Depende pa rin talaga sa values noong mga nakataon sa glitch na iyon. Kung nagkataon lang at hindi talaga planado yan, nasa kanila na iyon kung responsible naman din si Maya, i-admit nila ang pagkakamali nila na nagkaroon ng system issues. Incentive nalang nila sa mga tao yun dahil kung nagi-invest sila sa security at system nila, mas malaki pa ang matitipid nila kumpara sa nangyari na ito
Regardless, kung wala silang balak ibalik yung excess amount, for sure mas malaking abala sa kanila mentally and time na igugol nila in legal matters.
It's not planned, pero consider yun as abuse ng paggamit sa platform nila, since it's a glitch at alam naman ng lahat ng crypto enthusiast ang ibigsabihin ng stablecoin pegged in USD, impossible ang 1 USD = 1 PH Peso
At admitted naman si Maya na there's a glitch, due third-party vendor system, so hindi sa kanila ang error na yun.
Regarding sa incentives, we're talking of hundred of thousands of pesos or baka millions pa, ewan ko nalang if iko-consider mo i-incentivize ang ganung amount kung one of shareholders ka ng company. That's why they ask sa mga users na yun na ibalik ang mga na withdraw na funds.
Sa tingin ko literally speaking, walang pagnanakaw na ginawa ang users ng maya kung meron mang nakagawa na bumili ng 1peso ay katumbas ng 1$, asan dun yung pagnanakaw? eh yung ginawa lang naman ng users ay bumili sila ng 1usd kapalit ng 1peso na palitan, eh yun ang sistema ng features ng maya, asan dun yung pagkakamali nung users na nakipagpalitan ng peso sa usd? Pwede naman kasi isipin talaga ng user na maaring promotion yun ni maya, lets face it.
Ang pag buy order nila with 1 usdc = 1 peso ay walang pagnanakaw na nangyari dun obviously, this is a glitch, if may promo man, iisipin ko minus ilang pesos lang not 1:1. Pero ang case dito ay yung ibang users ay nag withdraw with those profit from the glitch, which considers as abuse sa platform ng Maya. Pag di mo binalik ang pera na yun, consider yun as pagnanakaw and just like i said, this is a legal matter, lugi ka since it's you vs the company, and base sa law natin it may fall on cybercrime law at civil case (Article 2154 of the Civil Code)
May mga users naman na gusto ibalik ang funds na yun almost lahat naman since detected ni Maya lahat ng users na may ganung transactions (1 usdc = 1php), all accounts were freeze and they all received emails regarding dun, ang issue lang dito is parang sila pa may utang probably because di stable ang 1 usd to php value from PHP56 ngayon PHP58 na.