Author

Topic: MGA DAPAT IWASAN NG MGA NEWBIE(IWAS SCAM) (Read 1039 times)

legendary
Activity: 1778
Merit: 1009
Degen in the Space
usong uso talaga ang mga scam lalo sa email siguro tatlong beses na ako napadalhan ng ibat ibang email ng bangko meron logo ng bangko kesyo kailangan ko daw i update ang account ko kasi di na daw ako makakawithdraw pag di ako ng update ang problema kahit isang account ng anumang bangko eh wla ako kya matic alam na.
Not effective yung ganyang scam kasi sa bank din ang ending mo, and kung idi-direct ka lang sa isang website after clicking the link sa email, mahahalata mo rin na isang phishing site yun. Kaya sa may online banking, mas better na sa mismong bank kayo mag-update ng mga ganyan para maiwasan ang scams or if ever na magiinquire, mas okay na rumekta sa bank kaysa sa online.
newbie
Activity: 6
Merit: 0

IDENTITY USER [TELEGRAM SCAMMERS]

Sa paraang ito kinokopya nila ang pangalan ng admins,supports or yung owner mismo at nag kukunyaring tutulong kapag me issue ka or di kaya kunyari may special bonus kung direkta kang mag iinvest sa kanila at kadalasan sa mga gawain nila ay may address silang ibibigay sayo at dun mo daw ihuhulog ang deposit fee or kunyari bayad sa pagtulong sayo.

talamak ito sa telegram kaya ingat at verify nyo ang real admin sa pamamagitan ng pagpunta sa kanilang official channel.

Ito ang lagi kong nakikita kapag ako ay napapadaan ako sa mga facebook page na tungkol sa kita gamit ang bitcoin. At ako mismo ay nakaranas na mascam sa telegram. Kaya para hindi na ito maulit sa iba, sinisikap ko na payuhan ang mga bago o newbie. Sinasabihan ko sila lagi tungkol sa mga scam telegram bots or investment kaya naiiwasan nila na sumali sa mga ito.
sr. member
Activity: 2618
Merit: 439
usong uso talaga ang mga scam lalo sa email siguro tatlong beses na ako napadalhan ng ibat ibang email ng bangko meron logo ng bangko kesyo kailangan ko daw i update ang account ko kasi di na daw ako makakawithdraw pag di ako ng update ang problema kahit isang account ng anumang bangko eh wla ako kya matic alam na.
kahit may bank account kapa at same email from that bank kailangan mo pa ding i verify sa mismong banko mo,kaya ako i make sure na meron akong Number ng banko ko at hanggat maari eh makausap ko mismo yong name na nag asikaso sakin nung nag apply ako or yong manager so the more secure at updating,kasi mga scammers ay napakahusay mag clone ng personalities kaya dapat ay alam din natin kung paano sila i counter.
hero member
Activity: 2520
Merit: 783
usong uso talaga ang mga scam lalo sa email siguro tatlong beses na ako napadalhan ng ibat ibang email ng bangko meron logo ng bangko kesyo kailangan ko daw i update ang account ko kasi di na daw ako makakawithdraw pag di ako ng update ang problema kahit isang account ng anumang bangko eh wla ako kya matic alam na.

Marami na ang nabiktima sa ganyang gawain lalo na ung mga hindi sanay sa internet at madami nading nabiktima gaya nito basahin mo to https://www.gmanetwork.com/news/balitambayan/balita/734618/mga-hacker-na-nagpapanggap-na-taga-bangko-para-makanakaw-sa-account-ng-mga-biktima-arestado/story/

Kaya dapat talaga mapag matyag dahil lalo na ngayon halos lahat ng transaction online at sinasamantala nila ang sitwasyon.
newbie
Activity: 11
Merit: 0
usong uso talaga ang mga scam lalo sa email siguro tatlong beses na ako napadalhan ng ibat ibang email ng bangko meron logo ng bangko kesyo kailangan ko daw i update ang account ko kasi di na daw ako makakawithdraw pag di ako ng update ang problema kahit isang account ng anumang bangko eh wla ako kya matic alam na.
sr. member
Activity: 644
Merit: 364
In Code We Trust
pano ba mababalik yung pera ko? nag invest ako tpos binigay nya Bitcoin ay isang non spendable papano ba gawin spendable ? sino dito pwde ako tulungan?? maraming salamat.. bago lng ako dito di ko pa alam kung pano mag research or sinong marunong gumawa ng private key... samalat sa tutulong ☺️

Ito yung article na nakalap ko na posibleng magbigay ng kaalaman sayo kapatid.

https://blog.goodaudience.com/another-btc-huge-scam-5c26afde0ed4

Maaaring hingan ka ng commision ng kung sino man ang may kagagawan niyan, base sa article, 20 or 30% ng total BTC amount. Pero, totoong BTC and isesend mo at sasabihin nila na illift nila ang lock sa non-spendable BTC na meron ka.

kung ako sayo, wag mo na ituloy pa, o kaya naman ay pagkatiwalaan yan.
sr. member
Activity: 2044
Merit: 314
Vave.com - Crypto Casino
parehas lng tayo bago ako napunta dito sa forum naging adik muna ako sa mga bitcoin doubler , sinasalihan ko lahat ung mga bagong labas kasi kadalasan maswerte ung mga unang mag invest sila ung madodoble ung pera nila, kawawa ung mga mahuhuli kasi may chance n magsara n ung doubler bago p sila mabayaran.  May kakilala ako noon gumagawa ng doubler script,  nagpost ako sa mga social media para mag invest sa ginawa nya pero walang nag invest.
Same here nung una hilig ko din yung mga doubler at hyip na yan kasi nga ang laki at ang bilis lang kumita. Pero nung na scam ako saka ko lang na realize na hindi tamang sumali sa mga ganito dahil risky at hindi magandang paraan para palaguin ang capital mo.

Mas maganda talagang pag aralan muna mabuti ang papasukin mo at bigyan ng oras ang sarili para matuto. Sa ganitong paraan makakaiwas ka sa mga scam dahil aware kana sa ganitong galaw ng mga scammer.
Nakapagtry na rin ako  ng mga ganitong investment or hype, For sure lahat naman ng ganito ay simple na scam dahil na rin pinapaikot Ikot lang naman ang pera dito basically false advertisement  na rin madalas ang dahilan kaya tayo sumasali sa  mga ganito.  Siguro kumikita ako ng 2$ daily noon at not bad rin un para dito sa mga hyip dahil medjo swewnerte ako sa invite kaya kahit papano kumita ako pero kawawa ung mga nainvite lang na naginvest ng Malaki sa website.
Mga upline lang ang kumikita sa ganto and if you're on the lower bracket mahihirapan kana. Naranasan ko na makipag usap sa scammer and sadly Pinoy den sya, super ganda ng mga sinasabe nya to the point na pinipilit na ako maginvest, well siguro swerte ren minsan ang walang pera kase hinde nya ako napainvest sa kanya. Maraming scam ang dapat iwasan, at para makaiwas dito mas mabuti talaga na magkaroon tayo ng sapat na kaalaman, at wag magmadali kumita ng pera.
full member
Activity: 1028
Merit: 144
Diamond Hands 💎HODL
parehas lng tayo bago ako napunta dito sa forum naging adik muna ako sa mga bitcoin doubler , sinasalihan ko lahat ung mga bagong labas kasi kadalasan maswerte ung mga unang mag invest sila ung madodoble ung pera nila, kawawa ung mga mahuhuli kasi may chance n magsara n ung doubler bago p sila mabayaran.  May kakilala ako noon gumagawa ng doubler script,  nagpost ako sa mga social media para mag invest sa ginawa nya pero walang nag invest.
Same here nung una hilig ko din yung mga doubler at hyip na yan kasi nga ang laki at ang bilis lang kumita. Pero nung na scam ako saka ko lang na realize na hindi tamang sumali sa mga ganito dahil risky at hindi magandang paraan para palaguin ang capital mo.

Mas maganda talagang pag aralan muna mabuti ang papasukin mo at bigyan ng oras ang sarili para matuto. Sa ganitong paraan makakaiwas ka sa mga scam dahil aware kana sa ganitong galaw ng mga scammer.
Nakapagtry na rin ako  ng mga ganitong investment or hype, For sure lahat naman ng ganito ay simple na scam dahil na rin pinapaikot Ikot lang naman ang pera dito basically false advertisement  na rin madalas ang dahilan kaya tayo sumasali sa  mga ganito.  Siguro kumikita ako ng 2$ daily noon at not bad rin un para dito sa mga hyip dahil medjo swewnerte ako sa invite kaya kahit papano kumita ako pero kawawa ung mga nainvite lang na naginvest ng Malaki sa website.
hero member
Activity: 3010
Merit: 629
parehas lng tayo bago ako napunta dito sa forum naging adik muna ako sa mga bitcoin doubler , sinasalihan ko lahat ung mga bagong labas kasi kadalasan maswerte ung mga unang mag invest sila ung madodoble ung pera nila, kawawa ung mga mahuhuli kasi may chance n magsara n ung doubler bago p sila mabayaran.  May kakilala ako noon gumagawa ng doubler script,  nagpost ako sa mga social media para mag invest sa ginawa nya pero walang nag invest.
Same here nung una hilig ko din yung mga doubler at hyip na yan kasi nga ang laki at ang bilis lang kumita. Pero nung na scam ako saka ko lang na realize na hindi tamang sumali sa mga ganito dahil risky at hindi magandang paraan para palaguin ang capital mo.

Mas maganda talagang pag aralan muna mabuti ang papasukin mo at bigyan ng oras ang sarili para matuto. Sa ganitong paraan makakaiwas ka sa mga scam dahil aware kana sa ganitong galaw ng mga scammer.
hero member
Activity: 1946
Merit: 502
Talagang patok ito noong mga kapanahunan ko noong ako ay nagsisimula pa lamang sa Crypto Currency lalong lalo na sa Bitcoin.  Ito lang kasi ang alam kung investment noong para mapalago ko ang aking bitcoin pero sa huli palagi nalang ako nasscam.  Kadalasan akong nag iinvest cloudmining,  At bitcoin doubler at ito ang laging umuubos sa pinaghirapan kung Bitcoin. Pero dahil sa natututo nako at nalaman ko ang forum dito ko natutunan ang ibat ibang paraan para kumita ng bitcoin at syempre dito ako nakawala sa pag tangkilik sa nga scam investments.
Same experienced tayo mahilig din ako sa doubler at mga instant na kitaan. Kaya lagi ako nasscam dati super laki din talo ko sa mga investment nayan salamat sa isang kaibigan kasi nakilala ko ang Bitcointalk dahil sa kanya at dito na ako nag focus at nabawi ko mga talo ko sa mga scam investment.
parehas lng tayo bago ako napunta dito sa forum naging adik muna ako sa mga bitcoin doubler , sinasalihan ko lahat ung mga bagong labas kasi kadalasan maswerte ung mga unang mag invest sila ung madodoble ung pera nila, kawawa ung mga mahuhuli kasi may chance n magsara n ung doubler bago p sila mabayaran.  May kakilala ako noon gumagawa ng doubler script,  nagpost ako sa mga social media para mag invest sa ginawa nya pero walang nag invest.
hero member
Activity: 1652
Merit: 518
OrangeFren.com
Good info pwede kaya ishare din to sa kabilang room namin para sa mga tuturuan sana na newbies din. Napakahalaga ganito ituro talaga para sa mga newbies. Ito ang dapat nila malaman sa una para di madali ma con ng mga nakakachat ko dating tuso pero mas tuso ako haha. Sabi nga ni kaalaman mas mananalo ka pag mas maalam ka.
Pwede naman siguro wala naman ipagbabawal kung eh share man ito sa iba, Kahit naman sino pwede ito gamitin para naman ma aware yung mga kakilala natin or kaibigan na nag crypto na bago pa lang. Kasi karamihan sa mga tao ngayon umaasa nalang sa pag crypto kaya minsan marami din talaga mga baguhan pilit sumubok dito. At maganda na rin eh share ito sa kanila para kahit papaanu makukuha silang idea dito.
sr. member
Activity: 1078
Merit: 256
UPDATED

IDENTITY USER [TELEGRAM SCAMMERS]

Sa paraang ito kinokopya nila ang pangalan ng admins,supports or yung owner mismo at nag kukunyaring tutulong kapag me issue ka or di kaya kunyari may special bonus kung direkta kang mag iinvest sa kanila at kadalasan sa mga gawain nila ay may address silang ibibigay sayo at dun mo daw ihuhulog ang deposit fee or kunyari bayad sa pagtulong sayo.

talamak ito sa telegram kaya ingat at verify nyo ang real admin sa pamamagitan ng pagpunta sa kanilang official channel.
ito talaga ang kadalasan kong na eencounter sa telegram. ang sistema ei naka bantay talaga sila sa chanel at pag may nag ask nang issue nila ei jan na sila papasok dami nang nag ppm sayo na mga admin daw at ginagaya nila yung pangalan at title nang chanel. taz manghihingi nang deposit para sa recovery at sasabihing refundable after fix the issue.
Nakakatuwa yung sistema na  yan, tutulong pero hihingi ng pabuya, while yung mga totoong support group nung exchange or kung anoman yung hinahanap mong tutulong sayo eh sandamakmak yung trabaho at wala talagang oras na magpm para lang alamin ung problema mo, dapat talaga
i-verify ung mga telegram account na biglang susulpot or kung mas maigi ignore na lang para makaiwas talaga.
hero member
Activity: 2520
Merit: 783
UPDATED

IDENTITY USER [TELEGRAM SCAMMERS]

Sa paraang ito kinokopya nila ang pangalan ng admins,supports or yung owner mismo at nag kukunyaring tutulong kapag me issue ka or di kaya kunyari may special bonus kung direkta kang mag iinvest sa kanila at kadalasan sa mga gawain nila ay may address silang ibibigay sayo at dun mo daw ihuhulog ang deposit fee or kunyari bayad sa pagtulong sayo.

talamak ito sa telegram kaya ingat at verify nyo ang real admin sa pamamagitan ng pagpunta sa kanilang official channel.

Boss pwede kaya share ko to sa nasa signature ko forum namin sa kabila kakagawa lang din. Salamat

Sige pwede mo e share sa forum para me info ang mga members mo sa iba't-ibang scams na nagaganap sa mundo ng crypto.

UPDATED
-snip-

Sobrang talamak nito kahit na ngayon at marami parin akong nakikitang nabibiktima ng mga scammers na ganito ang gawain kaya mainam talaga na may mabasa ang mga kababayan natin para maging maingat sila at ma determina agad kung legit ba ung kausap nila o hindi.
sr. member
Activity: 2618
Merit: 439
Salamat sa impormsyon kabayan. Ako po ay bago lamang dito kaya nageexplore pa a galawan dito. Madalas akong makakita ngbmga scam na site na tlgang nkakaengganyo. Kya ingat po tayong lahat.
Welcome sa Forum kabayan.

wag mo kakalimutan na yang mga scam na sinasabi mo ay mahirap tanggihan pag ikaw na ang pinuntirya kaya dapat alam mo kung paano iiwas at wag maniniwala.

Matatamis sila amgsalita bagay na dahilan bakit napakadaming nabibiktima nila kahit marami na ang nagkakalat ng mga modus nila.

Matamis daw din ako magsalita pero puro intention na tumulong lamang ang hangad ko, ang hindi ko gets di ko sila mapaniwala sa tinuturo ko kasi walang greed effect ba na yung parang nangaakit ng promising profit na ginagamit ng mga scammer.
Who Knows?lahat naman pwede sabihin kung ano ang tingin nilang tama pero mapapatunayan ba yan or masusuportahan ng ganon kadali?Patunayan mo muna sa kanila na karapat dapat kang paniwalaan bago mo i expect na maniniwala sila.

Masyado nang Sunog ang Internet offering sa Pinas dahil na din sa mga scammers na naglipana sa kung saan saan kaya hindi din natin sila masisisi kung ano man ang maging response nila sa ino offer natin.tyaga lang at dedikasyon at Magpakatotoo tayo pasasaan ba maniniwala din sila.
sr. member
Activity: 763
Merit: 252
UPDATED

IDENTITY USER [TELEGRAM SCAMMERS]

Sa paraang ito kinokopya nila ang pangalan ng admins,supports or yung owner mismo at nag kukunyaring tutulong kapag me issue ka or di kaya kunyari may special bonus kung direkta kang mag iinvest sa kanila at kadalasan sa mga gawain nila ay may address silang ibibigay sayo at dun mo daw ihuhulog ang deposit fee or kunyari bayad sa pagtulong sayo.

talamak ito sa telegram kaya ingat at verify nyo ang real admin sa pamamagitan ng pagpunta sa kanilang official channel.
ito talaga ang kadalasan kong na eencounter sa telegram. ang sistema ei naka bantay talaga sila sa chanel at pag may nag ask nang issue nila ei jan na sila papasok dami nang nag ppm sayo na mga admin daw at ginagaya nila yung pangalan at title nang chanel. taz manghihingi nang deposit para sa recovery at sasabihing refundable after fix the issue.
member
Activity: 308
Merit: 10
Revolution of Power
UPDATED

IDENTITY USER [TELEGRAM SCAMMERS]

Sa paraang ito kinokopya nila ang pangalan ng admins,supports or yung owner mismo at nag kukunyaring tutulong kapag me issue ka or di kaya kunyari may special bonus kung direkta kang mag iinvest sa kanila at kadalasan sa mga gawain nila ay may address silang ibibigay sayo at dun mo daw ihuhulog ang deposit fee or kunyari bayad sa pagtulong sayo.

talamak ito sa telegram kaya ingat at verify nyo ang real admin sa pamamagitan ng pagpunta sa kanilang official channel.

Boss pwede kaya share ko to sa nasa signature ko forum namin sa kabila kakagawa lang din. Salamat
member
Activity: 308
Merit: 10
Revolution of Power
Salamat sa impormsyon kabayan. Ako po ay bago lamang dito kaya nageexplore pa a galawan dito. Madalas akong makakita ngbmga scam na site na tlgang nkakaengganyo. Kya ingat po tayong lahat.
Welcome sa Forum kabayan.

wag mo kakalimutan na yang mga scam na sinasabi mo ay mahirap tanggihan pag ikaw na ang pinuntirya kaya dapat alam mo kung paano iiwas at wag maniniwala.

Matatamis sila amgsalita bagay na dahilan bakit napakadaming nabibiktima nila kahit marami na ang nagkakalat ng mga modus nila.

Matamis daw din ako magsalita pero puro intention na tumulong lamang ang hangad ko, ang hindi ko gets di ko sila mapaniwala sa tinuturo ko kasi walang greed effect ba na yung parang nangaakit ng promising profit na ginagamit ng mga scammer.
member
Activity: 308
Merit: 10
Revolution of Power
Good info pwede kaya ishare din to sa kabilang room namin para sa mga tuturuan sana na newbies din. Napakahalaga ganito ituro talaga para sa mga newbies. Ito ang dapat nila malaman sa una para di madali ma con ng mga nakakachat ko dating tuso pero mas tuso ako haha. Sabi nga ni kaalaman mas mananalo ka pag mas maalam ka.
sr. member
Activity: 2618
Merit: 439
Salamat sa impormsyon kabayan. Ako po ay bago lamang dito kaya nageexplore pa a galawan dito. Madalas akong makakita ngbmga scam na site na tlgang nkakaengganyo. Kya ingat po tayong lahat.
Welcome sa Forum kabayan.

wag mo kakalimutan na yang mga scam na sinasabi mo ay mahirap tanggihan pag ikaw na ang pinuntirya kaya dapat alam mo kung paano iiwas at wag maniniwala.

Matatamis sila amgsalita bagay na dahilan bakit napakadaming nabibiktima nila kahit marami na ang nagkakalat ng mga modus nila.
copper member
Activity: 658
Merit: 402
~snip
Yung ganitong gawain sa telegram group ay hindi na bago para sa atin, at minsan yung mga scammer na yan ay sila mismo nag memessage sa kanilang bibiktimahin. Naka experience na kasi ako ng ganito pero ginagawa ko nalang agad ay pinipindot yung report button or di ko nalang pinapansin. Lagi naman siguro nag papaalala yung mga admin sa telegram group about sa ganito at may nasalihan din akong group tapos naka pinned message yung ganitong case at dahil dito na aaware agad yung mga particapants na kasali don sa group. Talamak talaga dyan sa telegram kaya dapat doble ingat tayo, at mas mainam na icheck muna ang mga username ng admin para in case na may mag message sayo irereport mo nalang agad. AFAIK, hindi nauuna mag message ang mga admin sa mga participants doon sa telegram channel.
hero member
Activity: 2520
Merit: 783
UPDATED

IDENTITY USER [TELEGRAM SCAMMERS]

Sa paraang ito kinokopya nila ang pangalan ng admins,supports or yung owner mismo at nag kukunyaring tutulong kapag me issue ka or di kaya kunyari may special bonus kung direkta kang mag iinvest sa kanila at kadalasan sa mga gawain nila ay may address silang ibibigay sayo at dun mo daw ihuhulog ang deposit fee or kunyari bayad sa pagtulong sayo.

talamak ito sa telegram kaya ingat at verify nyo ang real admin sa pamamagitan ng pagpunta sa kanilang official channel.
sr. member
Activity: 1414
Merit: 260
Sana pati mga newbie maging matalino na rin maging makilatis sila sa mga investment na papasukin nila dahil kunh babara bara lamang ang gagawin nila ay malaking tyansa na ang kanilang pinaghirapan ay makuha lamang ng mga scammer na gahaman sa mga pera.
Makita sana itong thread na ito ng mga baguhan para alam na nila ang papasukin at iiwasan nila.
Maging matalino man sila sa cryptocurrency kailagan pa talaga nila pag daanan ang mga nangyari sa atin siguro. Kasi hindi talaga madali kapag nasa crypto tayo kailangan din natin minsa magkamali para naman ma experience natin yun. At kung maging maingat lang talaga kahit newbie man yan hindi talaga sila ma scam, Alam naman talaga natin na sobrang dami na ngayong mga scammer.
sr. member
Activity: 1274
Merit: 263
Sana pati mga newbie maging matalino na rin maging makilatis sila sa mga investment na papasukin nila dahil kunh babara bara lamang ang gagawin nila ay malaking tyansa na ang kanilang pinaghirapan ay makuha lamang ng mga scammer na gahaman sa mga pera.
Makita sana itong thread na ito ng mga baguhan para alam na nila ang papasukin at iiwasan nila.
sr. member
Activity: 1078
Merit: 256
Talagang patok ito noong mga kapanahunan ko noong ako ay nagsisimula pa lamang sa Crypto Currency lalong lalo na sa Bitcoin.  Ito lang kasi ang alam kung investment noong para mapalago ko ang aking bitcoin pero sa huli palagi nalang ako nasscam.  Kadalasan akong nag iinvest cloudmining,  At bitcoin doubler at ito ang laging umuubos sa pinaghirapan kung Bitcoin. Pero dahil sa natututo nako at nalaman ko ang forum dito ko natutunan ang ibat ibang paraan para kumita ng bitcoin at syempre dito ako nakawala sa pag tangkilik sa nga scam investments.
Same experienced tayo mahilig din ako sa doubler at mga instant na kitaan. Kaya lagi ako nasscam dati super laki din talo ko sa mga investment nayan salamat sa isang kaibigan kasi nakilala ko ang Bitcointalk dahil sa kanya at dito na ako nag focus at nabawi ko mga talo ko sa mga scam investment.
Mahirap talaga makipagsapalaran sa mga investment dahil hindi mo masasabi kung ikaw ay kikita o malulugi kaya dapat matuto kang magdesisyon dito sa mundo ng crypto. Sa tingin ko din napaka normal na sa mga tao dito ang maiscam pero syempre dobleng ingat talaga ang kailangan para ikaw ay makaiwas at kumita ng malaking pera para iyong pangangailangan.
Yun ang unang dapat na gawin ung ingatan mo talaga yung pera mo at oras na gagamitin mo, madalas dun sa mga nasscam eh yung nagmamadali at akala yung crypto industry ay shortcut sa pagyaman. Kailangang mag aral at wag basta basta sasabak kung saan saan nagkalat ung mga scammers sa paligid baka nagsayang Yung pera.
hero member
Activity: 2632
Merit: 787
Jack of all trades 💯
Talagang patok ito noong mga kapanahunan ko noong ako ay nagsisimula pa lamang sa Crypto Currency lalong lalo na sa Bitcoin.  Ito lang kasi ang alam kung investment noong para mapalago ko ang aking bitcoin pero sa huli palagi nalang ako nasscam.  Kadalasan akong nag iinvest cloudmining,  At bitcoin doubler at ito ang laging umuubos sa pinaghirapan kung Bitcoin. Pero dahil sa natututo nako at nalaman ko ang forum dito ko natutunan ang ibat ibang paraan para kumita ng bitcoin at syempre dito ako nakawala sa pag tangkilik sa nga scam investments.
Same experienced tayo mahilig din ako sa doubler at mga instant na kitaan. Kaya lagi ako nasscam dati super laki din talo ko sa mga investment nayan salamat sa isang kaibigan kasi nakilala ko ang Bitcointalk dahil sa kanya at dito na ako nag focus at nabawi ko mga talo ko sa mga scam investment.
Mahirap talaga makipagsapalaran sa mga investment dahil hindi mo masasabi kung ikaw ay kikita o malulugi kaya dapat matuto kang magdesisyon dito sa mundo ng crypto. Sa tingin ko din napaka normal na sa mga tao dito ang maiscam pero syempre dobleng ingat talaga ang kailangan para ikaw ay makaiwas at kumita ng malaking pera para iyong pangangailangan.

Kaya nga iwasan natin ito lalo na kapag involve  ay isang hindi kapani-paniwalang bagay o kaya pamamaraan ng kitaan dahil tiyak ito ay isang scam. Maraming beses na naitampok ang usaping ito kaya ewan ko ba bakit meron pading nabibiktima sa mga ganitong paraan. Kaya doblehin talaga ang pag iingat natin dahil kahit na sabihin pa ng iba na kumita sila eh dapat wag tayong magpapahuli sa matatamis nilang salita.
sr. member
Activity: 910
Merit: 261
★Bitvest.io★ Play Plinko or Invest!
Talagang patok ito noong mga kapanahunan ko noong ako ay nagsisimula pa lamang sa Crypto Currency lalong lalo na sa Bitcoin.  Ito lang kasi ang alam kung investment noong para mapalago ko ang aking bitcoin pero sa huli palagi nalang ako nasscam.  Kadalasan akong nag iinvest cloudmining,  At bitcoin doubler at ito ang laging umuubos sa pinaghirapan kung Bitcoin. Pero dahil sa natututo nako at nalaman ko ang forum dito ko natutunan ang ibat ibang paraan para kumita ng bitcoin at syempre dito ako nakawala sa pag tangkilik sa nga scam investments.
Same experienced tayo mahilig din ako sa doubler at mga instant na kitaan. Kaya lagi ako nasscam dati super laki din talo ko sa mga investment nayan salamat sa isang kaibigan kasi nakilala ko ang Bitcointalk dahil sa kanya at dito na ako nag focus at nabawi ko mga talo ko sa mga scam investment.
Mahirap talaga makipagsapalaran sa mga investment dahil hindi mo masasabi kung ikaw ay kikita o malulugi kaya dapat matuto kang magdesisyon dito sa mundo ng crypto. Sa tingin ko din napaka normal na sa mga tao dito ang maiscam pero syempre dobleng ingat talaga ang kailangan para ikaw ay makaiwas at kumita ng malaking pera para iyong pangangailangan.
newbie
Activity: 38
Merit: 0
Salamat sa impormsyon kabayan. Ako po ay bago lamang dito kaya nageexplore pa a galawan dito. Madalas akong makakita ngbmga scam na site na tlgang nkakaengganyo. Kya ingat po tayong lahat.
sr. member
Activity: 700
Merit: 254
Talagang patok ito noong mga kapanahunan ko noong ako ay nagsisimula pa lamang sa Crypto Currency lalong lalo na sa Bitcoin.  Ito lang kasi ang alam kung investment noong para mapalago ko ang aking bitcoin pero sa huli palagi nalang ako nasscam.  Kadalasan akong nag iinvest cloudmining,  At bitcoin doubler at ito ang laging umuubos sa pinaghirapan kung Bitcoin. Pero dahil sa natututo nako at nalaman ko ang forum dito ko natutunan ang ibat ibang paraan para kumita ng bitcoin at syempre dito ako nakawala sa pag tangkilik sa nga scam investments.
Same experienced tayo mahilig din ako sa doubler at mga instant na kitaan. Kaya lagi ako nasscam dati super laki din talo ko sa mga investment nayan salamat sa isang kaibigan kasi nakilala ko ang Bitcointalk dahil sa kanya at dito na ako nag focus at nabawi ko mga talo ko sa mga scam investment.
sr. member
Activity: 2618
Merit: 439
Nasa ating mga kamay ang mangyayari sa mga pera natin king magiging maingat lamang tayo sa bawat aksyon na gagawin natin gaya ng pag-iinvest sa iba't-ibang pamamaraan ng kitaan ay tiyak hindi mawawalan ng pera ang bawat isa.
madalas kasi sa mga Pinoy now ay gusto mabilisang kita kaya ang mga scammer naman ay magaling sa mga ganong pangako kaya nakakapambiktima.
Ang mga newbie ang pangunahing target ng mga scammer dahil alam nila na madali itong maloko at magoyo dahil hindi pa sapat ang kanilang nalalaman kaya naman dapat nating silang tulungan at itong mga thread na katulad ng ganito ang isang makakatulong sa kanila.
kaya dapat maging aware tayo lalo na sa mga kakilala natin na bago palang pumapasok sa crypto,hanggat maari ay alalayan natin sila para di sila mabiktima.
sr. member
Activity: 540
Merit: 252
Talagang patok ito noong mga kapanahunan ko noong ako ay nagsisimula pa lamang sa Crypto Currency lalong lalo na sa Bitcoin.  Ito lang kasi ang alam kung investment noong para mapalago ko ang aking bitcoin pero sa huli palagi nalang ako nasscam.  Kadalasan akong nag iinvest cloudmining,  At bitcoin doubler at ito ang laging umuubos sa pinaghirapan kung Bitcoin. Pero dahil sa natututo nako at nalaman ko ang forum dito ko natutunan ang ibat ibang paraan para kumita ng bitcoin at syempre dito ako nakawala sa pag tangkilik sa nga scam investments.
Nakakatuwa yung mga time na talagang patok na patok ung cloud mining at doubler kung saan andaling tignan ng paglago ng bitcoin mo, kaya lang dahil din sa pagiging greedy mo irereinvest mo sya at yun na ang kasunod nun magsasara or maglalaho bigla yung mga sites. Naalala ko rin yung mga time na mag iinvest ka dun sa mga magagaling daw kuno sa dice at sa IQ option unahan pa sa paglatag at after some hours recieve mo na agad yung kinita mo, andami nun dati, good thing dahil sa forum na to lumawak talaga ang kaalaman ng mga tao at hindi na masyadong nakakapang biktima yung mga scammers pakonti konti na lang.
Nakakamis din yan kasi noong mga panahon na iyon ay mura pa ang halaga ng Bitcoin naalala ko dati 0.1 BTC maximum na investment ko palagi sa mga Bitcoin Doubler at ayun scam,  sa cloud mining naman kagaya ng Hashocean at Bitsrapid naalala ko halos 2.5 USD or 0.002+ btc per day ako sa dalawang investment na ito ng walang ginagawa.  Na kung inipon natin ito at naibenta noong ang presyo ng bitcoin ay 20,000 usd ay malamang na milyonaryo na tayo ngayon.
sr. member
Activity: 1078
Merit: 256
Talagang patok ito noong mga kapanahunan ko noong ako ay nagsisimula pa lamang sa Crypto Currency lalong lalo na sa Bitcoin.  Ito lang kasi ang alam kung investment noong para mapalago ko ang aking bitcoin pero sa huli palagi nalang ako nasscam.  Kadalasan akong nag iinvest cloudmining,  At bitcoin doubler at ito ang laging umuubos sa pinaghirapan kung Bitcoin. Pero dahil sa natututo nako at nalaman ko ang forum dito ko natutunan ang ibat ibang paraan para kumita ng bitcoin at syempre dito ako nakawala sa pag tangkilik sa nga scam investments.
Nakakatuwa yung mga time na talagang patok na patok ung cloud mining at doubler kung saan andaling tignan ng paglago ng bitcoin mo, kaya lang dahil din sa pagiging greedy mo irereinvest mo sya at yun na ang kasunod nun magsasara or maglalaho bigla yung mga sites. Naalala ko rin yung mga time na mag iinvest ka dun sa mga magagaling daw kuno sa dice at sa IQ option unahan pa sa paglatag at after some hours recieve mo na agad yung kinita mo, andami nun dati, good thing dahil sa forum na to lumawak talaga ang kaalaman ng mga tao at hindi na masyadong nakakapang biktima yung mga scammers pakonti konti na lang.
sr. member
Activity: 540
Merit: 252
Talagang patok ito noong mga kapanahunan ko noong ako ay nagsisimula pa lamang sa Crypto Currency lalong lalo na sa Bitcoin.  Ito lang kasi ang alam kung investment noong para mapalago ko ang aking bitcoin pero sa huli palagi nalang ako nasscam.  Kadalasan akong nag iinvest cloudmining,  At bitcoin doubler at ito ang laging umuubos sa pinaghirapan kung Bitcoin. Pero dahil sa natututo nako at nalaman ko ang forum dito ko natutunan ang ibat ibang paraan para kumita ng bitcoin at syempre dito ako nakawala sa pag tangkilik sa nga scam investments.
sr. member
Activity: 1022
Merit: 277
★Bitvest.io★ Play Plinko or Invest!
Yung mga newbies na yan na pa tuloy parin nag risk ng kanilang pinaghirapang pera ay hindi uunlad sa kanilang buhay at sila ay parang sugal narin ang ginagawa nangdadamay pa sila ng Ibang baguhan para kumita sa refferal commission. Pero wala tayong magagawa kung ayaw nila matuto dahil gusto nilang matutunan ang bitcoin in hard way.
Ang mga sumasali sa mga instant money tulad nga nyang doubler at PYRAMID SCHEME mga walang pakielam yan sa ibang tao kung kumita man o hindi yung nirecruit nila kahit pa ata kamag anak pa pinapasali narin para lang sa commision, lalo kung medyo malaki ang makukuha nilang commission wala talagang kamag anak kamag anak jan sorry nalang ang matatanggap nilang balik.
Kaya nga patuloy pa din ang pagdami ng mga nabibiktima ng mga pyramiding at investment scheme dahil kahit kamag anak papatusin at ipapasok sa ganitong gawain para lang kumita. Imbis na ituro ang tama at palawakin pa ang tamang impormasyon patungkol sa crypto, nililihis ng madami para lang sa maliit na perang makukuha nila.
member
Activity: 420
Merit: 28
Yung mga newbies na yan na pa tuloy parin nag risk ng kanilang pinaghirapang pera ay hindi uunlad sa kanilang buhay at sila ay parang sugal narin ang ginagawa nangdadamay pa sila ng Ibang baguhan para kumita sa refferal commission. Pero wala tayong magagawa kung ayaw nila matuto dahil gusto nilang matutunan ang bitcoin in hard way.
Ang mga sumasali sa mga instant money tulad nga nyang doubler at PYRAMID SCHEME mga walang pakielam yan sa ibang tao kung kumita man o hindi yung nirecruit nila kahit pa ata kamag anak pa pinapasali narin para lang sa commision, lalo kung medyo malaki ang makukuha nilang commission wala talagang kamag anak kamag anak jan sorry nalang ang matatanggap nilang balik.
hero member
Activity: 924
Merit: 505
Sinubukan kong pasalihin ang ilan sa mga kaibigan ko dito sa forum at syempre pumasok narin sa mundo ng cryptocurrency, may mangilan ngilan na gumawa ng account dito sa forum pero di rin naman nagtagal at huminto na rin, Siguro nainip. Ang gusto kasi talaga ng iba e yung agarang kita, di nila kayang maghintay kaya ang karamihan sa mga baguhan talagang kumakapit nalang sa instant profit tulad nga nyang mga doubler etc.
Yung mga newbies na yan na pa tuloy parin nag risk ng kanilang pinaghirapang pera ay hindi uunlad sa kanilang buhay at sila ay parang sugal narin ang ginagawa nangdadamay pa sila ng Ibang baguhan para kumita sa refferal commission. Pero wala tayong magagawa kung ayaw nila matuto dahil gusto nilang matutunan ang bitcoin in hard way.
Sana lang ay nanatili lamang sila dito, may nga kaibigan din at mga classmates akong inimbitahan dito sa forum pero parang ayaw naman nila kaya hindi ko na lang pinilit. Once na nag-offer tayo at nireject nila huwag na nating pilitin dahil sila naman yung nawalan kundi tayo. Ang gusto ko sana mangyari eh matuto sila dito sa forum para kapag nagbitcoin sila at mag-invest ay maiwasan nila ang mga scam.
There are a few reasons why they don't want to stay in this forum, maybe they can't relate here or maybe they can't absorb the knowledge that they can get here.
I also have my friends that I invited here but they don't also last, they prefer to do doubler and hyips before.
sr. member
Activity: 1624
Merit: 267
Sinubukan kong pasalihin ang ilan sa mga kaibigan ko dito sa forum at syempre pumasok narin sa mundo ng cryptocurrency, may mangilan ngilan na gumawa ng account dito sa forum pero di rin naman nagtagal at huminto na rin, Siguro nainip. Ang gusto kasi talaga ng iba e yung agarang kita, di nila kayang maghintay kaya ang karamihan sa mga baguhan talagang kumakapit nalang sa instant profit tulad nga nyang mga doubler etc.
Yung mga newbies na yan na pa tuloy parin nag risk ng kanilang pinaghirapang pera ay hindi uunlad sa kanilang buhay at sila ay parang sugal narin ang ginagawa nangdadamay pa sila ng Ibang baguhan para kumita sa refferal commission. Pero wala tayong magagawa kung ayaw nila matuto dahil gusto nilang matutunan ang bitcoin in hard way.
Sana lang ay nanatili lamang sila dito, may nga kaibigan din at mga classmates akong inimbitahan dito sa forum pero parang ayaw naman nila kaya hindi ko na lang pinilit. Once na nag-offer tayo at nireject nila huwag na nating pilitin dahil sila naman yung nawalan kundi tayo. Ang gusto ko sana mangyari eh matuto sila dito sa forum para kapag nagbitcoin sila at mag-invest ay maiwasan nila ang mga scam.
hero member
Activity: 1834
Merit: 523
Maraming newbie parin ang patuloy na na nabibiktima ng mga ganitong klaseng investment scam.  Hindi natin sila masisi dahil iyan lamang ang kakayahan ng kaalaman nila sa investment at upang makatulong tayo sa kanila imbetahan natin sila dito sa forum upabg mas lumawak pa ang kanilang kaalaman tungkol sa Bitcoin at syempre sa crypto currency.  Maraming opportunidad sa crypto currency world at ang Kailangan lang nilang gawin ay magkaroon ng tamang gabay at ito ay ang forum. 
Kalimitan nang mga newbie na nakikita ko sa facebook at kahit matagal na sa crypto ay naiiscam ng dahil sa mga lumalabas sa mga facebook group na investment scam at ang malungkot lang dito ay nag-iinvest pa rin sila at patuloy nilang pinapalaganap ang mga ito. Pero ang forum na ito ay makakatulong talaga sa kanila para magkaroon ng kaalaman para hindi na sila maloko pa muli.
hero member
Activity: 1273
Merit: 507
Sinubukan kong pasalihin ang ilan sa mga kaibigan ko dito sa forum at syempre pumasok narin sa mundo ng cryptocurrency, may mangilan ngilan na gumawa ng account dito sa forum pero di rin naman nagtagal at huminto na rin, Siguro nainip. Ang gusto kasi talaga ng iba e yung agarang kita, di nila kayang maghintay kaya ang karamihan sa mga baguhan talagang kumakapit nalang sa instant profit tulad nga nyang mga doubler etc.
Yung mga newbies na yan na pa tuloy parin nag risk ng kanilang pinaghirapang pera ay hindi uunlad sa kanilang buhay at sila ay parang sugal narin ang ginagawa nangdadamay pa sila ng Ibang baguhan para kumita sa refferal commission. Pero wala tayong magagawa kung ayaw nila matuto dahil gusto nilang matutunan ang bitcoin in hard way.
member
Activity: 420
Merit: 28
Maraming newbie parin ang patuloy na na nabibiktima ng mga ganitong klaseng investment scam.  Hindi natin sila masisi dahil iyan lamang ang kakayahan ng kaalaman nila sa investment at upang makatulong tayo sa kanila imbetahan natin sila dito sa forum upabg mas lumawak pa ang kanilang kaalaman tungkol sa Bitcoin at syempre sa crypto currency.  Maraming opportunidad sa crypto currency world at ang Kailangan lang nilang gawin ay magkaroon ng tamang gabay at ito ay ang forum. 
Sinubukan kong pasalihin ang ilan sa mga kaibigan ko dito sa forum at syempre pumasok narin sa mundo ng cryptocurrency, may mangilan ngilan na gumawa ng account dito sa forum pero di rin naman nagtagal at huminto na rin, Siguro nainip. Ang gusto kasi talaga ng iba e yung agarang kita, di nila kayang maghintay kaya ang karamihan sa mga baguhan talagang kumakapit nalang sa instant profit tulad nga nyang mga doubler etc.
sr. member
Activity: 1372
Merit: 261
Maraming newbie parin ang patuloy na na nabibiktima ng mga ganitong klaseng investment scam.  Hindi natin sila masisi dahil iyan lamang ang kakayahan ng kaalaman nila sa investment at upang makatulong tayo sa kanila imbetahan natin sila dito sa forum upabg mas lumawak pa ang kanilang kaalaman tungkol sa Bitcoin at syempre sa crypto currency.  Maraming opportunidad sa crypto currency world at ang Kailangan lang nilang gawin ay magkaroon ng tamang gabay at ito ay ang forum. 
hero member
Activity: 3010
Merit: 629
Kapag marami kana naming alam siguro Malabo kana din mascam sa mga ganito kapag alam muna ang takbo ng kalakaran ditto sa cryptocurrency.
Yes kadalasan sa una lang tayo nagkakamali kapag baguhan pa lang pero pag na experience mo na ang maloko o ma scam syempre magiging maingat na tayo sa susunod pwera na lang kung greedy ang isang tao at gusto kumita ng mabilisan. Meron naman mga newbie na hindi nagpapadala sa mga ganito, yung mga binigyan ng panahon ang sarili para matuto at malaman ang mga bagay na dapat iwasan.
full member
Activity: 1028
Merit: 144
Diamond Hands 💎HODL
Kapag marami kana naming alam siguro Malabo kana din mascam sa mga ganito kapag alam muna ang takbo ng kalakaran ditto sa cryptocurrency.
 
Simula nung nagkaroon na ako ng kaalaman dito hindi na din naulet ang pagkakascam ko sa mga hype investments at cloud mining. Madalas kase kahit scam ang mga websites na ito kapag may na invite ka ay maaari ka paring makakuha ng profit kaso medjo kawawa nga lang yong iyong nainvite dahil siya ang mawawalan ng pera. Lalo na sa mga referral links sa facebook na kalat na kalat.
copper member
Activity: 2142
Merit: 1305
Limited in number. Limitless in potential.
Nasa ating mga kamay ang mangyayari sa mga pera natin king magiging maingat lamang tayo sa bawat aksyon na gagawin natin gaya ng pag-iinvest sa iba't-ibang pamamaraan ng kitaan ay tiyak hindi mawawalan ng pera ang bawat isa.
Ganyan talaga dapat maingat tayo sa pag invest lalo ng kung newbie pa lang, Mas mabuti mag tanong nalang muna sa kaibigan na marunong sa crypto para naman ma aware sa scam dito sa crypto at experience nalang kung anu talaga yung mga scam na dapat iwasan.
Quote

Ang mga newbie ang pangunahing target ng mga scammer dahil alam nila na madali itong maloko at magoyo dahil hindi pa sapat ang kanilang nalalaman kaya naman dapat nating silang tulungan at itong mga thread na katulad ng ganito ang isang makakatulong sa kanila.
Uu mga newbie talaga karamihan na bibiktima sa mga scammer kasi madali lang nila ito mapaikot at kung pag uusapan pa nito ay kikita ng malaki sa crypto. Kaya di natin pa ipagtataka kung bakit marami na scam dito sa crypto.
Been a newbie, pero di ito naging dahilan para ma scam ako by other users or websites tho nag invest ako sa mga hyip noon pero alam ko risk so do or die ang mga decision sa mga hyip, di tulad noon wala akong natatanungan, walang ka kilala na marunong mag crypto, puro basa basa lang ako, its either reddit, fb groups or here if may tanong ako google lang until na ako na sumasagot sa ibang tanong ng iba.

So always suggest sa mga newbie na mag basa basa lang, di nakakamatay yun, wag lang silang maging atat at greedy in terms sa pera kase iba patutunguhan nun.
legendary
Activity: 3010
Merit: 1280
Get $2100 deposit bonuses & 60 FS
Nasa ating mga kamay ang mangyayari sa mga pera natin king magiging maingat lamang tayo sa bawat aksyon na gagawin natin gaya ng pag-iinvest sa iba't-ibang pamamaraan ng kitaan ay tiyak hindi mawawalan ng pera ang bawat isa.
Ganyan talaga dapat maingat tayo sa pag invest lalo ng kung newbie pa lang, Mas mabuti mag tanong nalang muna sa kaibigan na marunong sa crypto para naman ma aware sa scam dito sa crypto at experience nalang kung anu talaga yung mga scam na dapat iwasan.

Ang tanong ay paano malalaman kung marunong ang kaibigan sa crypto.  Take note: iyong mga malakas maghatak sa mga ponzi at scam company na nageexploit ng cryptocurrency ay knowledgeable din sa crypto.  Kaya nga kaya nilang itwist ang idea about cryptocurrency.  Ang dapat malaman natin ay kung paano gumagana ang scam.  Basic foundation ba ng knowledge about sa sistema ng scam para kahit anong klaseng currency mapacrypto man o mapa papaer money ay kaya nating tukuying scam ang mga iyon.

sr. member
Activity: 1400
Merit: 283
DGbet.fun - Crypto Sportsbook
Nasa ating mga kamay ang mangyayari sa mga pera natin king magiging maingat lamang tayo sa bawat aksyon na gagawin natin gaya ng pag-iinvest sa iba't-ibang pamamaraan ng kitaan ay tiyak hindi mawawalan ng pera ang bawat isa.
Ganyan talaga dapat maingat tayo sa pag invest lalo ng kung newbie pa lang, Mas mabuti mag tanong nalang muna sa kaibigan na marunong sa crypto para naman ma aware sa scam dito sa crypto at experience nalang kung anu talaga yung mga scam na dapat iwasan.
Quote

Ang mga newbie ang pangunahing target ng mga scammer dahil alam nila na madali itong maloko at magoyo dahil hindi pa sapat ang kanilang nalalaman kaya naman dapat nating silang tulungan at itong mga thread na katulad ng ganito ang isang makakatulong sa kanila.
Uu mga newbie talaga karamihan na bibiktima sa mga scammer kasi madali lang nila ito mapaikot at kung pag uusapan pa nito ay kikita ng malaki sa crypto. Kaya di natin pa ipagtataka kung bakit marami na scam dito sa crypto.
sr. member
Activity: 1624
Merit: 267
February 27, 2020, 07:30:44 AM
#43
Nasa ating mga kamay ang mangyayari sa mga pera natin king magiging maingat lamang tayo sa bawat aksyon na gagawin natin gaya ng pag-iinvest sa iba't-ibang pamamaraan ng kitaan ay tiyak hindi mawawalan ng pera ang bawat isa.

Ang mga newbie ang pangunahing target ng mga scammer dahil alam nila na madali itong maloko at magoyo dahil hindi pa sapat ang kanilang nalalaman kaya naman dapat nating silang tulungan at itong mga thread na katulad ng ganito ang isang makakatulong sa kanila.
full member
Activity: 1339
Merit: 157
February 27, 2020, 06:58:33 AM
#42
Nakikita kasi nila sa mga social media o website na pagkatapos nila mag.invest agad na lalaki pera nila kung saan ay hindi naman. Marami ako nakikita sa social media especiallly sa Facebook mismong sa comment section ng mga FB page. Ginagamit pa nga nila yung Coins.ph screenshoot tapos babaguhin lang nila ung amount ng BTC nila sa wallet tapos papakita nila na yun na kinita nila. Minsan cryptocurrency pa yung ginagamit nila upang makaengganyo ng customer after nila magfill up sa website (Email, password, at iba pang personal info) mahahack na nila yung account mo kasama na din mga personal account mo ATM, FB account etc.

Ito ay nagbibigay babala sa ating mga newbie. Be careful always. Salamat sa OP ito ay malaking tulong na gabay ng mga baguhan pa lamang.
hero member
Activity: 2520
Merit: 783
February 26, 2020, 06:46:51 PM
#41
Halos lahat ng ito naranasan ko na noong nagsisimula palamang ako sa Bitcoin.  Pero bakit hindi parin nila binibitawan ang ganitong sistema? 

A - Dahil hindi pa malawak ang kanilang kaalaman sa crypto currency (Bitcoin palang ang alam nila at hindi pa ang mas pinakamalim ang Trading,  At mga crypto currency) 

Kaya dapat ay mas maging malawak ang kanilang kaisipan.  Isa pa sa mga dahilan ay tamad silang tuklasin ang cryptocurrency kaya naman nakarely lang sila sa mga ganitong klase ng pagkakakitaan. 

At para maiwasan ito malaki ang maitutulong ng forum. Katunayan dito ako natuto at nakawala sa ganyang systema.

Dahil may ganid padin sa pera na nag po-promote ng mga scam site at pinapakitaan nila ng limpak-limpak na pera ang mga newbie at pinapaniwala nila na ito ang kanilang kita, at sa tingin ko walang katapusan ang ganitong sistema dahil marami parin kasi sa ating mga kababayan na gustong kumita ng pera ng walang ginagawa kaya kadalasan sa kanila ay napupunta sa mga scams.

Kaya maganda e share natin ang iba't-ibang modus para kung mabasa man ito ng mga baguhan ay may kaalaman silang mapulot dito.
sr. member
Activity: 1078
Merit: 256
February 26, 2020, 01:25:48 PM
#40
Halos lahat ng ito naranasan ko na noong nagsisimula palamang ako sa Bitcoin.  Pero bakit hindi parin nila binibitawan ang ganitong sistema? 

A - Dahil hindi pa malawak ang kanilang kaalaman sa crypto currency (Bitcoin palang ang alam nila at hindi pa ang mas pinakamalim ang Trading,  At mga crypto currency) 

Kaya dapat ay mas maging malawak ang kanilang kaisipan.  Isa pa sa mga dahilan ay tamad silang tuklasin ang cryptocurrency kaya naman nakarely lang sila sa mga ganitong klase ng pagkakakitaan. 

At para maiwasan ito malaki ang maitutulong ng forum. Katunayan dito ako natuto at nakawala sa ganyang systema.
Tama, kailangan talagang lumabas ka sa safe place mo at wag kang umasa sa mga naririnig mo lang or sa pageenganyo lang ng ibang tao, dapat
palawakin mo yung kaalaman mo para mas madami ka pang pgpipilian. Itong forum talaga ang may malaking maibabahagi sa ating kaalamanan
patungkol sa crypto, makakaiwas tayo sa mga scam kung aware tayo palagi, ugaliing magbasa basa dito sa forum ng mga topic na makakapagpalago ng iyong kaalaman.
sr. member
Activity: 1111
Merit: 255
February 26, 2020, 11:00:44 AM
#39
Halos lahat ng ito naranasan ko na noong nagsisimula palamang ako sa Bitcoin.  Pero bakit hindi parin nila binibitawan ang ganitong sistema? 

A - Dahil hindi pa malawak ang kanilang kaalaman sa crypto currency (Bitcoin palang ang alam nila at hindi pa ang mas pinakamalim ang Trading,  At mga crypto currency) 

Kaya dapat ay mas maging malawak ang kanilang kaisipan.  Isa pa sa mga dahilan ay tamad silang tuklasin ang cryptocurrency kaya naman nakarely lang sila sa mga ganitong klase ng pagkakakitaan. 

At para maiwasan ito malaki ang maitutulong ng forum. Katunayan dito ako natuto at nakawala sa ganyang systema.
sr. member
Activity: 1414
Merit: 260
February 22, 2020, 08:49:14 PM
#38
Usually newbies talaga ang nabibiktima ng mga ganitong panloloko kaya kung meron tayo personally na hinikayat sa mundo ng crypto wag natin sila pabayaan, i guide natin at turuan para hindi sila maloko.
Tama mga newbie talaga or bagong pasok pa lang sa crypto ang target ng mga scammer at alam naman natin na madali lang nila makukuha ang mga yun. Kahit punta pa tayo sa telegram sobrang dami scammer nag aabang nag pa feel admin.
Quote

Kalimitan pa naman ng newbies ang gustong unang mangyari kumita na agad kahit wala pang sapat na kaalaman, kaya madali sila masilaw sa malaking return lalo na yung mga btc doubler. Siguro marami naman satin na experience na ang ma scam at natuto na rin sa mga past experiences, share natin sa iba yung mga bagay na dapat nila malaman para hindi sila mabiktima ng mga scammer.
Yan din isa na nakikita ko na gusto agad kumita ng malaki hindi nila alam na dadaan pa sila sa hirap bago kumita. At isa pa yan madali sila ma silaw sa malaking halaga. Tama ka mas mabuti na rin tulungan natin sila para naman ma aware sila sa mga scammer na lalong dumami na kumakalat.
hero member
Activity: 2520
Merit: 783
February 21, 2020, 11:00:51 PM
#37
Kung may alam pa kaung ibang scam schemes na maaaring maaaring e post dito upang makatulong sa kababayan nating baguhan palang e idagsag nyo na dito maganda Ito pang reference upang maka tulong tayong ma educate sila at para din makita at maka iwas din tayo sa iba't - ibang modus ng mga scammer.
May isa pa na madalas ginagamit ng mga scammers in recent years sa crypto world:

  • Gambling game scams [e.g. SCAM ALERT https://crypton.bet]
    Kokontaking kayo ng scammer through isa sa mga social apps tapos sasabihin nila na moderator or admin sila ng isang crypto gambling site at kaya nilang piliin kung cnu ang lalabas na winner dun sa laru tapos sasabihin nila na hati sila sa winnings ng 50-50 pero kailangan mag deposit kayo para malaman nya na hindi bot ang kausap niya.
    - Proof

Maraming salamat sa ambag mo kabayan dahil napaka importanteng malaman ng mga kababayan nating baguhan ang iilan sa mga modus by scammer na dapat nilang iwasan.

Kung may iba pa laying Alam na pamamaraan ay I post lang dito upang ma update natin ang thread.
full member
Activity: 2548
Merit: 217
February 21, 2020, 01:48:51 AM
#36

Maraming nalolokong mga newbie doon sa MAKE MONEY FAST SCAMS kasi diba baguhan palang sila so ang gusto nila ay ang kumita lang ng kumita.
at sila naman talaga ang target ng mga scammers at yong mga mapanghangad ng malaki at madaliang kita in other word Greed
Quote
Syempre ang mga newbie hindi naman ganun kasanay so sila yung pinaka dapat nagiingat sa mga bagay na nabanggit mo. Pero totoong napakadali nilang magtiwala dahil hindi sila nakakatanggap ng guide about this kind of trading.
kaya talagang malaking tulong ang mga tulad nitong thread para may idea at makaiwas ang mga pwedeng maging biktima in future.
Quote
Lalo na yung mga scammers na nagpapakita ng portfolio para makakuha ng maraming tao na maniwala sa kanila. Dapat maging alerto rin tayong professional na ibahagi natin yung mga dapat at di dapat gawin sa trading. Tulungan natin sila na maiwasan ang mga yon tulad ng ganitong topic na dapat mabasa nila. Napakahirap mascam lalo na kung yung perang gamit mo ay pinaghirapan mo ng maigi tapos makukuha lang ng scammer. Dapat silang maliwanagan ukol sa mga scam na yan.
sa tulong na din nating lahat.ipalaganap nating ang mga ganitong post at yong mga kakilala din natin ay lage nating i update sa mga latest scamming strategies.
sr. member
Activity: 2618
Merit: 439
February 20, 2020, 10:21:00 PM
#35
Kung may alam pa kaung ibang scam schemes na maaaring maaaring e post dito upang makatulong sa kababayan nating baguhan palang e idagsag nyo na dito maganda Ito pang reference upang maka tulong tayong ma educate sila at para din makita at maka iwas din tayo sa iba't - ibang modus ng mga scammer.
May isa pa na madalas ginagamit ng mga scammers in recent years sa crypto world:

  • Gambling game scams [e.g. SCAM ALERT https://crypton.bet]
    Kokontaking kayo ng scammer through isa sa mga social apps tapos sasabihin nila na moderator or admin sila ng isang crypto gambling site at kaya nilang piliin kung cnu ang lalabas na winner dun sa laru tapos sasabihin nila na hati sila sa winnings ng 50-50 pero kailangan mag deposit kayo para malaman nya na hindi bot ang kausap niya.
    - Proof

na experience ko na to kabayan,minsan na akong na message(actually twice pala though hindi halos parehas ng format ng pag approach pero halos same ang systema ng pang aakit)nung simula ng pag uusap medyo umiral ang pag ka greedy ko,pero nung nagsimula na ako pilitin na mag deposit muna at talagang insisting sya at paulit ulit na kami eh naghinala na ako and then Blocked .
ang kalaban lang talaga natin ay sarili nating greed para mabiktima tayo ng mga scammers na to.
sr. member
Activity: 1456
Merit: 267
Buy $BGL before it's too late!
February 20, 2020, 12:23:03 PM
#34
Kung may alam pa kaung ibang scam schemes na maaaring maaaring e post dito upang makatulong sa kababayan nating baguhan palang e idagsag nyo na dito maganda Ito pang reference upang maka tulong tayong ma educate sila at para din makita at maka iwas din tayo sa iba't - ibang modus ng mga scammer.
May isa pa na madalas ginagamit ng mga scammers in recent years sa crypto world:

  • Gambling game scams [e.g. SCAM ALERT https://crypton.bet]
    Kokontaking kayo ng scammer through isa sa mga social apps tapos sasabihin nila na moderator or admin sila ng isang crypto gambling site at kaya nilang piliin kung cnu ang lalabas na winner dun sa laru tapos sasabihin nila na hati sila sa winnings ng 50-50 pero kailangan mag deposit kayo para malaman nya na hindi bot ang kausap niya.
    - Proof

Narinig ko na rin tong scheme na to madalas sa telegram or sa discord channels,mga nagpapanggap na pwede Kang ipanalo then hati kayo meron pang website talaga pero bago ka makapagwidraw need mo magdeposit para maactivate yung account mo. Kailangan mag ingat buti naishare ni OP at ng iba pang concerned kababayan natin.
legendary
Activity: 2968
Merit: 3406
Crypto Swap Exchange
February 20, 2020, 12:13:35 PM
#33
Kung may alam pa kaung ibang scam schemes na maaaring maaaring e post dito upang makatulong sa kababayan nating baguhan palang e idagsag nyo na dito maganda Ito pang reference upang maka tulong tayong ma educate sila at para din makita at maka iwas din tayo sa iba't - ibang modus ng mga scammer.
May isa pa na madalas ginagamit ng mga scammers in recent years sa crypto world:

  • Gambling game scams [e.g. SCAM ALERT https://crypton.bet]
    Kokontaking kayo ng scammer through isa sa mga social apps tapos sasabihin nila na moderator or admin sila ng isang crypto gambling site at kaya nilang piliin kung cnu ang lalabas na winner dun sa laru tapos sasabihin nila na hati sila sa winnings ng 50-50 pero kailangan mag deposit kayo para malaman nya na hindi bot ang kausap niya.
    - Proof
sr. member
Activity: 1330
Merit: 326
February 18, 2020, 08:45:02 PM
#32
When i thought that I knew some networking, doubling your money was totally scam, nabiktima naman ako ng cloud mining sites.  Sad Actually, marami ang ganitong scenario even the smart person can actually fall for some "new" scam tactics. Well, lesson learned na ito sa mga nabiktima like me who fall for that cloud mining. Hindi na din ako basta basta nag ki click lang ng mga links (possible suspicious phishing links, etc) lalo na at nakasalalay ang data and crypto stored coins na nasa phone.
I remember! Yung famous na hashocean cloud mining before, Mga taong 2016 sobrang sikat niya dito sa Pilipinas, I don't know if dito lang pero sobrang dami ng investor ang na scam dahil sa pag takbo ng cloud mining site na yun, I am also a victim  Cry Medyo malaki din ang nawala sakin before at ang pinaka lesson na nakuha ko dahil sa pangyayari na yun ay ang wag mag tiwala sa mga too good to be true investment, Since then hindi nako nag invest sa kahit anong ponzi scheme kasi nakaka dala din.

Totoo, actually akala natin na alam na natin lahat ng klase ng scam but we still fall sa mga bagong way of thinking ng mga scammers. Nung una nga ay hindi ko matanggap na mabibiktima ako ng ganito, cloud mining websites dahil because I thought I can already spot some scam sites or what.

Ngayon nga kahit sabihin nilang legit or what, I refrain myself from cloud mining sites dahil sa na experience ko. Ang masaklap pa dito, ang napasok kong isang cloud mining website ay to get my personal info pala. Sa madaling salita, they've hacked my wallet. Naku basta nakakatakot at nagka phobia ako sa nangyari before.

Ingat ingat mga kabayan. Always think before you click.
member
Activity: 420
Merit: 28
February 18, 2020, 06:17:59 PM
#31
May kaibigan akong hanggang ngayon ay nag-iinvest pa rin sa mga doubler at kahit na pinayuhan ko na siya na tumigil ay hindi pa rin siya talaga nagpatigil pero ginawa ko naman yung makakaya ko para siya ay balaan.
Yan ang hirap pag kumita ka sa isang bagay akala mo e tuloy tuloy na kahit pagsabihan mo pa e di talaga titigil. Mahilig din ako sumali sa doubler dati i think year 2016. Karamihan naman sa nasalihan ko e nagbayad naman at dumoble nga yung pinasok kong btc pero dapat lang talaga e nasa unahan ka para hindi ka mahuli pag hindi na nagbayad.
full member
Activity: 1624
Merit: 163
February 16, 2020, 07:44:54 PM
#30
Magandang info ito OP lalo't dito sa pilipinas hindi masyadong regulated ang mga ganyan. Sobrang kalat dito ang pyramid-scheme at mga website na nagsasabing dodoblehin daw ang pera nila kung saan-saan. Paglilinaw ko lang sa Cloud mining. Sa mga sakaling makakakita ng legit na cloud mining, hindi ka masyadong kikita at minsan ay lugi kapa pag-tapos ng contract mo depende sa galaw ng Bitcoin price. Kahit makita mo ito, hindi ko parin recommended kasi taon mo pa bago mo makikita ang profit mo.

Ang ginagawa nila ay malaking ang ROI mo sa unang buwan pero paunti ng paunti hanggang malugi kana ng hindi mo namamalayan.

99% ng cloud mining ay scam at ang 1% ay mga legit pero low to zero ang ROI kaya avoid-avoid talaga.
hero member
Activity: 2520
Merit: 783
February 16, 2020, 05:33:50 PM
#29
Kung may alam pa kaung ibang scam schemes na maaaring maaaring e post dito upang makatulong sa kababayan nating baguhan palang e idagsag nyo na dito maganda Ito pang reference upang maka tulong tayong ma educate sila at para din makita at maka iwas din tayo sa iba't - ibang modus ng mga scammer.
Kalimitan ng mga scammer ngayon nasa mga Group Chats ng ibat ibang platform such as Telegram. Sa minomoderate ko ngayon talamak ang mga scammers at mga nagaattempt kaya napakadami kong nasipa sa Group.

Mga nagmamaang maangan pa kunwari inosente. Kaya payo ko din pag nasa mga gantong platform kayo never Trust PMs (except my Group I think Smiley dahil alam ko Legit nga nandoon) marami ang gumagamit ng promotions para makapanlinlang kaya dapat insta blcok agad pag may ibang nag Pm at hnd kilala

Napaka dami ko nang engkwentro na nagkukunwaring admin sa tele at sinasabi nila na secret investment at deposit that certain amount for more percentage at iba blah blah blah nila pero lahat in block agad sakin kasi obvious na masyado na scam in at payo ko sa mga kababayan natin lalo na sa mga telegram user na mag ingan sa ganitong modus at e check always ang user name ng mga admin para di mabiktima.
legendary
Activity: 1428
Merit: 1166
🤩Finally Married🤩
February 14, 2020, 04:53:01 PM
#28
Kung may alam pa kaung ibang scam schemes na maaaring maaaring e post dito upang makatulong sa kababayan nating baguhan palang e idagsag nyo na dito maganda Ito pang reference upang maka tulong tayong ma educate sila at para din makita at maka iwas din tayo sa iba't - ibang modus ng mga scammer.
Kalimitan ng mga scammer ngayon nasa mga Group Chats ng ibat ibang platform such as Telegram. Sa minomoderate ko ngayon talamak ang mga scammers at mga nagaattempt kaya napakadami kong nasipa sa Group.

Mga nagmamaang maangan pa kunwari inosente. Kaya payo ko din pag nasa mga gantong platform kayo never Trust PMs (except my Group I think Smiley dahil alam ko Legit nga nandoon) marami ang gumagamit ng promotions para makapanlinlang kaya dapat insta blcok agad pag may ibang nag Pm at hnd kilala
hero member
Activity: 2520
Merit: 783
February 08, 2020, 05:52:22 PM
#27
Kung may alam pa kaung ibang scam schemes na maaaring maaaring e post dito upang makatulong sa kababayan nating baguhan palang e idagsag nyo na dito maganda Ito pang reference upang maka tulong tayong ma educate sila at para din makita at maka iwas din tayo sa iba't - ibang modus ng mga scammer.
hero member
Activity: 2632
Merit: 787
Jack of all trades 💯
February 07, 2020, 08:42:49 AM
#26
When i thought that I knew some networking, doubling your money was totally scam, nabiktima naman ako ng cloud mining sites.  Sad Actually, marami ang ganitong scenario even the smart person can actually fall for some "new" scam tactics. Well, lesson learned na ito sa mga nabiktima like me who fall for that cloud mining. Hindi na din ako basta basta nag ki click lang ng mga links (possible suspicious phishing links, etc) lalo na at nakasalalay ang data and crypto stored coins na nasa phone.
I remember! Yung famous na hashocean cloud mining before, Mga taong 2016 sobrang sikat niya dito sa Pilipinas, I don't know if dito lang pero sobrang dami ng investor ang na scam dahil sa pag takbo ng cloud mining site na yun, I am also a victim  Cry Medyo malaki din ang nawala sakin before at ang pinaka lesson na nakuha ko dahil sa pangyayari na yun ay ang wag mag tiwala sa mga too good to be true investment, Since then hindi nako nag invest sa kahit anong ponzi scheme kasi nakaka dala din.

May investment din ako dun at kumita din naman kahit papano Kasi medyo tumagal din sila at dahil dun nakuha ko ung capital at profit pero di narin ako nag reinvest kalaunan nakakutob na medyo pahina sila ng pahina. Pero nasundan padin in ng iba't ibang cloudmining sites at dun nako natalo ng malaki-laki din kaya simula nun umiwas nako sa mga hyip investment at good thing natuntun ko itong forum at dito kumita talaga magpa hanggang ngayon.
sr. member
Activity: 952
Merit: 274
February 07, 2020, 05:48:16 AM
#25
When i thought that I knew some networking, doubling your money was totally scam, nabiktima naman ako ng cloud mining sites.  Sad Actually, marami ang ganitong scenario even the smart person can actually fall for some "new" scam tactics. Well, lesson learned na ito sa mga nabiktima like me who fall for that cloud mining. Hindi na din ako basta basta nag ki click lang ng mga links (possible suspicious phishing links, etc) lalo na at nakasalalay ang data and crypto stored coins na nasa phone.
I remember! Yung famous na hashocean cloud mining before, Mga taong 2016 sobrang sikat niya dito sa Pilipinas, I don't know if dito lang pero sobrang dami ng investor ang na scam dahil sa pag takbo ng cloud mining site na yun, I am also a victim  Cry Medyo malaki din ang nawala sakin before at ang pinaka lesson na nakuha ko dahil sa pangyayari na yun ay ang wag mag tiwala sa mga too good to be true investment, Since then hindi nako nag invest sa kahit anong ponzi scheme kasi nakaka dala din.
Isang pag kakamali ko din ang pagsali sa mga cloud mining dati, akala ko dati na kikita kaagad ako sa pamamagitan ng pagsali doon. Nung mag papayout sana ako doon ko lang nalaman na scam pala yun. Simula nun naging maingat na ako pag dating sa mga investment para hinde na ulit mangyari saakin ang mga ganung bagay. Ok lang saakin dahil nakita ko yung lessons sa pagkatalo ko na yun. Sa mga newbies, mag ingat palagi sa mga investment at mag research ng mabuti para maiwasan ang scam.
legendary
Activity: 2492
Merit: 1145
Enterapp Pre-Sale Live - bit.ly/3UrMCWI
February 07, 2020, 03:29:31 AM
#24
When i thought that I knew some networking, doubling your money was totally scam, nabiktima naman ako ng cloud mining sites.  Sad Actually, marami ang ganitong scenario even the smart person can actually fall for some "new" scam tactics. Well, lesson learned na ito sa mga nabiktima like me who fall for that cloud mining. Hindi na din ako basta basta nag ki click lang ng mga links (possible suspicious phishing links, etc) lalo na at nakasalalay ang data and crypto stored coins na nasa phone.
I remember! Yung famous na hashocean cloud mining before, Mga taong 2016 sobrang sikat niya dito sa Pilipinas, I don't know if dito lang pero sobrang dami ng investor ang na scam dahil sa pag takbo ng cloud mining site na yun, I am also a victim  Cry Medyo malaki din ang nawala sakin before at ang pinaka lesson na nakuha ko dahil sa pangyayari na yun ay ang wag mag tiwala sa mga too good to be true investment, Since then hindi nako nag invest sa kahit anong ponzi scheme kasi nakaka dala din.
sr. member
Activity: 1330
Merit: 326
February 06, 2020, 07:15:53 PM
#23
When i thought that I knew some networking, doubling your money was totally scam, nabiktima naman ako ng cloud mining sites.  Sad Actually, marami ang ganitong scenario even the smart person can actually fall for some "new" scam tactics. Well, lesson learned na ito sa mga nabiktima like me who fall for that cloud mining. Hindi na din ako basta basta nag ki click lang ng mga links (possible suspicious phishing links, etc) lalo na at nakasalalay ang data and crypto stored coins na nasa phone.
full member
Activity: 2128
Merit: 180
February 05, 2020, 05:17:41 PM
#22
Sa dami ng ways para mangscam di nakakapagtaka na maraming greedy na tao ren ang gumagawa nito. Sa mga newbies o kahit hinde newbies dapat talaga alamin muna naten kung ano ang legit at hinde para makasigurado tayo na ligtas ang pera naten. Pag dating sa mga investment dapat maging mapanuri tayo at wag basta basta maglalabas ng pera, ugaliing magtanong sa kinauukulan at mag tanong ng payo sa mga expert.
legendary
Activity: 3010
Merit: 1280
Get $2100 deposit bonuses & 60 FS
February 05, 2020, 11:26:16 AM
#21
Browing the forum, may nakita pa akong isang topic about sa possible na scam na  gawin ng mga malolokong tao.   Ito ay paglalagay o pag-inject ng script sa iyong cp habang nagchacharge sa public charging station. at ang KYC fraud.

Here are few methods that online scammers use to scam people till date due to lack of not knowing

1. KYC Fraud

Behold, Any body can just contact you claiming they are bank executives or customer service officer from your bank and asked you to share details to complete KYC, they will actually first tell you that your account isn't safe anymore, this have proven to works on innocent people most times.

2. Fake SMS

This days online shopping can be very dangerous if you don't go through right channels, secondly you can get fake SMS about any online shopping cash back and you will be asked to share your credentials, ATM card details etc

3. Public Charging Spots

Abstain from charging your phones from any public charging spots, scammers can use some kind of chips that installs malware or spyware's on your phone while charging, this chips copies your sensitive data and inject the malware, automatically they have access to your phone, you can lose private keys this way, even every single  passwords on your phone. instead you are better off with power banks.

Most people knows about coins this days and believe me it doesn't have to be online alone before losing your private key or recovery seed, you can easily lose them offline as well

sr. member
Activity: 924
Merit: 275
February 05, 2020, 02:59:32 AM
#20
Usually newbies talaga ang nabibiktima ng mga ganitong panloloko kaya kung meron tayo personally na hinikayat sa mundo ng crypto wag natin sila pabayaan, i guide natin at turuan para hindi sila maloko.

Kalimitan pa naman ng newbies ang gustong unang mangyari kumita na agad kahit wala pang sapat na kaalaman, kaya madali sila masilaw sa malaking return lalo na yung mga btc doubler. Siguro marami naman satin na experience na ang ma scam at natuto na rin sa mga past experiences, share natin sa iba yung mga bagay na dapat nila malaman para hindi sila mabiktima ng mga scammer.
Sila kasi ang target ng mga scammers kasi mga baguhan sila kaya naman napaka vulnerable sila pag dating sa mga scam na projects. Hinde pa sila aware kung paano kikita sa market at kinakain sila ng kanilang sariling mga greed kaya madali silang maloko ng ibang tao. Noong newbie ako aware na ako sa mga scam at hinde ako naging greedy kasi alam kong may consequences yun. Nag focus lang ako sa pag papalawak ng aking mga kaalaman para ma protektahan ko ang aking nga pera.
hero member
Activity: 3010
Merit: 629
February 05, 2020, 02:33:38 AM
#19
Usually newbies talaga ang nabibiktima ng mga ganitong panloloko kaya kung meron tayo personally na hinikayat sa mundo ng crypto wag natin sila pabayaan, i guide natin at turuan para hindi sila maloko.

Kalimitan pa naman ng newbies ang gustong unang mangyari kumita na agad kahit wala pang sapat na kaalaman, kaya madali sila masilaw sa malaking return lalo na yung mga btc doubler. Siguro marami naman satin na experience na ang ma scam at natuto na rin sa mga past experiences, share natin sa iba yung mga bagay na dapat nila malaman para hindi sila mabiktima ng mga scammer.
hero member
Activity: 2520
Merit: 783
February 05, 2020, 01:15:04 AM
#18
Mostly na nakikita ko ay HYIP and cloud mining.
Pero hindi lang talaga ako makapaniwala sa kung gano kalaki ang ibabalik sayo.
Too good to be true ang dating sa akin.

Kaya kahit noon pa hindi na ako nagsasali sa mga ganto.
Mas pipiliin ko pa siguro ang mag invest sa isang gambling service rather than those.
Yung pyramid scheme ay parang medyo luma na.
Di ko na madalas makita yan.

Maganda rin na ma-inform talaga lahat.
Kaya ako dinidiretso ko na agad mga makakausap ko kapag may ganyang kwento.

Pero di parin natin maaalis sa mga newbie na maniwala sila dito dahil gaya ko dati na-scam ako sa MGA cloudmining sites dahil nadin sa madalas sya e promote ng mga tao sa social media at nagpapakita sila ng proof ng Kita nila ayon nakumbense ako at ganito din ang ginagawa ng mga uhaw sa referrals ngaun para Lang maka refer ng mga biktima kaya dapat ingat talaga at mabuti andito tong forum para mag educate sa mga baguhan na gusto pumasok sa crypto.

"Walang mauuto kung walang magpapa-uto." Yan lagi ang nasasabi ko sa mga nabibiktima ng scam. Kapag newbie ka sa isang bagay dapat ugaliin mo na magresearch sa sarili mo.

Hindi yung dahil lang napaka-respetado ng isang tao na nag offer sayo ng investment scheme ay maglalagay ka na agad ng pera dito. Alamin mo kung ano ang mga pros and cons nito at magdecide kung worth it ba mag take ng risk.
Makakatulong din ang pagsecure ng mga private accounts upang hindi madaling mabiktima ng scam. Kung may naclick ka man na phishing link hindi pa din ito basta basta maaccess kung hindi mo ibibigay ang verification code.

Nakakalungkot lang na marami pa din sa kababayan natin ang napaka-gullible kahit ang teknolohiya ay lagi nating ginagamit.

Kahit ilang ulit na ibinalita at nakikita ng mga tao na scam ang kalalabasan is mag ririsk padin sila kaya mainam talaga na mapag-usapan Ito araw araw upang makakuha ng atensyon para mabawasan ang biktima ng mga scammers.

At kung may alam pa kayo na iba pang paraan NG mga scammer upang makapag biktima ay post nyo Lang dito para ma update natin ang thread.
hero member
Activity: 2366
Merit: 594
February 05, 2020, 12:57:33 AM
#17
"Walang mauuto kung walang magpapa-uto." Yan lagi ang nasasabi ko sa mga nabibiktima ng scam. Kapag newbie ka sa isang bagay dapat ugaliin mo na magresearch sa sarili mo.

Hindi yung dahil lang napaka-respetado ng isang tao na nag offer sayo ng investment scheme ay maglalagay ka na agad ng pera dito. Alamin mo kung ano ang mga pros and cons nito at magdecide kung worth it ba mag take ng risk.
Makakatulong din ang pagsecure ng mga private accounts upang hindi madaling mabiktima ng scam. Kung may naclick ka man na phishing link hindi pa din ito basta basta maaccess kung hindi mo ibibigay ang verification code.

Nakakalungkot lang na marami pa din sa kababayan natin ang napaka-gullible kahit ang teknolohiya ay lagi nating ginagamit.
legendary
Activity: 3318
Merit: 1133
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
February 05, 2020, 12:22:21 AM
#16
Mostly na nakikita ko ay HYIP and cloud mining.
Pero hindi lang talaga ako makapaniwala sa kung gano kalaki ang ibabalik sayo.
Too good to be true ang dating sa akin.

Kaya kahit noon pa hindi na ako nagsasali sa mga ganto.
Mas pipiliin ko pa siguro ang mag invest sa isang gambling service rather than those.
Yung pyramid scheme ay parang medyo luma na.
Di ko na madalas makita yan.

Maganda rin na ma-inform talaga lahat.
Kaya ako dinidiretso ko na agad mga makakausap ko kapag may ganyang kwento.
hero member
Activity: 1708
Merit: 606
Buy The F*cking Dip
February 04, 2020, 06:36:04 PM
#15
One basic rule that I always say to my friends na papasok pa lang sa crypto (and also, applicable na din ito sa life) is "If something is too good to be true in appearance, it probably is too good to be true in reality." Maraming times na akong na-save ng saying na ito and up to this moment, lagi ko siyang nagagamit. This saying provides you different meaning based on the status/scenario of your life but at the end, the essence of it will always stay clear.
sr. member
Activity: 1484
Merit: 277
February 04, 2020, 05:42:30 PM
#14
Maganda iyang idea mo but the problem with professional traders ay busy sila sa sarili nilang mundo.  They won't approach any of us and tell us na this x company is a scam or whatever na magbibigay babala sa atin dahil hindi naman nila tayo kilala. 
Kaya contacts is one of the best thing to have still sa bitcoin and in general sa gantong industry. Disadvantage natin kung wala tayong kilalang tao mapagtatanungan man lang ba. Tho maiiwasan din naman natin yung scams lalo na kung focused tayo sa pagreresearch para nadin sa kabutihan natin kesa lagi tayo nakasandal sa tip or timbre ng ibang tao.

Para sigurado, wag tayong mag entertain ng kahit na anong opportunity lalo na sa hindi nating kilala o yung bigla bigla lang tatawag sayo para mag offer ng investments. Karamihan kasi sa kanila may convincing factor, kaya kadalasan na interesado ang mga kinakausap ng mga ito. Mas maigi pa ilagay natin ang ating pera, kung meron man sa physical na negosyo ug mag trading sa legit na exchange kagaya ng coinspro o binance.
Ewas scam talaga, kasi ikaw ang nag manage ng pera mo using cryptocurrency kaya alam mo ang takbo.
newbie
Activity: 26
Merit: 0
February 04, 2020, 09:37:08 AM
#13
Talamak na talaga ang mga scammer kahit saan . kahit maling paraan basta pera pag kakakitaan nila . Tips para maiwasan ang scammer :
1. understand/ search-  unawain ano ba talaga ang kanilang platform ng pag iinvest mo dito dapat unawain maigi at search mag hanap ng taong makakatulong sayo  kung ikaw ay bago palang mag basa basa rin sa mga forum kung saan may makakasalamuha kang matagal na sa pag bibitcoin

2. observe - wag basta basta invest wag basta basta mag take ng risk suriin mo muna ito malalaman mo kung ito ba ay totoo o ginagamit lang sa panloloko

3. Patient - wag madaliin na kumita agad karamihan sa mga naiiscam ay yung nag mamadaling kumita ng malaki mag hitay at mag aral tungkol sa pag bibitcoin tiyak na makakamtam mo rin ito
hero member
Activity: 1834
Merit: 523
February 04, 2020, 07:46:11 AM
#12
May kaibigan akong hanggang ngayon ay nag-iinvest pa rin sa mga doubler at kahit na pinayuhan ko na siya na tumigil ay hindi pa rin siya talaga nagpatigil pero ginawa ko naman yung makakaya ko para siya ay balaan.

Yang mga platform na yan ang dapat talagang iwasan natin lalong lalo na ang mga newbie na hindi alam kung alin ang dapat nilang iwasan para hindi talaga mawala yung pera nila.
legendary
Activity: 3010
Merit: 1280
Get $2100 deposit bonuses & 60 FS
February 04, 2020, 05:34:43 AM
#11
Isa sa dahilan bakit maraming naloloko o na sscam sa cryptocurrency ay dahil sa misinformation at misconception sa cryptocurrency, karamihan ng kababayan natin lalo na yung mga newbie, ang pagkakaalam sa crypto ay isang madaling paraan para kumita, which is wrong. Mainam talaga na mag research at alamin kung saan ka man maiinvolve, cryptocurrency man o ibang bagay bago sumabak.

Huwag agad maniniwala at masisilaw sa potential na kitaan, tatandaan cryptocurrency investment man o hindi, walang madaling paraan para kumita.

Sa tingin ko kahit na anong misconception at misinformation ang natatanggap ng tao about cryptocurrency, walang kinalaman ito kung bakit sila naiiscam.  Ang pang-iiscam kasi ng mga tao ay may iisang pattern.  Iyon ay tinitrigger nila ang ating pagkaganid, pagkatakot at iniexploit ang ating pagiging ignorante at mapagtiwala.   Ibig sabihin, kung well aware tayo about sa mga process at teknik na ginagamit ng mga scammers kahit na mali ang ating pagkakaalam about cryptocurrency ay hindi tayo maiiscam.

Kaya napakahalaga ng ginawang topic na ito ni OP para paalalahanan ang mga tao tungkol sa mga sistemang ginagamit ng mga scammer para lokohin ang mga tao maging sa loob at labas ng industriya ng cryptocurrency.

Kaya contacts is one of the best thing to have still sa bitcoin and in general sa gantong industry. Disadvantage natin kung wala tayong kilalang tao mapagtatanungan man lang ba. Tho maiiwasan din naman natin yung scams lalo na kung focused tayo sa pagreresearch para nadin sa kabutihan natin kesa lagi tayo nakasandal sa tip or timbre ng ibang tao.

I couldn't agree more.
sr. member
Activity: 1484
Merit: 276
February 04, 2020, 05:13:18 AM
#10
Maganda iyang idea mo but the problem with professional traders ay busy sila sa sarili nilang mundo.  They won't approach any of us and tell us na this x company is a scam or whatever na magbibigay babala sa atin dahil hindi naman nila tayo kilala. 
Kaya contacts is one of the best thing to have still sa bitcoin and in general sa gantong industry. Disadvantage natin kung wala tayong kilalang tao mapagtatanungan man lang ba. Tho maiiwasan din naman natin yung scams lalo na kung focused tayo sa pagreresearch para nadin sa kabutihan natin kesa lagi tayo nakasandal sa tip or timbre ng ibang tao.
sr. member
Activity: 1036
Merit: 281
February 04, 2020, 03:39:45 AM
#9
Isa sa dahilan bakit maraming naloloko o na sscam sa cryptocurrency ay dahil sa misinformation at misconception sa cryptocurrency, karamihan ng kababayan natin lalo na yung mga newbie, ang pagkakaalam sa crypto ay isang madaling paraan para kumita, which is wrong. Mainam talaga na mag research at alamin kung saan ka man maiinvolve, cryptocurrency man o ibang bagay bago sumabak.

Huwag agad maniniwala at masisilaw sa potential na kitaan, tatandaan cryptocurrency investment man o hindi, walang madaling paraan para kumita.
Nag karoon kasi ng misconception sa community natin na kung saan kapag narinig nila ang salitang bitcoin ay investment and salitang kaagad nilang naiisip. Akala nila na kapag nag invest sila sa bitcoin ay madali silang yayaman sa maikling panahon. Sa mga newbies ang payo ko sa inyo ay dapat mapanuri kayo sa bawat investment. Alamin niyo din yung nga risks na inyong mahaharap at dapat alam niyo kung paano mag take ng mga worth it na investment. Ang mga scammers sa market ay pagala gala at wag tayo basta basta mag papadalos kung gusto natin ma protektahan ang ating portfolio.
hero member
Activity: 1274
Merit: 519
Coindragon.com 30% Cash Back
February 04, 2020, 03:02:09 AM
#8
Isa sa dahilan bakit maraming naloloko o na sscam sa cryptocurrency ay dahil sa misinformation at misconception sa cryptocurrency, karamihan ng kababayan natin lalo na yung mga newbie, ang pagkakaalam sa crypto ay isang madaling paraan para kumita, which is wrong. Mainam talaga na mag research at alamin kung saan ka man maiinvolve, cryptocurrency man o ibang bagay bago sumabak.

Huwag agad maniniwala at masisilaw sa potential na kitaan, tatandaan cryptocurrency investment man o hindi, walang madaling paraan para kumita.
legendary
Activity: 3010
Merit: 1280
Get $2100 deposit bonuses & 60 FS
February 03, 2020, 10:02:46 AM
#7
Kung may kakilala tayo na newbie mainam na ipabasa natin sa kanila ito para malaman nila ang dapat at hindi dapat pagkatiwalaan. Hindi kasi sapat yung pagbabasa basa lang sa internet ukol sa scams, dapat meron talagang professional trader na nagbibigay sa kanila ng advice kung ano yung mga dapat at hindi dapat gawin para hindi mabiktima ng kahit anong scams. Lalo na't yung mga scams napakagaling nilang manloko ng tao, napaka maeffort nga mga yan makakuha lang ng pera mula sa isang tao. Kaya nga dapat matibay din loob mo sa trading para hindi kaagad maakit ng mga mapanlinlang nilang diskarte. Papakitaan ka ng mga legit na records or impormasyon para lang magmukhang legit na umaasenso sila at tutulungan ka raw nila. Nako, napakadali lang gumagawa ng pekeng mga pruweba para lang mahikayat ka. Dapat magtanong ka muna sa professional kung ano ang dapat gawin upang malaman mo kung legit o hindi.

Maganda iyang idea mo but the problem with professional traders ay busy sila sa sarili nilang mundo.  They won't approach any of us and tell us na this x company is a scam or whatever na magbibigay babala sa atin dahil hindi naman nila tayo kilala.  the only thing for them to help out is to reach out to us through their blog articles, tweets or social media post warning us of these scam companies. And it is for us to read, understand and research.

Pero like I said, professional traders will keep their skill secret at hindi nila ito isishare para magkaroon ng kakumpetensiya pagdating sa trading.  If there is someone who is willing to share, i bet gusto lang nilang imonetize ang kanilang facebook page, youtube channels and their other money-making sites.

Quote
Nako, napakadali lang gumagawa ng pekeng mga pruweba para lang mahikayat ka. Dapat magtanong ka muna sa professional kung ano ang dapat gawin upang malaman mo kung legit o hindi.

Mabuti na lang at merong forum na Bitcointalk.org dahil maraming mga members dito ang active to help sa mga inquiries na ganito kahit wala silang bayad.
hero member
Activity: 1750
Merit: 589
February 03, 2020, 09:56:01 AM
#6
Bukod sa mga dapat iwasan kailangan ding maging aware ang mga newbie sa mga sistema na ginagamit ng mga scammer para makapag extort o makakuha ng pera sa mga Biktima.  Ang example na binigay ni OP ay tinatawag na Golden opportunity gambling scam o di kaya ay make money fast scams.  Sa pagsaliksik sa google nakita ko ang mga schemes o mga diskarte ay hindi lang pa kaunti kung hindi napakaraming paraan ng pang-iiscam.  Dapat maging aware tayo sa mga sumusunod:

Phishing email scams
The Nigerian scam
Greeting card scams
Bank loan or credit card scam
Lottery scam
Hitman scam
Online dating (romance) scams
Fake antivirus software
Facebook impersonation scam (hijacked profile scam)
Make money fast scams (Economic scams)

Paliwanag sa link na ito

At kadalasan naman makikita natin ang mga common Scams na ito na naglipana sa internet.

Advance fee fraud
Lottery, sweepstakes and competition scams
Computer hacking
Online shopping, classified and auction scams
Banking, credit card and online account scams
Small business scams
Job and employment scams
Charity and medical scams

Maaring nyong bisitahin ang link na ito para sa mga paliwanag ng mga nabanggit.

Maaari ko bang ilagay to sa itaas? Mainam na nabasa to ng mga newbie nating kabayan para maging aware sila sa iba't - ibang uri ng scams na nagaganap gamit ang crypto, at maganda ding mabasa ng iba para reference nadin nila.

Kung may kakilala tayo na newbie mainam na ipabasa natin sa kanila ito para malaman nila ang dapat at hindi dapat pagkatiwalaan. Hindi kasi sapat yung pagbabasa basa lang sa internet ukol sa scams, dapat meron talagang professional trader na nagbibigay sa kanila ng advice kung ano yung mga dapat at hindi dapat gawin para hindi mabiktima ng kahit anong scams. Lalo na't yung mga scams napakagaling nilang manloko ng tao, napaka maeffort nga mga yan makakuha lang ng pera mula sa isang tao. Kaya nga dapat matibay din loob mo sa trading para hindi kaagad maakit ng mga mapanlinlang nilang diskarte. Papakitaan ka ng mga legit na records or impormasyon para lang magmukhang legit na umaasenso sila at tutulungan ka raw nila. Nako, napakadali lang gumagawa ng pekeng mga pruweba para lang mahikayat ka. Dapat magtanong ka muna sa professional kung ano ang dapat gawin upang malaman mo kung legit o hindi.
sr. member
Activity: 1120
Merit: 272
First 100% Liquid Stablecoin Backed by Gold
February 03, 2020, 09:50:18 AM
#5
Bukod sa mga dapat iwasan kailangan ding maging aware ang mga newbie sa mga sistema na ginagamit ng mga scammer para makapag extort o makakuha ng pera sa mga Biktima.  Ang example na binigay ni OP ay tinatawag na Golden opportunity gambling scam o di kaya ay make money fast scams.  Sa pagsaliksik sa google nakita ko ang mga schemes o mga diskarte ay hindi lang pa kaunti kung hindi napakaraming paraan ng pang-iiscam.  Dapat maging aware tayo sa mga sumusunod:

Phishing email scams
The Nigerian scam
Greeting card scams
Bank loan or credit card scam
Lottery scam
Hitman scam
Online dating (romance) scams
Fake antivirus software
Facebook impersonation scam (hijacked profile scam)
Make money fast scams (Economic scams)

Paliwanag sa link na ito

At kadalasan naman makikita natin ang mga common Scams na ito na naglipana sa internet.

Advance fee fraud
Lottery, sweepstakes and competition scams
Computer hacking
Online shopping, classified and auction scams
Banking, credit card and online account scams
Small business scams
Job and employment scams
Charity and medical scams

Maaring nyong bisitahin ang link na ito para sa mga paliwanag ng mga nabanggit.

Maraming nalolokong mga newbie doon sa MAKE MONEY FAST SCAMS kasi diba baguhan palang sila so ang gusto nila ay ang kumita lang ng kumita. Syempre ang mga newbie hindi naman ganun kasanay so sila yung pinaka dapat nagiingat sa mga bagay na nabanggit mo. Pero totoong napakadali nilang magtiwala dahil hindi sila nakakatanggap ng guide about this kind of trading. Lalo na yung mga scammers na nagpapakita ng portfolio para makakuha ng maraming tao na maniwala sa kanila. Dapat maging alerto rin tayong professional na ibahagi natin yung mga dapat at di dapat gawin sa trading. Tulungan natin sila na maiwasan ang mga yon tulad ng ganitong topic na dapat mabasa nila. Napakahirap mascam lalo na kung yung perang gamit mo ay pinaghirapan mo ng maigi tapos makukuha lang ng scammer. Dapat silang maliwanagan ukol sa mga scam na yan.
legendary
Activity: 3010
Merit: 1280
Get $2100 deposit bonuses & 60 FS
February 03, 2020, 08:23:51 AM
#4
Maaari ko bang ilagay to sa itaas? Mainam na nabasa to ng mga newbie nating kabayan para maging aware sila sa iba't - ibang uri ng scams na nagaganap gamit ang crypto, at maganda ding mabasa ng iba para reference nadin nila.

Oo naman, mas maganda ngang naisip mo na isama siya sa OP, pwede mo rin itranslate para mas maunawaan ng mga kababayan nating hindi gaanong sanay sa foreign language.
hero member
Activity: 2520
Merit: 783
February 03, 2020, 08:15:20 AM
#3
Bukod sa mga dapat iwasan kailangan ding maging aware ang mga newbie sa mga sistema na ginagamit ng mga scammer para makapag extort o makakuha ng pera sa mga Biktima.  Ang example na binigay ni OP ay tinatawag na Golden opportunity gambling scam o di kaya ay make money fast scams.  Sa pagsaliksik sa google nakita ko ang mga schemes o mga diskarte ay hindi lang pa kaunti kung hindi napakaraming paraan ng pang-iiscam.  Dapat maging aware tayo sa mga sumusunod:

Phishing email scams
The Nigerian scam
Greeting card scams
Bank loan or credit card scam
Lottery scam
Hitman scam
Online dating (romance) scams
Fake antivirus software
Facebook impersonation scam (hijacked profile scam)
Make money fast scams (Economic scams)

Paliwanag sa link na ito

At kadalasan naman makikita natin ang mga common Scams na ito na naglipana sa internet.

Advance fee fraud
Lottery, sweepstakes and competition scams
Computer hacking
Online shopping, classified and auction scams
Banking, credit card and online account scams
Small business scams
Job and employment scams
Charity and medical scams

Maaring nyong bisitahin ang link na ito para sa mga paliwanag ng mga nabanggit.

Maaari ko bang ilagay to sa itaas? Mainam na nabasa to ng mga newbie nating kabayan para maging aware sila sa iba't - ibang uri ng scams na nagaganap gamit ang crypto, at maganda ding mabasa ng iba para reference nadin nila.

EDIT: Quote ko nalang medyo malaking trabaho yun maiintindihan na nila ang content Kasi magaling sa english ang modernong pinoy.
legendary
Activity: 3010
Merit: 1280
Get $2100 deposit bonuses & 60 FS
February 03, 2020, 08:08:38 AM
#2
Bukod sa mga dapat iwasan kailangan ding maging aware ang mga newbie sa mga sistema na ginagamit ng mga scammer para makapag extort o makakuha ng pera sa mga Biktima.  Ang example na binigay ni OP ay tinatawag na Golden opportunity gambling scam o di kaya ay make money fast scams.  Sa pagsaliksik sa google nakita ko ang mga schemes o mga diskarte ay hindi lang pa kaunti kung hindi napakaraming paraan ng pang-iiscam.  Dapat maging aware tayo sa mga sumusunod:

Phishing email scams
The Nigerian scam
Greeting card scams
Bank loan or credit card scam
Lottery scam
Hitman scam
Online dating (romance) scams
Fake antivirus software
Facebook impersonation scam (hijacked profile scam)
Make money fast scams (Economic scams)

Paliwanag sa link na ito

At kadalasan naman makikita natin ang mga common Scams na ito na naglipana sa internet.

Advance fee fraud
Lottery, sweepstakes and competition scams
Computer hacking
Online shopping, classified and auction scams
Banking, credit card and online account scams
Small business scams
Job and employment scams
Charity and medical scams

Maaring nyong bisitahin ang link na ito para sa mga paliwanag ng mga nabanggit.
hero member
Activity: 2520
Merit: 783
February 02, 2020, 08:49:06 PM
#1

Dahil talamak ang scam dito at sa ibang social media platforms e nararapat Lang na e educate natin ang mga baguhan kung ano ang mga platforms na dapat nilang iwasan upang hindi mawala ang pera na pinagpaguran nila.

CLOUDMINING[/b

Alam naman nating lahat na ang mining ay isa sa paraan upang makalikom ng Bitcoin pero hindi lahat ng mga Tao ay Kaya makabili ng hardware's dahil sa presyo nito na napaka mahal at tsaka idagsag mo pa ang maintenance cost ng operation nito. Kaya ginamit ng nga scammer ang pagkakataong Ito at gumawa ng cloudmining Ponzi platforms at inooffer sa mga Tao at marami na ang nabiktima nito at hanggang sa ngayon talamak parin ang paggamit sa katagang Ito.

CRYPROCURRENCY TRADING OR BOT TRADING

Gumagamit din ito ng mga scammers upang makapag biktima ng mga tao at kadalasan ay nag papalita sila ng portfolio nila upang makuha ang inyong tiwala at maki-ride kayo sa kanilang mga trades pero Ito ay purong kasinungalingan lamang dahil ang totoong nangyayari dyan is gumagamit nilang pangpay out ang mga bagong nako ride sa panloloko nila at pag makalikom na sila ng malaking halaga e dun na magsisimula ang lag exit nila. Although meron din namang legitimate site na nag offer nito pero Hindi lang sya magpapansin dahil ang kadalasan mga napopromote ngayon at scams dahil nadin sa referral commissions na makukuha nung nag promote ng platform o di kaya nga programs na inaalok ng Tao.

MLM-PYRAMID SCHEME

Kadalasang ginagamit nilang pang enganyo sa kanilang biktima ay mga sasakyan,pera at kung ano paman at Isa Ito sa mga dapat iwasan natin dahil hindi tiyak na kikita tayo dito gaya ng pinapangako ng mga nag recruit sayo at magiging kawawa ang mga huling nag pay-in dahil tiyak sila ang lugi sa pyramid scheme na investment. Madami na tayong nababalitaang ganito at wag na magpadalawa sa matatamis na salita at mabubulaklak na abubot na pinapakita.

DOUBLER X2

Ito sikat to dati at marami din ang na biktima nito at dapat mag ingat sa mga offer na ganito dahil wala talagang platform na nag binigay ng doubleng kita sa napaka ikling panahon at dapat mag ingat at wag mahumaling dito dahil Isa lang ang kababagsakan nito at yun ay itatakbo ang pera mo.

Lahat ng  ito ay gumagamit ng Ponzi scheme na sistema at di dahil nabayaran ka nung una is matatawag mo ang isa dyan na legit, dahil un talaga ang Plano nila mag bayad upang makaakit ng mga tao upang magdadag o maka hikayat ng mga bagong tao na pumasok sa kanilang platforms.

Maging matalino sa pera at wag maniwala ng basta-basta.

Jump to: