Author

Topic: Mga crypto wallet na pwedeng magamit dito sa pilipinas. (Read 83 times)

member
Activity: 267
Merit: 24
Gusto ko lang i share itong mga cryptocurrency wallet na pwedeng magamit dito sa pilipinas, at kung ano-ano ang kanilang mga pag kakaiba.

Para sa lahat ng mga bago palang sa crypto o bitcoin, makatulong sana sainyo ito,
So bago ako mag umpisa, ano nga ba ang cryptocurrency wallet?.
Ito ba'y gaya rin ba ng literal na wallet na ating nagagamit at na ibubulsa sa ating mga pantalon at salawal?

-ang sagot ko jan, Oo! Ang crypto currency wallet ay gaya rin ng ating literal na wallet na ginagamit, kung saan na ilalagay natin ang literal na pera, resibo , at kung anu anu pa.
Ang pinag kaiba lang, ang cryptocurrency wallet ay isang software o isang application na kung saan dito mo pwedeng i lagay ang yong bitcoin,ethereum, at iba pang digital currencies na meron ka.
Ang cryptocurrency wallet ay walang aktwal na itchura, hindi gaya ng literal na wallet na naitutupi at pag nalaglag mo o naiwala, hindi na maibabalik sayo as long as walang mabait na mag sosoli.
Ang cryptocurrecy wallet,kahit mawala man ang phone,loptop,desktop kung saan ito nakalagay. Hinding hindi makukuha o mabubuksan ng iba as long as nasayo ang private key o password nito.

Heto ang iba't ibang uri ng wallet na pwedeng magamit sa pilipinas.

ONLINE WALLETS

-heto yung wallet na mabubuksan mo lang kung ikaw ay my data o internet.
Magagamit mo sila sa web browser at mobile applications.

*Online wallet na magagamit dito sa pilipinas*


Coins.ph:
  • (supported coins):btc,eth,bch,xrp,php
  • (notes):PH-based and has a mobile app

Bitbit.cash
  • (supported coins):btc,php
  • (notes):PH-based and has a mobile app

MyEtherwallet
  • (supported coins):eth,ERC-20
  • (notes):You control your private keys

Blockchain.info
  • (supported coins):btc
  • (notes):your private keys are encrypted with your password and has mobile wallet

Litevault
  • (supported coins):ltc
  • (notes):your private keys are encrypted with your password

Coinbase
  • (supported coins):btc,eth,bch,ltc
  • (notes):your private keys are encrypted with your password and has a trading exchange platform but unavailable in PH

Mycelium
  • (supported coins):btc
  • (notes):your private keys are encrypted with your password

Abra
  • (supported coins):btc,et, and 25 more crypto
  • (notes):you have access to your private keys via recovery phrases


DESKTOP WALLETS

-heto yung wallet na nasa computer mo or desktop, mas secure kasi nasa loob lang ng bahay.


Desktop wallet na magagamit dito sa pilipinas


Exodus
  • (supported coins):Bitcoin, Dash, OMG, Bitcoin Cash, Ether, Ethereum Classic, Etc
  • (notes):Has MacOS/Linux versions. You control your private keys and it has Shapeshift integration.

Electeum Wallet
  • (supported coins):btc
  • (notes):You control your private keys

Bitcoin core client
  • (supported coins): btc
  • (notes):The original client, it downloads the blockchain and you control your private keys


HARDWARE WALLETS

-heto naman yung pinaka secure na wallet sa lahat, malayong ma hacked ng ibang tao. Kahit offline ok lang,cold.wallet kumbaga pero medyo may kamahalan.

Hardware wallets na magagamit dito sa pilipinas

Ledger wallet
  • (supported coins):Bitcoin, Ether, Litecoin, Ripple, Bitcoin Cash
  • (notes):You Control your Private Keys. It can also hook with other wallets

Trezor wallet
  • (supported coins):Bitcoin, Litecoin, Ether, Ethereum Classic, Dogecoin, Dash, Zcash
  • (notes):You control your private keys. Also, if you have Loyal Coin and other NEM mosaics, Trezor can keep them.

Keepkey wallet
  • (supported coins):Bitcoin, Litecoin, Dogecoin, Dash, Ether
  • (notes):You control your private keys


Note: maari din na bisitahin ito para makita ang pinaka lates hardware wallet na ledger nano S.
https://www.lazada.com.ph/products/ledger-nano-s-i131936380-s144194134.html

PAPER WALLETS

- heto yung literal na i priprint mo ang pribadong address sa kapirasong papel at itatago mo at aalagaan.para hindi masira at malaman ng iba.

Bisitahin lamang itong impormasyon at kung papano ito isinasagawa.
Bitcoin paper wallet: https://bitcoinpaperwallet.com/wallet-tutorial-add-withdraw-funds/
Ethereum paper wallet: https://www.myetherwallet.com

Ps: karamihan sa mga wallet na nabanggit ay makukuha nyo o ma dodownload nyo ng libre,and technically lahat ng wallet na yan ay nagagamit din ng iba't ibang bansa.
Meron lang talaga tayong pinag mamalaki na gawa o ang team ay nandito sa pilipinas.gaya ng abra,coins,bitbit
Meron ding wallet na hindi natin ma access ang buong features nya gaya ng COINBASE na ang pag store at pag labas lang ng mga token ang magagawa. Ang pag trade o exchange ay hindi pwede sa ating bansa.

Source; https://bitpinas.com/cryptocurrency/cryptocurrency-wallet-philippines/

Maraming salamat at sana makatulong ito.
Jump to: