Sa tingin ko, kahit anong klaseng gobyerno meron ang bansa ay wala parin talaga itong pagbabago kung halos lahat ng mga nakaupo ay kurakot. Parehas lang ito sa pagpasok ng crypto sa bansa. Maraming paraan naman pwede pagkakaperahan. Tulad ng mga nangyayari ngayon, tinanggal nila, banned at hindi binibigyan ng chance magkaroon ng license ang mga top global exchanges. Malamang meron mga under the table na nangyari. Ang masakit pa doon ay sobrang taas ng spreads at taas ng fees mga binigyan ng license. Halos monopolization na rin ginagawa nila dahil hindi binigyan ibang exchnages for competition sana.
Oo tama ka dyan kabayan, at wala ring bansa sa buong mundo sa kapanahunan natin ngayon ang masasabing walang kurakot, sa halip lahat ng mga gobyernong bansa sa buong mundo ay pawang merong mga corrupt officials. Nagkakaiba lang sa average percentage ng gobyerno, at hindi na yan mawawal kahit tagain mo pa yung bato.
At yang mga under the table hindi narin yan mawawala, ang nakakalungkot lang talaga yung mga perang ginagamit sa under the table ay sad reality na galing pa sa ating mga mamamayan yung tax dun. Kaya kapalaran nalang talaga ang naghihintay sa hinaharap nating mga pilipino. Sana nga, maadopt ang cryptocurrency kahit wala yang charter change.