Kung nag babasa talaga kayo may mga posts na dapat meron nang merit sa thread na ito, kasu ang ginagawa niyo lang is mag post... Kung binabasa niyo isa isa ang mga reply bago kayo mag reply sana alam niyo na rin kung alin ang talagang may punto...
Simula nung naimplement ang merit system ilan na ba ang naisend niyo sa isa't isa? Upon checking, kakaunti lang ang na sendan niyo, two things lang yan, it's either walang magandang post kayong nakikita, (or walang time mag basa ng mga posts?), or sadyang nag hihintay kayo na may maunang mag send sainyo ng merit bago niyo sendan - which is wrong...
Isa sa mga naiisip ko na magandang epekto ng merit ay uugaliin ng karamihan na mag basa muna bago mag post para makita kung alin ang talagang commendable na post bago mag lagay ng inputs, but sad to say, di din papunta dun...
Sa palagay ko po ha. Diba uso po noon ang farm account? Kaya naman nang lumabas si merit galing sa lungga na kung saan isaayos ang systema ng bitcointalk discussion, nagulantang ang mga tao hnd lang Pilipino kundi lahat na kasali sa forum na ito.
Kaya naman sa kadahilanang hnd ka mag rarank up kapag hnd mo nakuha ang required merit sa required rank kailangan maging madiskarte sa sariling paraan.
Sa palagay ko lang po marami din talaga ang mga himigit kumulang na hndi bababa sa 3 alt accounts ang pagmamay-ari ng isang tao. Kaya naman gagawa sila ng paraan at itiming ang mga pangyayare ayos sa kanilang frame time na ibigay ang merit higit sa sarili bago sa iba.
Pero kung titingnan ang graph we are more than enough than to other country regarding given merit.
Maaaring tinatamad lang din talaga ang iba na magbasa at magbigay ng merit kasi nga tayo mahilig sa WALA SA FOCUS KO YAN, NEXT TIME NALANG O ANG MANYANA HABIT natin.