Author

Topic: Mga may pera sa stocks, kamusta? (Read 901 times)

legendary
Activity: 2688
Merit: 1065
Undeads.com - P2E Runner Game
June 30, 2020, 09:27:22 PM
#36

Sino nakasabay sa Merrymart trading debut weeks ago? Solved na solved.

Medyo tricky lang to kasi kawawa iyong mga nasa baba na sumakay. Dami nag-pullout sa ibang stocks at nag-all in para lang sa Merrymart.

Ganda nung pang-akit nung inception, magiging future Puregold lol. Ang ending, nganga iyong mga nag-expect.
mk4
legendary
Activity: 2870
Merit: 3873
📟 t3rminal.xyz
June 30, 2020, 09:09:51 PM
#35
ayon sa master ko na si moneygrowersPH usually di naman talaga apektado ang stock market sa mga ganitong epidemia

Weird. Any source kung saan niya sinabi ito? Dahil for sure naapektohan talaga ang stock market. Nagcrash ng malaki ung S&P500 at mejo recently lang ulit umaakyat ulit.

hero member
Activity: 2996
Merit: 808
June 30, 2020, 03:52:39 AM
#34
Meron din bang stock ang  Unionbank? okay sana kung meron din itong banko na ito dahil mas okay sila sa tingin ko dahil open sila sa crypto at inadopt na nila partially ang blockchain technology. Sana may makapag share if meron. Salamat mga paps!
UBP and Stock Code nila sa Market. Bumili ako ng ilan shares ng stocks nila before pa nung nagissue sila na magkakaroon ng bitcoin ATM sa ilang branches nila. Maganda maghold din ng stocks nila since open sila sa mga new advancement especially sa pag accept ng crypto. Pero hindi pa talaga ganun kalaki andmg tinaas ng price nila even nagstart sila nagaaccept ng crypto dahil hindi pa ladamihan ang gumagamit nito or Mali it lang din ang branch ng banks nila sa probinsya.
hero member
Activity: 2114
Merit: 562
June 22, 2020, 09:59:59 PM
#33
Meron din bang stock ang  Unionbank? okay sana kung meron din itong banko na ito dahil mas okay sila sa tingin ko dahil open sila sa crypto at inadopt na nila partially ang blockchain technology. Sana may makapag share if meron. Salamat mga paps!
newbie
Activity: 66
Merit: 0
June 20, 2020, 07:45:18 PM
#32
ayon sa master ko na si moneygrowersPH usually di naman talaga apektado ang stock market sa mga ganitong epidemia bakit kamo like yung China nga tumubo pa sila o malaki ang nag grow sa market nila which expected to be going down o maluge sila... pero sabi nga ni master sa halos lahat ng ikinalat na virus na China na yan never pa sila naluge so ang point ko dito uo yung iba bumaba ang merkado pero ganun talaga pag may perang usapan.

sa crypto naman di ako sure ehehe Grin wala kasi na banggit si master about diyan but i think its good if mag invest ngayon sa bitcoin kung may pang invest ka Tongue
newbie
Activity: 26
Merit: 0
June 14, 2020, 09:56:32 AM
#31
sa tingin ko po bagamat baguhan lang ako isang magandang pagkakataon ang bumili ng mga stock kasi bagsak nga ang presyo. sigurado na aangat din mga yon lalot at mga pangunahing stock ang bibilin.
full member
Activity: 1028
Merit: 144
Diamond Hands 💎HODL
June 14, 2020, 07:49:48 AM
#30
ako wala pa.

pangarap ng isang katulad kong mahirap at nagsusumikap ang magkaroon ng investment sa stocks kaso dahil nga sa background natin sa crypto, takot ako mag open ng account, ayoko mag start ng panibagong thread,patanong lang po: wala bang platform ang PSE na katulad sa crypto na ikaw mismo magttrade ng stocks mo?  kailangan ba ng stock broker para makapag start ka?
Bawat tao na may kaalaman sa crypto ay may pangarap na magkaroon ng investment stocks. Mahirap man mag-open ng panibagong thread ay kailangan mong magrisk para magtagumpay.

Ang mga stocks investment ay parang isang aytem na binebenta at binibili upang magkaroon ng income. Sa loob ng mga oras at panahon ay maaari itong kumita o malugi. May posibilidad na maaari itong mapakinabangan sa paglipas ng mahabang panahon. Sa stocks investment kailangan mo ng mahabang pasensya at pag-unawa.

Ang stocks investment ay parang isang lote ng lupa. Halimbawa ay bumili ka ng lote ng lupa ngayon. Sa paglipas ng panahon ang value ng lupa na iyong binili at tumataas kaya naman kung ito ay ibebenta mo paglipas ng mga panahon ay siguradong kikita ka ng malaking pera.
newbie
Activity: 7
Merit: 0
May 28, 2020, 09:37:28 AM
#29
Napaka ganda ng topic na ito. Grabe din kasi yung effect ng covid sa economy kaya ang stocks sobrang bumaba.
Kahit ata I-lift pa yung lockdown, may mga big companies na talaga malulugi at hindi alam kung makakabangon pa.

Kahit ata anung stocks, ok bumili ngayun. feel ko lang ha... any companies na nagbebenta ng food ang maganda bilhin ngayun.
Pwedeng maging ok sila after few months and for sure may gain ka.
hero member
Activity: 1680
Merit: 655
May 19, 2020, 03:28:31 PM
#28
If I'm not mistaken, noong 2015, I withdrew all of my money from the stock market and invested all of it into cryptocurrencies mainly sa Bitcoin and ETH. Malaki yung kinita ko don nung last massive bullrun ng 2017.

As of the moment, I'm planning to invest again into Philippine Stock Market dahil sa mga sobrang bababang price ng stocks ngayon due to several factors happening in our country and the whole world. Pero, mas focused ako ngayon sa crypto and together with my day job, I don't have any extra time to put it into stocks trading. My plan for now is to invest my extra money into UITFs provided by different banks (I'm eyeing BDO). Medyo mabagal kumita sa UITF pero tinitingnan ko ito as passive investment.

Kindly look at my previous post dito sa thread na ito about sa UITFs, kasi sa tingin ko kailangan mo malaman na pag UITFs ang pinili mo wala kang option to invest kung saan yung option mo lang kung anong klaseng UITF yung pipiliin mo like money market fund or equity fund (stocks). Dun din sa post ko makikita mo yung latest performance ng BDO Unibank kung saan makikita mo negative earnings nila sa lahat ng uri ng UITF na ino-offer nila. Advice ko lang sayo if hindi mo kaya mag "trade" sa Philippine Stock Market I would suggest na mag "invest" ka nalang which is not as time-consuming as trading dahil hindi mo naman palagi imo-monitor yung market dahil mag value-oriented companies at hindi speculative stocks ang pipiliin mo. Kung talagang vinavalue mo yung pera mo sa tingin ko talaga investing directly sa stock market is the right thing to go kaysa sa ilagay mo sa UITF fund.
hero member
Activity: 1708
Merit: 606
Buy The F*cking Dip
May 17, 2020, 10:02:50 PM
#27
If I'm not mistaken, noong 2015, I withdrew all of my money from the stock market and invested all of it into cryptocurrencies mainly sa Bitcoin and ETH. Malaki yung kinita ko don nung last massive bullrun ng 2017.

As of the moment, I'm planning to invest again into Philippine Stock Market dahil sa mga sobrang bababang price ng stocks ngayon due to several factors happening in our country and the whole world. Pero, mas focused ako ngayon sa crypto and together with my day job, I don't have any extra time to put it into stocks trading. My plan for now is to invest my extra money into UITFs provided by different banks (I'm eyeing BDO). Medyo mabagal kumita sa UITF pero tinitingnan ko ito as passive investment.
hero member
Activity: 1792
Merit: 536
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
May 17, 2020, 09:25:00 AM
#26
In my case, may mga stocks pa rin akong inaalagaan and I am happy to see na hindi sila apektado masyado kasi nasa food industry ang mga stocks ko. Since 2016 I have been investing heavily sa cryptocurrencies and so far siya na ang naging bread and butter ko kahit pakontikonti. Day trading para sa akin ang mas maganda sa lahat then followed by stock market investment. Anyway good luck to all of us and I am confident naman that we will be able to overcome this. Sabi nga nila, Covid ka lang, Crypto kami!
sr. member
Activity: 2044
Merit: 314
Vave.com - Crypto Casino
May 10, 2020, 06:44:34 PM
#25
I decided to stay my fund sa stocks despite na nalulugi ito kase I know naman na tataas paren ang mga blue chips company ba hawak ko. I can’t afford kase na mag all in sa Bitcoin kase I know the risk is too much for me pero instead of putting my money on stocks, medyo nakafocus ako ngayon sa cryptocurrency for my monthly investment. Malaking sugal talaga ang pagiinvest, hinde ito biro kaya kailangan naten magdecide kung ano ba ang sa tingin naten ay ok, stocks o bitcoin pa yan dapat alam mo ang ginagawa mo.
hero member
Activity: 1680
Merit: 655
May 10, 2020, 01:27:29 PM
#24
~snip
Wow! Cool! Congrats. Nag te trade ka rin ba ng cryptocurrency? Gusto ko na din kasi e try pasukin stock markets eh, kaso wala pa ako naka subok niyan, puro cryptocurrency lang ako like trading. Sa pag kakaalam ko less volatile sa stock market kompara sa cryptocurrency.
Para sa iyo if ever naka try ka na mag trade sa cryptocurrency, ano pinaka malaking advantage pag trader ka sa stock market?

Kung gusto mo mag start mag-invest (not trade) sa stock market natin madaming sikat at reliable na stock brokerage services na meron tayo and pumili ka nalang base na din siguro sa kailangan or sa convenience na gusto mo.

Most Popular Stock Brokerage Services

Col Financial - If gusto mo ng stock broker na namimigay ng libreng analysis (both FA & TA) at Stock Recommendations
Philstocks - Kung gusto mo ng simpleng platform na more suitable for traders dahil na din sa "One-Screen-Do-It-All" trading platform nila. Also meron silang partnership with UnionBank na kung saan pwede ka mag encash and deposit ng funds directly sa UnionBank account mo.

Other Bank-owned Stock Brokerage Services - Suitable sayo ito kung gusto mo connected yung bank account mo sa trading platform and also kung ayaw mo na mag-pasa ng dagdag na documents.

BPItrade - Stock Brokerage services of Bank of the Philippine Islands (BPI)
BDO Nomura - Stock Brokerage services of BDO Unibank
First Metro Sec - Stock Brokerage services of Metrobank

Ito yung natatandaan kong requirements para sa COL Financial at Philstocks
Code:
- 2 Valid IDs (with signature)
- Tax Identification Number (for non-students)
- 5,000 ₱ Initial Deposit

Tama ka na "less volatile" ang stock market lalo na ang stock market natin dito sa Pilipinas except sa mga speculative stocks katulad ng DITO na binaggit ni akopjpuge. Payo ko lang sayo since baka hindi mo kayang i-handle ang both crypto at speculative stocks I would recommend you na mag-concentrate nalang sa mga growth stocks dahil baka hindi mo naman ma-monitor ang parehas na market. Pag sinabi kong "growth stocks" look for companies na kasama sa Small and Medium Enterprises kasi sila yung may malaking chance na lumago as compared sa Ayala Corp, San Miguel, o SM. Ito na rin siguro yung masasabi kong advantage dito sa stock market dahil may stability sya kaya pwede kong pagsabayin ang holdings ko both sa crypto at stock market kasi sa stock market pwede mo naman hindi tignan araw araw dahil alam mong wala syang sudden price movements.

Naka invest ako ngayon sa DITO Telecom nakabili ako sa 1.48 pesos. Hindi ko sya binenta nung umabot sya sa 2.3 pesos nasa 40% na sana ang gain ko pero hinihintay ko kasi hanggang mag fully operational na services Nila looks promising kasi siya at may potential talaga na mag grow pa

Right now DITO Telecommunity (formerly known as ISM) is a very speculative stock as well as a controversial one, yung operations nila na dapat nag-rollout na ng 2020 biglang nag pushback ng July 2021. Bukod dun napaka maduming maglaro ang owner ng DITO, Dennis Uy, kasi sya mismo nagte-take advantage sa speculation. Nung time na nasa 3-4₱/share yung stock ng ISM siya pati ang asawa nya nag-offload ng shares na kinabahala ng shareholders nila kaya ito bumababa below 1₱/share nung Marso kasabay narin ng lockdown. Hindi ko masasabi na investment ang DITO ngayon kasi wala pa naman silang revenu na nage-generate kaya purely speculative stock sya hindi din sigurado kung mage-extend pa yung deadline nila kaya very risky hawakan ang DITO ngayon.

legendary
Activity: 2548
Merit: 1397
May 09, 2020, 09:42:45 AM
#23
Naka invest ako ngayon sa DITO Telecom nakabili ako sa 1.48 pesos. Hindi ko sya binenta nung umabot sya sa 2.3 pesos nasa 40% na sana ang gain ko pero hinihintay ko kasi hanggang mag fully operational na services Nila looks promising kasi siya at may potential talaga na mag grow pa
Wow! Cool! Congrats. Nag te trade ka rin ba ng cryptocurrency? Gusto ko na din kasi e try pasukin stock markets eh, kaso wala pa ako naka subok niyan, puro cryptocurrency lang ako like trading. Sa pag kakaalam ko less volatile sa stock market kompara sa cryptocurrency.
Para sa iyo if ever naka try ka na mag trade sa cryptocurrency, ano pinaka malaking advantage pag trader ka sa stock market?
jr. member
Activity: 236
Merit: 4
May 09, 2020, 08:03:41 AM
#22
Sa ongoing economic crisis na kinakaharap ng buong mundo, halos lahat ng stocks ay apektado. Umabot pa nga sa punto na negatibo na ang presyo ng krudo sa US dahil sa sobrang taas ng supply at kakulangan ng demand. Bagama't ganito ang sitwasyon kaliwa't kanan, napapaisip lang ako kung mayroon pa ba sa'tin dito ang may positions na open sa stock market? At kung ganon, anu-anong companies ito at bakit? Sa ngayon, 40% ng assets ko ngayon ay cash, at ang natitirang 60% ay ibinili ko na ng bitcoin/ETH. Yung natitirang pera sa aking BPISec at COL financial accounts ay kinuha ko na rin kahit lugi na ako, at isinugal ko nang lahat sa bitcoin/ETH.

Mayroon ba ditong nagsi-share ng ganitong sentimiyento? Malakas lang ang loob kong gawin ang ganitong move dahil sa kasalukuyan ay wala naman akong ginagastos o binubuhay na pamilya. At hindi naman kalakihan ang aking life savings (separate pa sa savings para sa negosyo)--pero hindi ko iminumungkahi na gawin ninyo ito. Napapaisip lang talaga ako kung may mga gumagawa pa rin ba ng mga galaw sa stock market kahit hirap nang huminga ang ekonomiya ng buong mundo?

Naka invest ako ngayon sa DITO Telecom nakabili ako sa 1.48 pesos. Hindi ko sya binenta nung umabot sya sa 2.3 pesos nasa 40% na sana ang gain ko pero hinihintay ko kasi hanggang mag fully operational na services Nila looks promising kasi siya at may potential talaga na mag grow pa
legendary
Activity: 2576
Merit: 1043
Need a Marketing Manager? |Telegram ID- @LT_Mouse
May 09, 2020, 07:43:18 AM
#21
ako wala pa.

pangarap ng isang katulad kong mahirap at nagsusumikap ang magkaroon ng investment sa stocks kaso dahil nga sa background natin sa crypto, takot ako mag open ng account, ayoko mag start ng panibagong thread,patanong lang po: wala bang platform ang PSE na katulad sa crypto na ikaw mismo magttrade ng stocks mo?  kailangan ba ng stock broker para makapag start ka?
Sa totoo lang, mas malaki ang risk sa crypto kaysa sa stock market dahil mas volatile ito kay sa sa stock market so bakit ka matatakot mag open ng account.

Regarding sa tanong mo, walang ibang way para makabili ng stocks/shares ng isang company bukod sa mga brokers gaya ng ColFinancial, First Metro, AAA Equities etc.
Itong mga brokers na ito ay para lang din namang exchanges sa crypto na may fees at pwede kang mag buy and sell dun. Parang parehas lang din naman ng logic, ung volatility lang naman ang alam kong pinagkaiba ng dalawa.

Well, mahirap taung lahat dito at nagsusumikap pero kung gusto mong umahon sa buhay wag mong hayaan na kainin ka ng takot mo dahil di tau aasenso pag ganyan. Pag di ka nag risk then wala kang reward na makukuha.
hero member
Activity: 1680
Merit: 655
May 09, 2020, 05:33:37 AM
#20
~snip
Is it better to cut losses na ba or should i wait for the maturity period? . I understand the current situation and i am still hopeful to at least gain kahit man lang within 5K range dahil last year pa ako nagstart niyan. They said wait 5 years before withdrawing dahil matagal daw talaga makita ang magandang return. What are the better options maliban sa UITF? I don't have that much time when it comes to Stock Trading, I saw PAGIBIG MP2 Investment Program dahil sire ang return though you need to cash in large amount of money to gain more return.

It will purely depend on you, if yung range ng pagka-talo mo within 5-10% ng capital mo I think nasa range naman sya ng acceptable na losses kung trading/investment ang pag-uusapan, pero kung mas higit pa dun yung pag-baba ng value ng hinahawakan mo ngayon dito ko na masasabi na naka-depende sayo ito kung yung talo na yun kaya mong sikmurain o hindi. Also is the fund manager/bank insisting you to wait for 5 years at binibigyan ka ng guarantee na may tubo ito? Pagka ganun yung sinasabi nila sayo I think it is time to pull your funds out surely linoloko ka nalang ng mga yan dahil kung panget na performance nila kahit down yung market ngayon what more pa kaya pagka naka-recover na yung market? Kung tinanggap mo na yung pagka-talo mo sa tingin ko mas better pa yung opportunity mo rini-invest mo yung nakuha mong capital sa stock market right now, maganda ang opportunity ng mga presyo ng big companies ngayon sa sobrang dami ng pag-pipiliin mo ang problema mo nyan kung may budget ka pa para sa investment.
sr. member
Activity: 644
Merit: 364
In Code We Trust
May 07, 2020, 01:26:58 AM
#19
ako wala pa.

pangarap ng isang katulad kong mahirap at nagsusumikap ang magkaroon ng investment sa stocks kaso dahil nga sa background natin sa crypto, takot ako mag open ng account, ayoko mag start ng panibagong thread,patanong lang po: wala bang platform ang PSE na katulad sa crypto na ikaw mismo magttrade ng stocks mo?  kailangan ba ng stock broker para makapag start ka?

Sa pag kakaalam ko hindi ka talaga pwede magtrade by urself without any brokers na tutulong sayo. Even pag withdraw at deposit ng funds need mo talaga ng broker unlike sa cryptocurrency, madali mag open ng account as easy as downloading an app then mag papaload ka lang sa coins meron kanang funds na pwedeng i transfer sa trading sites such as binance.
legendary
Activity: 2240
Merit: 1069
May 06, 2020, 03:24:14 AM
#18
ako wala pa.

pangarap ng isang katulad kong mahirap at nagsusumikap ang magkaroon ng investment sa stocks kaso dahil nga sa background natin sa crypto, takot ako mag open ng account, ayoko mag start ng panibagong thread,patanong lang po: wala bang platform ang PSE na katulad sa crypto na ikaw mismo magttrade ng stocks mo?  kailangan ba ng stock broker para makapag start ka?

Meron din naman online stocks broker like Colfinancial. Same lang ng logic sa platform ng crypto. Ikaw mismo mag lalagay ng price ng buy o sell mo. Ito gamit ko ngayon.

Nabenta ko 2018 majority ng stocks ko sa PSE (House Renovation) Pero now magandang opportunity para pumasok uli.

tama ka jan. Kung ang iba ang tingin sa sitwasyon ngayon ay crisis, sa iba naman ito ay opportunity.
full member
Activity: 692
Merit: 100
May 06, 2020, 12:31:09 AM
#17
Nabenta ko 2018 majority ng stocks ko sa PSE (House Renovation) Pero now magandang opportunity para pumasok uli.
full member
Activity: 630
Merit: 102
May 04, 2020, 10:19:34 AM
#16
ako wala pa.

pangarap ng isang katulad kong mahirap at nagsusumikap ang magkaroon ng investment sa stocks kaso dahil nga sa background natin sa crypto, takot ako mag open ng account, ayoko mag start ng panibagong thread,patanong lang po: wala bang platform ang PSE na katulad sa crypto na ikaw mismo magttrade ng stocks mo?  kailangan ba ng stock broker para makapag start ka?
jr. member
Activity: 37
Merit: 2
May 03, 2020, 09:42:12 AM
#15
sale ngayon sa stock marami mura yong iba nag iimbak na..kahit down sa ngayon ang dami pa rin kumikita..sa pamamagitang ng scalping kadalasang sa isang pag trade o scalp pa lamang kumikita ako ng 5000-14,000 pesos per trade , bastat maraunong kalang kung saan ka mag entry tapos exit agad after ilang minutes o oras..at saka bastat marunong kalang pumili ng stocks na e trade mo kikita ka talaga kahit red market at may pandemic
full member
Activity: 364
Merit: 118
Bounty Campaign Manager? --> https://goo.gl/YRVVt3
April 26, 2020, 12:03:15 AM
#14
Correct me if i'm wrong, I know related ang UITF sa Stocks

Not all UITFs are related to stocks, ang tanging related lang sa stocks ay ang tinatawag ng Equity Fund  under UITFs. If may nakita kang UITFs under Money Market Funds at Medium-Intermediate Bond Funds ito yung mga UITFs na nag-iinvest sa assets maliban nalang sa stocks from fixed-deposits to debt instrument ito yung mga assets na kung saan linalagay yung pera ng mga investor. UITFs under Equity Funds lang ang masasabi mo na related sa stocks or ang mga mutual funds lang under Equity Fund ang related sa stocks dahil sila lang yung para dito, bawal sila paghaluin sa ibang asset kasi mahirap mag manage ng ganito fund type and hindi sya stable.

Last Year, Started UITF something offered to me by ******* Bank. Cash in Started by 10K,10K,20k,5K,5K ang changed it by auto debit of 5K per month, currently I stopped this because the market is down and i have the lowest number of incoming clients in my work which is understandable because of COVID-19. So i stopped my UITF and Auto Debit because my UITF gain/losses is now at @-20K .

In my opinion you should stay away from UITFs being handled in the Philippines, bukod sa pagiging conservative at most yung pinaghirapan mo na capital ay maaring mabawasan pa dahil panget ang record nila when it comes to their ROI. To give you a good example ito yung latest performance result ng BDO UITFs under Equity Funds and lahat ng fund type nila dito returned a negative amount for their users.

click the image for the source

Investing in a UITF kumpara sa pag-invest ng sarili mo sa stock market ay wala kang complete freedom sa pag-pili mo kung anong stock yung gusto mong bilihin kasi ang fund manager ang bahala dyan, will this fund manager increase your chances of gaining money securely? Kita naman sa latest result ng BDO na palpak din ang fund manager sa pag-bigay ng magandang return para sa kanilang mga investor. Yes malaking chance kaya bumaba ito kasi down din ang buong PSE since March but that last time I check they are performing poorly bago mag-crash yung market. Also UITFs only limit the potential your money bukod sa wala kang freedom like I said earlier these fund managers are conservative and sometimes do not perform very well, pag nandito pera mo ang dami mong nami-miss na opportunity sa merkado na kung ikaw mismo nag-iinvest.

Is it better to cut losses na ba or should i wait for the maturity period? . I understand the current situation and i am still hopeful to at least gain kahit man lang within 5K range dahil last year pa ako nagstart niyan. They said wait 5 years before withdrawing dahil matagal daw talaga makita ang magandang return. What are the better options maliban sa UITF? I don't have that much time when it comes to Stock Trading, I saw PAGIBIG MP2 Investment Program dahil sire ang return though you need to cash in large amount of money to gain more return.
legendary
Activity: 2576
Merit: 1043
Need a Marketing Manager? |Telegram ID- @LT_Mouse
April 25, 2020, 10:29:26 PM
#13
Sa mga nagdedecide if gusto nilang mag invest sa stocks, I highly suggest na mag invest na kau ngaun and if hindi nyo pa alam mag trade mas maganda if sa blue chips ang bilhin nyo like JFC, ALI, RLC, MEG, MER etc. Sale lahat ng mga stocks ngaun base sa isang stock market trader. This is the perfect time to buy if long term ang tingin mo habol mo sa stocks Smiley

Don't get me wrong, but blue chip stocks are only worth investing to kapag malaki laki na ang maipapasok mong pera dito. Most of the time, 1-2% movement lang ang nangyayari sa ganitong mga stocks kada araw given na highly-established na ang mga companies involved plus stable naman yung mga kumpanya. My brother's strategy though is kinda different: madalas siyang on the lookout for newly-listed stocks sa market, especially startups at ipinapasok niya ang pera don. He's made quite a fortune by doing this for years kaya sa kanya ko ipinahandle yung stock market endeavors ko nung nabusy na ako sa business at sa lab works.
Walang mali sa sinabi mo at tama na malimit ang galaw ng mga blue chips sa ngaun pero if you are seeing stock market in long term perspective, this time is the perfect time to buy already. Na reach na natin ang potential bottom ng market at ang mga stocks especially blue chips ay naka sale sa ngaun dhil sa sa crash na nangyari weeks ago. Yes kapag malaki ang capital mo, magiging profitable ang pag invest sa mga blue chips pero aside from that, pwede kang tumingin ng stocks na pwede mong itrade base sa volume, buyers at sellers at kahit hindi blue chip basta meron ito ok na.

hindi pa ako holder sa stock market ngayon at balak ko sana pumasok dito pero nag dadalawang isip na ako baka mag tuloy tuloy pa ang pag baba nang mga ito. pag natapos na seguro ang crisis ang tamang pag pasok sa stock market diba.?
Base on the charts, we may have reached the potential bottom already. Kung titignan mo ang charts ng stock market within the past weeks, pare parehas lang ang galaw. Massive drop followed by a short rise. Kung nakabili ka malapit or sa mismong bottom at nakahold ka pa rin hanggang ngayon congrats. Many experts are saying na mababa na ang chance na bumaba pa ang market although wala pang sign of reversal at nasa downtrend pa rin tau at mananatiling downtrend ng matagal na panahon (hindi ibig sabihin ay pababa dahil may chance na mag sideways ang market sa mga susunod na weeks di natin alam).

Regarding sa pagpasok mo sa stock market, matatapos ang crisis pinakamalapit 2nd quarter ng taon or baka next year pa. Sa mga buwan na un nagsiangatan na ang mga stocks (50-60% sure). Di ko sinasabing papasok ka lang kapag tapos na ang crisis pero pwede ka ring pumasok if may spare cash kang magagamit at alam mo pong magtrade or if long term investor ka ng stock market then ok lang din. Wala kasing specific date kung kelan pwede pumasok eh kasi almost anytime pwede nakadepende yan sa investor mismo.
sr. member
Activity: 763
Merit: 252
April 25, 2020, 09:57:16 PM
#12
Internet provider stocks ang binabantayan ko ngayon katulad ng bagong ISP na papasok dito sa Pilipinas. So far so good kasi naging in-demand lalo ang internet lalo't lockdown ngayon. Kung pamilyar kayo sa DITO, ayan ang binabantayan ko kasi may chance na lumago yan dahil sa mga offers at promise nila na tiyak na magpapaganda sa takbo ng internet dito sa Pilipinas.

Sa ibang stocks, small holdings lang kasi hirap na maglaro ng pera diyan.
pareho kayo nang kakilala kong nasa stock market din yan din yung binabantayan nya at binabalak bilhin lalo na yung bagong telco ngayon na balita ko unti unti narin pumapalo. hindi pa ako holder sa stock market ngayon at balak ko sana pumasok dito pero nag dadalawang isip na ako baka mag tuloy tuloy pa ang pag baba nang mga ito. pag natapos na seguro ang crisis ang tamang pag pasok sa stock market diba.?
legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
April 25, 2020, 05:22:12 PM
#11
Sa ongoing economic crisis na kinakaharap ng buong mundo, halos lahat ng stocks ay apektado. Umabot pa nga sa punto na negatibo na ang presyo ng krudo sa US dahil sa sobrang taas ng supply at kakulangan ng demand. Bagama't ganito ang sitwasyon kaliwa't kanan, napapaisip lang ako kung mayroon pa ba sa'tin dito ang may positions na open sa stock market? At kung ganon, anu-anong companies ito at bakit? Sa ngayon, 40% ng assets ko ngayon ay cash, at ang natitirang 60% ay ibinili ko na ng bitcoin/ETH. Yung natitirang pera sa aking BPISec at COL financial accounts ay kinuha ko na rin kahit lugi na ako, at isinugal ko nang lahat sa bitcoin/ETH.

Mahirap na mag sugal na stocks ngayon, sa ganang akin, halos parehas tayo ginawa years ago. May stocks na ako na hawak na binenta ko na rin, ang tagal ko na hinawakan yun, hindi naman ako nalugi dahil mura ko lang talaga nabili at kumita na ako, at isa pang dahilan kung bakit ko binenta eh napakabagal na ng usad, hindi katulad ng dati.

Mayroon ba ditong nagsi-share ng ganitong sentimiyento? Malakas lang ang loob kong gawin ang ganitong move dahil sa kasalukuyan ay wala naman akong ginagastos o binubuhay na pamilya. At hindi naman kalakihan ang aking life savings (separate pa sa savings para sa negosyo)--pero hindi ko iminumungkahi na gawin ninyo ito. Napapaisip lang talaga ako kung may mga gumagawa pa rin ba ng mga galaw sa stock market kahit hirap nang huminga ang ekonomiya ng buong mundo?

Mahirap mag advise kabayan, depende sa risk aversion mo, pero siguro mas maganda kung mag stay ka/tayo sa crypto muna at negosyo na lang. Yung binag bentahan ko pala ang stocks, yung iba nilagay ko na rin sa negosyo nung 2017 kaya kahit paano umusad din naman ang pera ng kaunti. At kung iniwan ko sa stocks malamang nalugi ako.
legendary
Activity: 3542
Merit: 1352
April 25, 2020, 09:29:18 AM
#10
Correct me if i'm wrong, I know related ang UITF sa Stocks
Last Year, Started UITF something offered to me by ******* Bank. Cash in Started by 10K,10K,20k,5K,5K ang changed it by auto debit of 5K per month, currently I stopped this because the market is down and i have the lowest number of incoming clients in my work which is understandable because of COVID-19. So i stopped my UITF and Auto Debit because my UITF gain/losses is now at @-20K .

Falls along the same category with mutual funds (I guess?), but not all UITF are related to stocks.

I think alam ko yung bangko na tinutukoy mo though I could be wrong. Lately, UITFs are under-performing kahit anong bank provider pa man yan due to the stoppage of regular economic activities. Good thing na itinigil mo muna for the mean time since mag-accumulate lang ang losses mo over time kung tumagal pa ang problema sa pandemiyang ito.

Sa mga nagdedecide if gusto nilang mag invest sa stocks, I highly suggest na mag invest na kau ngaun and if hindi nyo pa alam mag trade mas maganda if sa blue chips ang bilhin nyo like JFC, ALI, RLC, MEG, MER etc. Sale lahat ng mga stocks ngaun base sa isang stock market trader. This is the perfect time to buy if long term ang tingin mo habol mo sa stocks Smiley

Don't get me wrong, but blue chip stocks are only worth investing to kapag malaki laki na ang maipapasok mong pera dito. Most of the time, 1-2% movement lang ang nangyayari sa ganitong mga stocks kada araw given na highly-established na ang mga companies involved plus stable naman yung mga kumpanya. My brother's strategy though is kinda different: madalas siyang on the lookout for newly-listed stocks sa market, especially startups at ipinapasok niya ang pera don. He's made quite a fortune by doing this for years kaya sa kanya ko ipinahandle yung stock market endeavors ko nung nabusy na ako sa business at sa lab works.
hero member
Activity: 1680
Merit: 655
April 25, 2020, 09:22:33 AM
#9
Correct me if i'm wrong, I know related ang UITF sa Stocks

Not all UITFs are related to stocks, ang tanging related lang sa stocks ay ang tinatawag ng Equity Fund  under UITFs. If may nakita kang UITFs under Money Market Funds at Medium-Intermediate Bond Funds ito yung mga UITFs na nag-iinvest sa assets maliban nalang sa stocks from fixed-deposits to debt instrument ito yung mga assets na kung saan linalagay yung pera ng mga investor. UITFs under Equity Funds lang ang masasabi mo na related sa stocks or ang mga mutual funds lang under Equity Fund ang related sa stocks dahil sila lang yung para dito, bawal sila paghaluin sa ibang asset kasi mahirap mag manage ng ganito fund type and hindi sya stable.

Last Year, Started UITF something offered to me by ******* Bank. Cash in Started by 10K,10K,20k,5K,5K ang changed it by auto debit of 5K per month, currently I stopped this because the market is down and i have the lowest number of incoming clients in my work which is understandable because of COVID-19. So i stopped my UITF and Auto Debit because my UITF gain/losses is now at @-20K .

In my opinion you should stay away from UITFs being handled in the Philippines, bukod sa pagiging conservative at most yung pinaghirapan mo na capital ay maaring mabawasan pa dahil panget ang record nila when it comes to their ROI. To give you a good example ito yung latest performance result ng BDO UITFs under Equity Funds and lahat ng fund type nila dito returned a negative amount for their users.

click the image for the source

Investing in a UITF kumpara sa pag-invest ng sarili mo sa stock market ay wala kang complete freedom sa pag-pili mo kung anong stock yung gusto mong bilihin kasi ang fund manager ang bahala dyan, will this fund manager increase your chances of gaining money securely? Kita naman sa latest result ng BDO na palpak din ang fund manager sa pag-bigay ng magandang return para sa kanilang mga investor. Yes malaking chance kaya bumaba ito kasi down din ang buong PSE since March but that last time I check they are performing poorly bago mag-crash yung market. Also UITFs only limit the potential your money bukod sa wala kang freedom like I said earlier these fund managers are conservative and sometimes do not perform very well, pag nandito pera mo ang dami mong nami-miss na opportunity sa merkado na kung ikaw mismo nag-iinvest.
full member
Activity: 364
Merit: 118
Bounty Campaign Manager? --> https://goo.gl/YRVVt3
April 25, 2020, 08:24:08 AM
#8
Correct me if i'm wrong, I know related ang UITF sa Stocks
Last Year, Started UITF something offered to me by ******* Bank. Cash in Started by 10K,10K,20k,5K,5K ang changed it by auto debit of 5K per month, currently I stopped this because the market is down and i have the lowest number of incoming clients in my work which is understandable because of COVID-19. So i stopped my UITF and Auto Debit because my UITF gain/losses is now at @-20K .
full member
Activity: 1624
Merit: 163
April 21, 2020, 10:19:10 PM
#7
Internet provider stocks ang binabantayan ko ngayon katulad ng bagong ISP na papasok dito sa Pilipinas. So far so good kasi naging in-demand lalo ang internet lalo't lockdown ngayon. Kung pamilyar kayo sa DITO, ayan ang binabantayan ko kasi may chance na lumago yan dahil sa mga offers at promise nila na tiyak na magpapaganda sa takbo ng internet dito sa Pilipinas.

Sa ibang stocks, small holdings lang kasi hirap na maglaro ng pera diyan.
hero member
Activity: 1680
Merit: 655
April 21, 2020, 01:38:21 PM
#6
I highly suggest na mag invest na kau ngaun and if hindi nyo pa alam mag trade mas maganda if sa blue chips ang bilhin nyo like JFC, ALI, RLC, MEG, MER etc. Sale lahat ng mga stocks ngaun base sa isang stock market trader. This is the perfect time to buy if long term ang tingin mo habol mo sa stocks Smiley

Technically if you aren't a millionaire I wouldn't suggest going for blue chip companies kasi hinog na sila and they are at their stable phase for a rising company that is when we are talking about a bull or normal market. But during times like this where PSEi (Index for the top 30 companies of the Philippines) is at it's all time low and companies right now are taking a hit because of the massive selling I can say they are a good buy right now and they are a safe bet. Yung current price nila ngayon masasabi natin na ito ay hindi ito nagrereflect sa current fair market value nila kundi ito ay dulot ng panic nga sa merkado. Ika-nga ng iba this is the best time to store your extra cash in undervalued assets such as the blue chip stocks we have.
legendary
Activity: 2576
Merit: 1043
Need a Marketing Manager? |Telegram ID- @LT_Mouse
April 21, 2020, 08:12:16 AM
#5
Pumasok ako sa stock market this year lang (around February) along with my couple dalawa kaming nag invest dun at since Newbie pa lang ako (although may short background na ako sa crypto trading), nagsimula lang kami sa maliit na halaga (10,000).

As of now, wala pa akong kita sa ngaun and normal na un sa isang baguhan na di pa kumikita pero nag dadagdag ako weekly or monthly depende sa akin. Kung saan ako kumukuha?? Ung weekly payout ko sa Yolodice kumukuha ako ng portion para sa investing in stock market talaga.

Wala akong hawak na stock ngaun kasi I'm into holding at di pa ganun kalaki fund ko matagal mag grow un if mag hohold ako ngaun. Sa mga nakainvest ng Stock Market ngaun, maswerte tau dahil makakabili tau ng mga blue chips at mga stocks na pwedeng ihold for long term kasi kung titignan natin mga stock prices ngaun, nasa "SALE" sila.

Almost same lang kami ni @cryptoaddictchie ng investments na MP2, crypto at stocks. Sa mga nagdedecide if gusto nilang mag invest sa stocks, I highly suggest na mag invest na kau ngaun and if hindi nyo pa alam mag trade mas maganda if sa blue chips ang bilhin nyo like JFC, ALI, RLC, MEG, MER etc. Sale lahat ng mga stocks ngaun base sa isang stock market trader. This is the perfect time to buy if long term ang tingin mo habol mo sa stocks Smiley
legendary
Activity: 3542
Merit: 1352
April 21, 2020, 05:17:54 AM
#4
Despite the pandemic, as weird as it is, on an uptrend ang S&P500 lol. But let's not forget that the stock market isn't the economy.

True, but I believe na it's only a matter of time before S&P 500 gets a big hit on its doorsteps. Some companies listed on the index ay nakaka-experience na ng paunti-unting paggalaw towards south, though hopefully hindi ito magtuloy-tuloy. Then again, the whole economy is tumbling down, at hindi malayong sumunod ang S&P 500 companies kung lumawig pa nang tuluyan ang quarantine sa maraming parts ng mundo.

Anyway, holding certain stocks for 6 months, my $AMZN holdings are doing really really well.

Yeah, $AMZN has been doing pretty well knowing na working pa naman most of its operations as of now--or until supplies last, ika nga. Most of its investors and traders na may hawak dito ay naniniwala na it can still fare better amid the pandemic, kaya siguro ganun na lamang ka-stable ang stock na ito.

Hi OP, its been a while since I decided to close out my account (withdrawn my funds) on COL financial but lately due this crisis ongoing, I am thinking to buy dome shares rspecially sa ngayon na down ang ekonomiya. Matagal ko ng hinihintay si Jolibee na bumaba and BDO. These are my two dream blue stocks on PSEi list and naghihintay lang ng tiyempo ng good entry for these two. Kasi kahit peso cost averaging method lugi talaga lalo na sa mga starter about 2-3 years ago kasi medyo mataas ang mga value nila.

I never really got involved directly sa stock trading dahil ang kuya ko talaga naghahandle niyan. Though sa portfolio na ipinakita niya sakin, JFC and BDO are our top gainers, among others. Magandang choice if you're looking for blue chips!

Well for me you did a good job investing on bitcoin and eth, but I am gonna risk some of my funds for the abovementioned blue chips.

Perks ng pagiging solo sa buhay. Should I lose it all on cryptocurrencies, walang kaso since kaya ko namang mabuhay from paycheck to paycheck. Besides, I still have my business on the side if all else fails. I do believe that bitcoin and ETH would be nice options as investment ngayong panahon ng quarantine dahil movers ang mga ito at hindi nakarely sa outside economy para umangat o mag-appreciate in value.
legendary
Activity: 2268
Merit: 1379
Fully Regulated Crypto Casino
April 21, 2020, 02:55:00 AM
#3
Hi OP, its been a while since I decided to close out my account (withdrawn my funds) on COL financial but lately due this crisis ongoing, I am thinking to buy dome shares rspecially sa ngayon na down ang ekonomiya. Matagal ko ng hinihintay si Jolibee na bumaba and BDO. These are my two dream blue stocks on PSEi list and naghihintay lang ng tiyempo ng good entry for these two. Kasi kahit peso cost averaging method lugi talaga lalo na sa mga starter about 2-3 years ago kasi medyo mataas ang mga value nila.

Well for me you did a good job investing on bitcoin and eth, but I am gonna risk some of my funds for the abovementioned blue chips. I am also eyeing sa mga Telco project lalo na yung kay Dito Communication ni Dennis Uy

Divert funds:
Crytrocurrency holdings:Bitcoin, Eth, Binance
Stocks thru Col financial: JFC, BDO, and DC if ever!
Savings Investment fund: Pagibig MP2
Real state investment: Acquiring condo unit soon

So far ito yung mga target ko I have some na but I am making a budget % for these plans. Well mas maganda maging diverse talaga tayo sa mga plano natin.
mk4
legendary
Activity: 2870
Merit: 3873
📟 t3rminal.xyz
April 20, 2020, 09:16:08 PM
#2
Despite the pandemic, as weird as it is, on an uptrend ang S&P500 lol. But let's not forget that the stock market isn't the economy.

Anyway, holding certain stocks for 6 months, my $AMZN holdings are doing really really well.

legendary
Activity: 3542
Merit: 1352
April 20, 2020, 03:34:31 PM
#1

Jump to: