Kakakita ko lang din ng annnouncement at talagang magandang added layer ng security ito dito sa forum, matagal na rin itong dinidiscuss dito sa forum if magkakaroon ba ng ibang layer ng security and kahit dati pa sinusuggest ko na din ang 2FA authentication dahil bukod sa ibang securities ay ito ang pinakamagandang madagdag dito sa forum.
Bukod sa Bitcoin address staking pagdating masmaganda talaga na mayroong ganito para hindi basta basta macompromised ang account naten dahil lang nalaman ng hacker ang password naten, since marami talagang cases na nalalaman ng hacker ang password naten lalo na kapag sa maraming mga accounts naten ito ginagamit like kung ang password naten sa facebook or something ay pareho lang sa password naten dito sa forum, so kung ganun ang mangyayari hindi ka basta basta mahahack. Pero kahit ganun kelangan mo pa rin talaga protectahan ang pinaka main email mo dahil doon lahat nakaconnect ang iyong mga accounts kapag nacompromised ang email mo nabanggit ni theymos na hindi makakatulong ang 2FA dahil maaari mo itong idisable sa forget password features, kaya ako pagdating sa email ay iba ang passwords ko naka on din ang mga ibat ibang layer ng security like 2FA, at sinusulat ko din sa notebook ang password ko sa email para iwas hack and kahit ako hindi ko kabisado ung passwords ko, medjo hussle nga lang siya pero masmaganda na rin since before mo maopen maraming kelangang confirmation tulad sa phone kelangan mo iconfirm bago mo maopen ang email.
So suggest pa rin ion naten ang 2FA at wag kalimutan ang Bitcoin staked address dahil magagamit talaga naten yan in the future in case magkaproblema tayo.
Good job kila theymos and PowerGlove