Ang Bitcoin ay naging popular na sa ating bansa, marami sa ating mga kababayan ang patuloy na nagiinvest at naniniwala sa Bitcoin, marami sa atin ang maimpluwensiyahan ng cryptocurrency kasama na rin dito ang ating ekonomiya
Epekto ng Crypto at Bitcoin sa Ekonomiya ng bansa. Sa kabila ng patulong na pagadopt ng bitcoin sa buong mundo ay maraming mga hamon pagdating sa pagtanggap/adoptasyon neto.
Kaalaman/Edukasyon ang bitcoin ay isa ng popular dito sa ating bansa ngunit marami pa ring mga tao ang walang sapat na kaalaman pagdating dito, dahil na rin siguro wala naman tayong proper
education pagdating sa cryptocurrency or bitcoin at yung mga interesado at nagreresearch tungkol sa bitcoin ang mga taong natututo at alam kung ano ito. Dahil din sa kakulangan ng kaalaman ay maraming mga kababayan natin ang takot nasumubok sa cryptocurrency sa pagaakala na isa itong scam dahil sa mga involvement neto sa illegal na transactions.
Sa tingin ko ang isa sa mga dahilan kung bakit marami pa rin ang di nakakaalam ng Bitcoin dahil sa wala naman talagang urgent need para aralin ito. Ang buhay ng tao ay patuloy pa rin kahit na walang kalaaman sa Bitcoin. Makakapag transact pa rin ang mga tao at matutugunan ang kanilang pangagailangan kahit na hindi sila makipagparicipate sa Bitcoin economy. Sa tingin ko hangga't walang urgency to learn ay patuloy pa rin na marami ang magpapawalang bahala tunkol sa subject ng Bitcoin learning.
Regulasyon Marami tayong regulasyon sa Bitcoin dito sa Pilipinas, Isa na dito ang pagkakaroon ng lisensiya ng mga platform dito sa bansa.
Ang pagkakaroon ng lisensiya ay sadyang normal para kinakailangan ng isang kumpanya. Sa totoo lang hindi naman mahigpit ang Pilipinas pagdating sa Bitcoin or cryptocurrency. Sa totoo pa nga isa ang Pilipinas sa mga bansa na inaaccept ang Bitcoin as mode of payment.
Volatility Alam naten ang presyo ng Bitcoin ay sobranag volatile kaya marami ang nagaalangan na maginvest o bumili ng Bitcoin. Kahit na ito ang pinakapopular na cryptocurrency ay maaaring matalo ang iyong pera kapag bumaba ang presyo ng Bitcoin sa market. High risk high reward. Kasama na rin dito ang mga negosyo na hirap makaadopt sa cryptocurrency dahil sa volatile price neto dahil sa mabilis na pagbago ng presyo ay malaki ang epekto neto sa isang negosyo.
Matatalo lang sa Bitcoin investment kung ang investor ay nagbenta ng palugi. More or less nasa tao ang problem kung bakit sila natatalo sa Bitcoin investment.
Pagiging Skalable Isa sa mga problema ng Bitcoin ay ang mabagal na transaksyondahil sa patuloy na paglawak ng bitcoin, Ngayon ay nakakaranas din tayo ng Network congestion dahil marami ang gumagamit ng Network, dahil dito ay tumataas ang fee ng bawat transaksyon.
Sang-ayon ako dito, kailangan maimprove ng Bitcoin ang kanyang scalability kung hindi ay mapag-iiwanan ito ng ibang mga kakumpetensiya kapag nagkaroon ng sapat na exposure ang mga ito.
Seguridad Marami sa ating ang nakaranas na siguro ng scams at hack, pagdating sa Bitcoin at crypto ay laganap ang mga ganitong panloloko. Kaya ay dapat alam natin kung paano naten mapoprotektahan ang ating sarili pagdating sa mga ganitong gawa.
Bitcoin network is almost unhackable, kung sakaling mascam or mahack ay siguradong kasalanan na ng user ito. Dapat maging aware at vigilant ang bawat bitcoin holder para maisawan ang mga ganitong sitwasyon ng hacking at scams.