hindi korin po alam ang merit nayan nakakabuti ba para saatin ang merit na yan oh nakakagulo lang saatin kong ano naman sana yang merit na yan sana makatulong naman saatin para naman maging ok ang lahat
Para san po ba ang merit? Ako rin po eh hindi ko rin alam
Para san po ung merit na yan? Pa explain nmn po thank you master in advanced
Isipin niyo nalang parang puntos yung merit. May tinatawag tayong Merit at sMerit. Merit yung sayo at sMerit yung pwede mong ibigay sa iba. Mag kakaroon kayo ng merit kapag:
1. Member pataas ang rank niyo (libre nung update).
2. Pag binigyan ka ng ibang tao dahil nagustuhan nila yung post mo.
Kapag kasali ka sa (1) may libre kang 10 merit kapag member ka, 100 merit kapag full, 250 pag sr member, and so on.
Kapag kasali ka sa (2) binigyan ka ng ibang tao ng merit ng naayon sa gusto nila. Pwedeng kahit ilan. Hangga't may sMerit sila.
Pano magbigay ng merit?
Pwede ka mag bigay ng merit kapag may merit ka din. Kung iniisip mo kung pano mag bibigay, anong gagawin?
Makikita mo yung +Merit na button doon sa may upper right ng isang post. Pindutin mo yon at saka mo ilagay kung ilang merit ang gusto mong ibigay sa nag post.
Dahil may merit ka pwede ka din magbigay ng merit sa iba. Ang tawag dito sMerit(sendable-merit) pero ang sMerit hindi kabilang ng merit na kapag may 10 merits ka makapag bibigay ka ng 10 merit sa iba. Ang bilang ng sMerit mo ay kapag hinati mo sa dalawa yung Merit mo. Kung may 10 merit ka, may 5 sMerit ka (10÷2=5).
Mababawasan ba merit ko pag nag merit ako ng iba?
Kapag nag bigay ka ng merit, hindi merit ang maibibigay mo kundi yung sMerit mo. Hanggang may smerit ka pwede kang magbigay. Kung tatangkain mo naman na itago nalang ang sMerits mo, walang patutunguan yan dahil mawawala yan kapag di ginamit, sayang lang. Kaya kung may nakita kayong maganda, kaakit-akit, at nakatulong na post wag kang mahiyang mag merit.
Yun lamang at maraming salamat. Galingan sa pag popost para mabigyan ng merit ng iba, goodluck sa pag rarank up! Godbless!