Marami sa atin dito ang naghahanap ng merits, Paano nga ba makakakuha nito?
Syempre sasabihin nyo na kailangang gumawa ng constructive and quality post.
Pero pano ka gagawa nun kung isa kang baguhan at walang alam sa mga crypto², katulad ko?
Narito ang mga kailangan mong gawin :
Unang una...
1. MAGBASA KA - Kailangan mong magbasa ng magbasa, para madagdagan ang iyong kaalaman at para may mga share ka sa iba upang madadagdagan ang iyong merit. Sa pamamagitan ng pagbabasa ma i-improve ang communication skills mo, lalong lalo na ang iyong pag iingles, kailangan natin ang good english skills para mas lalong maintindihan ng reader ang ating post at para narin makagawa tayo ng quality at constructive at beneficial na post.
Pangalawa...
2. MAGING MAPANURI - Mapagmatyag, matang lawin? haha. Kailangan mong maging mapanuri, kailangan mong malaman kung sino² ba ang palaging namimigay ng merit, maari mo itong makita sa merit stats. Makikita mo dito yung mga palaging namimigay ng merit, yung mga bagong binigyan ng merit at maraming pang iba tungkol sa merit. So, ang point ko dito ay hindi lumalapit ang palay sa manok. Kailangan mong tingnan kung sino² ba yung mga palaging namimigay, kasi paminsan kahit hindi masyadong maganda ang post mo binibigyan nila.
Sana ay nakatulong ako sa inyo mga kabayan! Pawer!
Mahirap na nga talaga mag rank up ngayon. Minsan naman, kahit constructive na yung post mo, wala naman ng nakakapansin. Pandagdag sa suggestion mo kabayan. Pwede rin mag post ng bagong thread na may makabuluhan na topic. Yung makakatulong sa iba. Syempre, bago magawa yun, gaya ng sabi mo, kailangan munang magbasa ng magbasa at maging mapanuri. Para mas maraming detalye ka na matutunan, pagkatapos alamin ang pangangailan ng iba at yun ang gawan ng topic. Pag nagustuhan ng mga mambabasa ang topic na pinost mo at marami kang natulungan, tiyak madali kang makakakuha ng merit.