Author

Topic: Maglalabas ang SEC ng pagkalap patungkol sa regulasyon ng Crypto Exchange (Read 276 times)

full member
Activity: 560
Merit: 105
Sa dami ba namang mga naglabasang scammer ng dahil sa mga pag iinvest sa crypto dapat lang may regulasyon ukol sa crypto. Marami na kasi ang mga naloko ng dahil sa mga advertisements na magiging doble o triple ang kanilang pera once na mag invest sila sa crypto at dahil sa wala naman silang kaalaman sa pagiinvest sa cryptocurrencies nabibiktima sila ng mga scammer.
full member
Activity: 680
Merit: 103

Maganda nga sana na decentralized at unregulated ang buong cryptocurrency market NGUNIT marami ring mga loko-loko at mapagsamantala ang gagala sa buong Pilipinas upang makapanloko ng mga inosenteng biktima. Para sa akin panahon na para may klarong regulasyon at patakaran na dapat sundin at may kaukulang parusa ang mapatunayang lumabag sa alintuntuning pinapatupad...ito ay para sa proteksyon ng lahat.

Di natin gusto na merong exchange na susulpot at pagkatapos makaengayo ng mga kasapi eh bigla na lang lalayas tangay ang mga pera at digital assets ng kanilang members. Sa ICO naman maganda talaga ang platform na to kasi para itong democratizing the access to capital ngunit ginagamit din ng ilan para makapanloko...dapat talaga registered ang isang ICO project para alam natin sino-sino ba ang mga tao sa likod ng proyekto at may kakayahan ba silang ipatupad ang proyekto...ito ay para akaiwas sa mga fake profiles na ginagamit ng ibang ICOs sa kanilang scams. Dapat din may perang ilagak bilang deposit o assurance na di tatakbo pagkatapos makakolekta ng limpak-limpak na pera.

The time has come to make all of these thing clear, regulated and fair!
Well may point ka brad, sa dami nga naman ng mga manloloko at scammers ngayon dapat talaga may aksyon na ang gobyerno natin kahit kaunti, lalong lalo na kung pag lalaunch na ng ICO ang pag uusapan na alam nating napaka laki ng nalilikom na pera nito lalo na pag naging successful, yan ang ikinaganda kapag regulated na ang bitcoin at iba pang related sa cryptocurrencies aspect, kung matupad nga yan ok lang basta hindi ito pag mulan na naman panibagong pangongorakot ng gobyerno natin na alam naman nating napaka talamak, maski si duterte hindi ito masugpo, kung mangyari man yan baka mas yumaman pa ang mga kurap na yun kesa sa mga nagtratrabaho talaga sa crypto.
sr. member
Activity: 1008
Merit: 355

Maganda nga sana na decentralized at unregulated ang buong cryptocurrency market NGUNIT marami ring mga loko-loko at mapagsamantala ang gagala sa buong Pilipinas upang makapanloko ng mga inosenteng biktima. Para sa akin panahon na para may klarong regulasyon at patakaran na dapat sundin at may kaukulang parusa ang mapatunayang lumabag sa alintuntuning pinapatupad...ito ay para sa proteksyon ng lahat.

Di natin gusto na merong exchange na susulpot at pagkatapos makaengayo ng mga kasapi eh bigla na lang lalayas tangay ang mga pera at digital assets ng kanilang members. Sa ICO naman maganda talaga ang platform na to kasi para itong democratizing the access to capital ngunit ginagamit din ng ilan para makapanloko...dapat talaga registered ang isang ICO project para alam natin sino-sino ba ang mga tao sa likod ng proyekto at may kakayahan ba silang ipatupad ang proyekto...ito ay para akaiwas sa mga fake profiles na ginagamit ng ibang ICOs sa kanilang scams. Dapat din may perang ilagak bilang deposit o assurance na di tatakbo pagkatapos makakolekta ng limpak-limpak na pera.

The time has come to make all of these thing clear, regulated and fair!
full member
Activity: 476
Merit: 105
The only thing I am concerned with is the regulation of paying taxes when doin or completing a transaction, but I also think how SEC will find a way to identify the person who is doing the transaction. Secondly, just like the stock market there should be an ICO regulation, in this way I think it will lessen the scammy projects.
Right laganap at lantaran na sa social media ang mga hyip na investments at ICO kelangan talaga ng proper regulation or else baka masira ang pangalan ng crypto sa ibang taong walang alam sa ganyan dame ng naiiscam ng walang knowledge at para maregulate na din hindi lang ang mga ICO kundi tayong gumagamit ng mga platforms ng cryptocurrency sana makatarungan ang mga taxes at regulation nila malaman na lang.
newbie
Activity: 83
Merit: 0
Nabasa ko nga ito. Actually guys, wag kayong matatakot about regulations dahil its a good thing in bitcoin and crypto. No harm yan. Mas maganda nga na napagtutuunan to ng pansin eh.
full member
Activity: 434
Merit: 100
Magandang balita to kasi mas maraming taong madadagdag o mas tataas ang demand ng crypto sa pinas kung ganito ang mangyayari sa bansa.  Alam naman nating malaki ang epekto ng bawat balitang nagkakaron sa bansa eh dahil nga sa curiosity.  Kaso nga lang kung mangingialam sila ay tyak na magkakaroon ng tax sa paggamit ng crypto kaya may disadvantage pa rin.
full member
Activity: 1344
Merit: 110
SOL.BIOKRIPT.COM
Ani ba ang epekto neto sa ating mga consumers? O mga traders na katulad ko. Trade and hold lang naman ako, itong mga sangay ng gobyerno na to eh gumagawa na naman sila ng kung anu ano mapagkaperahan lang tayong mga crypto users eh. Tingnan nyu susunod eh tayo na mismo ang pupunteryahin niyan at direkta pa. Sa ngayung iniipit nila ang mga Crypto exchange ng kung anu anung regulasyon.
jr. member
Activity: 31
Merit: 2
Buti na lang nabasa ko itong thread na ito. Kung sakaling madali yung exchange ng coins.ph or if may makitang iregularidad sa company nila, sigurado akong may mahohold na funds sa mga wallets nila. Siguro medjo exaggerated lang aq mag isip pero maganda na rin advance tyo mag isip kasi pera ang pinag uusapan. Masasabi ko na dapat wag muna tyo mag hold ng pera or cryptocurrency sa coins.ph wallets natin hanggang may concrete rules and regulation na si SEC sa pilipinas.
member
Activity: 434
Merit: 10
Regulasyon ba kamo? batas na mangangalaga sa kapakanan ng mga mamayan upang mabawasan ang mga scam na mga proyekto sa ating bansa at sumunod sa batas na itatakda? Sana lang ay wag puro proposed lang dapat ay may aksyon at accomplishment nang sa gayon ay maging kagamit-gamit sa ikauunlad ng ating mga kababayan.
member
Activity: 308
Merit: 10
Revolution of Power
Laganap nga ang crypto sa Pinas kaso gusto agad limitahan para hindi masapawan ang ibang ahensya ng business na wala alam sa crypto kaya normal titibahin nila muna crypto nabasa ko din na need na magregister ang exchange sa SEC PH as trading platform. Tingnan ko maiiwan na naman tayo sa innovation ng blockchain lalo pinayagan pa ng gobyerno natin ang mga foreign crypto companies na mag operate dito. Tayo na naman ang laborer imbes na tayo dapat ang operator at Managers e. Mukhang di maganda nangyayari sa Pinas. Kailangan na kumilos mga Juan para sa kinabukasan ng minamahal natin kabayan wag puro asa sa gobyerno natin kasi nasa kamay natin ang Pinas hindi sa buwaya at manhid sa pagbabago.
full member
Activity: 680
Merit: 103
https://news.bitcoin.com/philippine-sec-publish-draft-crypto-exchange-regulations-next-week/

Ayon sa News Bitcoin maglalabas ang SEC ng mungkahi o pagkalap tungkol sa Crypto Exchange. Damay dito ang Coins.PH na mayroong exchange na CX Pro Asia.

Nakapaloob din dito ang mga regulasyon sa  pag uumpisa ng ICO na kamakailan lang maraming napabalitang may mga naglabasang ICO sa Mindanao at Metro Manila.

Kailangan nating maging maalam sa paggamit ng crypto para malaman natin kung tayo ba ay lumalabag na sa batas o regulasyon ng Pilipinas.

Abangan natin ang kanilang pahayag sa susunod na linggo ukol dito.

Sana maging patas at tama ang kanilang pagpapatupad at huwag sana nilang isang tabi ang mga Pilipino na walang trabaho at umaasa lamang sa crypto.
Nangangamoy tax na talaga ang crypto currencies dito sa pinas, unang hakbang palang nila yan sa pag intervine sa mundo ng crypto, hindi malayong mangyari na pati mga crypto holder ay lagyan na rin ng buwis ng mga yan, sana sa mga nag lalaunch ng ICO lang nila ipatupad yang mga binabalak nilang regulations kasi pag dinamay nila tayo jan iisipin ko talaga hindi kapakanan natin ang inisisip nila kundi malagyan lang ang kanilang bulsa sa pamamagitan ng crypto, pero kung sa mga ICO lang nila ipapatupad yan edi mabuti ng maiwasan ang mga scam ICO dito sa pinas.
member
Activity: 335
Merit: 10
Laganap na din kasi ang cryptocurrency dito sa Pilipinas kaya napag tutuunanna ito ng pansin ng gobyerno good newa para sa ating mga nag kicrypto ito
full member
Activity: 392
Merit: 100
ang tanging nakikita kong ikagaganda ng regulasyon na ito ay mababawasan talaga yung mga scammer, nakakaasar lang kasi ang tagal na ng regulate na yan wala naman nagiging aksyon. legal ang coins.ph sa pinas pero hindi pa lamang ito napaguukulan ng panahon.
full member
Activity: 406
Merit: 100
The only thing I am concerned with is the regulation of paying taxes when doin or completing a transaction, but I also think how SEC will find a way to identify the person who is doing the transaction. Secondly, just like the stock market there should be an ICO regulation, in this way I think it will lessen the scammy projects.
member
Activity: 98

Jump to: