Hindi ko rin alam pano to fix yung ganitong sitwasyon sobrang ang gulo pa talaga hirap balansehin on both sides at magkita sa gitna.
Na bigyan na kasi agad ng pangit na image yung crypto that time eh puro scams tapos bukod dito is yung mga talo sa trades tapos puro sisi nila lahat sa crypto kaya madalas pag large sum of money na notice agad ng government tapos gumagawa sila agad ng move para ma prohibit alam naman natin potential ng crypto, tsaka hindi naman madetect agad ung tax ng tao not until mag pasa sila ng documents kaya gusto ng government ma compromise yung activity ng crypto dito eh.
Hanggang ngayon naman puro panget ang pinapakita sa mga pinoy tungkol sa cryptocurrency o bitcoin dun sa mga balita, wala pa nga akong nakitang magandang balita na inuulat ng mga mainstream media tungkol sa Bitcoin o cryptocurrency. Puro ang binabalita talaga nila at itinatanim sa isipan ng mga makakapanuod na masama ang Bitcoin na parang sinasabi nilang parang huwag tangkilikin ng mga pinoy.
Kaya lang siempre may mga sariling isip tayo, at stupid lang yung mga tao na basta nalang maniniwala sa mga binabalita nilang walang katuturan na puro paninira ang kanilang mga ginagawa parati. Yan ang nakakainis sa mga mainstream media.