Marahing sanay na tayo na kapag nagbbrowse tayo at may nakita tayong links at interesanti pinipindot natin ito okay naman,
subalit papanu kung ganito ang mangyayare , mahack ang account mo, at magpost ng links, kung saan isang malware na magnanakaw ng pera ng iba
ito nga ang nangyare sa account ni Ethereum founder, VB, kung saan nagpost ito kung saan inengganyo ang mga users na pindutin ang link na ito,
sino nga ba naman ang magdududa kilala siya sa mundo ng crypto currency, subalit na hack pala ang account nya, at nagdulot ito ng pagkawala ng mga coins, nft , tokens ng mga users na nagkakahalga ng ilang libong dolyar.
Narito ang link ng balita:
https://cointelegraph.com/news/ethereum-vitalik-buterin-x-hackers-drainPapanu ba natin ito maiiwasan?Madaming post papanu ito iwasan subalit iisa isahin ko dito ang mga mahalagang bagay para hindi ka mabiktima:
- importante ito siguraduhing active ang anti-virus mo at ang security neto ay nkaset sa high or sensitive - bakit ko ito nasabi madalas nating binibaba or dinidisable kapag meron tayong iniinstall na software, na alam natin na hindi harmful, or di kaya naman, ay crack, subalit baka hindi natin ito naibalik at maaring ito ang maging daan para mahack ka.
- Iwasan Ang pagaauthorized mo sa isang app para baguhin ang settings, or mag allow para sa sharing ng data at iba pa, isa nadito ang pagrun ng app at pagauthorized sa paggalaw sa iyong account sa FB, or sa any social platforms like X, isa din ito sa maaring ikapahamak mo kapag hindi ka nagingat
- dapat mahirap ang pass mo - Napakadaling mahulaan ng password mo, ginawa mong password ang edad, date of birth, at pangalan mo sa madaling mahulaan ng mga hacker, or maiksi ang password mo at hindi complex
- Paglalagay ng secondary security like notification, at confirmation sa mobile phone, at email bago buksan ang account, hassle ito sa iba pero, importante at secured dahil malalaman mo if merong kahinahinalang ginagawa
- Iwasan maglagay ng sensitive information sa email, social site, na duon mo sinisave lalo seed phrase mo, meron gumagawa parin neto, dahil siguro mas madali nilang makikita or, iniisip nila pagnawala meron silang screenshot or copy sa email, subalik delikado, dahil once napasok na email, mawawala na lahat sayo.
Maraming ibang paraan pa na pwede mong gawin, subalit ito ang mga pangunahin na dapat mong asikasuhin sa ngaun, marahil ang iba nga nhack na, pero sasabihin ninyo wala naman nawawala, marahil wala pa silang pakinabang nagaabang lang sila iyan ay magkalaman saka nila gagalawin, kung baga nginvest na sila aanihin nalang pagmeron na itong laman, kaya mga kabitcointalk ko sa pinas magingat kayo, tayong lahat.
Anung masasabi ninyo sa nangyareng ito kay Vitalik, sinasabing hindi nya nasecure account niya, makaapekto kaya ito sa market lalo na at malaking tao itong si VB.