Baka parang sa Pilipinas, pag isa ka sa top donator ng isang campaign na sinuportahan mo, asahan mong magiging maganda ang balik sa iyo ng polisiya.
https://www.coindesk.com/cryptocurrency-ceo-donated-second-largest-amount-to-joe-bidens-campaignIsa itong Crypto-based company CEO sa nagdonate sa kampanya ni Biden. Although di to saklaw ang buong crypto, at least, coming from a crypto ang isa sa mga donator. Sa madaling salita, since napakanibangan ang crypto, magiging positibo si Biden na maganda ang dulot ng crypto sa pangkalahatan and hence, expect good positive thoughts sa kanyang bibig about crypto na magdudulot ng positive speculation sa bitcoin.
Ganito naman parati ang motive ng mga big names kung bakit sila nag-iinvest sa isang pulitiko. Kung nakikita nila na medyo align sa ideals at business model nila ang isang kandidato, ikakampanya nila ito, expecting something in return. We normal citizens call these as 'campaign donations' pero sa kampo ng mga nagbigay ng pera, isa itong investment.
Marahil hindi man tahasan ang pagkiling ng mga polisiya sa gusto ng nagdonate, pero makikita mo naman na papabor ito sa makinarya ng nagbigay ng 'tulong' pinansiyal sa kandidato.
Kilala ng marami na ang yaman ni Trump ay produkto ng old money, mga makinarya at investments na nagfocus sa stock markets, real estate at iba pang traditional assets kaya malamang ay hindi ito panigan ng mga pro-crypto investors. Sa programa ni Biden na medyo leftist ang datingan at somewhat aligned sa ideals of 'freedom' sa lahat, marahil ito ang nakita ng mga big crypto dudes na hindi nila nakita kay Trump. Hindi man mag-manifest ang investment na ito ng mga crypto dudes in the near future, pero sigurado akong may nakalaan nang programa para sa cryptocurrencies sa USA sa terminong ito ni Biden kung sakaling siya ang maihalal.