Author

Topic: Makakaapekto kaya Sa Bitcoin Adoption Sa Mga Nangyayaring Rigodon Sa Ating Bansa (Read 256 times)

sr. member
Activity: 1316
Merit: 268
★Bitvest.io★ Play Plinko or Invest!
Sa ngayun 2 ang problema natin una yung West Philippine Sea na issue natin laban sa China, at yung nangyayaring sagutan sa pagitan ni PBBM at Duterte pero kahit anuman ang mangyari tuloy ang pagtaas ng Bitcoin.
At yung Bitcoin ay di naman pinapansin ng mga pulitiko dito sa atin kasi lahat sila ay nakatutok sa susunod na eleksyon at sa tingin hindi sila intresado na harangin ang adoption ng Cryptocurrency kasi wala naman it banta sa ekonomiya ng ating bansa.

Well its a sad reality, wala tayong magagawa, dami talagang ganid sa kapangyarihan na mga pulitiko sa bansa natin, kaya sana sa mga kababayan natin huwag ng bumoto ng mga celebrity, or mga artista or influencers na kilala sa social media platform. Sa ngayon wala din talaga akong nakikita or nararamdaman na mga officials na merong pagmamalasakit sa bitcoin o cryptocurrency.

Kumbaga kanya-kanyan lang ng diskarte ang ginagawa ng ibang mga corporate organization tungkol sa blockchain technology, kagaya nalang ng ginagawa noong ng mga dating grupo ng ng NEM Phil. na ngayon sa aking pagkakaalam ay SOL team naman sila, kaya lang style networker ang way ng pananalita nila at yun lang ang ayaw ko sa istilo nila. Pero nakakatulong sila sa pagpapalaganap ng blockchain tungkol sa bitcoin o cryptocurrency.
hero member
Activity: 2814
Merit: 571
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
Sa ngayun 2 ang problema natin una yung West Philippine Sea na issue natin laban sa China, at yung nangyayaring sagutan sa pagitan ni PBBM at Duterte pero kahit anuman ang mangyari tuloy ang pagtaas ng Bitcoin.
At yung Bitcoin ay di naman pinapansin ng mga pulitiko dito sa atin kasi lahat sila ay nakatutok sa susunod na eleksyon at sa tingin hindi sila intresado na harangin ang adoption ng Cryptocurrency kasi wala naman it banta sa ekonomiya ng ating bansa.
sr. member
Activity: 1666
Merit: 453
Mainit na balita ngayun na nalilink si dating pangulong Duterte sa planong pagpapatalksik kay PBBM na mariin nyang itinangi, at nagkakaroon na rin ng lamat yung samahan ng Super Unity between sa partido ni PBBM at VP Inday Sara dahil sa paglipat ng iba sa partido ni Speaker Romuladez mula sa partido ni VP Sarah lahat ng ito ay para sa paghahanda sa darating na local election at Presidential election.

Sa tingin nyo Makakaapekto kaya Sa Bitcoin Adoption Sa Mga Nangyayaring Rigodon Sa Ating Bansa halimbawa may isang malaking grupo na may malaking role sa Bitcoin adoption dito sa Pilipinas ay sumuporta sa isang grupo na magiging dahilan para gumawa ng batas na mapahina ang mga grupong ito at ito ay restriction sa adoption ng Bitcoin.

 7 lawmakers from Duterte-chaired PDP-Laban defect to Romualdez-led Lakas CMD

Kahit anong sabihin di ito makakaapekto sa galaw ng crypto sa market, unang-una, napakaliit ng mg apinoy na gumagamit pa ng cryptocurrency unlike US, China at Russi at idagdag pa ang India, kahit pa manggulo yang si Xi Digong kay Marcos Jr. di yan maaapektuhan, at sa tingin ko kahit anong pang gawin ni Xi Digong di niya kayang pabagsakin si Junior, maraming bumaliktad na, at ang military all out yan kay Junior, I personally not voted Junior pero mas gusto ko na siya kesa sa Duterte.

Well, hindi naman maipagkakaila ang mga bagay na nagawa ni Tatay Digong nung panahong siya ang Presidente during time of pandemic wala akong question sa bagay na yun sa totoo lang. Itong kamakailan lang ay medyo parang nawawala sa hulog ang mga galaw at pananalita ni tatay Digong, siguro dala narin ng katandaan at mga taong na umaaligid sa kanya na dinidiktahan siya na minsan iniisip ko nalang na baka dahil pinakikisamahan nalang nya kahit na maging masama siya sa paningin ng ibang mga pinoy.

Though wala din naman akong pakialam kay Romualdez na pinsan ni BBM dahil epal naman talaga. Basta ang masasabi ko lang anuman ang ngyayari sa bansa natin ay naniniwala ako na lahat ng yan ay nasa kapahintulutan ng Maykapal kung bakit ito ngyayari ngayon.
hero member
Activity: 2072
Merit: 562
Mainit na balita ngayun na nalilink si dating pangulong Duterte sa planong pagpapatalksik kay PBBM na mariin nyang itinangi, at nagkakaroon na rin ng lamat yung samahan ng Super Unity between sa partido ni PBBM at VP Inday Sara dahil sa paglipat ng iba sa partido ni Speaker Romuladez mula sa partido ni VP Sarah lahat ng ito ay para sa paghahanda sa darating na local election at Presidential election.

Sa tingin nyo Makakaapekto kaya Sa Bitcoin Adoption Sa Mga Nangyayaring Rigodon Sa Ating Bansa halimbawa may isang malaking grupo na may malaking role sa Bitcoin adoption dito sa Pilipinas ay sumuporta sa isang grupo na magiging dahilan para gumawa ng batas na mapahina ang mga grupong ito at ito ay restriction sa adoption ng Bitcoin.

 7 lawmakers from Duterte-chaired PDP-Laban defect to Romualdez-led Lakas CMD

Kahit anong sabihin di ito makakaapekto sa galaw ng crypto sa market, unang-una, napakaliit ng mg apinoy na gumagamit pa ng cryptocurrency unlike US, China at Russi at idagdag pa ang India, kahit pa manggulo yang si Xi Digong kay Marcos Jr. di yan maaapektuhan, at sa tingin ko kahit anong pang gawin ni Xi Digong di niya kayang pabagsakin si Junior, maraming bumaliktad na, at ang military all out yan kay Junior, I personally not voted Junior pero mas gusto ko na siya kesa sa Duterte.
sr. member
Activity: 1638
Merit: 425
Cashback 15%
Mainit na balita ngayun na nalilink si dating pangulong Duterte sa planong pagpapatalksik kay PBBM na mariin nyang itinangi, at nagkakaroon na rin ng lamat yung samahan ng Super Unity between sa partido ni PBBM at VP Inday Sara dahil sa paglipat ng iba sa partido ni Speaker Romuladez mula sa partido ni VP Sarah lahat ng ito ay para sa paghahanda sa darating na local election at Presidential election.

Sa tingin nyo Makakaapekto kaya Sa Bitcoin Adoption Sa Mga Nangyayaring Rigodon Sa Ating Bansa halimbawa may isang malaking grupo na may malaking role sa Bitcoin adoption dito sa Pilipinas ay sumuporta sa isang grupo na magiging dahilan para gumawa ng batas na mapahina ang mga grupong ito at ito ay restriction sa adoption ng Bitcoin.

 7 lawmakers from Duterte-chaired PDP-Laban defect to Romualdez-led Lakas CMD

Hindi naman ito makakaapekto dahil for sure hindi naman malaki ang mga group ng mga Bitcoin dito sa ating bansa i mean duda rin naman ako na mayroong susuporta pagdating sa mga politiko pero siguro possible nga yung ganun lalo na if talagang mayroon silang pangako na susuportahan ang crytpocurrency at Bitcoin possible talaga na siya ang susuportahan naten pagdating ng eleksyon.

Pagdating sa adaptation for sure patulong lang na mangyayari yan dahil mga company naman ang nagaadapt pati ang mga tao, so for sure lalo na at popular na ang cryptocurrency dahil sa mga nakaraang Bullrun ay dadami talaga ang mga tao na gumagamit ng cryptocurrency dito sa ating bansa and hindi na yan maaapektuhan kung meron mang epekto for sure hindi yun major like mahihinto ang adaptasyon or depende nalang din siguro if yung mananalo ay ibaban ang cryptocurrency sa bansa naten.

Mahirap na talaga na magtiwala tayo sa mga politiko if matapos na ang term in PBBM which for sure hindi na siya mananalo next term dahil para saken wala naman siyang nagagawa pang major talaga para sa bansa, sana lang talaga may tumakbo na maganda ang gagawin swertehin man lang tayo sa Presidente.
full member
Activity: 770
Merit: 106
Sa aking pagkakaalam ay ang ating gobyerno ay hindi naman ganun kahigpit sa digital currency na ating ginagalawan ngayon, mahigpit lang sila sa ibang mga platform na wala silang control katulad ng sa binance. Saka sang-ayon naman din sa article ay parang wala naman nabanggit tungkol sa Bitcoin kung hindi ako nagkakamali ng binasa at pagkaunawa.

Dahil kung tutuusin ay madaming mga merchants nga natin ang nakikipagpartnership na nga sa mga may kaugnayan sa Bitcoin o blockchain technology na ating ginagalawan, maging sa mga lokal excange na meron tayo at lokal wallet din ay masasabi kung madami narin.

full member
Activity: 406
Merit: 109
Mukhang hindi naman ganon ka strict ang government pagdating sa crypto and Bitcoin dito sa ating bansa. Also para sakin lang ay hindi rin naman sila ganon ka interesado or kumbaga parang hindi nila priority ang gumawa ng batas patungkol sa Bitcoin at sa mga users nito dito sa Pinas. Since iba ang focus ng mga higher officials tapos dagdag mo pa yang partido partido at mukhang nagpaplano na sila agad para sa susunod na eleksyon, wala dito ang focus nila. So I don't think na may effect sya sa adoption or kung magkakaroon man ng limitations/strict rules pagdating sa crypto kahit anong partido pa ang manalo sa eleksyon. As long as we can freely use/transact with Bitcoin, tuloy pa rin naman ang pag expand ng Bitcoin awareness and adoption dito kahit pa na pakonti konti lang yan... So mukhang wala naman tayong dapat ikabahala
sr. member
Activity: 1442
Merit: 390
★Bitvest.io★ Play Plinko or Invest!
~

ang SEC ata naglabas ng policy na iblock daw ang binance. yan palang apektado na tayo.

pero itong away ng Marcos vs Duterte, divided na naman ang bansa nito. kung sakalling malagay sa alanganin si Bong2x, papapasukin nya ICC para imbestigahan si Digong.
si Digong naman naglabas ng balita na tatakbo uli ng President sabi ng mga political analyst dyan sa Karambola para lang daw yan ilihis ang attention kay Digong at hindi kay Sara.

tapos si Digong naman baka nga meron syang mga Heneral na pabor sa pag-aaklas. nakikita kasi ni Digong na unti-unti tayong sinasakop uli ng US. hindi natin iisipin na sinanakop na ang Piilipinas dahil ally naman natin ang US pero para sa mga may militay minds gaya nya, walang pinagkaiba yan at sinasakop na tayo. gusto ata ni Digong paalisin ang US dito.

so lets put our military hat also dahil sa perpective ng military, hindi naman US army ang makikipag-gera dyan sa China kundi ang AFP. binabala na naman ang Pilipinas nito at pagnakataon magmumukhang Ukraine rubles ang mga cities natin nito.

ayaw ni Digong mangyari ito at mukhang masyadong maaga pa para magdecisyon ng kudeta. pero posibleng mangyari yang gera kontra China vs Philippines dahil dyan sa mga islas. unti-unti na ngang nagkaroon tayo ng navy fleet eh. magmimilitarized tayo sooner.

maghahanap ng gusot ang US dyan hindi naman papayag ang US na ang China ang magdidikta ng mga rules dyan sa SCS. kita naman natin na US lang ang kontra sa peacetalk dyan sa UN assembly.
Bakit pa magkakaroon ng peace talk eh di ba nakapagestablish na ng mga base militar sa SCS ang China? Sigurado ako na hindi naman ganun kalaki yung epekto niyan sa ating mga Pinoy kasi personal at internal na issue yata yang mga nabanggit mo, maliit lang community ng crypto sa Pinas kaya sure ako na hindi ganun kalaki dun epekto sa market kung sakali.
legendary
Activity: 2464
Merit: 1145
FOCUS
Sa tingin nyo Makakaapekto kaya Sa Bitcoin Adoption Sa Mga Nangyayaring Rigodon Sa Ating Bansa halimbawa may isang malaking grupo na may malaking role sa Bitcoin adoption dito sa Pilipinas ay sumuporta sa isang grupo na magiging dahilan para gumawa ng batas na mapahina ang mga grupong ito at ito ay restriction sa adoption ng Bitcoin.

Yes, sadly may epekto talaga na mangyayari pag hindi nag karoon ng pag kakasundo. Hindi lang sa cryptocurrency, pati narin sa ibang batas. Parang walang concrete goal ang gobyerno natin kapag nangyhari yung silent war, tayong mga mamamayanan ang maapektuhan. Mga batas na hindi pinag isipan ay isa sa tingin ko ay ang magiging hindrance saatin sa mass adoption dito sa pilipinas. Ngayon palang nga na mawawala na ang binance dito sa pinas "IP BAN" is satingin ko bawas agad ang options ng mga tao sa mga matitinong exchanges.

I hope na yung unity team nila as a front last election is totoo naman, Di nanalo manok ko kaya I'm just hoping for the best nalang especially sa crypto side of things na hindi tayo ma restrict o maapektuhan.
full member
Activity: 1365
Merit: 107
Sugars.zone | DatingFi - Earn for Posting
Wala naman sigurong magiging epekto eto sa bitcoin dahil isa etong away pulitika. Pwera na lang kung yung isang partido ay alam ng kabilang partido na madaming hold na bitcoin yung isa at kapag yung kabila ang nanalo next eleksyon ay gumanti ng personal at gumawa ng batas against bitcoin or crypto in general. Pero parang napakababaw at isa etong personal na ganti na hindi naman tama at unfair sa ating mga pinoy na nagki crypto. Pero tingin ko hindi talaga apektado dito ang bitcoin dahil wala namang nabanggit sa balita na bitcoin o cryptocurrency.
full member
Activity: 2086
Merit: 193
This has nothing to do with Bitcoin adoption, and sobrang gulo naman talaga ng politics dito sa bansa naten and who knows, baka pakana lang nila ang lahat ng ito para mas maging maingay ang pangalan nila in preparation sa next election.

Sobrang aga at aggressive nilang kumilos pero hopefully hinde nila mainpluwensyahan si SEC with regards to crypto adoption, sana mas maging supportive ang government when it comes to this.
hero member
Activity: 2002
Merit: 578
Mainit na balita ngayun na nalilink si dating pangulong Duterte sa planong pagpapatalksik kay PBBM na mariin nyang itinangi, at nagkakaroon na rin ng lamat yung samahan ng Super Unity between sa partido ni PBBM at VP Inday Sara dahil sa paglipat ng iba sa partido ni Speaker Romuladez mula sa partido ni VP Sarah lahat ng ito ay para sa paghahanda sa darating na local election at Presidential election.

Sa tingin nyo Makakaapekto kaya Sa Bitcoin Adoption Sa Mga Nangyayaring Rigodon Sa Ating Bansa halimbawa may isang malaking grupo na may malaking role sa Bitcoin adoption dito sa Pilipinas ay sumuporta sa isang grupo na magiging dahilan para gumawa ng batas na mapahina ang mga grupong ito at ito ay restriction sa adoption ng Bitcoin.

 7 lawmakers from Duterte-chaired PDP-Laban defect to Romualdez-led Lakas CMD
Para sa akin lang parang ang layo o maliit lang na porsyento ang maaaring maging epekto nito kung sakali unless yung mismong nasa administrayon na ang magsabi mismo na posibleng magkaroon ng restrictions o kaparehong scenario. That's just my take kasi parang both sides neutral lang naman pagdating sa crypto adoption.
hero member
Activity: 2352
Merit: 588
Bitcoin Casino Est. 2013
Binasa ko yung article pero wala naman na mention o related d sa Bitcoin adoption. Sino bang mga lawmakers ngayon o dun sa mga nabanggit ang may interest o hindi pabor sa Bitcoin?
Sa tingin ko, wala naman itong direktang epekto sa Bitcoin. Kung meron man silang gawing bagong o baguhin sa batas ay nasa mga ahensya pa rin tulad ng BSP and SEC ang desisyon tungkol sa regulasyon ng Bitcoin.
full member
Activity: 1442
Merit: 153
★Bitvest.io★ Play Plinko or Invest!
Mainit na balita ngayun na nalilink si dating pangulong Duterte sa planong pagpapatalksik kay PBBM na mariin nyang itinangi, at nagkakaroon na rin ng lamat yung samahan ng Super Unity between sa partido ni PBBM at VP Inday Sara dahil sa paglipat ng iba sa partido ni Speaker Romuladez mula sa partido ni VP Sarah lahat ng ito ay para sa paghahanda sa darating na local election at Presidential election.

Sa tingin nyo Makakaapekto kaya Sa Bitcoin Adoption Sa Mga Nangyayaring Rigodon Sa Ating Bansa halimbawa may isang malaking grupo na may malaking role sa Bitcoin adoption dito sa Pilipinas ay sumuporta sa isang grupo na magiging dahilan para gumawa ng batas na mapahina ang mga grupong ito at ito ay restriction sa adoption ng Bitcoin.

 7 lawmakers from Duterte-chaired PDP-Laban defect to Romualdez-led Lakas CMD

Sa tingin ko naman hindi ito makakaapekto sa bitcoin sa pilipinas kabayan dahil ang mahahalaga lang naman sa kanila yung mga pang sariling interest nila at mga position na gusto nila. Maraming gutom sa loob ng politika, pwede lang maapektuhan ang bitcoin siguro pag may gutom na pulitiko na gusto anuhin ang bitcoin.
legendary
Activity: 3066
Merit: 1049
Eloncoin.org - Mars, here we come!
Sana naman hindi, ayokong nakikialam yung gobyerno sa crypto community ng Pinas kasi kapag nangialam sila siguradong tayo nanaman ang talo kahit sabihin pa ng iba na yung ibang mga nilalabas na policy ng SEC ay nakakatulong sa atin, sigurado akong puro lang malalang taxation lang yung aabutin natin eh kaya di ako suportado kapag may balita sa crypto at involved ang gobyerno eh.

ang SEC ata naglabas ng policy na iblock daw ang binance. yan palang apektado na tayo.

pero itong away ng Marcos vs Duterte, divided na naman ang bansa nito. kung sakalling malagay sa alanganin si Bong2x, papapasukin nya ICC para imbestigahan si Digong.
si Digong naman naglabas ng balita na tatakbo uli ng President sabi ng mga political analyst dyan sa Karambola para lang daw yan ilihis ang attention kay Digong at hindi kay Sara.

tapos si Digong naman baka nga meron syang mga Heneral na pabor sa pag-aaklas. nakikita kasi ni Digong na unti-unti tayong sinasakop uli ng US. hindi natin iisipin na sinanakop na ang Piilipinas dahil ally naman natin ang US pero para sa mga may militay minds gaya nya, walang pinagkaiba yan at sinasakop na tayo. gusto ata ni Digong paalisin ang US dito.

so lets put our military hat also dahil sa perpective ng military, hindi naman US army ang makikipag-gera dyan sa China kundi ang AFP. binabala na naman ang Pilipinas nito at pagnakataon magmumukhang Ukraine rubles ang mga cities natin nito.

ayaw ni Digong mangyari ito at mukhang masyadong maaga pa para magdecisyon ng kudeta. pero posibleng mangyari yang gera kontra China vs Philippines dahil dyan sa mga islas. unti-unti na ngang nagkaroon tayo ng navy fleet eh. magmimilitarized tayo sooner.

maghahanap ng gusot ang US dyan hindi naman papayag ang US na ang China ang magdidikta ng mga rules dyan sa SCS. kita naman natin na US lang ang kontra sa peacetalk dyan sa UN assembly.
sr. member
Activity: 1442
Merit: 390
★Bitvest.io★ Play Plinko or Invest!
Sana naman hindi, ayokong nakikialam yung gobyerno sa crypto community ng Pinas kasi kapag nangialam sila siguradong tayo nanaman ang talo kahit sabihin pa ng iba na yung ibang mga nilalabas na policy ng SEC ay nakakatulong sa atin, sigurado akong puro lang malalang taxation lang yung aabutin natin eh kaya di ako suportado kapag may balita sa crypto at involved ang gobyerno eh.
newbie
Activity: 0
Merit: 0
sa tingin ko ito rin ito maka apikto . pero kung na lilink si dating pangulong rodrego  dutarte malaki ang magiging laman ng mga pahayagan pag ganyan mangyayari, hindi naman lingi sa kaalaman natin na si DPRRD ay malaking nai-ambag sa ating lupunan at halus lahat tayo hindi makaila ito, at maraming parin nag mamahal sa kanya,

kaya sana wag naman pati  restriction sa adoption ng Bitcoin. madamay
sr. member
Activity: 1512
Merit: 351
★Bitvest.io★ Play Plinko or Invest!
Sa tingin ko ay hindi ito makakaepekto sa estado ng Bitcoin adoption dito sa atin sa Pinas dahil ang usaping pulitika ay talagang nasa pulitika lamang at hindi na nito madadamay pa ang Bitcoin dahil sa mainit nga ang pulitika sa ating bansa so I doubt na tatalakayin nila ito o bigyan ng pansin. Maliban na lang kung may mangyayaring medyo nakakawindang na involve ang Bitcoin o cryptocurrency.
full member
Activity: 2240
Merit: 175
#SWGT PRE-SALE IS LIVE

Parang hindi nga masyadong napapansin sa atin ang crypto, neto lang ulit nung lumabas ang balita patungkol sa Binance. Pero pagkatapos ng issue na ito ay nalipat agad sa ibang usapin ang balita sa atin. Kumbaga, nakikita lang nila ang progress ng crypto kung may lalabas na kakaibang balita para sa kanila o may posibilidad na mag benefit sila dito.

Ito ang sign na hindi pa ata ready ang bansa natin sa Cryptocurrency kasi konti lang ang mainstream media na pumipick up ng malalaking balita tungkol sa development ng Cryptocurrency sa ating bansa, Bitpinas lang sa kanilang website at Facebook page, pero kapag scam at bad news tungkol sa Cryptocurrency ang balita ang bilis ng mainstream media i pick up, gusto ko maniwala na karamihan sa mga mainstream media ay kulang ang kaalaman sa Cryptocurrency.
sr. member
Activity: 1666
Merit: 453
Anuman ang ngyayari sa politics na meron tayo dito sa bansa natin ay walang kaugnayan sa blockchain technology, Alam mo naman sa pulitiko puno pamumulitika. Wala rin naman akong pakialam dyan kay Romualdez dahil basura lang yan sa karamihang mga pinoy. Halata naman na ambisyoso lang talaga.

Ngayon kay Pbbm ang ayaw ko lang masyadong tahimik pero parang ang dating ay inaatake ang duterte ng pasimplehan at palihim, tulad ng ICC dati sinabi nya wala kapangyarihan ang ICC tapos ngaun nagbago-ihip ng hangin biglang pag-aaralan daw, edi parang sinasabi nya na parang walang maayos ng batas o hustisyang gumagana sa kasalukuyang gobyerno na pinangungunahan naman nya, edi lumalabas wala siyang kwentang Presidente? Isa ako sa bumoto sa kanya, tapos ganyan ang ginawa nya, medyo disappointed lang ako sa totoo lang.
sr. member
Activity: 2828
Merit: 357
Eloncoin.org - Mars, here we come!
Parang natural na drama nalang yata to , every new administration naman may either coup d'etat  or merong military/police withdrawal of support sa presidente yet natatapos nalang ang termino wala naman nangyayari so i think people are just exaggerating things now lalo na at may social media na ang daling gawing tanga ng mga tao para maniwala.

and also wala naman  din dahilan para madamay ang crypto/bitcoin for adoption because it is depending pa din sating mga Pinoy dahil hindi naman gobyerno ang nag iinvest dito kundi tayo.
legendary
Activity: 2842
Merit: 1253
Cashback 15%
Hindi naman siguro napalitan iyong mga nasa pwesto sa gobyerno, iyong mga political person lang ang naglilipatan kaya sa tingin ko wala epekto ito sa Bitcoin adoption ng bansa.  Kung sakaling tanggalin ang mga pro Bitcoins na nakaupo sa pwesto na may kinalaman sa technology at pagpapatupad ng mga regulation ukol sa cryptocurreny, marahil ay ang ganyang sitwasyon ang magkakaroon ng malaking epekto sa Bitcoin adoption ng bansa.
hero member
Activity: 2632
Merit: 833
Wala naman sigurong epekto ang political system natin sa bansa tungkol sa bitcoin adoption. Naalala ko nung pag pasok ko dito paupo pa lang yata si Digong nun pero nag bull run na tayo nung 2017. Although hindi maganda ang nangyayari sa ating bansa sa ngayon at hindi katulad ng panahon ni Duterte na parang lahat takot sa pamamalakad nya, ngayon iba na at parang balik sa dati.

Siguro ang epekto eh kung ang mamumuno at napiling umupo sa mga sensitibong posisyon ng gobyerno na tumatalakay sa bitcoin or crypto ay talagang anti-crypto. So far hindi naman, maliban lang dun sa mga kaso ng Binance sa tin at yung mga anunsyo lang na mag ingat sa mga crypto investment scams.
hero member
Activity: 2408
Merit: 564
Ang magandang tanong dito is sa kabila ng pag tanggi ni FPRRD na hindi sya kasali na mga gustong magpabagsak kay Marcos ay naniniwala ba kayo?
Oo, malaki ang nagawa ni Digong sa bansa natin. Ooops, hindi ako against at laban sa kanya kanyang pulitikang paniniwala ha pero yun ang nakita ko sa kanya at parang kakaiba ang pagmamahal sa kanya ng masa. Kung totoo na part siya niyan baka isang taon palang kumilos na sila at kung galing naman sa bibig niya na hindi niya naman hate si BBM kahit na galing din naman sa kanya na weak leader siya, wala na tayong magagawa magsinungaling man siya o hindi dahil wala na siya sa pwesto sa gobyerno. Pero yun nga lang ang loyalty ng mga nasa militar ay nasa kanya pa rin kahit na ex-president na siya. Ang nababasa ko sa mga ka marites sa social media ay parang hindi si BBM talaga ang may gusto ng mga nangyayari diyan sa congress at sa senate kundi ang pinsan niyang tinatawag nilang tamba..
hero member
Activity: 2632
Merit: 787
Jack of all trades 💯
Mainit na balita ngayun na nalilink si dating pangulong Duterte sa planong pagpapatalksik kay PBBM na mariin nyang itinangi, at nagkakaroon na rin ng lamat yung samahan ng Super Unity between sa partido ni PBBM at VP Inday Sara dahil sa paglipat ng iba sa partido ni Speaker Romuladez mula sa partido ni VP Sarah lahat ng ito ay para sa paghahanda sa darating na local election at Presidential election.

Sa tingin nyo Makakaapekto kaya Sa Bitcoin Adoption Sa Mga Nangyayaring Rigodon Sa Ating Bansa halimbawa may isang malaking grupo na may malaking role sa Bitcoin adoption dito sa Pilipinas ay sumuporta sa isang grupo na magiging dahilan para gumawa ng batas na mapahina ang mga grupong ito at ito ay restriction sa adoption ng Bitcoin.

 7 lawmakers from Duterte-chaired PDP-Laban defect to Romualdez-led Lakas CMD

Wala namang crypto na nabanggit dyan at bangayan lang yan ng mga politician kaya sa tingin ko kabayan wala yang direktang effect sa bitcoin at magpapatuloy lang tayo kung ano mang aktibidad ang ginagawa natin. Pero kung anti bitcoin or crypto yung mga bagong ma uupo dyan malamang may malaking epekto yan. Pero since wala naman talagang sinabi na bitcoin at yang mga politician na yan ay di pa siguro alam ang existence ng bitcoin kaya wala tayong dapat ipangamba dyan.

Siguro sa ibang aspeto meron at if magkagulo lalo yang mga yan ay siguro makaka-apekto ito sa atin dahil wala nang matinong maitatrabaho ang mga yan at baka ang focus nila ay sirain yung mga politiko na hindi nila kapartido.
sr. member
Activity: 1190
Merit: 315
#SWGT PRE-SALE IS LIVE
Sa tingin nyo Makakaapekto kaya Sa Bitcoin Adoption Sa Mga Nangyayaring Rigodon Sa Ating Bansa halimbawa may isang malaking grupo na may malaking role sa Bitcoin adoption dito sa Pilipinas ay sumuporta sa isang grupo na magiging dahilan para gumawa ng batas na mapahina ang mga grupong ito at ito ay restriction sa adoption ng Bitcoin.
Tingin ko hindi ito makakaapekto. Huling rinig ko ng patungkol sa cryptocurrency kay President Marcos Jr. Simula noon wala na akong narinig na ibang kasunod na balita patungkol sa plano niyang iyon. Pati kay VP Duterte, wala akong nakita kahit isang interview na may binanggit siya patungkol sa crypto dahil iba ang main focus ng partido niya.

Parang hindi nga masyadong napapansin sa atin ang crypto, neto lang ulit nung lumabas ang balita patungkol sa Binance. Pero pagkatapos ng issue na ito ay nalipat agad sa ibang usapin ang balita sa atin. Kumbaga, nakikita lang nila ang progress ng crypto kung may lalabas na kakaibang balita para sa kanila o may posibilidad na mag benefit sila dito.
full member
Activity: 2366
Merit: 207
★Bitvest.io★ Play Plinko or Invest!
Normal naman ang ganyang mga alingasngas , halos tuwing magpapalit ng presidente eh may lumalabas na ganyang  mga issue pero sa Tatay lang ni marcos at kay Erap natupad ang mga ganyan , kay Cory sumubok sila pero di sila nagtagumpay so tingin ko sawa na ang mga pinoy sa ganitong mga kwento , at hindi na natin ito pinapansin unless dumating na so para sakin hindi to nakaka apekto sa kahit ano mang dahilan.
hero member
Activity: 2898
Merit: 567

Ang magandang tanong dito is sa kabila ng pag tanggi ni FPRRD na hindi sya kasali na mga gustong magpabagsak kay Marcos ay naniniwala ba kayo?

Maaring hindi pa ngayun siguro sa hinaharap pag malapit na ang local elections para sa positioning, pero hindi naman nya kailangan tirahin si Marcos kasi sa ngayun kung sususnod na election lang din naman ang labanan sa presidency walang kalaban si Inday Sara, mahirap ibenta si Speaker Romualdez, kasi sa record wala pang speaker na nanalo sa pagka presidente ang katibayan dito ay si Mitra at De Venecia, yung tungkol naman sa kalagayan ng Cryptocurrency di pa rin natin masabi sa tingin hindi pa talaga fully stable ang Cryptocurrency dito sa atin at sobrang higpit ng batas sa atin, pwede pang magbago ang ihip ng hangin, hangang wala pa talagang matatag na batas tungkol dito.
hero member
Activity: 2912
Merit: 627
Vave.com - Crypto Casino
Para sa akin lang, walang kinalaman kung anoman ang nangyayari sa mga politikong yan. Dahil ang mahalaga lang naman sa mga yan ay sarili nilang interes at yun ay ang political interest at position nila. Sa kabilang banda pwede din makaapekto dahil nga sa mga interest nila at kung ayaw nila sa Bitcoin adoption ay pu-puwede sila magmungkahi ng mga batas na di ayon sa Bitcoin. Pero mukhang malayo naman ang mga interes nila at may nakalatag naman na na guidelines mula sa BSP at iba pang regulatory body ng bansa natin na nagde-deal sa mga bagay bagay tungkol sa Bitcoin. Kung anoman ang makagaganda sa bansa natin dapat yun ang unahin ng mga politikong ito, kaso nga lang, ang layo pa ng election at yan na inaatupag nila, kumbaga typical pinoy politics lang ang nangyayari. Sinusubaybayan ko din naman ang politics sa bansa natin at tinitignan ko yung bawat sides ng mga partido na yan. Mabuti at ang mga comments ng mga kababayan natin dito tutok lang din sa bitcoin, no political wars tayo dito mga kabayan ha, mapa dilaw, puti, pula, berde o kung ano man, basta tayong lahat ay pro-Bitcoin at doon tayo sa pagkakaisa natin sa ikabubuti ng bawat isa at bitcoin adoption sa bansa natin.
sr. member
Activity: 1596
Merit: 358
https://shuffle.com?r=nba
Sa tingin ko hindi kasi ang presyo ng bitcoin ay naaapektohan ng iba't ibang mga factor kabilang ang demand, galaw ng market, mga patakaran ng regulasyon at mga pangkalahatang takbo sa ekonomiya. Meaning kung Pilipinas lant pag uusapan malabo. Kapag tumataas ang demand para sa Bitcoin, karaniwang tataas ang presyo nito, at ganun din ang kabaligtaran. (Cost of Demand).

Ang magandang tanong dito is sa kabila ng pag tanggi ni FPRRD na hindi sya kasali na mga gustong magpabagsak kay Marcos ay naniniwala ba kayo?
sr. member
Activity: 1428
Merit: 308
★Bitvest.io★ Play Plinko or Invest!
Tingin ko hindi siya makakaapekto ng sobra kasi napakaliit lang ng crypto community sa Pinas na active talaga kaya kung ano man yung mangyayari sa Pinas at sa estado ng politika dito, tingin ko di ganun kalaki ang epekto which is nice kasi ibig sabihin hindi tayo masyadong kakabahan kung sakaling may mangyari nga na crypto o may kinalaman sa bitcoin sa Pinas, hindi bababa ang presyo at hindi rin ganun kataas kung may mangyayari pero tingin ko kapag may positive na mangyayari na crypto related sa Pilipinas, sigurado ako na malaki yung impluwensya eh.
sr. member
Activity: 2618
Merit: 439
Mainit na balita ngayun na nalilink si dating pangulong Duterte sa planong pagpapatalksik kay PBBM na mariin nyang itinangi, at nagkakaroon na rin ng lamat yung samahan ng Super Unity between sa partido ni PBBM at VP Inday Sara dahil sa paglipat ng iba sa partido ni Speaker Romuladez mula sa partido ni VP Sarah lahat ng ito ay para sa paghahanda sa darating na local election at Presidential election.

Sa tingin nyo Makakaapekto kaya Sa Bitcoin Adoption Sa Mga Nangyayaring Rigodon Sa Ating Bansa halimbawa may isang malaking grupo na may malaking role sa Bitcoin adoption dito sa Pilipinas ay sumuporta sa isang grupo na magiging dahilan para gumawa ng batas na mapahina ang mga grupong ito at ito ay restriction sa adoption ng Bitcoin.

 7 lawmakers from Duterte-chaired PDP-Laban defect to Romualdez-led Lakas CMD
Parang di naman makaka apekto kabayan kasi parang parehas naman sila na Hindi anti crypto so in any case eh hindi apektado ang status ng bitcoin sa part na to at ng iba pang crypto , tama na walang malinaw na adoption about crypto mula sa dalawang pinuno pero hindi din naman sila gumawa ng bagay na haharang sa crypto using sa bansa so  maybe this is only politics and will not bring any harm sa crypto community not unless there is a use of force then malamang hindi lang tayo ang maapektuhan kundi buong ekonomiya ng pinas.
legendary
Activity: 3192
Merit: 1198
Bons.io Telegram Casino

Jump to: