Author

Topic: [MEGATHREAD] Bitcoin/Crypto Scam Sites sa Pilipinas (Read 827 times)

legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
Heto na naman sila, madami pang websites na katulad nito na tinatrabaho ng mga scammers dahil sa pag taas ng presyo ng bitcoin. So mag ingat ang lahat sa mga pekeng at scam sites na ito.

Code:
https://thebitcoineraapp.com/
https://btcoin-bank.com/
https://btcoinfuture.com/
https://btcoinrevolution.com/
https://btcoinera.com/


hero member
Activity: 2282
Merit: 795
Just to update, although posted na dito si Manny Pacquiao before, ngayon kasama naman niya si Jack Ma. Scam din yung nakalagay sa pinakataas na Don't like this page? Stop seeing and report this page now kasi whenever you click it, may direct link lang din siya sa bitcoin revolution na website.

Mag ingat po tayong lahat at wag po tayo ka agad agad mag iinvest sa mga ganitong mga ponzi-schemes.

Code:
https://fintechplanner.com/BTCRevolution/?ai=2958065&ci=101&gi=44&MPC_4=d2a2ptihfkm91g052iqmlnao&MPC_1=616627&so=BTC_Revolution_EN



legendary
Activity: 2562
Merit: 1119
nadamay na din si Nadine Lustre sa mga fake investment article na kumakalat. also, I notice na madalas mo makikita tong mga gantong article na mag popup sa mga illegal movie/anime/manga etc.. sites. at madalas mo din mapapansin na paulit ulit lang yung article pero iba ibang website mo makikita.

Code:
https://fortunefort.com/





legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
Si Manny Villar naman:

Code:
https://financialfxclub.com/978123/?pname=Bitcoin%20Revolution

legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
Baka pwede mo na ring isama to, hindi Pinoy pero ginamit ang Bitcoin Revolution ang mukha ng isa sa pinaka mayaman sa ngayon.

Code:
bitcoin-revolution.2020-order.monster
bitcoin-revolution.inestovo2020.xyz
bitcoin-revolution.onyxtrade.monster

Mukha naman ni Elon Musk:



legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
Angel Locsin to the rescue hehehe,
Ang tsaga mo maghanap ng CrimeSites ah, LoL, may mga bago ba talagang lumalabas or mga bagong nahuhuli lang?
Kung titignan kase ng mga litrati mga luma na, kaya sa malamang matagal na din hindi working yung mga sites na yan,... for ads na lang siguro mga yan.
Pero kung may bago, aba naman, ang titindi nga naman ng mga taong ito ano, hindi sumusuko.

Hindi naman masyado, hehehehe, natsambahan ko lang yan nung nag hahanap ako ng coins.ph phishing sites, may sinubukan ako,
Code:
cons.ph
tapos nag redirect dyan, so ang mga taong nasa likod ng mga coins.ph phishing sites ang malamang na isa sa mga nagpapakalat ng mga bitcoin revolution scam na yan. So local talaga ang target. Yep, hindi talaga susuko mga yan lalo na sa ngayon na halos nag s-start na ang bull run season, kaya ingat ingat lang tayong lahat.  Grin
hero member
Activity: 2058
Merit: 578
No God or Kings, only BITCOIN.
Bilis namang pumayat ni Angel dati lang ang taba-taba niya pero ngayon pang FHM na naman LOL! Hindi ko masyadong kilala yung mga sites na nag-aappear pero AFAIK ito rin yung kadalasang makikita sa mga sites na hindi kilala at sa baba nandoon yung mga spam ads na gaya nito.

Pero kung may bago, aba naman, ang titindi nga naman ng mga taong ito ano, hindi sumusuko.
Hindi yan sumusuko unless mga pulis na mismo magpasuko sa mga scammer na yan at isa pa dumarami ito kapag yung value ng BTC pumapalo sa new ATH or there's FOMO going on at isa pa magpapasko na early gift din pag makabiktima.
legendary
Activity: 1428
Merit: 1166
🤩Finally Married🤩
Angel Locsin to the rescue hehehe,
Ang tsaga mo maghanap ng CrimeSites ah, LoL, may mga bago ba talagang lumalabas or mga bagong nahuhuli lang?
Kung titignan kase ng mga litrati mga luma na, kaya sa malamang matagal na din hindi working yung mga sites na yan,... for ads na lang siguro mga yan.
Pero kung may bago, aba naman, ang titindi nga naman ng mga taong ito ano, hindi sumusuko.
legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
Angel Locsin to the rescue hehehe,

Code:
https://greatbizvibes.com/?pname=Bitcoin%20Manila&a=1865&c=3333&s1=5f9131fb33432636921cacd4&s2=58e57d8f8430ba9824fdda64&s3=5f9131fb33432636921cacd4&s4=firefox&s5=MEDIA_1865_1_PH_DESK_AL_BGEO_ZC&source=tonic_46&entity=super

legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
I'll another entry into the growing lists:

Please note na sa thehackernews ko ito nakita. Isa sa mga leading cyber security news platform. Alam ko na aalisin din to agad, pero isipin mo napapalusot nila it at na display sa isang sikat na cyber security website pa? Kaya hindi makakapagtaka na may mabiktima kasi kahit trusted trusts na napapaikot ng mga cyber criminal na to.

Code:
https://cultivatingstudents.com/the-10-best-ways-to-waste-your-money/?the1=thehackernews.com&the2=none&the3=%2Fnews&the4=471123544460&the5=&gclid=CjwKCAjwq_D7BRADEiwAVMDdHkueshmTXYyuqNyRGEQ_wunw9yxMsYDQpudBRMoFns-qzBh3nKwNOxoCK5MQAvD_BwE

legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
Heto ulit isa, si Vice-Ganda naman ang ginamit sa ngayon.

Code:
https://bizwealthvibe.com/

mk4
legendary
Activity: 2940
Merit: 3883
📟 t3rminal.xyz
Bump! Decided to make this thread a megathread for bitcoin scam sites na kinakalat sa Philippines; para may iisang thread tayo na may listahan ng mga website na pwede nating ireport. Huge thank you sa mga nagrereport.
legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
Heto pang isa nahukay ko na katulad ng nasabi ko sa isang thread:

Code:
 https://wealthtechcash.com/



Si Tony Gonzaga naman ang ginamit at si Bernadette Sembrano ang nag interview.
sr. member
Activity: 1960
Merit: 370
Ano ba naman yan bat ang dami ng scammer sa system ng bitcoin. Ang ganda sana ng bitcoin kaso lang dahil sa mga scammer nadudungisan talaga ang reputasyon sa bitcoin. Ang saklap pa nito ginagamit nila ang mga artista sa kanilang mga ginagawa. Ano kaya reaksyon ng mga artista na ginamit nila kung malaman ito.
Kahit saan naman may scammer, mas malala pa nga sa fiat scams. About naman sa mga artista na nagaadvertise ng peke, I'm pretty sure that some of them is aware na hindi legit yon or alam na nila beforehand na scam yon pero tinatake pa ren nila dahil nga sa perang binabayad sa kanila, minsan nga they are forced to do something they don't want because the management say so.

Siguro magagalit talaga yun kasi parang ngpromote ka ng bagay na ayaw mong mangyari pero nangyari. Scam yung pinopromote eh pati name ng artista nito pwde madamay.. Hays naku.
The best promotion that every product can do is through celebs, can't blame them at all.
member
Activity: 112
Merit: 62
Ano ba naman yan bat ang dami ng scammer sa system ng bitcoin. Ang ganda sana ng bitcoin kaso lang dahil sa mga scammer nadudungisan talaga ang reputasyon sa bitcoin. Ang saklap pa nito ginagamit nila ang mga artista sa kanilang mga ginagawa. Ano kaya reaksyon ng mga artista na ginamit nila kung malaman ito.

Siguro magagalit talaga yun kasi parang ngpromote ka ng bagay na ayaw mong mangyari pero nangyari. Scam yung pinopromote eh pati name ng artista nito pwde madamay.. Hays naku.
legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
Idagdag narin natin si Luis "Lucky" Manzano sa listahan ng mga ginagamit ng mga cyber criminals.

Code:
 https://thewealthyvibe.com/ 



Same modus, may interview kuno, this time si Bernadette Sembrano daw at hind si Vic Sotto ang nag interview kay Lucky. At "Bitcoin Era" naman ang palabas ng mga lokong to.
sr. member
Activity: 1624
Merit: 315
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
Muntik na akong mabiktima ng Bitcoin Revolution na yan, andami pala nilang pangalan, may nag-alok sa akin tapos nung chineck ko, scam pala siya, sinabi ko sa nag-alok sa akin na scam yun and the good thing is naniwala siya so it is an accomplishment for me kasi may naprevent akong tao na maging biktima ng scam.
sr. member
Activity: 2436
Merit: 455
Nagkalat rin boss yung nga namimigay kuno ng libreng ayuda, cash na ipapadala raw sa palawan. Andami kong nakikita sa iba't-ibang pages sa Facebook. Halatang scam pero napakaraming naniniwala. Kakaiba rin talaga mga pinoy, imbes na maghanapbuhay, mas pipiliin pa nilang manloko. Kung may pamilya man yang mga yan, di ko lubos maisip kung paano nila nasisikmura na buhayin yung pamilya nila gamit yung perang ninakaw nila sa ibang tao, na may mga sariling pamilya rin na binubuhay.
mk4
legendary
Activity: 2940
Merit: 3883
📟 t3rminal.xyz
Kaya ako mas pinipili ko ang mga coins o token na technology based kaysa sa mga personality based kasi tapos na ang hype sa mga personality based na project dati mayroon tayong Trumpcoin at iba iba pang persomnality based na coin, pero wala sila narating ang nangingibabaw na ngayun ay yung mga coins na may platform na magagamit natin, nag mature na kasi mga investors.

To be fair sa Trumpcoin, wala naman talaga kasing kinalaman si Trump. Ginamit lang talaga last name niya for publicity purposes. Dating mejo na-hype na PAC token ni pareng Manny Pacquiao on the other hand.. 😬😬 big no no.

https://bitpinas.com/news/manny-pacquiao-pac-token-launches-ieo/
legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
Heto pala yung kay Manny Pacquiao:

Code:
http://bitcoineraprounitedkingdomreview.com/manny-pacquiao-bitcoin-revolution-review/



Konting ingat na lang talaga at i remind din yung mga kakilala natin na walang ganito at pure scam tong mga klaseng website at wag mag oopen ng mga account at lalong wag mag dedeposit ng minimum daw na $250.
member
Activity: 952
Merit: 27
Antayin natin, baka maglabas sila ng kay Duterte hehehe. Yung kay Pacquaio d ko na makita ulit, naka ads pa naman ito sa isang website na tungkol sa hacking. Sana na save at na archive ko, pero tiyak puputok din yun. Posibleng ngang Pinoy din ang mga nasa likod nito kasi geo-target eh. May mga ganito ring style sa iba't ibang bansa. Or yung kriminal na gumagamit nito ang nag reresearch din kung sinong personalidad ang gagamitin nila para makapang akit ng mga mabibiktima.

Kaya ako mas pinipili ko ang mga coins o token na technology based kaysa sa mga personality based kasi tapos na ang hype sa mga personality based na project dati mayroon tayong Trumpcoin at iba iba pang persomnality based na coin, pero wala sila narating ang nangingibabaw na ngayun ay yung mga coins na may platform na magagamit natin, nag mature na kasi mga investors.
legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
Up ko lang ulit to, si Jessica Soho naman ang ginamit nila.
tingin ko pinoy lang din gumagawa ng pekeng impormasyon n yan eh, masyadonb obvious yung content IMO, halatang halatang peke,...kung totoo yan mayaman na sana Pilipinas.
Pag si Duterte lumabas dyan bilib na ko sa pamemeke nila 😂

Antayin natin, baka maglabas sila ng kay Duterte hehehe. Yung kay Pacquaio d ko na makita ulit, naka ads pa naman ito sa isang website na tungkol sa hacking. Sana na save at na archive ko, pero tiyak puputok din yun. Posibleng ngang Pinoy din ang mga nasa likod nito kasi geo-target eh. May mga ganito ring style sa iba't ibang bansa. Or yung kriminal na gumagamit nito ang nag reresearch din kung sinong personalidad ang gagamitin nila para makapang akit ng mga mabibiktima.
copper member
Activity: 658
Merit: 402
~snip
Ilang kilalang personality na ang ginagamit nila para paniwalain ang tao sa Bitcoin Revolution. Tapos same scenarios na pinatigil ang interview at pati yung mga sagot kuno, which is halata namang scam na. Tapos yung mga pangalan na nadadawit ay nagsalita na rin tungkol dito na hindi sila involve sa ganitong investment.

Although nagbigay na ng warning ang DOF about sa bitcoin revolution, malamang hindi naman lahat ay aware dito at may posibilidad pa din talaga na may mabiktima sila. Mukhang paulit-ulit lang nila itong gagawin hangga't hindi nahuhuli yung mga taong involve dito.
sr. member
Activity: 658
Merit: 274
Wish for the rain? Then deal with the mud too.
Up ko lang ulit to, si Jessica Soho naman ang ginamit nila.
tingin ko pinoy lang din gumagawa ng pekeng impormasyon n yan eh, masyadonb obvious yung content IMO, halatang halatang peke,...kung totoo yan mayaman na sana Pilipinas.
Pag si Duterte lumabas dyan bilib na ko sa pamemeke nila 😂
Yeah, and expect mo na 'yan. Ang effort rin nila kumuha nung mga pictures nang mai-relate lang kuno sa mga paandar nila. Maganda sana kasi nahu-hook nila 'yong iba about sa crypto kaso sa maling paraan naman   Embarrassed.

Pero parang 'di na rin ata working 'yong site nung chineck ko  Huh. Pero it surprised me kasi may similar content akong nakita from a different web naman.
Like this one: http://bitcoinrevolutionunitedkingdomreview.com/jessica-soho-bitcoin-revolution-review/

Anyway, I already reported these sites as per OP given link para sure. 'Di man maubos atleast nabawasan.
legendary
Activity: 1428
Merit: 1166
🤩Finally Married🤩
Up ko lang ulit to, si Jessica Soho naman ang ginamit nila.
tingin ko pinoy lang din gumagawa ng pekeng impormasyon n yan eh, masyadonb obvious yung content IMO, halatang halatang peke,...kung totoo yan mayaman na sana Pilipinas.
Pag si Duterte lumabas dyan bilib na ko sa pamemeke nila 😂
legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
Up ko lang ulit to, si Jessica Soho naman ang ginamit nila.

Code:
https://moneytechdeal.com/



Nakakaloko talaga, ABS-CBN daw ang nag appear daw is Jessica sa TV Patrol. At katulad din kay secretary Dominguez at kay Enrique Razon, tumawag kuno ang Philippine National Bank para ipatigil ang nasabing interview. Kaya mabuting mag masid-masid at wag basta maniniwala sa mga mapang linlang na indibidwal.

Ito daw kuno ang sekreto, halatang halata naman na peke ang lahat.



Meron pa akong nakita kay Manny Pacquiao naman. Pero d ko na makita ulit dahil ko na na save.
sr. member
Activity: 1358
Merit: 326
Madalas kasi naho hooked ang karamihan sa tinatawag na "easy money return". Nakakalungkot lang na may mga na fall pa din sa mga ganitong klase ng scam. Actually, hindi mo rin sila masisi dahil high returns ang pangako nila which is nakakasilaw pa din para sa iba. Sana before tayo mag invest sa mga ganito, we can always check legibility of such a company or website. Feedbacks is also one way para ma check kung legit or scam ito.

Anyway, already reported those websites. Remember, in investing, there is no such thing as "fast returns".
legendary
Activity: 2492
Merit: 1145
Enterapp Pre-Sale Live - bit.ly/3UrMCWI
Heto pasimpleng website:

Code:
https://revolutsrevo.com/

Mukhang matagal tagal na tong ganitong klase ng panloloko sa tin. Kailangan talaga na mag-ingat at mapag masid at sana warg basta basta maniwala sa mga mapanglinlang na mga cyber criminals.
tama kc sabi nga nila walang manloloko kong walang magpapaloko eh ganun talaga wla naman tayong kapangyarihan para on the spot madetect kaagad
Minsan may mga signs din bro na peke ang mga websites at ito ay kadudaduda. If familiar ka sa website ay madali itong ma identify and if bago palang sayo ay mahahalata mo minsan sa pagkakabuo ng front end ng websites and open din naman ang google for research about it. Pag iingat lang ang kailangan natin since sobrang dami na ng gustong mag take advantage sa mga taong posible nilang maloko.
member
Activity: 616
Merit: 11
Decentralized Ascending Auctions on Blockchain
Heto pasimpleng website:

Code:
https://revolutsrevo.com/

Mukhang matagal tagal na tong ganitong klase ng panloloko sa tin. Kailangan talaga na mag-ingat at mapag masid at sana warg basta basta maniwala sa mga mapanglinlang na mga cyber criminals.
tama kc sabi nga nila walang manloloko kong walang magpapaloko eh ganun talaga wla naman tayong kapangyarihan para on the spot madetect kaagad




member
Activity: 616
Merit: 11
Decentralized Ascending Auctions on Blockchain
tama peke to ,dapat magising na yoong mga myembro nito isa itong paglabag sa batas ng bangko central ng pilipinas ,kalaboso ang mga to .sa palagay ko may plano ang mga to na gagawa ng sariling munisipyo
hero member
Activity: 1680
Merit: 655
May apekto ba talaga ang pag-report ng site na ito sa mga kinauukulan? Kasi sinubukan ko mag visit sa isa sa mga links nila mukhang gumagana pa din and walang IP blocking na nagaganap di tulad sa mga sites na pina-block sa ating bansa. Yung opinyon ko lang wag niyo nalang sayangin yung oras niyo sa pag-rereport ng scam website na ito sa PNP or NBI, kasi kahit madami yung same report nilang natatanggap tas walang lumalapit na biktikma malabong aksyunan nila yung mga report na ito baka nga ma-label nila ito na scam and baliwalain nalang nila lahat ng reports about Bitcoinrevolution dahil dito.
asu
legendary
Activity: 1302
Merit: 1136
talagang matatalino ang mga scamers ,kpag silay nakatutok na seguradong may tama ka ,kawawa nman yoong mga inosente .ang pangunahing  target pa naman nila ung mga mababait na tao ,palagi itong may daladalang bangka pagsumakay ka lunod ka, maliban dyan napakasarap pakinggan ung mga pananalita nila kung nais ka talaga nilang paniwalain bibigay ka ,malakas din kc ung network nila talagang makuha utak mo pati kaluluwa .kaya ung research before invest yan ang dbest thing to do para di mabiktima

With that said, mga amateur scammer lang ang mga iyan kung pangunahin nilang target ay yung mga mababait na tao or in other words inosente. Kumpara mo naman sa mga highly professional na scammer sa mundo ay mga highly secured company ang target nila or yung mga mayayaman/bigatin na biglang isang iglap mayaman na din sila (kaso may sentensya na buhay nila).
member
Activity: 616
Merit: 11
Decentralized Ascending Auctions on Blockchain
talagang matatalino ang mga scamers ,kpag silay nakatutok na seguradong may tama ka ,kawawa nman yoong mga inosente .ang pangunahing  target pa naman nila ung mga mababait na tao ,palagi itong may daladalang bangka pagsumakay ka lunod ka, maliban dyan napakasarap pakinggan ung mga pananalita nila kung nais ka talaga nilang paniwalain bibigay ka ,malakas din kc ung network nila talagang makuha utak mo pati kaluluwa .kaya ung research before invest yan ang dbest thing to do para di mabiktima
hero member
Activity: 2618
Merit: 612
I've seen those! Nabigla ako nun kasi ultimo live stock investment ay gagamitin nila para lang makapag scam, Inexposed din ito ni Xian Gaza (You know who he is) which has a intel team and he's exposing scam projects here in PH.

Ito ay ang patunay na kahit anong way gagawin nila para lang makapanglamang ng tao. Once naitakbo na nila ang investment ng mga na scam ay sobrang taas ng chance na hindi na ito maibalik sa mga na scam, Kaya Better do a research first before investing.
Napanood ko nga yung video niya na nag spread about awareness sa investment scams kaya pala alam na alam mga sinasabi nya dahil nanggaling na sya doon. Kaso di ko naman tinapos kasi akala ko hindi totoo dahil sabi ng mga social media users na nagbulagbulagan ay nakulong na si Xian Gaza dahil sangkot ito sa investment scams.
Sa umpisa lang talaga magpapakita na paying, pero kalaunan ay magkakaproblema na at mawawala na ng tuluyan.
legendary
Activity: 2492
Merit: 1145
Enterapp Pre-Sale Live - bit.ly/3UrMCWI
Sa panahon ngayon hindi na talaga maaasahan ang "word of honor" dahil kalimitan na itong pinagpapalit sa pera so once na iyong kaibigan mo ay nag invite sayo na maraming pera dito, alam mo na. Nakakatuwa din minsan makita ang mga ganyang scam kasi entertaining sila for me, I mean sa mga scam kasi usually sa kanila ay walang business model o kung mayroon man MLM scheme tapos ang misyon nila ay alisin ang kahirapan at gawing mayaman ang lahat ng sasali, nakakatuwa kasi puro pag trigger ng emosyon ang kanilang pinapangako at hindi iyong value ng negosyo
Noong early 2019 marami ang nabiktima sa mga naglipanang investments na ang ginawang front ay mga sisiw at baboy. Peke yung mga ginamit nilang materials for marketing purposes. Andaming nakumbinsi ng compensation plan. Hanggang ngayon di na nila nabawi o naibalik ang perang ipinasok nila doon.
I've seen those! Nabigla ako nun kasi ultimo live stock investment ay gagamitin nila para lang makapag scam, Inexposed din ito ni Xian Gaza (You know who he is) which has a intel team and he's exposing scam projects here in PH.

Ito ay ang patunay na kahit anong way gagawin nila para lang makapanglamang ng tao. Once naitakbo na nila ang investment ng mga na scam ay sobrang taas ng chance na hindi na ito maibalik sa mga na scam, Kaya Better do a research first before investing.
hero member
Activity: 2618
Merit: 612
Sa panahon ngayon hindi na talaga maaasahan ang "word of honor" dahil kalimitan na itong pinagpapalit sa pera so once na iyong kaibigan mo ay nag invite sayo na maraming pera dito, alam mo na. Nakakatuwa din minsan makita ang mga ganyang scam kasi entertaining sila for me, I mean sa mga scam kasi usually sa kanila ay walang business model o kung mayroon man MLM scheme tapos ang misyon nila ay alisin ang kahirapan at gawing mayaman ang lahat ng sasali, nakakatuwa kasi puro pag trigger ng emosyon ang kanilang pinapangako at hindi iyong value ng negosyo
Noong early 2019 marami ang nabiktima sa mga naglipanang investments na ang ginawang front ay mga sisiw at baboy. Peke yung mga ginamit nilang materials for marketing purposes. Andaming nakumbinsi ng compensation plan. Hanggang ngayon di na nila nabawi o naibalik ang perang ipinasok nila doon.
jr. member
Activity: 46
Merit: 3
If there we're people who'd fall for this, I think they are hyped.

Pretty much ang target audience nitong scam na to e ung mga taong walang alam sa bitcoin, pero probably nakabasa o nakakita na ng mga balita tungkol sa bitcoin. Lalo na ung mga balitang yumayaman dahil sa bitcoin? Yep. Tapos isama mo pa ung kahirapan. Ipagsama mo ung promises na yaman at ung kahirapan, boom. Easy kombinse.

Sa panahon ngayon hindi na talaga maaasahan ang "word of honor" dahil kalimitan na itong pinagpapalit sa pera so once na iyong kaibigan mo ay nag invite sayo na maraming pera dito, alam mo na. Nakakatuwa din minsan makita ang mga ganyang scam kasi entertaining sila for me, I mean sa mga scam kasi usually sa kanila ay walang business model o kung mayroon man MLM scheme tapos ang misyon nila ay alisin ang kahirapan at gawing mayaman ang lahat ng sasali, nakakatuwa kasi puro pag trigger ng emosyon ang kanilang pinapangako at hindi iyong value ng negosyo
mk4
legendary
Activity: 2940
Merit: 3883
📟 t3rminal.xyz
If there we're people who'd fall for this, I think they are hyped.

Pretty much ang target audience nitong scam na to e ung mga taong walang alam sa bitcoin, pero probably nakabasa o nakakita na ng mga balita tungkol sa bitcoin. Lalo na ung mga balitang yumayaman dahil sa bitcoin? Yep. Tapos isama mo pa ung kahirapan. Ipagsama mo ung promises na yaman at ung kahirapan, boom. Easy kombinse.
jr. member
Activity: 46
Merit: 3
Pangalan palang tunog scam na. Ano yun? Ang Bitcoin magrerebolusyon? HAHA, just kidding! If there we're people who'd fall for this, I think they are hyped. Salamat sa pag disseminate ng tamang impormasyon kabayan, atleast mayroong titingnan ang mga tao patungkol sa usaping ito at mababalaan ang mga taong gagawa ng research bago mag invest.
legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
Gusto kong bisitahin ang site kaso baka delikado baka may attack pang mangyari sa device ko. Ok na lang kung may makapag explain kahit bahagya about dito, pano ba sumikat itong Bitcoin Revolution na ito... gawa lang ba ni Boy Abunda( na peke naman)?

I suggest you download https://www.sandboxie.com/ para hindi ka kabahan sa pag bisita sa mga site na to.

May nabasa rin akong site na ang founder daw nito ay isang tao na ang pangalan ay Conrad Atherton.
Check ko sa Linkedin ang daming lumabas pero kaduda duda talaga, minsan USA ang location, minsan Hong Kong naman.

Code:
https://billionairecoinapp.com/

Kapehas na kapehas din ang mga modus operandi.
legendary
Activity: 3346
Merit: 1134
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
I've been seeing this name recently and now nakita ko ung dalawang topic, ang hindi ko lang maintindihan dito ay kung ano ba itong Bitcoin Revolution, parang sa pangalan kasi hindi na talaga akma eh? And ano ba ito? Isang exchange platform or katulad nung mga naunang scam like yobit na x10 return yada yada yada?

Basically, ung typical na trading bot scam na kumakalat rin minsan dito sa Bitcointalk at sa social media minsan . Ung mga tipong 100% profit daw. Pero itong scam na to mismo, nahiya pa. Binabaan pa ng konti. 99% daw. Binawasan pa ng 1% para siguro mas "realistic" kahit hindi naman. Hindi ko alam, pero most likely siguro BTC ang payments dito para walang naka connect na pangalan sa scammer.
Parang alcohol lang. Iniwan pa ung 1 percent para sa germs. Realistic kuno. Obvious na obvious naman.
Ang hirap dito sasabihin kasalanan pa ng walang alam.
Dapat talaga dagdagan pa ang pagpapakalat ng "Mabuti na ang may alam."
Susunod niyan ang sisisihin na ay yung mga may alam. Sasabihin nila bakit hindi ininform agad sa iba.  Grin

Heto pasimpleng website:

Code:
https://revolutsrevo.com/

Mukhang matagal tagal na tong ganitong klase ng panloloko sa tin. Kailangan talaga na mag-ingat at mapag masid at sana wag basta basta maniwala sa mga mapanglinlang na mga cyber criminals.

Wala talaga ako idea sa ganto at salamat naman sa ganon.
Parang Gunbot ba to?
sr. member
Activity: 882
Merit: 301
In case you missed it, posted this in your other topic

Please add these scam sites also.
Code:
https://revolution-bitcoin.net
https://www.thebitcoinrevolution.org
https://btc-revolution.org/login
legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
Heto pasimpleng website:

Code:
https://revolutsrevo.com/

Mukhang matagal tagal na tong ganitong klase ng panloloko sa tin. Kailangan talaga na mag-ingat at mapag masid at sana wag basta basta maniwala sa mga mapanglinlang na mga cyber criminals.
legendary
Activity: 1428
Merit: 1166
🤩Finally Married🤩
I've been seeing this name recently and now nakita ko ung dalawang topic, ang hindi ko lang maintindihan dito ay kung ano ba itong Bitcoin Revolution, parang sa pangalan kasi hindi na talaga akma eh? And ano ba ito? Isang exchange platform or katulad nung mga naunang scam like yobit na x10 return yada yada yada?

Basically, ung typical na trading bot scam na kumakalat rin minsan dito sa Bitcointalk at sa social media minsan . Ung mga tipong 100% profit daw. Pero itong scam na to mismo, nahiya pa. Binabaan pa ng konti. 99% daw. Binawasan pa ng 1% para siguro mas "realistic" kahit hindi naman. Hindi ko alam, pero most likely siguro BTC ang payments dito para walang naka connect na pangalan sa scammer.
It is a site/platform, yes?
How come na walang pangalan di ba, pinoy nga naman we really can't blame them for being mangmang. Being stated what the obvious thig is... that's already enough to say it's a scam. Mahilig kasi tayo maniwala sa easy money eh porke't may pangalan ng artista... Go na agad.
mk4
legendary
Activity: 2940
Merit: 3883
📟 t3rminal.xyz
I've been seeing this name recently and now nakita ko ung dalawang topic, ang hindi ko lang maintindihan dito ay kung ano ba itong Bitcoin Revolution, parang sa pangalan kasi hindi na talaga akma eh? And ano ba ito? Isang exchange platform or katulad nung mga naunang scam like yobit na x10 return yada yada yada?

Basically, ung typical na trading bot scam na kumakalat rin minsan dito sa Bitcointalk at sa social media minsan . Ung mga tipong 100% profit daw. Pero itong scam na to mismo, nahiya pa. Binabaan pa ng konti. 99% daw. Binawasan pa ng 1% para siguro mas "realistic" kahit hindi naman. Hindi ko alam, pero most likely siguro BTC ang payments dito para walang naka connect na pangalan sa scammer.
legendary
Activity: 1428
Merit: 1166
🤩Finally Married🤩
I've been seeing this name recently and now nakita ko ung dalawang topic, ang hindi ko lang maintindihan dito ay kung ano ba itong Bitcoin Revolution, parang sa pangalan kasi hindi na talaga akma eh? And ano ba ito? Isang exchange platform or katulad nung mga naunang scam like yobit na x10 return yada yada yada?

Gusto kong bisitahin ang site kaso baka delikado baka may attack pang mangyari sa device ko. Ok na lang kung may makapag explain kahit bahagya about dito, pano ba sumikat itong Bitcoin Revolution na ito... gawa lang ba ni Boy Abunda( na peke naman)?
mk4
legendary
Activity: 2940
Merit: 3883
📟 t3rminal.xyz
The thing is, kaya  hindi na nagreresearch ang tao dahil nirekomenda ng mga kakilala, kaibigan at iba pang malapit o kinikilalang tao sa kanila.  Karamihan sa mga pumapasok dito ay mga kapulisan o sundalo under sa recommendation na kanilang officer in command.   Siyempre kakilala at may authority over their job kaya oo lang ng oo.  Yung iba naman talagang nasisilaw sa mga pinapakitang kinita ng nagrerecruit.  Once na engulfed na sila ng greed hindi na nakikinig ng mga advise ang mga iyan. Just like iyong kakilala ko.  I already warned them about one scam company pero hindi sila nakinig, ayun nascam sila ng Php2m.
Yeap. Unfortunate. Ang malala is pati ung mga nagrerecommenda mismo e wala silang alam sa kinakalat nilang scheme. Minsan akala nila talagang nakakatulong sila sa mga kaibigan at kapamilya nila pero di nila alam na scam ung ikinakalat nila. Ohwell. Minsan talaga masamang experience ang makakapagturo sa mga tao.

For sure aagree kau sa akin dito sa statement na sasabihin ko pero sa totoo lang "Schools are the biggest scammers right now".
Partly agree, as kailangan talagang baguhin ung mga ibang itinuturo in my opinion. Heavily heavily debatable itong topic na to concerning schools.
hero member
Activity: 2618
Merit: 612
Naalala ko tuloy kung pano kami na scam noong early 2019. Tama, madali talaga maniwala kapag kakilala mo yung nag aaya sayo lalo kapag kamag-anak. Agree din ako na saka lang tayo matututo kapag tayo na mismo ang nakaranas kaya after nun, kahit sino pa man nag share sa akin na related sa investments like MLM ay iwas na ako at tinatanggihan ko na. Kasi ayaw ko na rin maulit yun, nakakadala eh saka nakakahiya rin dun sa mga na invite mo at nabiktima rin ng dahil sayo.

Anyway, report sent.
legendary
Activity: 2576
Merit: 1043
Need a Marketing Manager? |Telegram ID- @LT_Mouse
*snip*

Unfortunately hindi talaga mahilig mag research ung karamihan. At this point ang makakapag pilit sa mga tao magresearch is I saksak sa baga nalang talaga ng mga studyante sa mga paaralan para kahit papaano ung mga next generations na e marunong lahat mag research. As for the older demographic sa bansa natin.. no comment. Anghihilig kumagat sa mga MLM.
Saka lang matatauhan ang mga pinoys kapag naranasan na nilang mascam. Ganun sila eh.

For sure aagree kau sa akin dito sa statement na sasabihin ko pero sa totoo lang "Schools are the biggest scammers right now". Ito rin ang sabi ni Robert Kiyosaki at naniniwala ako dito. Hindi tinuturo sa mga paraalan ang kahit ano man na may kinalaman sa pera or wala silang financial-related subjects kaya pagkagraduate nila, financial illiterate sila at sila ang malaki ang chance na kumagat sa mga scams na kagaya nito.

Sa tingin ko, saka lang titigil ang isang tao kapag naranasan na nya so bago tumigil ang isang tao sa pag invest sa mga scams or MLM's, need nila maranasan na mascam muna. Makakatulong din ang pagreresearch "KUNG" may free time silang gawin un. Alam mo na ang mga pinoy ngaun, tamad mag research kaya mabilis napapakagat sa mga scams.
legendary
Activity: 3346
Merit: 1134
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
*snip*

Unfortunately hindi talaga mahilig mag research ung karamihan. At this point ang makakapag pilit sa mga tao magresearch is I saksak sa baga nalang talaga ng mga studyante sa mga paaralan para kahit papaano ung mga next generations na e marunong lahat mag research. As for the older demographic sa bansa natin.. no comment. Anghihilig kumagat sa mga MLM.

Totoo. Gusto lahat mabilis. Gusto lahat parang delata at noodles. Instant.
Gusto kahit nakaupo at nakanganga may papasok na pera.
Ewan ko ba sa nangyayari sa iba ngayon. Ayaw mabuhay ng mahirap pero ayaw maghirap para umunlad.

Reported na. Ngayon ko lang nabasa kasi nga hindi ako mahilig sa mga ganya.
Salamat sa pag inform sa atin dito.

Edit:
Maalala ko lang.
Kapag sinearch mo siya sa google yung pangatlo sa rows may Boy Abunda? Most searched?
jr. member
Activity: 560
Merit: 4
Para sa akin madali lang naman ito iwasan kaya lang e masyadong gahaman ang iba mag iinvite atag iinvite talaga sila ng mga newbie para lang makapag refer upabg kumita ng malaking porsyento sa refferal. 

Kaya dapat ay iwasan na natin ito dahil tayo rin ang tumutulong sa mga scammers para magtagumpay sila sa mga masasamabg hangarin nila. 
legendary
Activity: 3052
Merit: 1281
*snip*

Unfortunately hindi talaga mahilig mag research ung karamihan. At this point ang makakapag pilit sa mga tao magresearch is I saksak sa baga nalang talaga ng mga studyante sa mga paaralan para kahit papaano ung mga next generations na e marunong lahat mag research. As for the older demographic sa bansa natin.. no comment. Anghihilig kumagat sa mga MLM.

The thing is, kaya  hindi na nagreresearch ang tao dahil nirekomenda ng mga kakilala, kaibigan at iba pang malapit o kinikilalang tao sa kanila.  Karamihan sa mga pumapasok dito ay mga kapulisan o sundalo under sa recommendation na kanilang officer in command.   Siyempre kakilala at may authority over their job kaya oo lang ng oo.  Yung iba naman talagang nasisilaw sa mga pinapakitang kinita ng nagrerecruit.  Once na engulfed na sila ng greed hindi na nakikinig ng mga advise ang mga iyan. Just like iyong kakilala ko.  I already warned them about one scam company pero hindi sila nakinig, ayun nascam sila ng Php2m.
mk4
legendary
Activity: 2940
Merit: 3883
📟 t3rminal.xyz
*snip*

Unfortunately hindi talaga mahilig mag research ung karamihan. At this point ang makakapag pilit sa mga tao magresearch is I saksak sa baga nalang talaga ng mga studyante sa mga paaralan para kahit papaano ung mga next generations na e marunong lahat mag research. As for the older demographic sa bansa natin.. no comment. Anghihilig kumagat sa mga MLM.
asu
legendary
Activity: 1302
Merit: 1136
Scam is everywhere and targeting everyone. Reported those sites!

To prevent of being scammed:
- Always do a research first before investing in any types of investment.
- Know who you're dealing with - kung nakita mo lang ito sa online, take some time to do a research. We do have our friend Google.
- Do research - search niyo yung company name with words like "review", "complaint" and "scam".
sr. member
Activity: 854
Merit: 257
Malaking tulong to para sa mga kababayan natin dahil marami paring tao na naisscam. Kaya sana maireport natin yang mga yan para ma block narin sa ating bansa.

Para saken lang tulad nitong bitcoin nag take risk rin ako. Ganun din sa investment walang mararating kung hindi tayo susubok. Kaya itong thread nato ay makakatulong para hindi tayo mapasok sa scam investment. Sana madagdagan pa yung research mo about sa scam sites
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
20BET - Premium Casino & Sportsbook
Ang bilis kumalat nitong scam na ito.
Report sent. Wala pang ilang minuto ang pagrereport.
mk4
legendary
Activity: 2940
Merit: 3883
📟 t3rminal.xyz
So alam niyo naman na sigurong mejo mainit tong scam na to ngayon(topic 1, topic 2), at kung ano anong fake news nilalabas nila para lang makapag scam ng mga tao.

So far, itong 3 4 5 6 nahanap kong sites ng "bitcoin revolution" scam na to:


Decided to make this thread a megathread for bitcoin scam sites na kinakalat sa Philippines; para may iisang thread tayo na may listahan ng mga website na pwede nating ireport. Huge thank you sa mga nagrereport.

Code:
https://the-bitcoinrevolution.com/
https://bitcoinrevolution.cloud/
https://securelyriches.com/bitcoin-revolutuion
https://thesecuredoffer.org/bitcoinrevolution-autopass/
https://secured4u.net/bitcoinrevolution-auto/
https://bitcoin-revolution.site/
https://revolutsrevo.com/
https://moneytechdeal.com/
http://bitcoineraprounitedkingdomreview.com/manny-pacquiao-bitcoin-revolution-review/
https://thewealthyvibe.com/
 https://wealthtechcash.com/
https://miningcity.com/



Please take a few minutes to report the sites na nirereport ng mga kabayan natin dito sa thread na ito, hindi lang para sa mga kapwa pilipino at hindi lang para sa reputasyon ng Bitcoin mismo, kundi para sa ikabubuti ng lahat. Maraming salamat!

Jump to: