Upang mas mapaigting ang ating seguridad sa mundo ng cryptocurrency at bilang anonymous sa network na ating kinabibilangan (internet), aking minumungkahi ang ilang mga terminong kinakailangan din nating malaman upang makatulong upang patibayin ang ating kaalaman sa pagiging ligtas sa internet at sa mga bagay na dapat nating iwasan.
- Identity Theft - Ito ang paggamit sa identidad ng ibang tao, partikular na sa kanilang pangalan, Social Security Number, Driver's License, Credit Card Numbers, at Bank Account Numbers.
- Dumpster Diving - Paghahanap ng personal na impormasyon (Literal) sa mga basurahan or recycling bins. Nakapaloob dito ang Old bills, Bank Statements, Resibo, Credit Card statements na nag lalaman ng mga personal na impormasyon katulad ng pangalan, address at account numbers. Kaya't dapat din tayong mag ingat dahil sa simpleng pag tatapon natin ng mga ito, buhay at seguridad natin ang nakataya. Hindi ito biro kaya't ang akin payo, kung may itatapong nag lalaman ng SPI (Sensitive Personal Information), mabuting punit-punitin muna ito.
- Shoulder Diving - Walang duda, may ilang mga tao na pasimpleng tumitingin hindi lamang sa paggamit natin ng ATM, ngunit pati narin sa simpleng pag access natin sa mga accounts natin kahit na ito'y sa mobile lamang. Ang shoulder Diving ay ang pag sulyap mula sa likod ng isang tao upang mag nakaw ng impormasyong magagamit sa masamang paraan.
- Skimmer - Ito ay ang mga small battery-powered na reader na ginawa upang basahin ang credit card information na ipapasok natin sa ATM
- Friendly Thefts - Ito ay maaaring kapamilya, kaibigan, or kasambahay na maaaring mag purchase gamit ang ating mga accounts ng walang pahintuloy kaya't mabuting siguraduhin nating tayo lamang ang nakakaalam ng mga passwords sa ating mga accounts
- Phishing - Ang pag kuha ng mga pinansiyal na impormasyon na minsan ay ginagamitan ng mga spam. Halimbawa, ang biktima ay maaaring makatanggap ng email gamit sa kunwaring PayPal, at magtatangkang i-redirect ang biktima sa isang Website para i confirm ang isang transaksyon.
- Data Breaches - Sanhi ito ng mga hackers na pumapasok sa database, ngunit kadalasan itong nangyayari batid ng hindi pagsunod sa tamang security procedures ng isang network.
- Consumer Profiling - And ilang mga kumpanya ay nangongolekta ng mga personal na impormasyon sa mga users na kadalasang bumibisita sa mga Websites, sumasagot sa mga surveys, nag fifill out ng mga forms, o kaya naman ay gumagawa ng mga contents online.
- Cookies - Ito ay mga text files na maaaring i download sa hard drive ng mga users na bumibisita sa mga Web site, nang sa gayon, ang mga Web site ay maaaring ma identify kung sino ang visitor na mayroong paulit-ulit na pag bisita. Ito ay tinawag na cookies dahil sa mga mugmok na kung pagsasama samahin ay makabubuo ng cookies na maaaring kainin, (impormasyon may laman at mahalaga).
- Tracking Software - Ito ang nag aallow sa mga Websites upang ianalisa ang mga browsing habits at malamang ang mga personal interests ng mga visitor
Ugaliing maging mapili sa mga transaksyon na ating isasagawa online or digitally, ang mga simpleng pag reredeem ng flyer points, pag fifill out ng warranty card, pag sagot sa mga phone survey, pag bili sa mga grocery stores gamit ang loyalty cards, pag oorder galing sa mail-order catalog ay may kakayahang kumuha ng mga sensitive personal information natin at ipawalang bisa ang anonymity na ibinibigay sa atin ng cryptocurrency. Bilang karagdagan, ang ilan sa mga impormasyong maaaring makuha ay nag sisilbing daan upang bigyan tayo ng napakaraming advertisement na kataka takang lumalabas batay sa ating interes.
Ang mga basic terms na ito ay dapat nating malaman lalo pa't patuloy ang pag agat ng antas ng teknolohiya ang ang privacy ng tao ay unti-unti ng nawawala. Hindi sapa't na i asa natin ang buong seguridad sa cryptocurrency, dahil darating ang araw na kahit gaano kahigpit ang decentralisasyon at anonymity na binibigay ng crypto sa atin, maaari paring maging daan ang kawalan natin ng kaalaman sa panseguridad na bagay upang malagay tayo sa peligro.