Author

Topic: Malinaw na Pangangalaga kumpara sa Pangatlong Partidong Pangangalaga (Read 147 times)

newbie
Activity: 16
Merit: 0
Masasabi ko na ok na din na nai-translate mo halos lahat ng salita sa tagalog, pero dahil sa kalaliman ng tagalog baka sa iba (kabilang na ako) ay mahihirapan sa gusto mong sabihin sadyang may mga salita talaga na kailangan mo nalang i-left out sa english word niya para walang kalituhan na mangyayari. Mas ok talagang i-english mo nalang or di kaya gumamit ka ng brackets para sa English words, para na din matulungan yung mga readers mo ito yung aking mga kahit papa-ano kaya kong ma-itranslate sa mga sinabi mo:

totoo to, sa sobrang lalim kasi ng pagka translate niya yung title palang mapapaatras kana na basahin ng buo.
Tapos pag inopen mo yung thread mas maraming malalim na salita pa na nakasulat na kung tutuusin sa sobrang lalim kahit na pinoy ka mahirap na siya intindihin.  Grin

Ako rin po nahirapan hehe! Buti na lang tinulungan ako ni Theb!
newbie
Activity: 16
Merit: 0
Salamat po! Malaking tulong tong codes na binigay nyo! Hirap na hirap nga rin akong magtranslate ng purong tagalog, pero ngayon lalagyan ko na ng mga codes na ganyan!
Tama rin po yung sinabi nyo tungkol sa BBOD, kung tutuusin parang nasa gitna sha. Sha pa lang actually ang na-encounter ko na ganoon. Di ko sigurado kung may iba pa na ganoon at the moment.
Kung walang private keys, wala ring ma-hahack o mananakaw na private keys. Ayus din. Eto nga pala yung updated info nila at updated website

Wag codes ang ilagay mo mas maganda na maglagay ka nalang ng brackets sa mga sentences mo for example (pribadong susi [private key]) sa mga gusto mong sabihin. Not only in your sentences but also sa iyong thread title which kung babasahin lang local board parang off-topic na pakinggan. I would suggest to start editing your thread now and not to begin doing changes in your next topic since madami na din na makakabasa nito at baka mahirapan pa silang maintindihan yung sinasabi mo.

Pinalitan ko na po. Salamat po, malaking tulong at bagong ka-alaman para sa akin! Smiley
hero member
Activity: 1680
Merit: 655

sr. member
Activity: 1036
Merit: 329
Masasabi ko na ok na din na nai-translate mo halos lahat ng salita sa tagalog, pero dahil sa kalaliman ng tagalog baka sa iba (kabilang na ako) ay mahihirapan sa gusto mong sabihin sadyang may mga salita talaga na kailangan mo nalang i-left out sa english word niya para walang kalituhan na mangyayari. Mas ok talagang i-english mo nalang or di kaya gumamit ka ng brackets para sa English words, para na din matulungan yung mga readers mo ito yung aking mga kahit papa-ano kaya kong ma-itranslate sa mga sinabi mo:

totoo to, sa sobrang lalim kasi ng pagka translate niya yung title palang mapapaatras kana na basahin ng buo.
Tapos pag inopen mo yung thread mas maraming malalim na salita pa na nakasulat na kung tutuusin sa sobrang lalim kahit na pinoy ka mahirap na siya intindihin.  Grin
newbie
Activity: 16
Merit: 0
Masasabi ko na ok na din na nai-translate mo halos lahat ng salita sa tagalog, pero dahil sa kalaliman ng tagalog baka sa iba (kabilang na ako) ay mahihirapan sa gusto mong sabihin sadyang may mga salita talaga na kailangan mo nalang i-left out sa english word niya para walang kalituhan na mangyayari. Mas ok talagang i-english mo nalang or di kaya gumamit ka ng brackets para sa English words, para na din matulungan yung mga readers mo ito yung aking mga kahit papa-ano kaya kong ma-itranslate sa mga sinabi mo:

Code:
Malinaw na Pangangalaga - Non-custodial
Pangatlong Partidong Pangangalaga - Custodial/3rd party services
Pribadong susi - Private Key
Palitan - Crypto Exchange

Also konting correction lang. Ang Non-custodial exchanges like BBOD ay hindi din namimigay ng private keys sa kanilang users kasi wala naman private keys silang krini-create to begin with, their wallets are created differently through a decentralized smart account. Ito yung explanation nila tungkol sa wallet nila under "Non-custodial accounts".

Salamat po! Malaking tulong tong codes na binigay nyo! Hirap na hirap nga rin akong magtranslate ng purong tagalog, pero ngayon lalagyan ko na ng mga codes na ganyan!
Tama rin po yung sinabi nyo tungkol sa BBOD, kung tutuusin parang nasa gitna sha. Sha pa lang actually ang na-encounter ko na ganoon. Di ko sigurado kung may iba pa na ganoon at the moment.
Kung walang private keys, wala ring ma-hahack o mananakaw na private keys. Ayus din. Eto nga pala yung updated info nila at updated website
hero member
Activity: 1680
Merit: 655
Masasabi ko na ok na din na nai-translate mo halos lahat ng salita sa tagalog, pero dahil sa kalaliman ng tagalog baka sa iba (kabilang na ako) ay mahihirapan sa gusto mong sabihin sadyang may mga salita talaga na kailangan mo nalang i-left out sa english word niya para walang kalituhan na mangyayari. Mas ok talagang i-english mo nalang or di kaya gumamit ka ng brackets para sa English words, para na din matulungan yung mga readers mo ito yung aking mga kahit papa-ano kaya kong ma-itranslate sa mga sinabi mo:

Code:
Malinaw na Pangangalaga - Non-custodial
Pangatlong Partidong Pangangalaga - Custodial/3rd party services
Pribadong susi - Private Key
Palitan - Crypto Exchange

Also konting correction lang. Ang Non-custodial exchanges like BBOD ay hindi din namimigay ng private keys sa kanilang users kasi wala naman private keys silang krini-create to begin with, their wallets are created differently through a decentralized smart account. Ito yung explanation nila tungkol sa wallet nila under "Non-custodial accounts".
newbie
Activity: 16
Merit: 0
In short kung hindi mo naman ite trade pa ang coins mo wag ito ilagay sa exchanges. Dahil kahit pa reputable ang exchange na gamit mo prone pa rin yan sa hacking tulad na lang ng nangyari sa binance though nasolusyunan naman agad nila ito.

At kung gagamit naman ng wallet mas mainam na piliin yung hawak mo ang private keys para ikaw lang ang maka access.

Tama, kaya buti na lang mayroon nang mga exchanges na may transparent custody. Ito ang magiging solusyon sa mga hacking na yan. Sa ngayon konti pa lang sila, pero in the future I'm sure dadami rin sila.
hero member
Activity: 3024
Merit: 629
In short kung hindi mo naman ite trade pa ang coins mo wag ito ilagay sa exchanges. Dahil kahit pa reputable ang exchange na gamit mo prone pa rin yan sa hacking tulad na lang ng nangyari sa binance though nasolusyunan naman agad nila ito.

At kung gagamit naman ng wallet mas mainam na piliin yung hawak mo ang private keys para ikaw lang ang maka access.
newbie
Activity: 16
Merit: 0
Malinaw na Pangangalaga [Transparent Custody] kumpara sa Pangatlong Partidong Pangangalaga [Third Party Custody]

Ang Kalinawan [Tansparency] ay ang pinaka importanteng bahagi ng blockchain technology. Sa kasamaang palad, kahit na ito ay nag-a-upgrade palagi hindi pa rin ito perpekto.

Bawat tao, na nagpapanatili ng kanilang coins sa isang pribadong pitaka [private wallet] sa halip na sa mismong palitan [exchange] ay takot na mawala ang mga ito. Kung magyari nga ito, walang paraan na maibalik ang mga coins at ang mga gumagamit [users] ay mawawalan ng access sa bawat pondo [funds] na nakaimbak doon.

Sa kabilang banda, kung panatilihin mo ang iyong coins/mga pondo/pera sa mismong palitan [exchange] wala ka namang access sa iyong pribadong susi [private keys]. Ang pitaka [wallet] ay nasa ilalim ng buong kontrol ng palitan [exchange] at ng mga taong namamahala dito.
At gaya nga ng sinasabi ng lolo ko noon “Hindi iyo ang susi, hindi iyo ang Bitcoins”. Pagpalain ng Diyos ang kanyang kaluluwa.

Ang mga palitan [exchange], kung saan ang mga gumagamit [users] ay walang access sa kanilang pribadong susi [private keys], ay tinatawag na “Pangatlong Partidong Pangangalaga” ["Third Party Custody"]

Bilang resulta ng naturang solusyon, nasaksihan na natin ngayon ang maraming atake ng mga hacker sa mga palitan na nagdulot ng pagkawala ng pera ng mga tao. Binuksan din nito ang isang backdoor para sa pagmamanipula sa merkado (Ang palitan [exchange] ay may access sa coins/mga pondo ng kanilang users at ma-aaring maka-apekto sa presyo at sa merkado).

Palitang [Exchange] may Pangatlong Partidong Pangangalaga [Third Party Custody]
Gaya ng nasabi ko kanina, ang Pangatlong Partidong Pangangalaga [Third Party Custody] ay hindi nagbibigay ng access sa pribadong susi [private keys].
Pero…
Ito ay nagbibigay ng malaking kalamangan - maaari mong maibalik ang access sa iyong account na nawala o nakalimutan mo ang password.

Saka, ito ay komportable sa trading, ang iyong mga coins at pondo ay nasa isang lugar kung saan ito ay madaling pamahalaan.

Pero… Kapag ang palitan ay namaalam na (sa ilalim), ang iyong pondo ay mamama-alam na rin.

At heto pa ang isang importanteng panuntunan “WAG ITAGO ANG LAHAT NG IYONG COINS SA PALITAN [EXCHANGE]”!

Palitang [Exchange] may Malinaw na Pangangalaga [Transparent Custody]
Ang Malinaw na Pangangalaga [Transparent Custody] na pitaka [wallet] ay nagbibigay ng buong kontrol sa iyong mga pondo [funds]. Ang may-ari [user] ng pitaka [wallet] ay ang tanging tao na may access sa kanyang pribadong susi [private keys] at mga pondo [funds] sa pitaka [wallet] at ang palitan [exchange] ay may permiso lamang na gamitin ito kapag ikaw ay nag-trade. Ang iyong mga pondo [funds] ay ligtas pero ang systemang ito ay may mga isyu rin, kung mawalan ka ng access sa iyong pitaka [wallet] (nawalang password, naburang mga file ng seguridad, nasirang cellphone) hindi mo na na ito maibabalik pa. Kaya naman napaka-importanteng itago ang inyong mga pribadong susi [private keys] sa isang ligtas na lugar. Ang ilan sa mga palitan na may malinaw na pangangalaga [transparent custody] ay ang BBOD at DIGITEX.

Sa kasalukuyan, 90%, (o higit pa) palitan [exchange], ay base sa Pangatlong Partidong Pangangalaga [Third Party Custody] na teknolohiya, kung saan malamang alam na ng lahat. Sa opinyon ko, ang mga palitan [exchanges]  kagaya ng Binance, Bitbay, Bitmex at iba pa na kaya pa ring manakawan at hindi pa rin kayang masigurado ang proteksyon ng mga data ng mga gumagamit [users], ay maaaring maging isang bagay ng nakaraan na lamang sa malaot madali.

Sa kanilang pagkawala ang mga bagong palitan [exchanges] na may Malinaw na Pangangalaga [Transparent Custody] na teknolohiya ay darating at papalitan sila. Ito ang natural pagkakaayos ng mga bagay.

Ano ang inyong opinyon guys? Huwag mag-atubiling pag-usapan ang paksang ito!

Jump to: