Author

Topic: Mga Iba't ibang uri ng Bitcoin Wallet (Explained) (Read 181 times)

hero member
Activity: 3066
Merit: 629
20BET - Premium Casino & Sportsbook
Nakadepende sa tao or sa crypto user kung ano ang mas gusto nilang gamitin pero usually ang ginagamit natin na wallet ay ang mobile wallet dahil mas madaling gamitin o maintindihan alam natin yan dahil noong newbie pa lang tayo sa crypto sa mobile wallet tayo nag umpisa at chaka pa lang natin nalaman ang ibat ibang klase ng wallet.
Sa mobile wallet, madali lang siya kasi gamitin at pwede mo gamitin kahit nasaan ka.

Pero kung para sa matagalan na pag store mo ng mga crypto asset mo, doon ka na sa hardware wallet.
hero member
Activity: 1834
Merit: 523
Nakadepende sa tao or sa crypto user kung ano ang mas gusto nilang gamitin pero usually ang ginagamit natin na wallet ay ang mobile wallet dahil mas madaling gamitin o maintindihan alam natin yan dahil noong newbie pa lang tayo sa crypto sa mobile wallet tayo nag umpisa at chaka pa lang natin nalaman ang ibat ibang klase ng wallet.
hero member
Activity: 2268
Merit: 588
You own the pen



Bago ka magkaroon ng bitcoin, kailangan mo ng isang lugar na paglalagyan nito. Ang lugar na iyon ay tinatawag na "wallet." Maaaring ilagay ang mga wallet sa iyong computer, mobile devices, sa isang physical storage gadgets, o kahit sa isang piraso ng papel. Dito makikita natin ang iba't ibang uri ng wallet na pwedeng paglagyan ng Bitcoin.

1. Electronic Wallets

Ang electronic wallet ay maaaring i download bilang software, o naka-host sa cloud. parang isang ordinaryong file na nakalagay sa iyong computer o device, na nagpapadali sa mga transaksyon. Ang mga naka-host na (cloud-based) na wallet ay may pagka user-friendly na interface, ngunit pinagkakatiwala mo ang iyong private key sa isang 3rd party.

2. Software Wallets

Ang pag install ng software wallet sa iyong computer ay nagbibigay sayo ng seguridad na ikaw mismo ang kumokontrlol sa iyong Keys, kadalasan madali lang itong gawin at tsaka libre pa. pero ang disadvantage nito ay palaging nangangailangan ng madalas na pag maintenance katulad ng pag back up sa iyong mga importanteng files. kung may nagnakaw ng computer mo o ito ay ma corrupted at wala kang backup ng iyong private keys, ang lahat ng bitcoins mo ay mawawala.

kailangan din ng mahigpit na seguridad, dahil kung ma hahacked ang computer mo at makukuha ng hacker ang iyong private keys, makukuha nya din ang bitcoins mo. Ang orihinal na software wallet ay ang Bitcoin Core protocol, ang program na nagpapatakbo ng network ng bitcoin. Maaari mong i-download ito dito (Hindi ito nangangahulugan na kailangan mong maging isang fully operational node), ngunit kailangan mo ring i-download ang ledger ng lahat ng mga transaksyon mula noong (2009). na humigit kumulang sa 145GB.

Pero ang kadalasang Software Wallet na ginagamit ngayon ay "light" Wallets, o SPV (Simplified Payment Verification) wallets, na hindi na kailangan i download ang buong ledger i si sync nalang ito. Ang Electrum ay isa sa mga kilalang SPV desktop bitcoin wallet na pwede din maging "Cold Storage" (Isang totally offline option para sa additional na seguridad). Ang Exodus naman ay pwedeng mag track ng multiple assets na merong sophisticated user interface. Ang ilan (tulad ng Jaxx) ay maaaring magkaroon ng wide ranged digital assets, at ang ilan (tulad ng Copay)) ay nag-aalok ng posibilidad na mag shared account.

3. Online Wallets

Ang Online o (Cloud-based) wallets ay napaka convenience, pwede mong ma access ang iyong bitcoin sa kahit anong device na may internet kung may account ka naman. madali rin lang itong i-set up, sa desktop at mobile apps madali dito mag send at mag receive ng bitcoins, at kadalasan ito ay libre.

Ang disadvantage naman nito ay yung mababang seguridad, dahil ang private key mo ay nasa kanila naka stored sa cloud, kailangan mon magtiwala sa kanilang security measures na hindi ito mawawala kasama ng iyong pera, o magsasara at baka hindi kana makapasok sa kanilang web site.

Ang karamihan ng mga sikat na online wallet ay naka attached sa exchanges, (tulad ng Coinbase at Blockchain). yung iba naman ay nag ooffer ng additional security features tulad offline storage (Coinbase and Xapo). online wallet din pala ang tawag sa Coins.ph.

4. Mobile Wallets

Ang mga mobile wallet ay mga app sa iyong smartphone, kapaki-pakinabang kung nais mong magbayad ng bitcoin para sa isang bagay sa mga tindahan na tumatanggap ng bitcoin bilang bayad, Ang lahat ng mga online na wallet at karamihan sa mga desktop na nabanggit sa itaas ay may mga mobile version, habang ang iba - tulad ng Abra, Airbitz at Bread - ay pang mobile lang talaga.

5. Hardware Wallets

Ang mga hardware wallet ay mga maliliit na device na kumukunekta sa web upang magsagawa ng mga bitcoin transaction. Ang mga ito ay lubos na ligtas, dahil ang mga ito ay karaniwang offline at hindi hackable. pero Maaari itong manakaw o mawala, kasama ang iyong bitcoins at private key na naka store hardware wallet na yun. Ang ilang mga malalaking investors ay nilalagay ang kanilang mga wallet sa hardware sa mga secure na lokasyon tulad ng mga bank vault.  ang halimbawa ng mga ito ay ang mga sumusunod: Trezor, Keepkey Ledger at Case

6. Paper Wallets

Ito Marahil ang pinakamadali sa lahat ng mga wallet, dahil isa lang itong piraso ng papel na kung saan nakatatak ang iyong bitcoin address at private key. Tamang-tama para sa pangmatagalang imbakan ng bitcoin (malayo mula sa sunog at tubig, malinaw naman), o pwede din gamiting pang regalo, ang mga paper wallet ay mas ligtas dahil hindi sila nakakonekta sa isang network. pero maging maingat kung saan mo ito itatago.
kung gusto mo matutunan kuna paano gumawa nito, i click mo lang (Guide)Gumawa ng Bitcoin Paper Wallet



Ligtas ba ang mga bitcoin Wallet?

Naka depende sa iyong pinili, at kung paano mo ginagamit ang mga ito.

Ang pinakaligtas na pagpipilian ay isang hardware wallet na pinananatiling offline, na itatago sa isang ligtas na lugar. Sa ganoong paraan walang panganib na ang iyong account ay maaaring hacked, Ngunit, kung nawala mo ang wallet, ang iyong bitcoin ay mawawala rin, maliban kung lumikha ka ng isang clone at meron kang backup ng mga key.
Ang less secure na pagpipilian ay isang online wallet, dahil ang mga key ay nandoon sa isang third party.ito din ang pinakamadaling i-set up at gamitin.

Anuman ang iyong napili ay maging maingat. I-back up ang lahat, at sabihin lamang sa iyong mga minamahal kung saan mo ito tinago o kung wala kang kumpiansa sa kanila. ikaw bahala.. hehe


Source:
https://www.coindesk.com/information/how-to-store-your-bitcoins

Jump to: