Kapag malaki ang kikitain agad2, mag isip-isip kna. Malamang nang-aakit lang yan para makapanloko. Buti ako kahit papano hnd agad2 naniniwala, hanggang airdrop lang ako, nakakakuha naman ako ng free money dun. Tyambahan man atleast libre.
Ganun naman talaga kumbaga to good to be true, pero kahit ganun marami parin ang naloloko at nasisilaw sa ganun kalaking kitaan. Lalo na ngayon pandemic marami ang mga taong nag hahanap ng pagkakakitaan at dumadami din scammers, dahil sasamantalahin nila yung kahinaan ng mga tao ngayon kaya nga kung may makikita tayong ganyan mas maganda mag comment at abisuhan ang mga makakakita para hindi na sila makapang loko pa.
Kasi naman pakitaan ka ba naman ng mga kinita nila sa investment na inooffer e tiyak mahuhumaling talaga ung mga newbie, lalo na ngayon na may pandemya na tiyak maraming tao ang gustong kumita dahil nagsara ang kanilang pinagtatrabahoan habang naka lockdown e tiyak sila yung madaling mahuli sa mga ganitong gawain kaya ingat-ingat nalang talaga.
Kaya nga mostly mga kilala ko (kapamilya mostly, classmates) talagang ina-advice ko na always be vigilant sa mga ganitong schemes sa social media mahirap na either maghirap ka o mahirapan ka. Advice ko always if nagtatanong sila about crypto and how to earn them, I really advice them na it isn't earned that easily kung ma-earn mo man it will take you some aeons to grasp that desirable earning but still not worth it I think because too much time being done or either by some service online na which I really recommend to them.
Oo tol, yun talaga ang dapat gawin lalo na pag nakikita natin silang nag How sa mga post na yan e dapat talaga na abisuhan at ipaintindi kung ano ang talagang layunin ng post na yan upang mailayo ang kakilala o kapamilya natin sa mga talamak na scam gaya nyan.