Try mo iimport sa mobile app kabayan baka magwork ganyan kasi ginagawa ko sa mga aacounts ko na di nagwowork dati nung di pa nasira laptop ko baka sakali lang. Buti kapa nakakapag-upgrade na eh ako wala waiting pa na makaluwag-luwag kung di lang nasira laptop ko nung bagyong Odette yun din sana gagamitin ko sa pagkicrypto buti na lang naimport ko pa mga wallets at iba pang accounts ko sa mobile bago tuluyang natigok yung laptop. 😅
Sinubukan ko mate ganun parin kahit na tama naman yung seed phrase ko at walang mali talaga.
Sana lahat pwede pag buhusan ng galit ang monitor at may pambili agad na panibago. /s
Honestly nabigla lang ako kaya ko nagawa yun, isipin mo ba naman nakaidlip na ako tapos pagdilat ko loading parin ayun sa sobrang inis ko talaga nabalibag ko sa pader humiwalay yung cover ng monitor sa panel eh, hahahaha
Yes, mas maganda kung newly generated yung seed phrase mo [kahit may laman pa yung luma mong wallet, ilipat mo nalang habang mababa pa ang mga transaction fees].
Yan na nga yung ginawa ko mate, gumawa nalang ako ng bago para mas safe talaga, salamat.
Kung papipiliin ka, alin mas maganda gamiting wallet kasi meron na ako pareho ng Blue Wallet at Electrum sa phone ang kaso nga lang ay di ko alam san ko gusto ilagay btc ko, sa Blue Wallet kasi medyo maayos naman siya tiyaka madali gamitin, yung sa Electrum kasi di ko magets yung numbering ng amount ng btc tapos di ko alam ano silbi nung request tapos kung paano mag send or receive ng btc.
Personal preference nalang talaga, kasi ok naman pareho. Ayun nga lang, mas modern talaga BlueWallet in terms of UI/UX.
P.S. kung may kalakihan ang holdings mo, like mid 5 digits to 6 digits+, mag invest sa Ledger or Trezor hardware wallet. Wag tipirin ang security kasi kahit sino pwedeng mahack pag ganyan lang setup.
Masubukan nga yang bluewallet na yan, mukhang maganda siyang gamitin. Ngayon sa Hardware wallet pinag-iipunan ko na yan paunti-unti.
Ilock ko na itong thread na ito, salamat sa lahat ng mga nagbigay ng mga concerns..