Author

Topic: Mga katanungang pang-medikal, subukan nating bigyang kasagutan (Read 200 times)

sr. member
Activity: 518
Merit: 278
May kaunting kaalaman po ako tungkol sa Modern Medicine or Orthodox Medicine at Complementary Alternative Medicine (CAM) at willing po ako magbigay ng payo patungkol sa inyong kondisyon o sa inyong problemang medikal. Bagaman hindi po ako magbibigay ng reseta na gamot kundi payo lamang. Halimbawa, mga kung ano po ang pwede nyong gamot na ipareseta sa inyong espesyalista o i-rereseta nila sa inyo; mga halamang gamot na inyong pwedeng gamitin na makakatulong sa inyong mabilis na recovery; bitamina at mineral na dapat nyong i-take para sa inyong partikular na kondisyon o karamdaman; mga alternatibong pamamaraan ng panggagamot na maari nyong subukan, at iba pa.

Panuntunan ng pagtatanong:

1. Dapat i-detalye nyo po kung ano ang inyong nararamdaman. Ibigay ang mga sintomas at kapag nakapagpatest o nakapagpasuri na ay ibigay ang diagnosis o resulta nito dito. O kung nais nyong gawing personal, i-message nyo nalang po sa akin.

2. Sagutin lang po ang mga tanong na ibibigay ko para sa ikadagdag po sa impormasyon tungkol sa inyong karamdaman.

3. Isang tanong lang po bawat isa para mapagtuunan po ng pansin lahat ng magtatanong.


Tandaan, kung kayo po ay may malalang kondisyon o sakit ay dapat magkonsulta po kayo sa doktor. Bawat payo na ibibigay ko po ay hindi nyo po dapat gamitin na kapalit sa pagpapakonsulta sa propesyonal sa larangan ng medisina. Ang doktor o espesyalista nyo parin po ang talagang makakapagbigay sa inyo ng tamang reseta o kung anong nararapat sa inyo kaya hinihikayat ko parin po na dumulog kayo sa kanila.

At panghuli, hindi po ako humihingi ng kahit ano man pong kapalit sa payo na ibibigay ko po sa inyo dito. Kaya wala po kayong obligasyon na magbigay po sa akin.
Jump to: