Not against sa kanilang initiative pero basta Pinoy ang owner, big no ako dyan.
Mukhang meron kang contradiction sa mga statement mo kabayan, hindi kontra sa magandang initiative pero pag pinoy ang may-ari
kahit maganda ang initiative big no kana. Ibig sabihin lahat ng pinoy na magtatangkang gumawa ng bisnes na may kaugnayan sa cryptocurrency wala kang tiwala kahit isa.
Kahit anong obserba gawin natin, kung di malinaw ang regulations ng crpyto sa Pilipinas, mahirap ifully develop ang isang stable coin na based dito sa ating bansa. Ang maganda gawin is, ipush ng karamihan na magkaroon ng malinaw na regulations ng crypto sa Pilipinas although malabo talaga mangyari yan sa ngayon.
Ang tanung, alam mo ba ang latest updates ng bsp sa regulation ng cryptocurrency ngayon sa atin? Mukhang hindi kana update kabayan ah.
Ang iniisip mo parin siguro yung katulad nung 2015 pa, kaya ganyan ka magsalita. Saka pano mo nasabi na malabo? dahil ba puro palpak o hindi naging successful yung mga nakita mo nung nakaraan, kaya yung sa hinaharap iniisip mo na ganun narin magiging resulta nito kagaya ng iniisip mo, bakit ikaw ba nostradamus kabayan alam muna ang mangyayari sa hinaharap? kung baga sa korte wala pang nasisimulan na paglilitis hinatulan mo na, ang galing mo kabayan mag-isip. Bakit sa tingin mo ba walang ginagawa o nagawa ang BSP natin ngayon tungkol sa mga regulation sa mga cryptocurrency na pumapasok sa ating bansa?
Di ako magiisip ng ganyan ng walang reasons. Ilan beses na yan nangyari.
Weh di nga kabayan
Ibig sabihin para sayo pag-nagkamali ka ngayon walang pagkakataon sa hinaharap
na makagawa ng tama kundi puro mali nalang lahat.
Mahirap ipagkitawala sa mga Pinoy ang mga ganyang projects na puro hype lang ang purpose. No offense sa mga seryosong Pinoy sa larangan na ito.
Kabayan binasa mo ba talaga yung article na pinaguusapan natin dito? Dahil sa sinabi mo na ito pinakita mo na hindi mo naintindihan yung nakasulat dun sa article. Hayaan mong ipaintidi ko sayo yung nasa article, sino ba ang may-ari ng C-peso? Ang sagot ay C-Pass Inc, ito ang nagdeveloped ng C-peso hindi pinoy. Bakit nasa Pinas ito ngayon? dahil inilapit ng C-Pass Inc ito sa Cebu City sa pamamagitan ng kanilang joint venture sa existing ng MOU(memomrandum of understanding). Na inacommodate naman ng Vice Mayor ng Cebu. Bukod dun ang C-peso ay inexplain ni Kim Jae-won director ng C-Pass Inc na ito ay based ethereum blockchain.
kaya pala ganyan nalang ang mga sinasabi mo na puno ng panghuhusga sa mga pinoy pagdating sa paghawak ng crypto bisnes.
Dahil hindi mo naintindihan yung nasa article kabayan, no offense din sayo kagaya din ng sinasabi mo.
Ano naman kung involve si Vice Mayor sa project. Actually, ok naman iyong layunin e pero di sa part ng pagkakaroon ng sariling StableCoin.
Ayan ka naman kabayan hehe, sinong bang maysabi sayo na involve yung mayor, inaccomodate nya yung pagpromote ng C-pass inc hanggang sa pagsubmit nito sa BSP na umabot na nga sa stage 3 registration na makikita sa article process ng VASP.
Saka bakit parang galit na galit ka stablecoin? bukod pa dun may contradiction kana naman, ok yung layunin sayo pero di sa part ng pagkakaroon ng stablecoin, ang gulo ng statement mo kabayan, maganda nga yung layunin ng stablecoin at pabor ka nga sa layunin na yun tapos ayaw mo sa stablecoin, okay lang? mukhang tama ka hindi ka nagiisip ng walang rason, hahahaha....
Kahit we have to bet against each other I really think that lalangawin ang sistemang yan. Again, no offense at ituring niyo na lang na kritisismo ang aking pahayag. Maganda iyong purpose of pure cashless transactions kahit sa simpleng pagbili lang sa tindahan pero wala talaga akong nakikitang benepisyo sa pagpush ng sariling stable coin.
Teka muna kabayan, lalangawin ba kamo? pano mo nasabi? wag mong sabihin sa akin yun rason mo ay dahil sa nakaraan? Bakit nakita mo naba kung anong sistema meron ang C-peso? hindi ba pakumpleto palang yung mga requirements nila sa BSP at malapit matapos, at pag natapos na yun ay masisinulan na nila ang dapat gawin gaya ng sinabi nila sa article,
Maari bang bigyan niyo ako ng mga advantages o benepisyo bakit kailangan pa ng sariling stablecoin ang Cebu o ang buong Pilipinas? Walang maling sagot dahil ito ay base sa inyong pananaw at kaalaman.
Ang isang advantage ng stablecoin ay halimbawa bumili ako ng bitcoin na ang halaga nya ay nasa 20k$ bigla siyang tumaas ng 100k$, meaning tumubo na ako ng 80k$ ngayon iniisip ko na malaking halaga na ito at ayaw ko na mawala pa ito, ang gagawin ko ipambibili o iswap ko ito sa stablecoin para pag bumagsak man ulit si bitcoin ng 20k$ hindi na ako apektado dun dahil nailipat ko n ito sa 1:1 ang palitan.