Author

Topic: Malabong pagbili ng Pilipinas ng langis mula sa Russia (Read 183 times)

legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
~ Sa tingin niyo ba kabayan kung pumayag ang gobyerno na bilhin ang Petron, di na tayo gaano apektado sa oil crisis?
Wrong timing yung offer. Hindi din ganyan kasimple.

Mas lalong napalapit ang Pinas at Russia ngayong term ni PRRD pero wag natin kalimutan na kinikilala pa din nating kaalyado ang USA. Baka malaki magiging political impact ng parang simpleng pagbili ng gas/oil. Hindi natin alam baka bigla tayo mapasama sa mga sanctioned countries ng US at EU. Kung hindi pa sana tayo bumabangon mula sa epekto ng pandemic, mas malaya siguro makapag-decide ang mga pinuno natin. Sa ngayon kasi, hindi na kakayanin kung may banta pa sa economic recovery natin.

Tignan natin kung paano magiging diskarte ni PBBM dito. Mukhang target din niya ang matibay na relasyon sa bansang China at Russia.
member
Activity: 70
Merit: 18
Mahirap bawiin ang nga company na yan, it will take time and of course it will take a lot of money which is right now, hinde afford ng gobyerno naten kaya panigurado need paren magtiis ng mga consumer and ng mga pinoy.

High inflation rate is inevitable, medyo napabilis lang talaga ang pagangat nito dahil sa crisis sa ibang bansa. Tataas pa talaga ang mga basic necessities especially with the gas right now, no choice kundi magtipid. Subsidies ang nakikita kong magandang solution for now, pero sana maging ok na ren ang world market para hinde na tumaas lalo yung mga bilihin.
May point ka din kabayan, dahil umiiral pa rin ang covid sa bansa, trillion utang sa world bank, kawalan ng trabaho, pagtaas ng bilihin at ngayon bagong kinahaharap sa oil crisis, malabo na talaga na pagtuunan ng gobyerno ang pagbawi sa mga dating ari-arian nito dahil mag fofocus nga nman talaga ang gobyerno sa pag sasaayos ng bansa natin.
full member
Activity: 2128
Merit: 180
Mahirap bawiin ang nga company na yan, it will take time and of course it will take a lot of money which is right now, hinde afford ng gobyerno naten kaya panigurado need paren magtiis ng mga consumer and ng mga pinoy.

High inflation rate is inevitable, medyo napabilis lang talaga ang pagangat nito dahil sa crisis sa ibang bansa. Tataas pa talaga ang mga basic necessities especially with the gas right now, no choice kundi magtipid. Subsidies ang nakikita kong magandang solution for now, pero sana maging ok na ren ang world market para hinde na tumaas lalo yung mga bilihin.
sr. member
Activity: 2422
Merit: 357
They already said na wala tayong kakayahan kaya most probably, we will go doon sa nakasanayan naten and we have no choice kase nga limitado lang ang ating kakayahan and dahil meron problem sa world market, malabo pa talaga na bumaba ang presyo ng gasolina.

Petron is the top petroleum company, malaki ang market share nila and mahihirapan ang gobyerno na patakbuhin ito. Most probably, malabo ang sinasabi mong buy back and our government is not focused on this, so Petron will stay kung nasaan man sya ngayon.
hero member
Activity: 1498
Merit: 547
Top Crypto Casino
Sa tingin niyo ba kabayan kung pumayag ang gobyerno na bilhin ang Petron, di na tayo gaano apektado sa oil crisis?
I doubt na hindi tayo magiging apektado ng sa oil crisis in case na bilhin ng gobyerno ang Petron. Kung iisipin natin mas lalo tayong maapektuhan kung sakaling bilhin ito ng ating gobyerno dahil tayo rin ang taong bayan or tax payer ang magbabayad nito. Ang kung mangyari man ito, siguradong mas tataas ang taxation sa langis at tataas ang presyo ng crudo sa merkado.

Dapat na bang simulan ng gobyerno ang pagbawi sa dati nitong ari arian na ngayon pribadong kumpanya na ang nag mamay-ari gaya ng Maynilad, Manila Water, Meralco at iba pa upang sa gayon ay maibsan ang pasanin ng mga kababayan natin sa mga susunod mang crisis na darating sa bansa?
Sa tingin ko, sa kasalukuyang galaw ng market at pagtaas ng bilihin, mas mabuting i-akma ng gobyerno ang tama pagbawi upang hindi magbigla ang ating mamamayan sa mas lalong pagtaas ng bilihin kung sakaling bawiin nila ang mga ito. Mas mabuting pagtuunan pansin ng gobyerno ang hindi akma na wage of income ng ating mga kababayan ng tayo'y mas makasabay sa pagtaas ng bilihin.
member
Activity: 70
Merit: 18
Mga kabayan ayon sa kongreso hindi nila popondohan ang pag-aangkat ng langis dahil hindi naman daw nag-iimport ang Pilipinas ng crude oil. Bukod din dito, wala rin aniyang kakayanan at refinery ang Philippine government para i-convert ang krudo sa finished petroleum products.

Dagdag pa nila kung nais mang magbenta ng Russia ng langis sa Pilipinas, dapat aniya itong i-alok sa Petron Corporation at hindi sa Philippine government dahil tanging ang Petron lang kasi ang mayroong oil refinery sa bansa na matatagpuan sa Limay, Bataan.

Kung matatandaan niyo ang Petron ay Pagmamay Ari dati ng Gobyerno ng Pilipinas taon 1991, subalit ibinenta ito ni Fomer President Fidel Ramos sa Saudi Aramco taon 1994 kaya nagmahal na gasolina mula ngayon.

Ngayon si Mr. Ramon Ang na ang Chairman ng Petron Corp. Kung inyong rin naaalala, nabanggit ni Mr. Ang na willing siyang ibenta sa gobyerno ang Petron through installment over five years to pay dahil nga nalugi ito ng 18 billion last year

Jump to: