1. Hinohold nila yung mga losing trades nila. Halimbawa nagtake ka ng long position eh bumaba yung price nito, ngayon ikaw iisipin mo aangat parin yan magrereverse yan then lalo pang bumaba ulit yung price, ngayon iisipin mo masyado na ata itong mababa, pero nasa isip mo parin na hindi magrereverse parin yan, kaso lang bumaba parin ang next na iisipin mo na ay magdadasal kana, andyan na yung kakausapin mo na yung mentor mo o fren mo na iniisip mong makakatulong sayo na may alam din sa crypto trading. Or kung minsan pa magdadasal kapa kay Lord na magreverse lang ito ay hindi muna uulitin ang ganitong diskarte. Mga posibleng kaisipan na nararanasan ng ibang mga traders at kasama na ako dyan.
hindi na naging trading kundi holding na though pwede naman yon kung malaki ang puhunan mo .
Mahirap din kasi mag hold pag ganyan maliban nalang kung bitcoin talaga ang hawak nila. Since kung altcoins especially those tokens lang madaming araw ang masasayang sa kanila at di pa nila talaga sure kung mababawi nila yung value na acquire nila. Kaya kung nag trade man sila better do cut loss nalang talaga since ito ang pinaka ideal gawin para makabawi agad. Ang problema lang kasi sa ibang trader ay takot silang matalo kaya mag pinili nila mag hold nalang kaysa makipagsapalaran dahil takot silang matalo ulit.
Pero kanya kanyang desisyon naman yan at kung ayaw talaga nila mag cut loss ay nasa sa kanila na yun.