Bilang matagal narin sa crypto (since 2013), medyo may limitadong kaalaman narin ako sa blockchain technology.
Nais ko lang ibahagi ang aking kaalaman patungkol sa Mempool.
1. Ano ang mempool?
2. Paano ito nakatulong or nakaka apekto sa network?
3. Hindi ako teknical, maari mo bang ipaliwagan ng simple?
Kasagutan
1. And mempool ay isa sa bahagi ng blockchain network. maari itong tawaging staging area pra sa lahat ng transaction bago ito maisama sa isang block (isang pahina ng blockchain).
2. nakakatulong ang mempool dahil nagsisilbi itong staging area(tambayan, parking area, or kung anong termino ang nais mo) pra sa mga transactiong hindi agad mai-sasama sa block magkakaroon ng mapaglalagyan at hindi maglaho parang bula..
kung naalala mo noong panahon ng SMS (txt) kapag congested ang network, hindi ka makakapag send ng mensahe sa iyong kamag anak, kumpara sa blockchain kahit puno ang network, magtutuloy parin ang iyong transaction subalit hindi ito agad mairerecord sa blockchain dahil ito ay mananatili muna sa mempool hangang sa ito ay isasama ng mga minero sa kasalukuyang block.
ito rin ang dahilan kung bakit mayroon kang transaction na unconfirmend pero ang balance mo ay nabawasan na. marahil ay nsa mempool n ang iyong transaction at nag aantay lamang itong maisama sa block.
ang mga transaction sa mempool ay nakapila base sa knilang transaction fee. sa mdaling sabi madalas or malamang na maisasama agad sa kasalukuyang block ang isang transaction na nsa mempool kapag ito ay mayroon mataas na transaction fee.
Kung sa tinging mo ay nanatili ng matagal ang iyong transaction sa mempool (2 oras pataas) maari mo itong "i-force" or i "broadcast" ulit at taasan ang transaction fee, sa ganitong paraan maari itong unahin ng minero at maisama agad sa kasalukuyang block.
Maari mong ituring na confirmed ang iyong transaction kung ito ay nasa mempool na. dahil mayroon n itong transaction ID at ito ang magisisilbing patunay na naisagawa mo na ang transaction.
3. taglish ko na dito -
isipin mo lang po sumakay ka ng jeep. ang jeep ay ang block. ang pila ay ang mempool. hangat nasa pila ka hindi kapa nkakasakay sa jeep (block) pero sa mlamang after ilang jeep ay mkakasakay kanarin. Mas maganda siguro analogy yung sa taxi dahil ang mga drivers (minero) madalas ay mapili ng isasakay nila. Kapag ma-traffic at gusto mo makasakay agad (maisama sa next block transaction mo), kailangan mo magbayad ng mas mataas na pamasahe (tx fee).
Sana po ay makatulong ang paliwanag na ito. kung nais nyo po ng one-on-one tutorial. willing po ako tumulong - matagal ko narin itong ginagawa bilang admin ng group namin.