Utol ko matagal din nag Mine ng bitcoin and then nag convert sa altcoins back in the years , but now stopped already for couple of years now dahil medyo madugo talaga ang halaga ng kuryente sa pinas.
Ako nagpaplano lang din mag mine pero kapag inestimate ko kung magkano mapupunta sa expense sa kuryente parang hindi siya worth it. Parang ang laking bagay ng mining dati na maging source of income na kahit na sabihin mong ang laking puhunan ang kailangan. Ngayon parang biglang namatay yung sa mining of alts community dahil sa paglipat ng eth mula pow(mining) sa pagiging proof of stake. Siguro kung meron pa ring nagmamine ngayon na taga forum, sasabihin naman at sa karamihan na nakikita kong malalaking mining communities parang kokonti nalang din sa social media nakikita kong active.
yan nga din talaga ang problema , unless meron kang source ng reusable electricity or other source na pwede mo paggamitan .
pero kung aasa tayo sa mga power supplier? siguradong sa kanila lang mapupunta ang kikitain natin sa pag mine at malamang mag abono pa tayo.
Kaya nga karamihan sa mga pinoy eh dumistansya na sa mining , tulad ng mga unang nakilala ko back in 2016-2017 kung saan medyo maganda pa ang kitaan kahit medyo malaki ang naging puhunan nila.
tsaka siguro mas ok pa na mag focus nalang tayo sa ibang pwedeng pagkakitaan lalo na ang trading na sadyang lumalaki na talaga now ang market at
ipluwensya sating mga pinoy.
andami ng nag coconduct ng seminars and even mga small events na pagtuturo at pag lure sa mga kapwa nating pinoy.
ang need nalang now is matuto tayong alamin kung ano at sino and dapat pagkatiwalaan sa mga pera natin para hindi tayo Umuwing luhaan .