Isa po akong OFW sa Gitnang Silangan/Middle East. Isa po akong EMT at maganda naman po ang sahod. Noong una ay kuntento ako sa natatanggap ko sa buwanang suweldo ko na umaabot din naman po ng 5 digits sa Peso kada buwan. 2 taon pa lang naman po ako sa pagiging OFW pero nakadalawang uwi na ako sa Plipinas. Kada uwi ko ay masaya ang pamilya, nakakabili ng gamit ng mga kapatid at regalo sa magulang. Nakakafford na din mamasyal sa mga lugar na di ko pa napupuntahan dati at nakikilala na rin ng mga kapitbahay. Noong unang uwi ko mahigit sa kalahati ng sahod ko ay nagastos ko. Sabi ko sa sarili ko, "okay lang yan unang uwi mo naman". Sa pangalawang uwi ko po ay nagastos ko lahat ng ipon sa 10 buwan (wala pa kasi akong 1 taon bago nagbakasyon). Hindi po naman lahat napunta sa wala kasi pinaextend q naman po ang bahay namin na sa akin papamana sabi ng nanay ko. Bumalik ulit sa trabaho na parang bagong umpisa. Kumuha pala ako ng sasakyan na hinuhulugan ko ng 25k/month at nag avail na din ako ng 10,500 Pesos na Life and Investment Insurance. Nasa tamang daan naman ako sabi ng nanay ko. Kagandahan wala na akong Kapatid na nag-aaral at may sarili naman pong negosyo ang nanay ko kaya hindi na po ako nagdadag ng panggastos sa bahay namin. Nagsisisi na din ako sa pagkuha ng sasakyan pero huli na. Kailangan din kasi sa trabaho namin dito. Medyo malaki din kasi ang plano na bahay at iniisip ko kung gaano ko katagal matatapos ang bahay hanggang sa nag isip akong mag isip ng business or investment na magpapalago ng pera ko. Dahil sa mga monthly na hinuhulugan ko ay konti na lang natatabi ko sa ipon ko ng isang buwan. Nagplaplano ako na magpatayo ng bahay pero maliit ang budget, parang mali ata sabi ko sa loob loob ko. Kung aasa lang ako sa buwanang sahod ay aabutin ng Dekada bago matapos ang bahay.
Nagsearch ako sa youtube at nahanap ko ang programa dati sa GMA 5 na "Peso and sense". 16 episodes po lahat at nakaisang season lang po sila. Dito ko po narealize na marami ang paraan para mapalago ang kita. Nag umpisa na akong magbasa ng libro. Sa pangalawang uwi ko ay nag open ako ng account sa COL Financial para subukan ang mundo ng Trading sa Philippine Stocks Exchange/PSE. Naghulog muna ako ng 25,000 Pesos para makapag open ng account sa regular account. Sa aking pag aaral sa trading at pagtratrade ng ilang buwan lamang ay madami akong natutunan. Madami din akong nakilala at naging kaibigan sa trading na never ko pang nakita sa personal. Makailang beses na din po akong natalo sa trade pero nananalo din naman. Ilang buwan na naipit ang stocks ko dahil sa mga naghyhype sa Facebook. Sa pangkalahatan ay lumalago kahit papano ang investment at nakapagpasok na din ako ng makailang beses. Hindi na ako nagiiwan ng malaking halaga sa aking bank account except sa monthly ng sasakyana at ng insurance ko. Hanggang sa marealize ko na maraming panahon ang gugulin ko sa Stocks market dahil sa limitado lang ang oras ng Pagtrade at kaunti ang nagtratrade sa PSE. Narealize ko na hindi ko maabot ang bahay ko sa lagay na to sa loob ng 5 taon. Kaya nag isip ako ng iba pang paraan.
Nagsimula ako magbasa ng libro ni Robert Kiyosaki. 5 libro niya ang nabasa ko at namangha ako sa lawak ng mundo ng para makapaghanap ng opportunidad. Nalaman ko ang pagkakaiba ng Asset at ng Liabiliies. Nalaman ko ang apat na Quadrant ng Asset. Ito po talaga ang nagbukas sa aking isipan na dati ay sarado sa mga bagong tuklas na paraan para kumita. Makailang bese ko na pong nabasa, narinig at napanoob ang tungkol sa Bitcoin. Sabi ko mas magaling ako sa inyo magtrade kaya maganda magstocks muna hanggang sa makita ko ang mga katrabaho ko na naghahanap ng referrals. Pangit talaga pakinggan referrals kasi lagi itong narerelate sa Scam dahil sa mga Networking Scams na naglipana. Hindi po ako naninira ng networking. May mga networking na legit naman pero kalaunan ay hindi na din nagprofit mga nasa baba ng network tree. Narinig ko ang bitcoinnect kaya sinimulan kong magresearch about dito.
Bitconnect po ay isang lending platform na dinkit sa pangalan ng bitcoin pero walang kinalaman kay Bitcoin. Madami ang negative review pero madami naman kumita dito. Ponzi Scheme like ang systema dahil kikita ka pa lang sa referrals.Kiniclaim nila na kaya ng trading robot nila ang gains pero sa traders side ay hindi po malapit sa realidad. Halata naman na sa mga later investors kinukuha ang pambayad sa interest pero nung nakita kong kumita ang mga kawork ko ay nagbakasakali akong magtry kahit alam ko na high risk ang platform lalo pa at may lock-in period. Kumita naman ako ng malaki kaso hindi pa narelease capital ko. Nalaman ko ang ICO sa kaibigan ko na mas matagal nagtratrade sa Crypto at hindi din talga siya naniniwala sa bitconnect at mga lending pero nagtry siyang mag invest sa Regal Coin, ito po ang pangalawang lending na nagpaICO o Initial Coin Offering katumbas ng Intial Public Offering sa Stocks market. Iyong 50$ nya nabenta niya sa halagang 20$ ang isa kaya kumita siya ng 1,000 $ sa isang linggo pa lang. Dito ako naingganyo na sumubok sa Crypto world. Ang una kong inenvestan na ICO ay ang Electroneum at hanggang ngayon ay hawak ko pa din. Sa IPO kasi ay usually ang nanalo o nakakakuha ng malakas na kita ay ang mga Hodlers or Long Term Investors. Noong ICO ay 0.01 $ ang isang coin at naglalaro sa 0.07$ na siya sa kasalukuyan. Pumalo pa siya ng 0.19$ nung launch pero bumagsak sa 0.02 $ bago nagrecover. Hindi po lending ang Electroenum. Kumita ako ng 500$ sa Bitconnect at inenvest ko siya sa elektra sumunod na ICO na lending kagaya ng bitconnect pero sa kasamaang palad ay nabigo ako sa dahilang nag exit Scam ang developer. Hindi pa rin ako natakot. Nanghihinayang talga ako sa nawala kong pera pero sabi ko nabawi ko naman kay Electroneum nung naglaunch. Sa sumunod na kita ko sa bitconnect ay natuto akong magdiversify ng portfolio. Ito po ang isa sa pinaepektibong paraan para manalo sa ICO ng lending. Kumpara po sa Lehitimong ICO ang lending po ang isa sa pinakarisky sa lahat ng ICO. Sa mata po ng 99 % ng tao sa mundo ang Cryptocurrency ang pinakarisky na investment sa mundo. Sa 99 % ng tao sa Cryprocurrency COmmunity naman ay ang lending ICO ang pinakarisky na investment. Ito po hindi gaming sa datus ng world population pero ito po ang katotohanan. Sa hextra ay sunubukan ko na mag invest at bumili nung ICO pero hindi ako nakabili dahil sa traffic. Sa panahon na ito ang bitcoin ay galing sa 6,000$ naging 16,000 $ na siya kaya lumaki din ang pera ko kahit di ako nakabili. Sumunod dito ang Davor Coin na sa ngayon ay pumalo sa 65$ kada isang coin. Nakabili lang ako ng 100 coins sa ICO. binenta ko ang 80 coins ko at nag invest sa U trust, Crypterium, Naga Coin na mga lehitimong mga coins. Kalahati ay inenvest ko sa mga kasunod na Lending ICO tulad ng Gold Rewards, CryptoExchanger, Idea, FiCoin, Bitfinite, Eigencoin, Hot Crypto, Nex Coin, Binary Coin,Steneum, Unix Coin, Ucoin Cash. Hindi pa po naglaunch karamihan sa Lending ICO pero sa mahigit 10 na sinalihan ko ay 2 dito ang nag exit scam na sina ELektra Coin at Nex Coin. Hindi ko po ineexpect ang paglago ng aking Portfolio galing sa lending ICO pero alam ko na may hangganan din ang lahat ng ito. Dahil doon ay inuumpisahan ko na maglipat ng mga kinita ko sa mga Lehitimong ICO na may Future na paglago.
Sa legit Portfolio ko ay ag invest ako sa Electroneum/ETN ,Naga Coin/NGC, U trust/UTK, Crypterium at Token Pay. Ngayon si ETN AY 7X gain na, Si UTK ay 4X gains, NGC ay 4X na din. Kumukuha din ako ng mga Alternative/Alt Coins na may malaking possibility na maggrow. Gaya ng Railblocks, Tron, Cardano. Sa mablis at madamihang volume na Market, pinakamaliit ang stress na marereceive mo kapag nag invest ka sa magandang ICO. Pwede naman po magtrade para dumami ang satoshi value mo pero ang pinakamalaking gains ay sa mga holders pa din. Madami po strategy para mas mamaximize ang profit gaya ng buy low sell high, makisabay sa Pump and Dumps pero lahat po ito ay may kaakibat na kaba sa dibdib at malaking kaalaman. Madali magtrade sa Crypto sa totoo lang pero malaki ang risk.
Pangkalahatan ay nakapag invest ako ng 10,000 AED sa Crypto Currency. 5,000 AED sa Bitconnect, 2,000 AED sa Electroneum at 3,000 AED ay nahati hati sa ibat ibang ICO. 500 $ value po ay nascam sa Elektra at 120$ naman sa Nex Coin. Ang capital investment ko po sa Bitconnect ay 1,430$ na makukuha ko pa sa susunod na March 2018 SANA. Ang total value ng Portfolio ko nasa exchange at wallet ko ay umaabot sa 0.57 BTC. Current BTC prize ay 12,900 USD. Bearish market sa ngayon at inaasahan kong lalaki pa ang Portfolio ko kapag naglaunch ibang ICO na lehitimo at Lending Platform next year. Hindi pa po ako nakakapagwithdraw ng kahit singko sa investment ko. Bakit? Kasi po ay naniniwala ako sa Blockchain Technology. Hindi po ako fan ng Bitcoin pero I love bitcoin. Mas naaadik ako sa mga Alt Coins sa laki ng growth sa sobrang maliit na panahon.
Sa katunayan, ay uuwi na ako ng pangatlong beses sa Pilipinas para sa bakasyon. Hindi ko pa naman naabot ang Target Earnings ko para makapagretiro na ako ng maaga. Sa pagbabalik ko dito Gitnang Silangan ay nais ko na magsimulang Magmine ng Alt Coins. 1 buwan na din akong kumbensido na magset up ng Mine Rig ko. May kamahalan din kasi at at aabot sa 3-9 mos ang balik ng investment. Kung tutuusin ay pwede akong maglabas ng earnings sa Crypto para bumili ng Rig at para hindi mabawasan ang Pera na iniipon pero alam ko kasi na ang taong 2018 ay kikita ako ng malaki sa nainvetan ko. Sa Stocks exchange po ay kumita na rin ako ng 40,000 Pesos sa ngayon.
Kulang po na 3 buwan sa ako Crypto world at 8 months pa lang naman ako sa Stocks Exchange. Nagstart ako na magtrade sa PSE nung April at Oktubre naman ako nagstart ng Cryptocurrency. Madami din akong maling desisyon. Marami din akong natalong trade. Si davor ay nabenta ko ng 10 $ kada coin at ngayon nasa 55$ kada coin. Sa mga baguhan sa Industriya, ang payo ko lamang sa inyo ay bago maginvest sa anumang bagay, mag invest muna sa sarili. Bumili ng libro sa trading gaya ng Trading Code, Financial Management gaya ng Rich Dad Poor Dad at higit sa lahat magdasal at humingi ng guidance sa Panginoon. 28 years old na po ako sa kasalukuyan. 24 years po na umasa ako sa Parents ko at mga relatives para makaraos sa buhay at ngayon ko lang narealize na tama po ang nabasa ko sa libro. Gawin niyo po na stepping stone ang lahat ng karanasan niyo sa buhay. Wala pong sayang sa tao na sumusubok at nagpupursugi na matuto.
Mabilis po kayong maggrowgrow kapag binuksan niyo ang isip niyo sa ibang possibilidad. Ilang years din po na sarado utak ko sa Crypto at ngayon lang nag isip. Hindi Ko po pagsisihan ang pagpasok dito sa mundong ito ng Crypto/Virtual Money. After ng Mining Rig ay nagbabalak din po ako na mag avail ng paupahan dito sa lugar namin. Madami na din po akong kakilala na kumikita dahil pagpapaupa. Wag po niyong invest ang pera sa isang basket. Hanap kayo ng kumikita nga pwede nyo pag investan. Ito po ang kapangyarihan ng diversification. Kapag naabot na ng earnings ko sa isang araw sa Crypto ang sahaod ko sa Day Job/ Trabaho ko ay binabalak ko na magforgood na as a trader and investor.
Huwag po kayo mag all in sa Crypto sa mga bago sa Larangan ng Cryptograpiya. Kung may gusto akong baguhin sa libro ni Robert Kiyosaki ay idadagdag ko ang Cryptocurrency sa Asset Category. Isa pa ay dugtungan na ang bagong Fast Money ngayon ay ang Crytocurrencies at hindi na ang Bonds and Stocks na siyang dati na tinuturing ng mundo. Saludo po ako sa mga nag eeffort turuan ang mga bago na katulad namin. Mula po sa kaibuturan po ng aking puso, binabati ko po kayong lahat ng Maligayang Bagong Taon. Ito po ay hindi ginawa para magmayabang kundi ipati ang opportunity na pwede tayong kumita ng malaki sa sariling bayan kapag naginvest ng matiwasay. Sa kapwa ko OFW, mabuhay po tayong lahat. Sana po ay makausap natin mga kapamilya natin at huwag puro Crypto nasa utak.
Itutuloy........