Effective na ang 12% VAT para sa mga digital transaction kagaya ng Seabank, Maya at iba pang mga foreign digital services sa Pilipinas. Need na magupdate ng mga document para magamit ulit yung mga account nyo.
Saan ba nakita ito na need na mag update ng docs para magamit ulit ang mga accts?.
At ang VAT na ito ay ibabawas sa mga foreign services only, hindi sa mga consumers per transaction, at walang kinalaman ito if anung payment provider ang gagamiton mo either Seabank, Gcash, Maya, etc.
Kung may binabayaran ka PHP 500 per month sa Netflix yang lang ang babayaran mo, yung 12% ay ibabawas kay Netflix. Unless mag update si Netflix ng new price per subscription, at mag add si Netflix ng 500+(12%) para sa babayaran mo next time.
Actually expected naman na natin to years ago pa , sadyang naging mabait lang si duterte sa mga crypro users kaya hindi na implement pero now kay bongbong at samga susunod pang presidente eh sure hahabulin na talaga nila ang taxation in crypto transacting .
kaya tingin ko eh mas madali na nilang ma trace now ang mga crypto users sa pinas .
Expected naman na talaga na magkaroon ng taxation sa mga digital products at online transactions lalo't karamahin ng tao mas pinipiling mag-online shopping dahil sa mas mababang presyo at mas convenient hindi lang dahil kung sinong naka-upo sa gobyerno. Mabagal lang talaga yung pamamalakad sa bansa dahil compared sa ibang bansa matagal ng may tax ang online transactions, kahit nga yung business permit sa mga online sellers and business, recently lang nagkaroon ng restrictions.
...
Yes, this should be done noong una pa dapat, kahit noong pag start palang ng mga online services such subscriptions basis. Kase ang lumalabas nito is evading tax ang mga company na ito related sa VAT.