nakaraan dahil na-detect siya. At ang mga desentralisadong stablecoin ay hindi pa rin sapat na binuo para pagkatiwalaan ng masa. Ngayon, ang pagkakaiba sa pagitan ng paypal at stablecoins ay ang Paypal ay isang malaking kumpanya na isang pandaigdigang sistema at mayroong isang regulator na titingnan ang bawat aktibidad na kinasasangkutan ng paglalabas ng "Kabilang ang pamamahala ng Reserve" na nangangahulugang nasaan man siya sa mundo. pinoprotektahan niya ang mga gumagamit nito at tiyak na sumusunod sa mga patakaran at regulasyon.

At isa sa mga panuntunan nito ay ang "Pag-alis ng panganib sa pagkabangkarote" sabi nila Protektado ang mga asset ng customer, kasama na kung malugi ang Paxos.
Ang Paxos ang mag-iisyu nitong stablecoin, dahil kung matatandaan si Paxos din ang issuer ng BUSD sa pagkakaalam ko. At sabi din sa report ay hindi ito makakaapekto sa USDT at USDC, na sa aking pananaw ay baka sa ngayon Oo hindi sila maapektuhan, dahil para sa akin ang stablecoin ay palaging kakompetensya rin ng mga kapwa stablecoin nito, in short imposibleng hindi upang maapektuhan ito sa malapit na hinaharap sa USDT.

At dahil sa paglabas nitong Paypal stablecoin, lumabas din ang pekeng PYUSD sa mga decentralized exchange, kaya mag-ingat tayo dahil pagkatapos ng announcement ng PayPal, humigit-kumulang 30 na pekeng PYUSD ang lumabas. kaya doble ingat mga kaibigan. Dahil lumalabas sila sa iba't ibang blockchain tulad ng BSC, ERC20 at coinbase layer2. Dahil kahit anong trending dito sa crypto ay siguradong may lalabas na token para mang-scam ng mga tao.

Reference: https://www.theverge.com/2023/8/7/23822752/paypal-pyusd-stablecoin-cryptocurrency
Jump to: